HBS 4: The Famous and The Bad...

By _jennex

235K 8.3K 1.3K

Rae Lewis, nagmula ito sa isang mayaman na pamilya, isang sikat at kilalang celebrity sa buong bansa. Hinahan... More

AUTHOR'S NOTE
Introduction
Chapter 1: The Bad Girl
Chapter 2: The Famous
Chapter 3: Enchantress
Chapter 4: My Heart Went...Ops!
Chapter 5: That Kid Part 1
Chapter 6: That Kid Part 2
Chapter 7: That Surprises Me
Chapter 8: She's Unbelievable
Chapter 9: Change Of Heart
Chapter 10: Just Friend, Huh?!
Chapter 11: Kidnapping My Girl
Chapter 12: My Juliet
Chapter 13: The Fire Burning Inside Me
Chapter 14: Adriana's Turn
Chapter 15: Her Past
Chapter 16: Something So Wrong But Feels Alright
Chapter 17: Adriana's Reward
Chapter 18: Will You Count Me In?
Chapter 19: Make You Mine Part 1
Chapter 20: Make You Mine Part 2
Chapter 21: Fine As Wine
Chapter 22: Mixed Emotions
Chapter 23: Someone Not In A Good Mood
Chapter 24: I'm Happier When I'm With You
Chapter 25: There Are Things That Change
Chapter 26: Monthsary
Chapter 27: Protecting My Life, She Is My Life
Chapter 28: Chasing The Past
Chapter 29: Rae's Concert
Chapter 30: My Sleeping Beauty
Chapter 31: She's Awake
Chapter 32: Her Love Is Gone
Chapter 33: I Can't Go On
Chapter 34: The End Is A New Beginning
Chapter 36: Night Ride
Chapter 37: Between The Two Of Them
Chapter 38: Memories
Chapter 39: I'll Be The One
Chapter 40: The Movie Premiere
Chapter 41: A Magical Wedding
Chapter 42: Being Her Wife
F I N A L E

Chapter 35: Take Time To Realize

3.4K 158 27
By _jennex

Rae




Pagkatapos ng mahabang pagpapahinga, hindi ko lubos akalain na makakalabas na rin akong muli ng Manila, upang mag bakasyon kasama si Sommer at ang kanyang mga kaibigan. And yes, including Adriana, her cousin.



Nauna na silang lahat sa Palawan, susunod na lamang ako dahil may mga kinailangan pa akong asikasuhin kasama si Jess.



Nagpapasalamat din ako dahil pang gabing biyahe ang nakuhang ticket ni Jess para sa akin, the weather is not hot anymore and there are definitely not too many people at the Airport once the plane I boarded landed.



Siguro nagtataka kayo kung bakit hindi ako kumuha ng private plane? Well, hindi ko alam kung nabanggit ko na ba ito sa inyo dati pero mas gusto ko kasi ang makisalamuha sa mga tao. Mas gusto ko ang maging normal na tao kapag nasa likod ako ng camera.



Who cares kung ang tingin ng iba sa akin ay isang kilalang na celebrity, basta ako? Mas gusto ko ang maranasan na kahit sa isang sandali, maramdaman kong tao parin akong katulad nila.



Pasado alas syete na ng gabi nang lumapag ang eroplanong sinasakyan ko sa Puerto Princesa Airport. Ito kasi ang capital land ng Palawan kaya mas minabuti ko na dumito na muna kahit isang gabi.



Agad na nag hiyawan at nagkagulo ang mga tao nang makalabas ako ng arrival area dahil nakilala parin ako ng mga ito, kahit pa mayroon na akong suot na mask at cap sa ulo. Mabilis na tumakbo ang karamihan palapit sa akin para kumuha ng litrato.


Natatawa at iiling-iling naman ako habang sinasaway ang iba. "Relax guys, hahaha." Tumatawa na saway ko sa mga ito. "Let's take a selfie." Dagdag ko pa.


