Chasing Dreams, Chasing You

By haestus

830 148 4

Naveen Zuerra was surrounded by her family full of accountant. Spade Paulino is the heir and soon will inheri... More

Author's Note
Chapter 1: Dion Café
Chapter 2: Partners!
Chapter 3: Coffee Latte
Chapter 4: Friend
Chapter 5: Treat
Chapter 6: Atrocious
Chapter 7: Experience
Chapter 8: Benefit
Chapter 9: Awkward
Chapter 10: Schoolworks
Chapter 11: Iconic
Chapter 12: Help
Chapter 13: Uh-oh
Chapter 14: Setup
Chapter 15: Special Girl
Chapter 16: Deny
Chapter 17: Twist
Chapter 18: Its You
Chapter 20: Confusing
Chapter 21: Carpe Diem
Chapter 22: Holy Crap
Chapter 23: The Other Side

Chapter 19: Dreaming

12 5 0
By haestus

Chapter 19: Dreaming

Boredom it may call but Naveen want to take it as opportunity, a perfect time to write.

Wala siyang ibang kailangan isipin. Its effin sembreak! No seatworks, no practice set or any school stuff related.

Her novella and the deadline. Yan lang ang dapat niya isipin ngayon. But heck. Paano siya magkakapagfocus sa pagsusulat kung masyadong preoccupied ang utak niya?

'ayaw mo talaga sumama?'

Naveen stared at Franco's message. Honestly, gusto niya sumama. Gustong gusto. Who would not want to go in Tagaytay after the stressful week? No one.

Pero sadly, hindi siya pwede umalis ...ng walang paalam. At kahit magpaalam siya, for sure hindi din naman siya papayagan.

Then an idea pop on her mind. A not so good idea. Kung hindi siya papayagan, pwede namang tumakas nalang siya with the help of the one and only ...Manang Fe.

"Ano bang sinasabi mong bata ka? Ako ang malilintikan kapag nahuli ka."

Naveen ask her to lower her voice, madaling araw palang kasi at baka magising ang parents niya. "Hindi naman po ako magpapahuli."

"Hay nako, matitiis ba naman kita." Letting out a sigh, the old woman nodded. "Sige na nga basta mag-iingat ka ha, umuwi ka din agad."

After explaining her 'plan', bumalik na siya sa kwarto para maligo at mag-ayos. Then she replied to Franco, 'sunduin mo ako sa terminal, sasama ako!' 

Wearing a plain black hoody and pants, binuksan niya ang bintana ng kwarto niya at doon lumabas ng dahan-dahan. Pwede na siyang mapagkamalan na akyat-bahay kung may makakakita sa kanya. Dagdag pa na all black ang suot niya.

She felt both excitement and fear. Excitement because that was the first time she sneak out and the fear to get caught in act.

Naveen wiped the sweat on her forehead as she successfully went out. Phew! Mabilis siyang naglakad palabas ng subdivision at nagcommute papunta sa terminal.

"Excited much? Talagang madaling araw mo naisipan umalis?"

Gusto niyang matawa sa mukha ni Franco dahil nakapikit pa ito at halatang inaantok. Naistorbo niya ata.

"Iba ang excited sa tumakas, okay?"

Parang nawala bigla ang antok nito sa sinabi niya. "Gago, seryoso ka?"

"Mukha ba akong nagbibiro?" tanong niya bago sumakay sa sasakyan nito.

Sumunod naman ito at agad na nag drive paalis. "Baka mabalitaan mo nalang na missing ka na pala pag-uwi mo."

"Ang oa mo, uuwi din naman agad ako."

Hindi na ito sumagot kaya hindi na din siya nagsalita. Nakatulog siya at nagising lang nang may naramdamang braso sa bewang niya.

"Franco, gising na ..aalis na tayoo----oh my ghad!" 

Familiar ang boses na yon ah. Kahit inaantok, minulat niya ang mata niya only to see Riva with her surprise look. Bakit naman kaya?

Nang maramdaman niya na naman ang paggalaw ng kamay sa bandang bewang niya, alam niya na kung bakit.

"Anong nangyari babe--" Sunod na dumating si Spade at kita niya ang gulat sa mukha nito nang magtama ang mata nila. "M-mukhang busy sila, tara na."

Naveen don't want to entertain the thought pero ..nagseselos kaya siya? Pero imposible. Bago pa siya mag assume ng kung ano, sinipa niya muna si Franco palayo sa kanya.

"Araaay ---bakit mo ako sinipa?"

"Gago, anong ginagawa ko dito ---sa kwarto mo?"

Tumayo muna ito mula sa pagkakahulog sa kama at tiningnan siya ng masama. "Ano sa tingin mo? Malamang natulog."

