Beyond The Lenses (Asia Serie...

By yukhhulty

2.6K 45 0

Asia #1. Living in the ordinary crosses the Filipina Stephanie's life from UP Film. Not such time when she me... More

Notes
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue
Notes:

Chapter 13

46 1 0
By yukhhulty


"Ladies and gentlemen,  we had just landed at Panglao, Bohol International Airport. We welcome you in Bohol,"


Tinanggal ko ang eyemask na nakapiring sa mata ko ng marinig ang announcement ng flying crew, napatingin ako kay Carlo at Gwen na nag-uusap. Inirapan ko nalang sila at saka di pinansin. 


Pagkalabas namin ng arrivals, may isang maliit na bus ang sumundo sa amin na provided ng kumpanya. Mabilis akong pumasok sa loob at hinanap si Justin, nakita ko siyang nakaupo sa pinakalikurang bahagi. Mabuti na lang at wala siyang katabi kaya doon na lang ako naupo,


"How's the trip, Stephanie?" Justin asked, inayos niya ang pagkakaupo niya,


"Okay lang medyo nabingi lang ako," I laughed at nakatingin sa harapan dahil kanina pa ako tinititigan ni Carlo. Di ko na lang siya pinansin dahil wala naman akong masamang ginawa o sinabi sa kanya, mas mabuting magkaroon sila ng time ng ex niya na best friend niya na.


"Swallow a drool, Stephanie. It helps." Justin said,


"Yes, I was actually doing it," I said while doing the gestures,


Nang makaalis na ang bus sa airport, dumiretso kami sa isang hotel resort na exclusive lang sa network. Biglang lumiwanag ang mata ko sa angking ganda nito. Mukha kaming nagbakasyon sa Maldives, Bali o di kaya sa Phuket. 


Tinulungan na ako ni Justin sa mga bagahe ko ng makarating kami sa resort, nagmistula tuloy akong childish at kumuha-kuha pa ako ng buhangin na animo'y ngayon lang nakakita ng white sand,


"Stop that," Justin said to me, "Pinagtitinginan ka," he whispered,


"Paki ba nila? Ipakain ko pa itong buhangin sa kanila,"


"Look at her, parang ngayon lang nakakita ng buhangin," I heard Gwen's voice, so I mimicked her.


Naglakad na kami papunta sa isang private hall na kung saan gaganapin ang orientation at mga gagawin sa gathering, pagpasok namin mas namangha tuloy ako at naging ignorante. Kahit hall lang ito pwede na gawing tulugan o pag-sleepover ng mga barkada, sana nandito yung gang.


"Welcome to Bohol, guys! and magandang tanghali" sabi ni Mr. Lopez, ang CEO ng network.


"Magandang tanghali din po," we greeted him,


"So, you are here to celebrate and to gather on this annual event of the company, alam ko ang lahat sa inyo ay stress sa strabaho, overloaded, at pagod. Kaya I told the boards na kahit sa tatlong araw lang, bigyan naman natin ng pahinga at pag-enjoyin ang mga interns and juniors ng company," sabi ni bossing,


May kinuha siyang mga colored na paper na nakabalot sa isang jar at ipinakita ito sa amin,


"Since team building ito, magkakaroon tayo ng teams. We have here orange, red, yellow, blue, and green team at kung sino ang matatawag sa colors na iyon ay doon siya mabebelong, okay?"


"Okay po, sir." sabi naming lahat,


"Okay, ito red paper." he paused for a while. "Stephanie Grossman, where is she?" he raised the paper.


I raised also my arm, "I'm here, Sir!" nakangiti kong sabi.


"Oh , there you are. So you are red team..." he told at me, "Next, another red,"


"Sino kaya susunod?" Justin asked me while crossing his arms,


"Justin Delos Santos.." sabi ni bossing, kaagad ko namang niyugyog ang balikat ni Justin dahil magkakasama kami sa iisang team, "Where is he?"


"Here, Sir!" Justin raised joyfully, nakita kong napalingon si Carlo sa direksyon namin, pero di ko alam ang sinasabi ng mukha niya, bahala siya diyan.


Pagkatapos mabanggit ang red, yellow, at orange na team sumunod na ang blue team. Hindi pa tinatawag sila Carlo at Gwen, probably magkakasama sila sa iisang team o di kaya ang isa ay maiiba ng team, Blue at green nalang kasi ang naiwan,


"First on the blue list is, Carlo Zedrick Hy," 


itinaas naman ni Carlo ang kamay niya ngunit mukhang di siya interesado, bakit kaya? Siguro gusto niya akong makasama, pero di ko yun iniisip, ang demanding ko naman. Baka pagod lang siya sa biyahe kanina.


"Second on the blue team is..." Mr. Lopez paused again, "Gwen De Vera,"


"Tangina," bulong ko.."Sinadya bang gawin ang list na yan para isama silang dalawa?"


"Ehem, mukhang malaki ang inis mo diyan kay Gwen, ah? Diba yan yung kasama ni Carlo sa bar? Last time, bagsak yan sa velocity na ginawa ni Eunice eh," Justin said to me.