Hindi ko na napag bigyan pa ang iba sa kanilang kahilingan dahil mayroon ng dumating na mga naka men in black, kasama ng mga ito ang tatlong guard mula naman dito sa Airport.



They immediately led me to a black car parked in the front. I thanked them after opening the door for me. Ngunit mabilis na napa singhap ako nang makilala kung sino ang driver ng kotse na sinasakyan ako. It's Adriana.



Napalingon ako sa paligid at sa likod ng sasakyan para sana hanapin si Sommer. Ngunit ang isang itim na sasakyan lamang ang natatanaw ko, kung saan nakasakay ang mga naka men in black kanina na sa tingin ko ay body guards ni Adriana.



"Where's Sommer?" Agad na tanong ko rito noong magsimula na siyang magmaneho.



Ngunit isang nakakalokong ngiti lamang ang ibinigay nito sa akin pagkatapos.



"Hindi mo ba ako sasagutin o ayaw mo lang talaga akong sagutin?" Ewan ko ba, pero pagdating sa kanya ang bilis talaga maubos ng pasensya ko.



"Pwede both?" Pang-aasar pa nito bago natawa. Iyong tawa na lalo kong kinainis. Napapailing na lamang ako na ibinaling ang aking atensyon sa labas ng kalsada. Ayaw ko na siyang patulan pa.



Hindi nagtagal, huminto kami sa tapat ng isang Hotel. Mabilis na ipinarada nito ang sasakyan at walang sabi na iniwan ako sa loob. Aba'y syempre, hindi naman ako magpapa iwan rito ano?




"What are we doing here?" Tanong ko sa kanya habang magkasalubong parin ang mga kilay. "This is not the Hotel I expected." Maganda ang Hotel at halatang mamahalin, pero hindi ito ang Hotel kung saan ako dapat mag i-stay ngayong gabi.



"Why?" Kunot noo na tanong nito sa akin habang naglalakad papasok ng lobby. "Don't you know that this is one of the famous Hotels here in Palawan? And the food here is delicious and the best! So come on! I'm starving, you know." Pagkatapos ay mabilis na niya akong tinalikurang muli.




Walang nagawa na sumunod na lamang din ako sa kanya dahil kanina pa rin ako nagugutom.




Habang kumakain kami, hindi ko maiwasan ang hindi mailang sa mga titig nito sa akin. Hindi ko magawang tumingin sa mga mata niya o maging sa mukha niya. Ewan ko, naaalala ko kasi iyong mga memorya na nakita ko noong huling araw kaming nagkita.



And now I admit, it was as if I suddenly became comfortable with her. Although, the annoyance is still there but I feel safe with her. I feel the surroundings bright when she is by my side.



Weird.




Natapos kami sa pagkain ng hindi nag-iimikan. I mean, hindi ko siya pinapansin kahit na panay naman ang pag open nito ng topic sa akin. Pagkatapos niyang mag bayad, nagpaalam na muna ako rito na pupunta sa restroom. Pero ang totoo, gusto ko lang talagang huminga dahil sa loob ng halos isang oras na magkaharap kami, pakiramdam ko nakalimutan ko na yata kung paano ang huminga.




Basta na lamang kasing bumibilis ang pag tibok ng puso ko kapag napapasulyap sa mukha niya. Hindi ko na alam kung ano ba talaga itong nararamdaman ko.



Hinintay ko muna na kumalma ang dibdib ko bago muling bumalik sa sasakyan kung saan naghihintay si Adriana.




As I approached the car, I couldn't help but marvel at the beauty of her posture. It also includes the beautiful shape of her body that any man or woman will be attracted to and will be drooling over her.



Mabilis na napaiwas ako ng tingin at palihim na sinaway ang aking sarili. Nakita ko naman ito na parang mayroong kinakalikot sa kanyang mga daliri.




