Beyond The Lenses (Asia Serie...

By yukhhulty

2.6K 45 0

Asia #1. Living in the ordinary crosses the Filipina Stephanie's life from UP Film. Not such time when she me... More

Notes
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue
Notes:

Chapter 8

47 0 0
By yukhhulty


"Stephanie, bingi ka na ba?"


Nagbibingi-bingian ako habang tinatawag ni Carlo ang pangalan ko. Di ko kasi maintindihan kung bakit siya nandito, at may nalaman pang pa-sundo sundo, ano ako kinder? May sarili akong paa at kaya kong sumakay ng mag-isa.


"I said sabay na tayong pupunta," I was surprised when he was on my side, bumaba pala siya ng kotse,


"Luh? Bakit mo ako sinusundo?" tanong ko pabalik sa kanya, "Enebe, 'pag ako na fall!"


"Ugok! Tito said that I would take care of you.." he said. "I mean the interns,"


"Bakit di mo sinundo si Gwen?" tanong ko kaagad sa kanya,


"She has a car, Stephanie." he said. "Don't ask too many questions, it's so hot here."


At dahil no choice nanaman ako, sumama na ako sa kanya. Habang nasa biyahe, tahimik lang tuloy akong nakaupo at nakikinig sa music ng kanyang radyo, nagpapatugtog pa talaga siya ng love song, nakakainis. 


"Giniginaw ka ba?" he asked me, nakita niya kasi akong naka-krus ng mga braso,


"Hindi po," mariin kong sabi, nakadungaw pa rin sa labas ng bintana


Hindi na siya muling nagsalita at nagpatuloy sa pagdidrive, dumagdag pa itong traffic na ito. Mukhang matatagalan tuloy kaming makarating sa network,


"You're nervous because of the surprise guesting, Am I right?" 


"No, you're not right. Sanay naman ako makipag-socialize sa tao, Sir." I said,


"Whatever," he moisten his lips,


"At gusto kong makilala ang pangalan ko kapag nagkaroon na ako ng stable na pamumuhay,"


"What are your plans after this internship and graduation?" he asked me again,


"Siguro, magpapatuloy akong magtrabaho sa network, and by that I'll pursue my career in productions. Balang araw makakagawa din ako ng sarili kong akda," I said while looking above, thinking of my future,


"Wala ka bang plans na magkaroon ng boyfriend?" 


Napalingon tuloy ako sa kanya, at binigyan siya ng nakakainis na tingin,


"Bakit niyo naman po nasabi yan? Wala pa yan sa dictionary ko,"


"What if someone would come to your life?" biglaang tanong ni Carlo, naloka tuloy ako.


"Anong ibig niyo pong sabihin, Sir?" pagpapalayo ko sa kanyang tanong,


"Sabi ko paano pag may isang taong dumating sa buhay mo, would you still continue your career?" He frowned.


"Naman, sir. Kaya naman 'yang ipagsabay, ba't niyo po natanong?" I asked.


"Nothing, It just popped in my mind," dagdag niya pa.


Muli kaming natahimik hanggang sa makarating kaming dalawa sa network. Di pa rin maalis sa isip ko yung sinabi niya sa akin. Bakit mag-aapply ba siya sa akin? Char, pero siguro kapag nagkataon na merong dumating sa buhay ko. Siguro I would choose my dream, yun kasi ang nauna eh. Tsaka on my own perspective, lahat ng bagay na dumarating sa iyo, nawawala din. Kaya itong career na dadating sa akin sa susunod, hindi ko ito hahayaang mawala at gagawin ko ang lahat para di ito mabitawan,


"At lagi nating tatandaan, Momshy Karls na Magandang Buhay!" 


Kinakabahan na ako ng magsimula na ang set ng reality show, nasa backstage lang ako at inaantay ang go signal ng tatlong momshy sa isang talk show, 


"Kaya ang isa sa ating makakasama this morning ay isang hindi pa kilala sa industriya ngunit may galing ng maipapamalas, diba Momshy Juls?" sabi naman ni Momshy Melsh.