"Eh sa nakakabuwisit kasi ang pagmumukha eh, alam mo ba na ex yan ni Carlo at until now she's hanging with him, mukhang di nasaktan sa break-up," sabi ko kay Justin,


"Well, I don't want to critique yet, we don't know their story," Justin said to me,


Pagkatapos i-announce ang team, nagkumpulan at nagmeet kami ng mga kasamahan namin. Magsisimula daw ngayong hapon ang unang games, at kung sino ang mananalo at matitirang matibay ay siyang makakatanggap ng bonus, 


Ang unang game ay calamansi challenge, dalawang manlalaro ang pwede dito, nakadikit lamang ang kalamansi sa kanilang mga bibig at ilalagay nila ito sa isang plato sa finish line ng hindi nahuhulog, hindi nahahawakan at hindi naigagalaw,


Hindi muna kami nag-represent ni Justin dahil pina-una namin ang iba naming members, nakita kong nagrepresent si Carlo at Gwen kaya napairap ako doon. Talagang mahilig si Gwen sa mga ganyang laro, kunwari pang may kalamansi, ang gusto niya lang ay halikan itong si Carlo,


Nang magsimula na ang laro, di ko maalis ang malagkit kong tingin sa kanila Carlo at Gwen, mukhang masayang-masaya ang dalawa, 'ah. But somehow I felt pain in my chest, wala naman akong dahilan kung bakit kumirot yun pero kapag nakikita kong masaya si Carlo sa ibang babae, nagmimistula akong mahina,


"Problema mo?"  papalit-palit ang tingin ni Justin sa akin at sa tinititigan ko,


"Nothing, I just watching larva," sarkastiko kong sabi,


"Larva, uod?" di maipintang tanong ni Justin.


"Scratch that, I mean caterpillar. Higad." mas tuminis pa ang tingin ko sa kanila habang nakahawak sa dibdib ko,


Mas ikinagulat ko ng nahulog ang calamansi sa buhanginan at naglapat ang mga labi ni Carlo at Gwen, mas lumakas tuloy ang hiyawan habang ako ay napalunok at nanghihina ang tuhod sa di malamang dahilan, kitang-kita ko kung paano dumikit....dumikit ang putanginang labi na yan.


Dahil sa sobrang sakit ng nakita ko, tumalikod ako at tumakbo sa di malamang direksyon. Doon nangilid ang mga luha ko. Is this a sign of jealousy? I sounded so demanding but damn this emotion. I feel that I'm played, maltrated, and fooled.


Nakatago lang ako sa isang nipa hut sa gilid ng dalampasigan, malayo sa mga tao. Malayo sa nagbigay sa akin ng panandaliang kirot ng puso,


Nakatingin lang ako sa dagat ng may biglang tumapik sa akin, paglingon ko nakita ko si Carlo na hingal na hingal at mukhang hinabol ako dito,


"Why are you here? Are you playing diba?" sabi ko sa kanya ng hindi nagpapahalata,


"I saw your reaction, earlier Stephanie. Akala mo ba di ko alam?" he almost shouted to me,


Hindi ako sumagot sa halip nakatingin pa rin ako sa mga alon,


"Are you listening? Hey!" he shrugged my shoulders, "Pansinin mo naman ako, may problema ba?"


Umiling ako habang akmang tatayo ng hinawakan niya ang braso ko,


"Leave me alone, please. Gusto ko munang mapag-isa." walang gana kong sagot sa kanya,


"Stephanie, please don't be like this.." his voice weakens, napatingin ako saglit sa kanya at nakita kong nagtaas-baba ang lalagukan niya,


"Don't be like...what?" tinignan ko siya ng walang emosyon, but I saw a deep message on his eyes,


"Bakit ganoon ka mag-react? Naguguluhan talaga ako sa iyo," napakuyom siya ng kamay,


I smirked, "Tingin mo, ikaw lang ang naguguluhan? Putang ina, Carlo. Ako din!"


Hindi niya ako pinansin, siya naman ang nakatingin sa dalampasigan,


"Naguguluhan na ako Carlo....naguguluhan na ako sa nararamdaman ko sa iyo!"


I saw him slowly glancing at me,


"Sa tuwing magkasama kayo ng ex mo, pakiramdam ko nagseselos ako. Di ko alam kung bakit. Tapos alam mo ba sa tuwing nagsasama tayong dalawa, pakiramdam ko payapa ako, pero simula ng dumating ka nagbago ang lahat, pati ang sinisigaw nito," I held my chest while preventing my tears to fall, 


Seryoso siyang nakatingin sa akin, I moisten my lips and not regretting what I said to him,


"Ano, di ka makasagot? I know, Carlo. It is impossible that  you also saw something on me—"


"Diyan ka nagkakamali, you're different. Especially when I first saw you,"


Natahimik nanaman kaming dalawa ni Carlo habang nakaupo dito sa buhanginan, magdidilim na at nakikita na ang paglubog ng araw. Gusto ko yung ganitong set, yung ordinary lang, at kasama mo ang happy pill mo,


