Downfall of the Ace (Series o...

بواسطة midnightxjade

3.1K 247 179

SERIES OF EPITOME #1. Cali Najarro, the editorial cartoonist of Science High, has his goals straight. He want... المزيد

DISCLAIMER
Simula
01
02
03
04
05
06
07
08
09
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
Author's Note

10

77 5 7
بواسطة midnightxjade

Kabanata 10

Dinner


"So ano? MU na kayo ngayon?" nang-uuyam na tanong ni Solaire sa akin. "O landian lang, ganon?"


Muntik ko nang maibuga ang tubig na iniinom. Sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi ba pwedeng friends lang? I mean, okay lang naman sa'kin na friends kami. Walang malisya."


"Walang malisya pero ilang buwan na palaging kayo ang magkasama tuwing may free time," tumawa siya. "Ano? Magpapaka-martyr ka na ngayon? Hahayaan mong lumalim 'yang feelings mo para sa kaniya tapos siya, kaibigan pa rin ang tingin sa'yo?"


Napangiwi ako sa sinabi niya. Hindi ko maiwasang mag-assume sa mga mixed signals ni Cali. For the past months na magkasama kami, lagi siyang nagpapakita ng sweet gestures sa akin at paminsan-minsang bumabanat ng mga jokes. I don't even know if those were jokes or if he means it. Pero kapag naman may makakakita sa aming mga kakilala niya, palaging sinasabi niya na "friends lang" kaya 'yon na rin ang sinasabi ko sa mga kakilala ko.


"Matatapos din ito. Besides, magkakahiwalay naman kami ng school for college. Malilimutan ko rin 'tong feelings ko sa kaniya," pangungumbinsi ko kay Solaire pati na rin sa aking sarili. Ayokong masayang ang pagkakaibigan namin, lalo na't komportable ako sa kaniya.


Nagpatuloy kami sa mga ginagawa namin sa clubroom. Inaayos na kasi ang mga dyaryo na ipapasa para sa RSPC. Two weeks from now, we'll travel to the venue in Rizal. Ang alam ko ay sa Antipolo gaganapin ang event at limang araw kaming mag-stay doon.


"Saan tayo for Christmas?" tanong ni Isaiah sa amin. Nasa coffee shop ulit kami para makapag-catch up sa mga buhay-buhay namin.


"'Yong isa r'yan may iba yatang kasama sa Pasko," nagkunwari si Solaire na umuubo. "Nako, Creed. Ehem Creed."


Binato ni Creed ng tissue si Solaire. Nagtawanan silang tatlo pero naguluhan naman ako. Napansin ni Isaiah ang pagtataka ko kaya ako naman ang tinukso niya.


"'Yan, sige! Date pa kayo ni Cali! Nale-late ka tuloy sa mga chismis," ani Isaiah.


"Hindi naman 'yon date e. Bakit? May feelings ba 'yon sa'kin?" umirap ako sa kaniya bago Tumingin kay Creed. "Ikaw naman? Anong nangyayari sa'yo?"


"Wala, pupunta lang sa paskuhan sa USTe," simpleng sagot ni Creed sa'kin.


"Oo, Jaide! Kasama niya 'yong rebound–" agad na tinakpan ni Creed ang bibig ni Isaiah.


Sinamaan ko sila pareho ng tingin. Mukhang wala namang balak magkuwento si Creed ngayon, sa susunod ko na lang tatanungin.


"Let's go to Pangasinan. Hundred Islands tayo sa Christmas break," suggestion ko sa kanila. I've been wanting to go there since nakita ko 'yong isang travel brochure.


"Ano, guys? Pangasinan ang request ni Ace. Carps na ba?" si Isaiah.


Ano? Teka, what? Carps what?


"Carps? Pinagsasasabi mo, tol?!" si Creed.


"Carps... Carpet... Rug... R-U-G? Duh?!" proud na sabi ni Isaiah sa'min. Binatukan siya ni Solaire at inirapan ko naman. "Masyado naman kayong bayolente. Narinig ko lang naman 'yon e," he scratched his nape.


Talaga itong si Isaiah. Sa sobrang lawak ng social circle niya, nakaabot na sa Manila. He also has friends from the States and East Asia. Ang alam ko, may connections din siya sa Lasalle kaya hindi na ako magtataka kung doon niya natutunan ang ka-conyohan niya. I mean.. Yes, Solaire and I are conyo but these Lasallians had it on another level.