"What are you doing? What was that for?" Walang ideya na tanong ko rito nang makita na nagpuputol siya ng kanyang kuko. Awtomatiko naman na napa lingon ito sa akin bago napa ngisi.



Mabilis na pinakita nito ang kanyang mga daliri na mayroong kahabaan ang kuko.



"I badly need it. May pag gagamitan lang ako mamaya." Sagot nito ng may nakakalokong tingin, bago ako muling tinalikuran upang sumakay ng muli sa loob ng sasakyan.



Hindi ko naman mapigilan ang mapa iling at ang makaramdam ng pamumula sa aking mukha dahil sa bagay na biglang pumasok sa aking isipan kung saan man niya iyon gagamitin.




"Ang bastos naman." Bulong ko sa sarili ko pagkatapos ay umikot na rin sa kabila para sumakay na.




Napansin ko na wala na ang itim na sasakyan na sumusunod sa amin kanina kung saan nakasakay ang mga body guard nito. Gustuhin ko man ang magtanong sa kasama ko, mas pinili ko na lamang ang manahimik. Ayaw ko naman na maging feeling close, ano?



Hinayaan ko na lamang din siya kung saan man niya ako dadalhin, hindi naman siguro niya ako ipapahamak.



I hope so...



-------




"What?! Don't tell me magbibiyahe tayo ng six hours at hindi man lamang magpapahinga muna?!" Reklamo ko rito noong marinig ang sinabi niya. "Are you kidding me?"




"Nope. It's a long ride, Rae. Masaya 'yun. Hindi ka ba excited na makasama ako?" Out of nowhere na tanong nito. Halatang nagulat din siya sa kanyang itinanong.



"Kung alam ko lang na ganoon kalayo ang El Nido mula dito, sana ipag pabukas mo nalang yan." Palatak ko. "Does Sommer know about it? You know that it is not safe for us to travel that far and there are only two of us. Also, where are your body guards?" Dagdag ko pa.



Hindi ito sumagot o muling nagsalita, sa halip ay itinabi muna nito ang sasakyan sa harap ng isang convenience store na nadaanan namin.




"I will just buy a cigarette." Paalam nito nang hindi makatingin ng diretso sa akin. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko habang iiling-iling na sinusundan ito ng tingin.



Nakakailang minuto na ito sa loob pero hanggang ngayon ay hindi parin siya lumalabas. Naiinip na napa tingin ako sa aking suot na relo, mag aalas dyes na ng gabi at mag bibiyahe pa kami, nag-iisip ba siya o hindi?



Dahil sa ayaw kong abutin pa kami ng ilang oras rito, kaya nag pasya na ako na sundan siya sa loob. Pagdating roon, hindi ko naman akalain ang makikita ko. Nakikipag daldalan lang naman PO siya sa isang foreigner na babae. And just the way she looks at Adriana, she is obviously gay and Adriana is one of her next targets.



Is she really serious? Pinaghihintay niya ako roon tapos may kausap lamang siya dito na kung sino? What the hell is wrong with her?



Hindi nito napansin na papalapit na sana ako noong magtawanan silang dalawa. Halatang nilalandi na siya ng isa, at siya naman, nag papalandi pa.




"Ahem!" Pagtikhim ko dahilan upang matigilan sila pareho at magbago ang expression ng mukha ni Adriana. "Can we go now?" Tanong ko sa kanya sabay tingin ng masama sa babaeng kausap nito.



Ngunit tila ba hindi man lamang ito natinag, sa halip ay ipinagpatuloy parin nito ang kung ano mang pinag-uusapan nila ni Adriana. Right in front of me.



"She's with me." Putol ko sa hilaw na foreigner. Para naman tigilan na niya ang pagtingin ng malagkit kay Adriana. Isa pa, hindi ba niya alam na girlfriend ko si Adriana?



Girlfriend? At ngayon ginugusto mo ng maging nobya siya? Tanong ng aking isipan.


