Forgotten Night (COMPLETED)

By puting_tulip

1.4M 36.6K 3.7K

R18 || MATURED CONTENT Gay×Girl An old maid... A gay... A forgotten night for her... An unforgettable night f... More

HEY!!!
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28(1)
Chapter 28(2)
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42(Finale)

Chapter 22

27.2K 813 37
By puting_tulip

Kanina ko pa pinagmamasdan si Quiro while he is  busy moving in the kitchen. Sa totoo lang nakatayo lang ako sa tabi ng mesa. Hindi ako makaupo dahil hindi advisable sa akin na umupo ng matagal.

Walking ease the tailbone bruise while sitting for a long time will make it worst.

Inihahanda niya yung tinake out niya sa isang resto, kagagaling lang namin sa ospital. Infact, isang gabi lang naman ako doon dahil hindi naman malala ang kalagayan ko. Rest lang talaga ng isang linggo.

Wala siyang imik mula kaninang dumating kami. Siguro napagod din siya at saka hindi din siya masyadong nakatulog dahil binantayan niya ako. I am so much thankful to him because he help me. Kahit na ba dapat ay hindi niya ginagawa dahil sa kadahilanang hindi pa kami okay pero nanaig sa kanya ang kagustuhang tulungan ako. Nagpapasalamat din ako na ibinaba niya ang kanyang pride para sa akin.

Dahil nakasuot na lang siya ng isang white  loose sleeveless shirt ay kita ko na naman ang kwintas niya.

Noong bumalik siya kagabi galing sa pagbili ng makakain hindi na niya ako kinibo. Maybe nabadtrip na naman siya sa akin dahil sa pangengealam ko sa gamit niya. Pero palaisipan  pa rin sa akin ang kwintas niyang iyon. Ang weird lang kasi.

He stop what he is doing for a while and he take a deep sigh.

"Stop staring at my necklace gurl." Saway niya sa akin ng kunot noo, sinimangutan ko siya ng dahil doon. Hindi ba pwedeng macurious ako sa bagay na iyon. Malay niyo may history pala iyon kaya ganun nalang iyon kaimportante sa kanya.

"Curious lang." Sabi ko sa kanya.

"If you want me to stay here for a week wag mong pakealaman ang kwintas ko Jamieya gurl." Seryosong sabi niya.

"Oo na po." Sa pagpayag kong iyon ay bumalik ulit siya sa ginagawa niya. He set up the table. Sanay na sanay talaga siyang kumilos sa kusina.
Noong matapos siya ay walang pasabi siyang umalis doon.

"Saan ka pupunta?" Tanong ko agad sa kanya. Napapraning na naman ako na baka umalis siya at saka niya ako iwan dito. Alam niyo yung takot  at pakiramdam na baka maya maya lang ay iwan ako ni Quiro at saka balik na naman sa pag iwas niya sa akin. Kaya konting alis lang niya sa paningin ko ay tinatanong ko na siya.
Napasimangot ako noong hindi niya ako sinagot. Nabaling nalang ang tingin ko sa pagkain na inihanda niya. At saka ko napansin na iisang plato lang ang nakalagay sa mesa. Napakurap kurap ako at saka napalingon ulit sa pintuan na nilabasan ni Quiro.

Did he already left me? Seryoso ba ang baklang iyon na kaya niyang hayaan akong kumain ng mag isa dito.

'Anong bago don Jamieya. Sanay ka naman nang kumain na walang kasama diba?'

Dahan dahan akong naglakad kahit na pangiwi ngiwi pa rin ako sa pangingirot ng aking pwetan. Lumapit ako sa upuan kung saan nakalagay ang plato. Tinitigan ko ang plato saka napabuntong hininga ulit.

Ano bang problema mo Jamieya? Hindi naman bago sayo ang kumaing mag isa, anong sinisimangot simangot mo diyan?

Pinilit kong pagaanin ang pakiramdam ko and plastered a little smile on my face, kahit na napipilitan lang ako.

Uupo na sana ako but then a hand hold my shoulder kaya napalingon ako at ganun nalang ang tuwa ko noong makita ko siya.

"Quiro, you  came back!" I happily said. Kumunot naman ang kanyang noo at saka niya ako tinaasan ng kilay. Napuno ng pagtataka ang kanyang mukha.

"Why? Did I leave?" Kunot noong tanong niya.