"Okay, whatever. I'll book our hotel rooms na," presinta ko dahil mukhang walang mangyayari kung walang magsasabi ng plano. Napakagulo namin kapag nagsama-sama. "Car mo ulit ang gagamitin natin. Let Creed pay for the gas," sabi ko kay Isaiah.


"Ilang araw tayo roon?" tanong ni Creed.


"Four days siguro? So we could still spend time with our family," ani Isaiah.


Nag-usap pa kami tungkol sa ibang bagay hanggang sa napagkasunduang umuwi na. May tatapusin pa raw na article si Solaire at may pupuntahan pa raw si Isaiah, hindi nga lang sinabi kung saan. Nasa labas lang naman ang kotse namin kaya sumakay na ako roon at umuwi.


Nagkita kami ni Cali kinabukasan. It's already Saturday and sa Monday na ang alis namin papuntang Rizal. Magkaiba ang van na sasakyan namin ni Cali since we are from different schools, pero parehas lang ng lugar kung saan mag-stay. Nasa department store kami dahil kailangan daw niyang mamili ng ilang mga gamit na dadalhin sa Antipolo. Sumama naman ako dahil gusto ko ring bumili ng bagong sneakers.


"Mas bagay ito sa'yo," itinuro ko sa kaniya ang blue and white striped polo-shirt. I mean, bagay naman sa kaniya lahat. Kahit nga siguro walang suot. Charot.


Tumango siya. "Sure, basta sabi mo e."


"Aba! Tinatanong mo kung alin ang mas babagay sa'yo e," reklamo ko sa kaniya.


"Oh talaga? Bakit hindi mo sinagot na ikaw?"


"Ha?" nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya. Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya at nagkunwaring naghahanap ng ibang damit.


"Ha?! Hang cute mo po, Ate Jaide!" he mocked in a girly voice. He laughed when I rolled my eyes at him.


"Bilisan mo na. Gutom na ako," sabi ko. Ala-una na at hindi pa kami kumakain ng lunch. Kaninang eight o'clock pa ako kumain ng breakfast.


"Okay po, Madam," he nodded and continued picking some clothes. Kanina pa ako nakapili ng sneakers. Parang sa aming dalawa, siya 'yong babae. Mas matagal pa siyang mamili kaysa sa'kin.


Nang matapos kaming kumain ng lunch, nag-ikot pa ulit kami. We were so occupied with each other's company that we haven't noticed that it's already past five. Dumiretso na kami sa parking lot kung nasaan ang kotse niya. Hindi na niya ginagamit ang motorbike niya dahil palagi raw kaming magkasama at alam niyang mas komportable ako sa four-wheels.


While putting our seatbelts on, his phone rang. Ayoko mang making sa usapan, pero naka-connect iyon sa speaker ng sasakyan.


[Hello! Caius, anak!]


Boses iyon ng lalaki. I assume that it's his father.


"Yes, Dad? May kailangan po kayo?"


[Uuwi kami ng mommy mo galing Manila. Let's have dinner together. I have a reservation in a fine dining restaurant!]


"Dad, may kasama pa po ako. Ihahatid ko muna siya bago pumunta r'yan."


[No, no! Anak, just bring your friend with you. Sabihin mo'y sumama na siya sa dinner natin.]


Napatingin sa'kin si Cali. Sumabat na ako sa usapan para hindi maipit si Cali sa usapan. "Sir, good evening po! I am Jaide Macquez, a friend of your son. Hindi na po ako papunta sa dinner ninyo dahil baka makaabala po ako sa family bonding n'yo. Pasensya na po, Sir!"


Mukhang nagulat si Cali sa ginawa ko. Nagulantang naman kami nang makarinig ng tawa mula sa kabilang linya.


[Oh, is my son making a move? Hindi ka na torpe, Caius?] muling tumawa ang tatay niya. [Ms. Jaide, I'm sorry but I won't take "no" as your answer. Sumama ka na sa dinner namin para makilala naman namin ang kaibigan ni Caius.]


Napangiwi si Cali sa sinagot ng ama. His eyes were almost saying its apology but I nodded my head and smiled at him.


"Okay, Dad. We'll be there in twenty."


May ilang sinabi pa ang kaniyang ama bago ibinaba ang tawag. Biglang nagkaroon ng katahimikan sa loob ng kotse. It's not awkward but there's really something else weird.


"It's fine if you don't want to go. I can just tell my dad," pagbasag ni Cali sa katahimikan.


I shook my head and assured him, "Hey, it's fine. It's just a dinner. No need to worry about."


"Just a dinner," pag-ulit niya sa sinabi ko. Dahil doon, saka ko lang na-realize ang mangyayari.