"Yes!" nakangiting tugon naman ni Momshy Juls.


"She's no other than! The intern behind the upcoming teleserye in the Philippine Television! Inday Labandera! Good Morning, Stephanie Grossman!" 


Naghiyawan ang buong studio ng lumabas na ako mula sa backstage, napatingin ako kay Carlo na nasa gilid ng cameraman at nakikisabay sa palakpakan ng mga tagapanood.


"Magandang bahay, Stephanie!" Momshy Karls greeted me by a kiss, and also the other Momshies.


"Hello po! At sa mga nanonood!" sabi ko sa harap ng camera,


Nang maupo na kami sa couch, sinimulan na akong interviewhin nila Momshy, nakangiti lang ako at handa sa kung ano mang tanong kahit na hindi pa ako sanay na nakikita ang mukha ko sa kamara,


"Unang-una sa lahat, Stephanie. Di kami makapaniwala na isa kang hamak na estudyante sa UP at may angking galing pala sa pagsusulat, paano ka ba nagsimula at nakarating sa puntong ito? Alam nating lahat na sabik na silang makita ang teaser ng Inday Labandera!" Momshy Juls asked me,


"Sa totoo lang po hindi ko alam na makakarating ako sa ganito," I laughed, "When I graduated in high school, undecided pa po ako kung ano ang kukunin ko. Pinilit ako ng friend ko na si Eunice, she's watching now!" I bid in the camera, "My friend was studying Chemical Engineering since bobo ako sa Science and Math, I choose to enter Mass Communication in UP when I passed there together with my best friend, tapos ayun I found myself there, loving my program!"


"Ohhh." napa-wow silang tatlo sa akin, "So anong plans mo after this, Stephanie?" Momshy Melsh asked me.


"Well, Momshy...susubukan ko ho na mamasukan as a assistant director muna, kasi nag-lelearn pa ako. I want to learn and to be train more kasi hindi naman madali ang pagiging direktor,"


"Tama nga naman," Momshy Karls joined. "And alam mo ba that the management of the productions was grateful to have you, kasi yung plot ng story mo, mukhang pang box-office! Maghihit ito sa masa,"


"Sana nga po, I couldn't believe that my plot was chosen among others," nakangiting sabi ko.


"Kasi ang husay mo, biniyayaan ka ng angking galing," sabi naman ni Momshy Juls.


"Well, well well," Momshy Mels said, "Ang tanong ng lahat, may lovelife na ba ang isang Stephanie?!"


"Wala po! Study first po talaga ako!" mabilis kong sagot habang nakangiti, napalingon muli ako kay Carlo na naka-krus ang mga braso, nakatitig lang siya sa akin pero hindi ko mabasa ano ang sinasabi ng kanyang mata,


"Paano pag dumating na ang lalaking magpapatibok ng puso mo?" they asked again, bumalik nanaman sa akin ang tanong ni Carlo habang nasa kotse kami kanina. Hindi talaga maalis-alis sa ibang tao ang tanong kung bakit pa ako single,


"Siguro tatanggapin ko siya, Momshy. Pero alam niyo po yun, hindi pa kasi ako handa. Marami pa akong pangarap na kailangan tuparin lalo na't unti-unti ko na itong nakakamit," masayang sabi ko sa kanila. "Ang pagmamahal, may panahon diyan. Hindi kailangan madaliin. Aanhin mo kung may darating sayo pero at the end, iiwan ka pa rin? Syempre, di ka na makakapag-focus sa pangarap mo dahil winasak ito ng taong dapat sana magpapaligaya ng puso mo,"


"Ang lalim naman noon, Mamshy Karls, 'no?!" Momshy Mels laughed, 


Nag-uusap lang kami tungkol sa lifestyle ko at saan ako lumaki. Well, talkshow ito kaya madami talagang talak. Actually, ang saya pala pag naikukuwento mo sa mga tao lalo na sa mga artista ang buhay mo. Somehow, they are inspired of your colors.