"Akala ko kasi iniwan mo na ako dahil ayaw mo akong sabayan sa pagkain." Medyo tampong sabi ko sa kanya.

"Ha? Saan mo naman nakuha iyan gurl. Kung ganun saan ako kakain kung hindi dito?" Natatawang tanong niya sa akin.

"Aba malay ko. Saka iisang plato kasi ang nakahanda sa mesa." Sabi ko at saka inginuso ang plato. Tinignan naman niya iyon.

"Nag ooverthink ka masyado gurl. Kinuha ko lang yung gel donut sa sala kaya ako umalis" He said and rolled his eyes.   Kasalanan ko ba kung masyado akong nag ooverthink saka hindi talaga ako mapapanatag hangga't hindi ako nakakapag sorry ng maayos sa kanya. Basta feeling ko kailangan kong gawin iyon.

"Umupo ka na." Sabi niya at tinapik ang upuan kung saan nakapatong na iyong gel donut cussion na binili niya kanina sa isang drug store. Kailangan ko iyon if ever uupo ako.

Inalalayan niya pa ako sa pag upo. At napapamura na lang ako ng mahihina dahil habang gumagalaw ako upang umupo ay  siyang pag atake ng kirot ng aking pwetan.

"Dahan dahan lang gurl." And like a nurse he help and guide me. Napa- hu nalang ako noong sa wakas ay nakaupo na ako. He sat beside me at saka kinargahan ang plato ng pagkain but he place the plate in front of him. Litong sinusundan ko nalang ng tingin ang galaw niya.

"Here eat." He said at iniumang ang kutsara sa akin na may kanin at ulam. Hindi ako nakapagreact agad, napatitig lang ako sa kutsara at saka sa kanya. Mas nagtagal ang mata ko sa kanya dahil ngumiti siya at saka niya ako tinanguhan like signaling me to do what he want me to do. At bigla bigla ay parang nag glow siya bigla  sabayan pa ng pagdagundong ng aking puso. Napakurap kurap ako.

"Oy gurl. Ano na." Panggigising niya sa akin kaya naman natauhan ako at wala pa rin sa sarili na napanganga. Saka lang ako tuluyang  nahimasmasan noong maramdaman ko ang medyo mainit init na pagkain sa loob ng bibig ko. Nakatingin pa rin ako sa kanya habang nginunguya ko ang pagkain. Noong malunok ko iyon-

"Oy bakla hindi mo naman kailangang gawin ito. I can feed myself. Pwetan ko po ang masakit hindi ang kamay ko." I said and I even shake my hand to show him that my hand was okay. "See diba-hmpft!" Muntik na akong mabilaukan at hindi ko na natapos ang sasabihin ko  noong sinubuhan niya ako ng walang pasabi kaya agad ko siyang sinamaan ng tingin.

"Dami mong anash Jamie gurl. Kumain ka nalang. Just grab the chance." He said and rolled his eyes on me.
Agad kong nilunok iyong nginunguya ko dahil aangal na naman ako.

"But you also need to eat!" Angal ko. "Just give me the spoon and let me feed myself." Inaabot ko ang kutsara sa kanya pero hindi niya ako pinayagan na makuha iyon.
Napanganga nalang ako noong kumutsara siya ng kanin and put it in his mouth.

"O yan I am already eating. May anash ka pa ba gurl?" He ask me. Natahimik nalang ako at saka napakurap kurap. Kumain ulit siya and after that he scoop a spoonful and
"Say ah gurl." He said. Para na naman akong timang na napatingin sa kutsara. We are using the same spoon and plate, napakurap kurap na naman ako kasi bago ito para sa akin.

Is he being sweet right now?

Ayun nga pinakain niya ako at sa buong oras na iyon ay wala akong ibang ginawa kundi ang ngumanga para subuhan niya.

Ilang beses din akong nabilauakan dahil hindi ko malunok ng maayos ang pagkain sa kadahilanang kumakabog ang puso ko ng malakas at saka  mga day hindi ako sanay!

Mula noong matapos kaming kumain ay pasulyap sulyap lang ako sa kanya. Pinapakiramdaman ko ang aking sarili. Nawiwirdohan nalang ako sa aking sarili at napapahawak sa tapat ng aking dibdib dahil mula pa kanina ay ganito na ang tibok ng aking puso.

Naghuhugas siya ng mga ginamit namin. Pahawak hawak lang ako sa tapat ng dibdib ko inoobserbahan ko kung babalik pa ba sa normal ang tibok ng puso ko.