Fuck! I'm gonna have dinner with his family! Parang gusto kong bawiin na lang ang sinabi ko. Napuno ng kaba ang buong sistema ko. Hindi ako mapakali sa aking kinauupuan kaya ang aking bag ang pinagdiskitahan kong kalikutin.


Tumigil kami sa harap ng isang mamahaling restaurant. Sa labas pa lang, halata nang mamahalin ito. I can see people looking so formal. Good thing, I was not wearing a revealing outfit. I am in a periwinkle-colored bodycon dress with a white blazer over my shoulders. I paired it with a white YSL heels and a white sling bag.


Pumasok kami sa restaurant at sumunod lang ako sa kung saan pumunta si Cali. Tumigil siya sa tapat ng six-seater table. Agad na tumayo ang mga nandoon nang makita kami.


Cali's dad looks like him, but with rougher features. His mom looks so regal, so as his sister. All of them looked formal except me and Cali. I was jealous of Cali because he can carry himself so well. He's wearing a light blue polo tucked in black pants, then paired with a white sneakers. Suot pa rin niya 'yong kwintas niya, pero nakatago ang pendant noon.


Humalik si Cali sa pisngi ng Mom niya at niyakap ang Dad niya. Lumapit sa akin si Cyrielle at nakipagbeso. "It's nice to see you again, Ate Jaide! I missed you."


Ngumiti ako at binati rin siya. Humarap ako sa mga nakatatandang nag-iintay na makilala ako. Hinawakan ni Cali ang braso ko ang hinila palapit sa kaniya. Parang nawala ako sa katinuan at natuon ang atensiyon ko sa kamay niyang nakahawak sa palapulsuan ko.


"Mom, Dad! This is Jaide Alastair Macquez, kaibigan ko," pakilala ni Cali sa akin na umani ng tawa mula kay Cyrielle. Doon lang ako muling nabalik sa wisyo at iginawad ang maliit na ngiti sa parents ni Cali.


"Kuya, ang bagal mo naman! Hindi mo pa rin girlfriend?" nakangising sabi ni Cyrielle.


Dumilim ang mukha ni Cali. Bahagya namang tumawa ang ama niya.


"Is she the one, anak?" nagtaas ng kilay si Mr. Najarro kay Cali. Sinimangutan siya ni Cali kaya bumaling ito sa'kin. "Good evening, Miss Jaide. I'm Charles Najarro. It's nice to meet you," naglahad siya ng kamay sa'kin kaya tinanggap ko iyon. "This is my wife, Liselle Ernaya- Najarro."


Tumingin ako sa gawi ng ni Mrs. Najarro. "Good evening po, Ma'am," I smiled at her and offered a handshake. Hindi niya iyon tinanggap, sa halip tiningnan lamang niya ako sa malamig niyang mga mata. I pursed my lips and put my hand at my back, my confidence fading second by second.


Tuhikhim si Mr. Najarro at inanyayahan kaming maupo. Nasa kabisera si Mr. Najarro at nasa kanan naman niya ang asawa. On his left was Cali and I was seated beside him. Infront of me was Cyrielle.


Ipina-serve ng matanda ang mga pagkain. It was a simple filet mignon with veggies on the side. Nagsimula akong hiwain ang steak pero medyo nahirapan ako. Medyo nagulat naman ako nang pagpalitin ni Cali ang mga plato namin. The steak on his plate were already cut into pieces.


Nagpasalamat ako sa kaniya at ngiti lang ang ibinalik niya sa'kin. Tumusok ako ng isang piraso at susubo na sana pero nagtama ang tingin namin ni Mrs. Najarro. Agad kong nag-iwas ng tingin dahil sa kaba pero hindi yata siya papatinag.


"Miss Macquez, may I know from what school are you?" nag-angat ako ng tingin kay Mrs. Najarro. Sa boses pa lang niya, halos manginig na ang tuhod ko. She has this authorative aura in her.


"I'm from Letran po," sagot ko sa kaniya. "You can just call me 'Jaide' po, Ma'am."


"Well then, just call me 'Tita' since you are a..." tumingin siya saglit kay Cali, "a friend of my son."


I nodded. Even though I feel so intimidated by her, I chose not to show any weakness in front of their family.


"How are you related to the Macquez family, hija? The one who owns the Macquez Real Estate Companies," nagulat ako sa tanong ni Tita. Alam ko naman kung paano sagutin 'yon. But I just don't want them to feel like I'm bragging about my family name.


"I am the daughter of the CEO and the Vice Chairman of the boards, Tita," mahina kong sabi.