"Natulog lang?" Hinawakan niya ang katawan niya, may suot pa naman siyang damit. "W-walang nangyari sa ..atin?"

"Baliw ka ba? May taste naman ako."

Insulto ba yon?

"Yeah right, pareho nga kayo ng taste ng kapatid mo, diba?"

Burn. Natigilan ito sa sinabi niya kaya napahalakhak siya ng bongga. Ah, pikon!

Binato siya nito ng unan kaya napahiga ulit siya sa kama. Watdaef? Bumawi naman siya at binato niya din si Franco kaya ang ending ...pillow fight.

"Ano maghaharutan lang kayo diyan?"

Sabay silang napatingin kay Spade na halatang wala sa mood at kay Riva na mukhang ready to go na.

"Mukhang may nagseselos," bulong ni Franco bago pumasok sa cr at naligo.

Matagal ang naging biyahe, bukod sa malayo, grabe ang traffic. As in. Pero sulit naman dahil sa ganda ng view ng taal volcano. Nakakawala ng stress.

"Mamaya ka na mag sightseeing, mag check-in muna tayo." said Franco.

Pansin niya na siya lang ang wala masyadong bitbit na gamit. Phone lang saka purse. Yung couple, parehong naka-maleta. Si Franco naman, naka-backpack. Yung totoo, ilang araw ba sila mawawala?

"For three days and two nights po? Okay. Room 709. Eto po ang susi." nakangiting sabi ng receptionist.

Her eyes widened as she look at Franco. "Bakit hindi mo sinabi?"

"Baka kasi magbago isip mo, edi magiging third wheel na naman ako."

Oh, fudge. 3 days and 2 nights?! Watdaef?!

'Medyo' nawala ang inis niya kay Franco nang makita ang loob ng hotel room na tutuluyan nila. Pagkapasok, kita agad ang overlooking view ng taal dahil sa glass wall. May tatlong bedrooms, sofa set at kitchen.

Wow. Mukhang masusulit niya naman pala ang three days at two nights.

"We already made a reservation for our lunch," Riva said. "Walking distance lang naman yon dito then after when can start roaming around na."

She just smile and nodded. Being close with those couple made her think na mukhang magiging isang malaking torture ang three days niya.

"Okay ka lang?"

Napatingin siya kay Franco na nakasuot na ngayon ng jacket. "Mukha ba akong hindi okay?"

"Hanggang ngayon indenial ka pa din?"

"Hanggang ngayon epal ka pa din?"

Natawa ito. "Consistent ka talaga sa kasungitan mo."

She just rolled her eyes. Maya-maya lumabas na din si Riva sa kwarto kasunod si Spade. Nagpalit lang din sila ng damit.

"Oh Naveen, you're not going to change?"

"Hindi, wala kasi akong dalang extra na damit." Tiningnan niya ang suot niyang black hoody at pants. "Saka okay na ako dito."

"Nah-uh, I'll let you borrow my clothes nalang." Hinila siya nito papunta sa kwarto nila. "You should wear something light, like this one."

In the end, wala siyang nagawa kundi magpalit. Fitted na sando, high-waisted shorts with a cardigan on top. Puro pastel ang shades. Pati sneakers niya hindi pinalagpas at pinalitan ng 3 inches sandals.

"Naks, hindi ka na mukhang aattend ng lamay." natatawang sabi ni Franco kaya sinamaan niya ito ng tingin. "I mean, iba talaga ang sense of fashion kapag model."

Ibig sabihin ..model si Riva? "So sinasabi mong wala akong sense of fashion?!"

Nag-aalangan itong ngumiti. "Parang ganon na nga hehe."

Sa isang resto na may overlooking view ng taal sila kumain. Actually, halos lahat naman ata ng establishment sa Tagaytay ay tanaw ang taal. Karamihan din ay open air kaya ramdam talaga ang lamig.

Dahil nakalibre na siya sa hotel room at pinahiram pa siya ng damit at dahil na din sa hiya, Naveen insist to pay for their lunch.

But Spade gave her card back. "Someone said that I should not let a girl pay, its on me."

Franco smirked. "That someone must be happy that you really take his words seriously."

"Ah, you must be happy." Spade chuckled.

Naveen panned her head from left to right. Mukhang may nabubuong tension na naman.

"Ah guys? May I remind you na nasa public place tayo?" As usual, Riva cut in. "And remember that we came here to relax and have fun."

"Bakit kasi sinama mo pa yan? We can still have fun naman kahit tayong dalawa lang."

If Spade was trying to murmur then he failed because they heard it. Naveen clearly heard it. At hindi naman masakit, medyo lang. 

"Kung ayaw mo kami kasama, sana sinabi mo agad." Franco placed the money on the table and held her hand. "Tara Naveen, we will 'have fun' kahit tayong dalawa lang."

