Magkabilang Mundo (BOOK1)

By Ly_iasthics

14.2K 548 105

Some fantasy stories begin with unforseen dreams. And then one day, nagising na lamang siya na nasa ibang mun... More

SINOPSIS
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45

Kabanata 33

147 10 4
By Ly_iasthics

KABANATA 33

YUMUKO ang dalawang kawal sa harapan ni Hiriku. Naguluhan at nalilito siya na tumingin sa dalawa. At, kahit mahina at nahihirapan siya. Pinilit parin niyang gumalaw. Halos isang linggo na siyang pinaparusahan kahit pagkain hindi na nila binibigay sa kaniya. Ngayon alam na niya kung paano pinarusahan noon ang kapatid. Naranasan na niya kung paano ito lumaban kahit na walang-wala na itong masasandalan.

“A-te Nara ?” Gulat na gulat ang mukha ni Hiriku sa nakikita.

Ang akala niya wala na ang kapatid ng ina. At, bakit naka-suot ito ng pandigma na damit?! Paano ito naka-pasok sa palasyo at paano hindi alam ni Elundreno na may dalawang pinaglatiwalaan ng kapatid niya?

Mahigpit na niyakap siya ni Ate Nara. 'Yung higpit na palagi nitong ginagawa mula nung bata pa siya. Matagal nang hindi sila nag-kita at alam ni Hiriku na hindi mawala sa alaala nila ang nangyari noon.

“A-ate N-nara” Tawag ni Hiriku sa kapatid ng ina. Nagtatagis ang bagang nito at galit ang mukha habang pinagmamasdan siya.

“G-gazo, nandito ka rin ?” Dugtong ni Hiriku.

Tumango lamang si Gazo at matiim na tumingin sa kanila.

“Arkhayl—”

“Ate N-nara, Hiriku na ngayon ang pangalan ko” Pinigilan siya ng dalaga. Masama ang tingin nito sa kaniya.

Ayaw ni Hiriku na magalit ang Ate Nara niya dahil masama ito magalit katulad ng dalawang kapatid niya. Ito ang nagturo sa kaniya mag-ensayo sa kagubatan at pinoprotektahan siya laban sa mga Dreamaniya na galit sa ginawa ng kapatid niya.

Maingat na pina-upo siya nito sa matigas na higaan niya. Hindi naman niya 'yun minsan nahigaan dahil sa parusa na binibigay sa kaniya. Hindi nga alam ni Hiriku bakit siya pinaparusahan. Ang alam lang niya, alam ng Elundreno na 'yun kung sino siya.

“Arkhayl, nahihirapan ka naba dito? Wag kang mag-alala. Kakatayin ko nang buhay ang mga sumakit sayo. Okay?” Walang emosyon ang mga mata ni Ate Nara habang nakatingin sa kaniya.

Umiling siya sa dalaga.

“Ate, magiging okay rin ako. Alam kung ililigtas ako nang mga kapatid ko. Wag mo nang ipahamak ang sarili mo dahil sa akin, ulit”

Naging malambot ang mukha ni Ate Nara habang nakatingin sa kaniya. Hinaplos nito ang galos sa mukha at braso niya.

“Alam ko 'yun. Alam na alam ko sa katunayan ay may mansahi si Argon sayo.” Masayang bati ni Ate Nara sa kaniya.

Matiim na tumingin si Hiriku sa dalaga kahit nahihirapan siya ngayon. Tinitiis niya dahil alam niyang may dalawang kapatid siyang nag-aalala sa kaniya. Kay tagal na nilang nawalay at gusto na niya mayakap ang mga kapatid. Akala noon ni Hiriku wala nang pakialam sa kaniya si Kuya Argon dahil iniwan siya nito sa palasyo, nakalimutan nilang may kapatid pa silang naiwan. Ang totoo ay nagtatampo at galit siya sa mga kapatid pero nung bumalik ang mga ito. Walang magawa si Hiriku kundi itago ang pangungulila niya.

May kapatid paba ako?

Hindi pinakita ni Hiriku na may lungkot siyang naramdaman.

“Ano 'yun, Ate ?” Mahinahon na tanong ni Hiriku.

Bumuntong hininga muna si Ate Nara bago sinabi ang dapat sabihin.

“Dalawang buwan ka pa niyang ililigtas dito. Hindi ko alam bakit ang tagal. Hindi kona matiis na makita kang nasasaktan, Hiriku!” May disgusto sa mukha ng dalaga.