"Nga pala Jamie gurl. Kailangan mong uminom ng gamot." Sabi niya. Pero nanatili lang akong tulala. "Huy!" He snap me out at ganun nalang ang panlalaki ng aking mata noong makitang malapit na malapit na ang kanyang mukha sa akin. Nakakunot ang kanyang noo. Nahigit ko ang aking paghinga at saka napakurap kurap at wala sa sariling napahawak ako sa tapat ng puso ko hindi dahil sa gulat kundi dahil sa mas lumakas ang pagdagundong ng puso ko dahil sa pagkakalapit ng aming mukha.
Napatitig ako sa kanyang mata. Napalunok nalang ako noong gantihan niya din ako.

Napaatras ako noong bigla na naman niyang ilapit ang mukha niya. Mas malapit kesa kanina, napasinghap ako at biglang iniatras ang aking ulo upang hindi magkadikit ang tungki ng ilong namin. Naningkit ang kanyang mga mata, napalunok naman ako at wala sa sariling napatingin sa kanyang labi.

"Ok ka lang?"  He ask. Napalunok ulit ako. Paano ako magiging okay kung napakalapit niya sa akin. "You seem weird." He said at lumayo na siya sa akin. Doon lang ako nakahinga ng maayos. Actually doon lang ako nakahinga dahil hindi ko na namalayan na napatigil na pala ako sa paghinga kanina. Nag exhale inhale ako para sumagap ng hangin. Tinignan ko si Quiro ng masama may balak ba siyang patayin ako! Gosh! Napaka ano niya.

'He isn't doing something wrong Jamieya. Ikaw lang itong OA.'

Pero sinamaan ko pa rin ng tingin si Quiro.

"O ano na naman ang kasalanan ko sayo gurl ba't ang sama mo makatingin?" Tanong niya na akala mo walang ideya pero ang bakla ngingisi ngisi naman. Mas lalo ko siyang sinimangutan, inirapan ko pa siya na siyang ikinahalakhak lang niya.

"Quiro patayuin mo ako." Utos ko sa kanya kaya natigil siya sa pagtawa.

"Diyan ka muna gurl. Di pa ako tapos maghugas."

"Patayuin mo nga ako." Pamimilit ko.

"Maya na gurl." Sabi niya ulit. Napasimangot ako. Ayaw niya talaga kaya ako nalang ang tatayong mag isa. Kaya ko naman siguro. Basta gusto kong tumayo rito at aalis na ako.
He is so focus washing the dishes. Napapaaray nalang ako ng mahina. Hindi ko lalakasan baka makuha ko ang atensiyon niya. Napahinga nalang ako ng malalim noong makatayo ako. Inirapan ko muna siya kahit na hindi niya nakikita at dahan dahan akong naglakad papunta sa may sala.

Pagkarating ko doon ay napatigil na naman ako sa paglalakad at saka napahawak sa tapat ng puso ko. Napailing ako at saka kunot noong napalingon sa may kusina kung saan ko iniwan si Quiro.

Hindi pa din kasi bumabalik sa normal ang pagtibok ng puso ko.

Hindi ko na hinintay si Quiro na matapos sa ginagawa niya pumanhik na ako sa taas dahil inaantok na ako. Nakahinga ako ng maluwag ng sa wakas ay nakarating ako sa taas. Akala ko hindi ko kakayanin ang pumanhik eh. Dumiretso na ako sa kwarto ko.

Naririnig kong hinahanap ako ni Quiro sa baba yun nga lang hindi ko siya sinasagot kung nasaan ako. Sa halip ay dumiretso ako sa banyo para sana makaligo na ako dahil nanlalagkit na rin ang katawan ko.

Pagkalabas ko ng banyo dito sa aking kwarto ay natigilan ako noong lumanding ang mata ko kay Quiro na prenteng nakaupo sa aking kama habang nakasandig sa headboard. Masama ang tingin na ibinibigay nito sa akin na para bang may nagawa akong kasalanan sa kanya.

Teka may nagawa na naman ba akong mali?

He sigh. "Jamieya gurl, naiinis ako sayo."

"Bakit?" I ask.

Tinignan niya ulit ako ng masama. Sabi ko nga dapat hindi ko na tinatanong dahil obviously ay nakakainis nga naman talaga ako. I know hinahanap niya ako sa baba kanina pero hindi ko man lang ipinaalaam na nandito na ako sa taas.