Pagkatapos ng guesting, bumalik na kami ni Carlo sa opisina, he was impressed how I talk with the momshy, sabi ko naman 'okay lang naman' kasi pala-kuwento naman ako, pero ang kaibahan lang ay napapanood ito sa buong panig ng bansa,


Nang maggagabi na, pinilit nanaman akong ihatid ni Carlo sa condo, at dahil nga di nanaman ako makatanggi, nag-oo nanaman ako. Nasa kalagitnaan kami ng Quezon Avenue ng biglang nag-text si Eunice,


From: Eunice

Beh, I can't go home today. Mag-oovertime kami dito sa power plant or basta, maybe maghohotel nalang ako nakakapagod na kasing bumiyahe.  


From: Eunice

I saw you kanina sa Magandang Buhay beeh!  Pinagmamalaki pa naman kita sa ka clasmates ko, tapos napagalitan tuloy ako ni ma'am dahil inuuna ko daw ang pagtunganga kaysa sa pag-aaral muntik pa ako pinalabas sa klase yung minention mo yung name ko dahil napahiyaw ako Lubyuh


Natawa nalang ako sa text ni Eunice, she's so supportive ever since, Ayan tuloy napagalitan!


Since ako lang mag-isa sa condo, hinanap ko muna ang spare key sa bag ko, nakailang kapa at hanap na ako pero di ko makita, nagsisimula tuloy akong mag-panic,


"Anong kinukulikot mo diyan?" Carlo said, napatingin siya at inilipat din kaagad ang tingin sa highway


"Wala ang spare key ko, di kasi makakauwi si Eunice." I said while I'm busy searching for it


"Naku, hanapin mo 'yan kung ayaw mong matulog sa kalsada," he joked on me.


"Imbis na tulungan mo ako, tinatakot mo pa ako." sabi ko sa kanya,


"How could I help you na nagdrdrive ako,"


"Tumahimik ka nalang, sir." I rolled my eyes habang naiinis na hinahanap ang lintik na susi na yun.


Di ko talaga mahanap ang susi ko at saka ko lang naalala na naiwan ko ito sa kusina kanina dahil nagmamadali akong lumabas dahil sa guesting sa Magandang Buhay, naiwan ko din ang credit cards ko sa cabinet kaya kung maghohotel man lang ako ngayon, wala akong pambayad. Isang libo lang ang meron ako dito at di ito magkakasya sa isang gabing stay.


"Di mo mahanap, o baka naiwan mo?" biglang nagsalita si Carlo ng napansing natahimik na lamang ako,


"Literal na naiwan ko, oh my goodness!" di na ako makapag-isip ng maayos, sa lahat ng pwede ko makalimutan, ang spare key ko pa! Ayoko din namang mag-stay sa hotel dahil wala akong susuotin at yung pocket money ko ay konti lang!


"You can spend a night in my condo," he suggested, dahan-dahan tuloy akong napalingon sa kanya,


"P-po?" pag-uulit ko ng tanong, baka sakaling mali ang narinig ko,


"Sa condo ko nalang ikaw magpapalipas ng gabi," inulit niya.


"Uy, 'wag na po!" umiling ako. "Tsaka, wala akong dalang pamalit, siguro pupunta na lang ako ng Bulacan para kunin kay Eunice ang susi."


"Okay ka lang ba?" he asked, "Pupunta ka ng Bulacan ng ganitong oras, gabing-gabi na."