No, of course not! What I mean is, alam ng mga tao na siya talaga ang girlfriend ko, hindi ba alam ng babaeng ito? No, of course not! Isa lamang nga pala siyang dayuhan sa bansang ito. Ano nga ba ang alam niya.



Mabilis naman na kinuha nito ang kanyang camera na nakasabit sa kanyang leeg.



"Here." Sabay abot nito sa akin. "Can you please take a picture of us? God! Your friend is so beautiful." Komento pa niya habang nagniningning ang mga mata.



What? Huh! Hindi ko mapigilan ang mapanganga in disbelief habang si Adriana naman ay napapa kagat labi dahil basang-basa nito ang aking reaksyon at ang kung ano mang tumatakbo ngayon sa aking isipan.



Great.



Padabog na hinablot ko ang camera mula sa kamay nito bago mabilis silang kuhaan ng litrato. Hindi ko na tinignan pa kung maayos ba ang pag kuha ko o hindi. Pagkatapos ay padabog din na ibinalik iyon sa kamay ng babae at walang sabi na tinalikuran na sila.



Nag-uunahan sa pag taas baba ang aking didib nang muling makabalik sa loob ng kotse. Marahan na napahawak din ako sa aking dibdib dahil sa bilis ng pagtibok nito.



Why do I seem jealous? Why does it hurt me to see Adriana talking to someone else? Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.



Stupid, Rae! Why are you crying for no reason?


Mabilis na pinunasan ko iyon nang makita na pabalik na si Adriana sa sasakyan. Hanggang sa muling tinahak na namin ang daan, hindi ko na ito muling kinausap pa. Maging siya, hindi na rin umiimik pa. Nababalot na lamang kami ng nakakabinging katahimikan.



Inis na muling itinabi nito ang sasakyan. Magsasalita na sana ito nang maunahan ko siya.




"What kind of girlfriend am I to you, Adriana? I-I mean...have I been a good girlfriend to you?" Bigla na lamang iyon lumabas sa labi ko ng hindi ko rin inaasahan.



Ang sama-sama parin kasi ng loob ko hanggang ngayon.




Natigilan ito, napaiwas ng tingin bago napayuko. She also bit her lip so hard that she seemed to be thinking what to answer to me.




"Wala kang katulad." Sagot nito na halatang napiyok pa sa dulo. Nag-angat siya ng kanyang ulo at muling sinalubong ang aking mga mata dahilan upang mapa singhap ako at makaramdam ng kakaibang kiliti sa aking sikmura.




"You are the sweetest, caring and kindest naughty girlfriend in the whole world." Sinasabi niya ang mga iyon ng nakatitig sa mga mata ko. Ramdam ko ang sinseridad sa bawat salitang binibitiwan nito.



"You are one of the Zillion, Rae." Pagkatapos ay napa ngiti ito ng malungkot sa akin. Mabilis akong napaiwas ng tingin mula sa kanyang mukha.



Talaga bang naging girlfriend ko ang babaeng ito? Tanong ko sa aking sarili. Bakit nararamdaman ko ang mga ito ngayon? Bakit nasasaktan ako na makita siyang nasasaktan ko siya ngayon?




Bakit nagawa ko siyang kalimutan? Sa mga sandaling ito, bigla na lamang pumasok sa isipan ko. Siguro nga, mahal ko talaga ang babaeng ito. Because even though I can't remember her, my heart tries to remember her and repeatedly reminds me of her.

Continue Reading

You'll Also Like

117K 2.1K 198
Paano ba kung mafall ka sa kapwa mo babae? Paano nalang kung sa hindi inaasahan sa straight na babae ka nahulog? Paano kung ayaw nang mga magulang mo...
180K 7.1K 44
Verena Visha Monteverde , the girl who's been living in her own nightmare. Everyone see her as the perfect girl who lives in her perfect life as an a...
543K 18.1K 50
Richie Series No.1: Story of Zoey Memory Elmer
4.2M 246K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...