Nakita kong natigilan silang lahat. Nabitin ang pagsubo ni Cyrielle sa steak at nasamid naman si Cali sa iniinom na sparkling water. Mukhang naging interesado rin si Tito dahil sa sinabi ko.


"Wow! You must be living a good life! You're so rich!" pahayag ni Tito.


"My family, not me, Tito. I want to make my own name for myself po," sagot ko sa kaniya. Hindi ako naging komportable sa usapan tungkol sa yaman ng pamilya namin.


"Kuya, 'di ba gusto mong magtrabaho someday sa MREC?" ako naman ngayon ang nagulat sa tanong ni Cyrielle.


Tumingin ako kay Cali at nakita ko siyang uminom sa hawak niyang baso. Nang ibaba niya ulit iyon, saka siya nagsalita. "I'm gonna apply there after I passed the board exams."


Lumundag ang puso ko dahil sa sinabi niya. I can imagine him being a successful architect working in our company. Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi at isang ngiti ang iginawad sa kaniya.


"How about you, hija? Are you taking civil engineering like your family?" poker face pa rin si Tita nang itanong iyon.


"Hindi po. I'm planning to take Arts in Communication po."


"Oh? Buti pinayagan ka ng parents mo," I don't know if that was sarcastic. Ngiti lang ang sinagot ko sa matandang babae.


Nagpatuloy ang usapan at kainan. Si Cyrielle ang madalas na nagpapagaan sa usapan na sinasabayan naman paminsan minsan ni Tito Charles. Maya't-maya rin akong tinatanong ni Cali kung okay pa raw ako dahil baka hindi ako komportable. Tinanong rin niya kung may gusto pa raw ako.


Pwede bang ikaw?


Marami akong nalaman tungkol sa pamilya niya. Tito Chales and Tita Liselle are both architects. Head architects silang pareho sa magkaibang kompanya at pareho ring member ng boards. Si Cyrielle naman ay wala pa masyadong plano para sa college, 'yon ang sabi niya sa parents niya.


Napansin kong hindi masyadong mahigpit sila Tito at Tita kay Cyrielle. I think Cali is more of a Daddy's boy. Si Tita Liselle ang pinakastrikta sa kanila. Sa tingin ko rin, kay Tita nagmana ng pagiging intimidating si Cali.


It's around nine in the evening when the dinner finished. We went to the parking lot after. Inihatid pa kami ng pamilya ni Cali sa sasakyan niya.


"Mag-ingat kayo, mga anak. Cali, ingatan mo si Jaide," bilin ni Tito Charles bago kami sumakay sa kotse.


Tumango kami at nagpaalam na rin. Nakipagbeso pa ako kay Cyrielle at Tita Liselle. Nang makapagsuot na ng seatbelt, saka lang ako napanatag.


Kung ano-ano pa ang napagkwentuhan namin ni Cali sa sasakyan bago kami makarating sa tapat ng bahay. Habang nag-aayos ako ng bag ay lumabas ng sasakyan si Cali at umikot papunta sa side ko saka binuksan ang pinto.


"I'll be a gentleman tonight, milady," bahagya pa siyang yumuko kaya natawa ako.


"You're always a gentleman. I hope you know that," tinapik ko ang balikat niya.


Ngumiti siya sa'kin saka tumungo nang bahagya at ibinalik muli ang tingin sa mata ko. Nanlaki ang mga mata ko nang bigla siyang humakbang palapit sa'kin at niyakap ako.


Tumambol nang pagkalakas ang puso ko. Mabilis kong naramdaman ang init ng kaniyang katawan sa malamig na gabi. Nang makabawi ay niyakap ko rin siya pabalik.


Ilang saglit kaming nagtagal sa ganoong posisyon bago ako bumitaw sa yakap.


"Thank you for today, Caius."


"I should be the one thanking you, Jaide," hindi mawala sa mga labi niya ang ngiti. "See you tomorrow sa Antipolo."


"Yeah, see you."

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

1M 22.6K 48
Luciana Roman was blamed for her mother's death at the age of four by her family. She was called a murderer until she was shipped onto a plane for Ne...
3.1K 247 33
SERIES OF EPITOME #1. Cali Najarro, the editorial cartoonist of Science High, has his goals straight. He wants to pursue architecture in the Universi...
Steamy Ones بواسطة Vile Vampire

قصص المراهقين

93.6K 326 13
As the title says
1.6M 58.2K 39
MALHOTRA SERIES #BOOK 1 Anika Ahuja has everything but Family's love , support and a love intrest. Working at Malhotra Industries as the Head of the...