Hinila siya nito paalis, palabas sa lugar na yon. Ayaw niya sana sumama pero dahil sa sinabi ni Spade, parang mas okay kung umalis na din siya.

"Saan mo gusto pumunta?" tanong ni Franco pagkasakay nila sa sasakyan. "Kahit saan basta malayo sa dalawang yon."

"Bakit kailangan pa natin lumayo?"

"Para hindi tayo masyado masaktan."

"So you finally admitted na nasasaktan ka." Naveen teasingly smiled.

He nodded. "At hindi mo dineny kaya ibig sabihin pareho lang tayo."

"What? Hindi kaya--"

"Just admit it Naveen and stop denying your feelings, kahit ngayon lang." Franco shot glance at her. "For once, magpakatotoo ka naman."

Magpakatotoo?

For once?

She not faking herself or something kaya bakit --nevermind.

"S-sige." Naveen let out a sigh. "Tara sa Picnic Grove."

"Okay." Franco started the engine. "Picnic Grove, here we go!"

Mabilis lang ang naging biyahe. Wala pang ten minutes ay nakapag-park na agad sila. Buti nalang at weekdays, konti lang ang tao.

"So you like my brother?"

Parang bigla siyang nasamid sa tanong nito. "Required ba sumagot?"

"Oo, you can ask me one question in return." sagot nito. "Salitan tayo, game?"

Answering personal questions was like opening herself and letting other people see the things inside her. And it was not easy for Naveen. It takes her a lot of courage. A lot.

"No judgement?"

"No judgement," he said with his both hands up.

But with Franco, mukhang hindi naman siya mahihirapan mag open-up. He is a light person. Malakas lang mang-asar pero mabait naman. Medyo tanga nga lang minsan.

"So you like my brother?" tanong ulit nito.

"Hindi ..hindi ko alam, hindi ako sigurado ..I'm confused." Umupo siya sa isang bakanteng cottage, sumunod naman si Franco. "Ikaw, gusto mo si Riva?"

"Gustong gusto, higit pa sa sobra." Ngumiti ito pero may bumahid na lungkot sa mata niya. "Saan ka naman confuse?"

"Sa maraming bagay. Naguguluhan ako sa sarili ko ..sa feelings ko. I'm confused and he keep on confusing me sa mga kinikilos niya."

"I don't think you're confuse, sa nakikita ko kasi ..inlove ka pero pilit mo lang dinedeny."

"Paano mo naman nasabi? Love guru ka ba, ha?"

Natawa ito. "There's no such thing as love guru, alam mo kung bakit?"

Umiling siya kaya nagpatuloy ito. "Kasi walang expert pagdating sa pag-ibig. Lahat ng tao, nagiging bobo pag nagmahal."

"At ikaw ang living proof?"

Hindi niya alam kung dapat ba siyang matawa o hindi nang mag poker face ito. That was just a joke, okaaay?

"Bakit ako lang? Ikaw din kaya, pareho lang tayo."

"Hindi naman ako inlove."

"Indenial."

"Iba ang indenial sa confuse, okay?"

"Defensive."

"Whatever. Ang sabi mo 'we will have fun' so bakit nakaupo lang tayo dito?"

"We are actually 'having fun' talking to each other, are we?"

Naveen arched a brow. "At sinong nagsabi sayo na natutuwa akong kausap ka?"

"Wala, I just ..assume?" Franco shrugged his shoulders. "If you're not having fun here, I know a place, a better place to talk."

And his so called 'better place' was none other than a bar. A resto bar.

"Now, let's talk."

It was past 2am nang makabalik sila sa hotel. They were both tipsy buti nalang at nakapagdrive pa si Franco ..ng safe.

Naveen tried turning the doorknob kaso naka-lock. "Wala tayong shushi."

"Shushi? Yung japanish food?"

"Bobo, hindi yon!"

She was about to turn the knob again when the door swung open and saw Spade standing right infront of her.

"Nakainom ka ba?"

"Obvioush bah?"

Nilagpasan niya ito pero agad din siya nitong sinundan at inalalayan maglakad papunta sa sofa.

"May paa naman ako, kaya ko maglakad mag-isha!"

"Pero lasing ka."

Humiga na siya at naramdaman ang pagdampi ng malamig na bagay sa balat niya. When she opened her eyes, nakita niya si Spade, may hawak na towel at pinupunasan ang mukha niya.

"I didn't have fun today..."

She wasn't sure if it is because of the alcohol or her fucked up emotions or she just really heard him right.

"...because you were not there."

If she was dreaming, please don't wake her up.

Continue Reading

You'll Also Like

17K 938 27
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
2.8M 53.6K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
337K 23K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
35.2M 1.2M 37
Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idio...