"Please lang naman gurl. Wag mo naman akong pag aalalahin masyado. And please inform me if you are going somewhere. Hindi yung para kang pusa na aalis nalang nang walang pasabi." Seryosong sabi niya. Napayuko naman ako at napanguso.

"Opo tatay." Mahinang sagot ko. Pero malas nga lang at nakarating sa pandinig niya.

"I'm not joking Jamieya." He dangerously said, sinamaan niya pa ako ng tingin katunayan na hindi nga talaga siya nagbibiro.
Kaya tumahimik nalang ako at saka nilapitan siya. Tumayo ako sa tapat niya. Nakahalukipkip siya at hindi niya ako pinansin.
Sinundot ko ang braso niya. Tinignan niya ako, nagpuppy eyes naman ako.

"Sorry na, hindi na mauulit." Paghingi ko sa kanya ng paumanhin. But he just stare at me without a word at saka na naman siya nag iwas ng tingin. Napahinga ako ng malalim.

"Sorry na din sa mga nasabi ko noon." I said. Yes I am apologizing now. Diba nga sabi ko kailangan kong gawin ito. "Sorry if I made you upset kaya mo ako iniwasan." Nahihiyang sabi ko sa kanya. Pinagsalubong ko ang aking hintuturo dahil sa kinakabahan ako. Paano kung hindi niya tanggapin ang sorry ko?  Napailing iling ako , hindi naman siguro. Saka hindi ganun si Quiro.

I need to do this para hindi na niya ako iwasan malay niyo pagkatapos nito ay balik na naman siya sa pag iwas iwas sa akin.

Pero bigla niya akong hinarap at tinitigan ang aking mukha. Parang binabasa niya ako. Napalunok tuloy ako kasi nakaka intimidate ang pagtitig niya sa akin.

"Bakit nga ba kita iniwasan Jamie?" He ask habang titig na titig sa akin na nagpadagundong na naman sa puso kong akala ko kumalma na kanina.

Bakit nga ba? Because I said words that might upset him. But  I dont know the exact reason. Hindi ko naman kasi siya maintindihan. Ang hirap niyang intindihin. Kasi sa pagkakaalala ko matapos niya akong sabihan na hindi ko daw deserve magkaroon ng prince charming ayun iniwasan na ako ng gaga.

"B-because of what I said." Hindi siguradong sagot ko.

"And what exactly is that?" He ask again. Napakurap kurap ako, dahil sa totoo lang hindi ko alam.

"Ahm..." Napakagat labi ako. Anong isasagot ko doon. Baka kapag sinagot ko iyon ng hindi pinag iisipan ay lalo siyang magalit sa akin. Napabuntong hininga ako, katunayan na suko na ako. Might as well answer him the truth. Napasimangot ako.

"Look Quiro bakla, I-I don't know actually the exact reason but please wag mo na akong iiwasan hmm?" I said to him with a pleading eyes. Tinaasan niya ako ng kilay. "Please don't avoid me again." Sabi ko pa at pinagdikit ang aking palad.

"At bakit ayaw mong iwasan uli kita?" May pagkamataray na tanong niya sa akin.

"B-because I don't like it. To be honest I don't like it  dahil feeling ko iiwan mo na ako. Feeling ko sa pag iwas mong iyon ay hindi ka na babalik pa...

I just don't like it. Y-you know you became somewhat special to me that's why I don't like the feeling that you might abandon me." Sagot ko na nakayuko. Tinignan ko si Quiro kung ano ang reaction niya  dahil baka hindi pa rin siya naniniwala sa akin. Baka kulang pa yun para kumbinsihin siya na sincere talaga ako sa paghingi ko ng paumanhin sa kanya. But then I just saw him staring at me intently  with a slightly open mouth. Hindi ko alam kung anong iniisip niya.

Hindi ko alam pero parang nakita ko siyang ngumiti. Pero tumikhim lang siya at saka nag iwas ng tingin sa akin at saka balik na naman sa mataray niyang mukha..Napasimangot ako ng dahil doon.

"Uy  Quiro." Sinundot ko ang braso niya para pansinin niya ako. "Bakla!" Tawag ko ulit at niyugyog ko na siya.

"Susmitashen naman Jamie gurl. Gusto kong pansinin ka ngayon pero-" Sabi niya na parang may pinoproblema siya. Tinignan niya ako ng matagal saka siya bumuntong hininga at saka na naman nag iwas ng tingin.