Wala talaga silang pakialam sa akin? Sa kahantungan ko dito?

“Okay lang 'yun basta maligtas si Princesa Yheura” Bigla nalang 'yun ang nasabi ng bibig niya.

Nagulat si Hiriku at umiwas ng tingin. Bakit kasi ito pa ang naalala niya? Madiin na pumikit si Hiriku.

Nanunukso na tiningnan siya ni Ate Nara.

Kahit kailanman ay walang nakakaalam sa nararamdaman niya kundi ang kaibigan niya si Luxe.

Umiling nalang si Hiriku para mawala ang agam-agam ni Ate Nara.

“Sige, magpapanggap akong hindi ko narinig 'yun. Dinalaw ko siya kanina”

Dumako nang mabilis ang tingin ni Hiriku at agad na umiwas nang tumawa ito nang mahina dahil sa ginawa niya. Bakit ba hindi niya mapigilan?!

Lumapit si Ate Nara sa kaniya at bumulong.

“Mahina ang katawan niya at walang tigil ang iyak niya. Palagi siyang nawawalan nang malay sabi nang ibang alipin. Ano kaya ang nangyari sa kaniya ?” May pag-alala sa mukha ni Ate Nara.

At 'yun ang hindi mapigilan ni Hiriku. Hindi siya mapakali kapag malayu sa kaniya si Yheura! Tumayo siya at akmang lalabas siya ng tumigil si Hiriku. Wala na siyang magawa nakita na nang dalaga ang inaakto niya.

“Okay lang ba siya? Pwede mo ba siyang puntahan?”

Lumabas ang mahina na tawa ni Ate Nara sa nakikita sa kaniya.

“Wag kang mag-alala, okay na siya. Kung ako sayo, kumain kana para bumalik ang lakas mo at sa pagdating ng dalawang buwan. Kaya mona siyang ilayu sa palasyo”

Tumango si Hiriku at wala sa sarili na dinampot ang pagkain. Wala siyang ibang nasa isip kundi ang Princesa lang. Mula nung iniwan siya ng Ama nito noon, hindi na niya kayang iwan ang dalaga..

“KUYA !” Isang matinis na sigaw ni Argara ang narinig ni Argon. Humahangos ito na pumunta sa kaniya.

Alam kona, hindi ito maka-tulog dahil sa kapatid namin..

Humahangos itong pumunta sa kaniya. Nag-aalala ang mukha, galit at iba pa ang nakikita ni Argon sa mukha nito.

Hindi lang naman siya ang nag-alala! Ako rin! Kapatid ko rin ito. Nag alala ako sa kalagayan nang tatlo..

Hindi si Argon maka-kilos dahil sa sobrang dami nang kawal sa palasyo! Ipapahamak lang ang kapatid niya at ang dalawa! Hindi dapat siya magpa-dalosdalos at kailangan niyang gumawa ng plano para iligtas ang kapatid niya.

“Kuya, puntahan na natin sila. Hindi ako mapakali! Hindi ako makatulog kapag wala pa dito ang kapatid natin. Nag-alala na ako nang husto dito, Kuya. Kunin na natin sila !” Natataranta ang boses nito at hindi nito alam ang gagawin.

Hinawakan ni Argon ang natataranta na kapatid at matiim na tumingin dito. Alam niyang nag-aalala ito at natatakot sa kahantungan ni Hiriku pero hindi sila dapat nagpadalos-dalos dahil mas ikakapahamak 'yun ni Hiriku!

“Argara mas lalong nanganganib ang buhay nila! Nag-aalala rin ako sa kapatid ko at sa dalawa pero kailangan natin maghintay. Hindi na ako maka-tulog dahil pumupunta ako sa palasyo nagbabakasakali na pwede akong lumusog pero mas dumami ang kawal doon. Kaya mag hintay tayo—”

Napahilamos nang mukha si Argara. Desperado na desperado ito na makita ang kapatid nila.

“Kuya kaya natin siyang talunin! Alam mo 'yun. Ngayon na! Gusto ko nang makuha si Hiriku! Tangina. Wala silang karapatan sa palasyo. Alam ko na alam mo 'yun, Kuya. Kung hindi lang dahil sa sobrang sakit. Hindi ko iiwan ang kapatid ko. Kapatid natin!” Sigaw ni Argara sa kaniya. Kahit noon paman, alagang-alaga ni Argara ang kapatid nila. “Mababaliw ako kapag hindi ko pa makita at maligtas ang kapatid natin. Hindi na ako mapakali! Sinaktan ba siya?! Okay lang ba siya? Nahihirapan ba siya?! Kapag hindi ko mapigilan ang sarili ko papatayin ko ang Elundreno na 'yan. Pero hindi natin magawa dahil hawak niya si Jedi at Hylem !” Hinaing nito sa kaniya.