"Carlo, nandito ka lang pala. Mag didinner na d—" someone called him, paglingon ko si Gwen the great pala, napatayo tuloy ako bigla at saka hinawi ang buhok kong inililipad ng hangin,


"Yes, we're going na," humarap sa akin si Carlo at kinuha ang kamay ko,


"What are you guys doing here? Honeymoon?" Gwen elbowed me,


"Pwede nag-usap? 'Di kasi parehas sayo na sinadya mong ihulog ang calamansi," inirapan ko siya,


"Eh talagang nahulog eh, tsaka dumikit pa lips namin ni bebe, namiss ko tuloy—"


"Can you stop being psycho, Gwen? Past is past," tinaliman siya ng tingin ni Carlo.


"Sorry ha, wala lang memories bring back," napakanta kanta pa ang sidechick,


Pagpasok namin sa hall, nakapila na ang mga tao sa isang buffet, inalis ko ang pagkakahawak ni Carlo sa kamay ko, baka mamaya ma issue nanaman. Mabilis kasing kumalat ang tsismis, parang virus at si Gwen ang unang tinamaan nito kaya kinakalat niya sa iba,


Pagkatapos naming kumain, nagkwentuhan lang kami kasama ng mga teammates sa isang table. Mas matatanda ito sa amin at ang iba ay may pamilya na,


"Bagay sana kayo, iho." sabi ng isang ginang sa akin, she was pertaining to Justin,


"Naku, auntie. Best friend ko po ito, bawal po yun." Justin chuckled,


"Maniwala ka diyan iho, ako nga nakapag-asawa ng katulad nitong si Pedro," she pointed his husband beside her, "Best friend ko dati, ngayon asawa ko na. Minsan kasi matuto tayong magtanong kung yung malapit sa iyo ay may nararamdaman na pala,"


Sabay tuloy kaming napatingin ni Justin at napatawa, 


"Ang awkward naman, Tin kung magiging jowa tayo, lagi mo akong inaaway," pinalo ko siya sa dibdib


"Oo nga, tapos ang dami kong alam na sekreto sa iyo," bumulalas siya ng tawa,


"Shhh ka nga diyan," siniko ko siya, napatawa naman si Auntie sa amin.


Kinabukasan, maaga kaming nagising para sa isa nanamang activity, at that time, beach volleyball nanaman ang gagawin,  napagpasiyahan ni Justin na sumali raw kami pero tumanggi ako dahil mainit, nakalimutan ko kasing magdala ng sunblock, mabilis pa namang mamula ang balat ko,


Napalingon nanaman ako sa gawi ng blue team at pinipilit ni Gwen na sumali itong si Carlo, kaya no choice ang pagong at sundin ang utos ng ex niya, pero at this time di na masyadong mabigat sa akin dahil nakapag-usap naman kami kahit papano ni Carlo. He told me not to worry on everything, even his side was also suffering,


Nang magsimula na ang laro, nasa harapan ng net nakapwesto si Gwen, isa siyang blocker at si Carlo naman ay defender. Habang nasa kalagitnaan ng laro, biglang tumama ang bola sa mukha ni Gwen at napatumba siya, nagulat kaming lahat at nilapitan siya ng iba habang ako ay nanatiling nakatayo.


Carlo runs toward her and let her lean on his legs, mabuti at unconscious naman siya pero nagkaroon lang ng maliit na pasa sa ulo niya. Ibinigay kaagad kay Carlo ang isang ice bag at inilapat ito sa noo niya, at that time I felt something in my chest again, and that was wrong,


"Okay ka lang?" I heard Carlo's worried tone on Gwen,


"Yeah, nagulat lang ako eh na tumama sa ulo ko," her voice was weak,


"Sorry Gwen, di ko sinasadya," sabi ng isang defender, panay hingi niya ng pasensiya


Carlo was still there, taking care of his colleague, somehow I felt a small ache, kaya umalis nanaman ako at umupo sa likod. Justin saw me, and walks towards me,


"Stephanie, say it. I'm your best friend," Justin embraced me while I'm facepalming,


"I don't know, Tin what I feel for him," napalunok ako ng sabihin ko yun kay Justin,


"You must talk with Carlo, peacefully,"


"It is not, Carlo—"


"Stop fooling me, Stephanie. I know you for so long, kahit sa bar palang tayo pansin ko na kung paano ka makatitig sa lalaking iyan. Yes, I'm busy with some girls, but you know I'm also concerned with my girl best friends," he rubs my back while embracing,


"I really like him, but I don't have courage to tell him," napayakap ako kay Justin sa sobrang frustration,


"Just follow your heart, Steph. I'm here to cheer you up," he hugs me back,  napapikit ako ng maramdaman ang yakap ng kaibigan ko,


"Thank you, Tin. Thank you for everything," I smiled and when I opened my eyes I saw Carlo's eyes seriously looking at us,


................................................................................................................................................................

Continue Reading

You'll Also Like

388K 20.4K 32
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
4.2M 246K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...