"Bakit may pero pa? Pwede mo naman na akong pansinin ngayon. Inaarte arte mo pa diyan?" Reklamo ko.

Tinignan niya ako ng 'seryoso ka look.' Ano bang masama kung pansinin na niya ako ngayon diba? Para masabi kong okay na talaga kami.

Pinagtaasan niya ako ng kilay then he scan me from head to toe. He gulp, sinundan ko din yung mata niya.

Napamura nalang ako ng sunod sunod noong mapagtanto kong hindi pa pala ako nakakapag bihis.

"Sigurado ka bang pwede kitang pansinin ngayon Jamie gurl?" He ask with a naughty smile. Kumikinang ang mga mata nito dahil alam kong nakaisip na naman iyan ng kamanyakan.

Bakit ko ba nakalimutan na may pagkamanyak pala ang baklang iyan.

Dahan dahan akong napaatras papalayo sa kanya. Tatakbo sana papalayo sa kanya pero hindi ko magawa dahil sa pesteng injury na ito.

"S-sabi ko nga m-mamaya mo na ako pansinin." Kinakabahang sabi ko sa kanya. Napangiti pa ako ng alanganin.

But then I see fire in his eyes.

He smirk. Bumaba siya sa may kama at saka dahan dahan din akong nilalapitan. Dahil doon ay dumoble ang kabang aking nararamdaman.
Hanggang sa dead end na. Napayukom nalang ako ng palad sakali man na hawakan niya ako may gawin siya sa akin ay diretso sa mukha niya ang kamao ko.

Mas lalo lang siyang napangisi dahil sa kabang ipinapakita ko sa kanya. Pero ang kamaong didiretso sana sa mukha niya ay hindi ko naigalaw dahil sa para akong nanghina noong hinawakan niya ang aking beywang. Napakalapit na din niya sa akin. Titig na titig siya sa aking mga mata.
And I felt like melting by those intense gaze of him.

Ilang beses akong napalunok at mas lalo akong napasiksik sa kinasasandigan ko noong dumiin ang pagkakahawak niya sa beywang ko at mas inilapit niya pa ang mukha niya sa akin.

"Wahh! Quiro you promised that you won't touch me unless I remembered that night!" Hysterical na paalala ko sa kanya. Napapikit nalang ako at naitagilid ko ang aking mukha noong hahalikan na sana niya ako.

Napalunok ako noong maramdaman kong hindi natuloy ang paghalik niya sa akin. He is just breathing hard at diretso iyon sa aking leeg.

"Fvck." He hissed like a man and he chuckled. Kaya sa pagtataka ko kung ano bang nakakatawa sa ngayon ay unti unti kong iminulat ang aking mata at tinignan siya pero  bago ko pa man makita ang kanyang mukha ay ipinalibot na niya ang kanyang braso sa aking beywang and eventually he hugged me. He also snuggled in my neck. Dahil sa pagkabigla ay nanlaki ang mata ko.

"Yes I promised but don't seduce me if you want me to keep it." He whispered on my neck. Mas humigpit pa ang pagkakayakap nito sa akin.
"By the way I miss you. Hindi na din kita iiwasan." He added and he pulled away in his hug and stared at my eyes  that makes my heart sommersault   in my rib age.

I want to say something in response but damn it my mind  is going blank right now. But I am so sure that I also missed him.

"B-bakla." Iyan ang lumabas sa aking bibig sa diko malamang dahilan. Because right now, there is big what if in my mind. Yung what if ng utak ko na hindi ko matanggap, na sinasabi kong imposible dahil bakla siya. Pero posible bang... Napailing iling ako. Hindi bakla siya eh imposible naman na may gusto sa akin ang baklang ito.

Pero habang patagal na patagal kong tinititigan ang kanyang mga mata parang sinasabi ng utak ko na posible dahil...

How can he stare at me lovingly like that?

Posible kayang totoo yung nga sinasabi ng mga kaibigan ko that my prince had already arrived.

And it's him.

It's Quiro.

And without even thinking I tip toed and kiss him.

And for the first time...

Ako ang nagfirst move!

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
2.1K 148 24
Si Serena Galvez, isang ulila at si Lola Howell, mula sa mayamang angkan, dalawang babae, isang matalik na pagkakaibigan. Ngunit isang araw, pinatay...
698K 24.9K 35
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...