Nagbuntong hininga si Argon.

“Kapag sa dalawang linggo tayo aalis. Alam ko na labas pasok ang lahat dahil sa dadating na kasal ni Luxe at Viri. Malaya tayong lumabas at pumasok doon, Argara. Sana maintindihan mo ako. Ayoko na mapahamak ang kapatid natin at ang dalawa.” Paliwanag niya dito.

“Tutulung po ako, Kuya at Ate Argara”

Lumingon sila ni Argara at nakita si Ersyia. Yumuko ito sa kanila. Sa Isang linggo na pinagmamasdan ito. Magaling ito sa pag-hawak nang espada at iba pa. Minsan nakikita niya dito ang kapatid ng ina pero paano?

Hinawakan ni Argara ang kamay ni Ersyia. Hindi ang mga ito katulad sa ibang Nykirania. Mabuti ang intensyon nila katulad ni Nikullas.

“Hindi, ayoko na mapahamak ka. Dito ka lang at bantayan mo si Louis. Okay?”

Walang nagawa si Ersyia at tumango nalang. Gusto talaga nito na makatulong sa kanila?

“Si Louis kasi tatlong araw nang wala sa sarili. Nag-aalala po ako, Kuya Argon. Parang konektado po siya sa iba?” Tanong sa kanila ni Ersyia.

Bumuga ulit si Argon nang malalim na hininga.

'Yan ang iniiwasan ko ang may masaktan dahil sa tatlo.

Nagkatinginan sila ni Argara dahil alam na nito ang mangyayari.

“Wag kang mag-alala. Kakausapin ko si Louis ngayon” Agad na umalis si Argara at pumasok sa loob. Pupunta ang anak niya.

Gusto rin ni Argon maka-usap ang anak niya  Nag-alala rin siya sa nangyayari dito.

“Kuya Argon, ganun ba ang pag-alala sa mukha nang isang Ama? Nakita ko din kasi 'yun sa Ama ni Nichollo?”

Bahagya nanigas si Argon sa sinabi ni Ersyia.

Paano niya nalaman ito? Alam kaya ni Louis ito?

Madiin na pumikit si Argon sa maaring mangyari sa susunod na araw at buwan. Natatakot siya na kamunghi-an nang anak.

“E-ersyia, wag mo sanang sabihin ito kay Louis. Pwede ba?”

Nagtataka ang mukha nito. Hindi alam kung bakit ganito ang sinabi niya..

“Komplikado pa ngayon kung sasabihin ko sa kaniya. Gusto ko makasama nang matagal ang anak ko kahit wala pa itong alam. Dahil kapag nalaman niya ang totoo. Alam kung kahimuhi-an niya ako. Sana maintindihan mo, Ersyia” Mahina na pakiusap niya sa dalaga.

Natatakot ako sa kinalabasan nito.

Napayuko si Ersyia.

“Pasensiya na po. Hindi ko kasi nakita 'yun sa ama ko. Si Princepe Nikullas lang ang nakita ko ganiyan katulad nang emosyon na nakita ko sa inyu” Sambit nito na may halong lungkot.

Tinapik ni Argon ang balikat nito.

“Alam ko, Ersyia. Alam na alam ko. Pero dadating ang isang araw na makikita mo rin 'yun. May dalawang taong dadating sa buhay mo at iparanas sayo ang nakikita mo sa amin. Maghintay kalang. Okay?”

Kumunot ang noo ni Ersyia sa sinabi niya.

Marami pa silang walang alam sa mundo na ito. At, alam kung mas lalo silang mabibigla sa malalaman nila dito.

Alam ni Argon na may dahilan bakit napunta sa kaniya ang dalawang bata.

“Puntahan ko muna si Louis, Ersyia. Pumunta ka muna sa kaibigan mo. Ang lalim yata ang iniisip”

Continue Reading

You'll Also Like

874K 58.6K 33
Discovering an abandoned town in the middle of a forest, Odeth is transported to a time when the ghost town was alive, but as someone else--Olivia Va...