"Kaysa naman matulog sa kalsada, at kung maghohotel naman ako, wala akong pera, kung sa kanila Justin, Seve, at Kyo bawal din dahil panlalaki, at kung kay Alexa naman, malayo na din dito." sabi ko sa kay Carlo,


"Ang dami mo ng sinasabi, inaalok na nga kita. Kung ayaw mo, diyan ka sa tapat matulog," he stops the car in the front of the dormitory as we arrived,


Di pa ako bumababa sa kotse niya at nag-iisip kung sasama ba ako sa condo niya, isn't it awkward na magsama ang boss at intern sa iisang unit? Dalawang keys lang din kasi ang pinoprovide per unit, kaya di ako makakahingi ng extra sa may front desk,


I inhaled a large amount of breath, before facing Carlo, agreeing it shyly.


"Fine! I'll go with you." I bit my lower lip. I saw him smirked before u-turning his car to Taguig.


Nang makarating kami sa unit niya, dumiretso siya kaagad sa kusina habang ako ay nanatiling nakatayo sa may pinto, nakatitig lang sa looban ng condo niya. Dirty white at may shades lang ng pastels, wala gaanong disenyo ngunit may glass cabinet doon kung nasaan naka display ang ilan niyang awards, pati mga frame na nakasabit,


"Ba't ka nakatunganga diyan?" he asked me while drinking a water he got from the fridge.


"Nevermind," ngumiti ako habang dahan-dahang naglalakad, "Ang husay mo pala! Ang dami mo ng karangalan at natamo sa ganyang edad pa lang," I illustriously said habang nakatingin sa glass screen na puno ng trophy,


Ibinaba niya ang baso ng tubig sa mesa at naglakad papalapit sa akin,


"Nasa Vietnam pa ang iba kong trophies," he said, "Mga parangal ko yan dito sa Pilipinas,"


Namangha naman ako, "Talaga? Ang husay mo talaga, ang dami na sigurong nagawa ng pangalan mo, ano?"


"Awit ka," he laughed. 


"Pangarap ko ang magtamo ng ganito, ngayong nagsisimula ng makilala ang pangalan ko sa larangan ng produksiyon," sabi ko sa kanya, "Balang araw, Carlo. Magiging katulad kita na masayang naabot ang pangarap,"


"Yes, you will. Trust yourself and have a faith, Stephanie." 


"You're my inspiration, Carlo." I said.


"What?!" gulat niyang tanong sa akin, di ko rin inaasahang ganoon ang lalabas sa bibig ko,


"Wala...sabi ko pupunta na ako sa kusina, ano kayang pwedeng mailulutong dinner?" pag-iiba ko ng topic, bwisit naman ito at kung anu-ano lang lumalabas na salita,


Naging abala ako kunwari sa kusina, at naghahanap ng pwedeng lulutuin, mabuti na lang at may stock siya ng karne. Kaya nagluto nalang ako ng bistek tagalog, nang naramdaman kong papalapit siya sa akin nag kunwari ulit akong busy, nahihiya kasi ako sa sinabi ko sa kanya,


"What's that?"  he asked, standing beside me.


"Bistek tagalog, nakakain ka na ba nito?"


"Yes, Gwen cooked that," he said.


Padabog ko tuloy na ibinaba ang sandok, hininaan ang apoy, at naghugas ng kamay. May kung anong dahilan bakit sumikip ang dibdib ko kapag naririnig ko si Gwen, wala naman akong galit sa kanya pero may dahilan talagang mainis ako.


"Hey,  bakit naging seryoso ka na diyan?" he said habang tinitignan ang niluluto ko,


"Wala lang, dapat ba always happy?" ngumiti ako ng malapad at ipinakita sa kanya,


"You're so funny, Stephanie." he laughed,


"Sinong mas funny sa amin ni Gwen?" I asked, kinuha ko muli ang sandok.


"Why did you asked that?" he said while arching his brows,  "You are both different,"


"Sagutin mo nalang!" giit ko,


"I think...." he pointed his chin


"Wait, I'll going to get this na, baka ma-overcooked." I said while preparing a plate for it,


"Sa akin lang, To be honest, ikaw ang gusto ko!" he said without regrets.


................................................................................................................................................................

Continue Reading

You'll Also Like

125M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
170M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
63.4M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!