KNIGHTS I-2: Demon's Destruct...

By oaxygenknight

1.7M 54.6K 4.7K

Arrow Sanchez has only one goal in life, to enjoy her peaceful life and to know exactly what happened in the... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 64
Chapter 65
Epilogue

Chapter 63

22.6K 676 48
By oaxygenknight

Arrow

"Hey." Napalingon ako sa likuran ko nang marinig ang boses na 'yon.

Ngumiti ako nang mapait bago siya senyasan na lumapit.

He sat beside me silently. Like he's trying to observe. Napangiti na lang ako dahil sa pananahimik niya.

"I'm fine," I said. He just gazed at me like he's not convinced of what I said.

"Are you?"

Saglit akong natulala dahil sa tanong na 'yon mula sa kaniya. Natahimik ako sa tabi niya habang nakatingin sa kulay asul niyang mga mata.

Am I really fine?

After regaining my memories?

Nakangiting yumuko ako bago dahan-dahang umiling. Ramdam ko ang panunubig ng mga mata ko.

"I'm t-trying, Froze. I'm trying to be fine," sagot ko.

Lumapit siya sa akin nang bahagya bago ako halikan sa noo. He caged me inside his arms, tightly.

Napapikit ako nang mariin habang yakap-yakap siya. It feels so good inside his arms.

"Everything's gonna be fine, Arrow, trust me, baby. Nandito ako." Hinagod niya ang likod matapos sabihin 'yon.

Tango lamang ako nang tango. Alam ko naman na hindi niya ako iiwan. I trust him with all my heart. At hindi ko kakayaning lumaban mag-isa kung hindi ko siya kasama.

Napatingin ako sa kalangitan habang umiiyak pa rin. I smiled sweetly.

I'm sorry, Arrow, I'm sorry for everything. Nangangako ako sa 'yo na hinding-hindi ko na dudumihan pa ang mga kamay ko para makuha ang hustisya na kailangan mo.

Even if you're already gone, I know you're up there to guide me.

"LOLO, bakit ninyo po ako pinatawag?" takang tanong ko habang lumilinga sa paligid.

Kaming dalawa lang dito sa likod ng palasyo, and I have no idea kung bakit kami nandito sa ganitong oras.

"Where's Froze?" he asked at lumingon pa sa likuran ko.

Sakto naman na lumabas si Froze mula kung saan na pinasunod ko sa akin.

"Hey, sorry if I'm late, why are we here?" he asked coldly to my grandpa.

Ngumiti ako sa kaniya nang matamis, sinuklian niya naman agad 'yon bago ako hawakan sa baywang.

"I just want to introduce someone to my apo. I'm sure you'll be happy, Ayenna--"

"Call me Arrow, lolo, I prefer that name," nakangiting saad ko.

Tumango naman siya at naiiling na tumawa. "I see, Arrow."

"Ano nga po ulit 'yon?" magalang kong tanong.

"I want to introduce someone to you. She became part of your life, kaya sigurado akong matutuwa ka." He sounds so excited.

I wonder kung sino ang ipapakilala niya sa akin.

Mula kung saan ay lumitaw ang isang napakagandang babae na nakasuot ng puting dress.

"Astreille?" gulat na banggit ni Froze mula sa likuran ko.

Ngumiti nang matamis ang babae sa harapan namin bago yakapin ang lalaki sa likuran ko.

Hindi ko alam kung bakit hindi ako nakaramdam ng selos. She's so angelic, at hindi ko maramdaman na may tinatago siyang kulo.

Matapos niyang yakapin si Froze ay lumingon naman siya sa akin. "Hello, you are so beautiful."

Napangiti ako habang nakatingin sa malaperpekto niyang mukha.

"You too," sagot ko.

Nabigla ako nang yakapin niya ako nang mahigpit. "Thank you for making Froze happy, Arrow. Thank you for coming back."

Mas lalo akong napanatag sa sinabi niya. Sa sinabi niyang 'yon, alam kong may alam din siya sa nakaraan namin ni Froze.

"Baby, this is Astreille. My brother's girlfriend," Froze said beside me.

Kumaway nang bahagya ang tinutukoy niyang Astreille kaya natatawang kumaway rin ako.

She's so cute!

"What are you doing here, Astreille? Are you with Xord?" tanong ni Froze na hanggang ngayon ay nagtataka pa rin.

Even me, nagtataka ako kung bakit siya nandito. Siya ba ang ipapakilala sa akin ni lolo?

"I'm not with Xord right now, Froze, pero siya naman ang naghatid sa akin, susunduin na rin naman niya ako mamaya," nakangiting sagot ni Astreille.

Tulala habang nakangiti lamang ako habang pinagmamasdan siya. She's like an angel. Parang nakikita ko ang kakambal ko sa katauhan niya dahil sa mga kilos niya.

"Astreille is with someone, Arrow, and you knew her well," saad ni lolo sa tabi.

Nagtatakang lumingon ako sa babaeng nasa harapan ko.

"Who?" tanong ko.

Isang matamis na ngiti ang pinakawalan niya bago siya lumingon sa likuran ko.

Maging ako ay napalingon na rin sa sobrang pagtataka.

Pero hindi ko inaasahan ang taong bumungad sa akin pagkaharap ko.

Ramdam na ramdam ko kung paano lumakas ang tibok ng puso ko. Nanubig din ang mga mata ko habang nakatingin sa kaniya.

Kahit nanginginig ang mga tuhod ay pinilit kong humakbang papalapit.

"M-Miyuki," naiiyak na banggit ko sa pangalan niya.

Maging siya ay napaiyak na rin bago takbuhin ang pagitan namin.

Mariin akong napapikit nang maramdaman ko na ang katawan niya sa akin. She's real, she's infront of you Arrow, she's alive.

"Where have you been, you bitch? Bakit hindi ka agad bumalik?" umiiyak na tanong ko sa kaniya.

"I'm sorry, I'm sorry if I came back too late. I m-miss you, Arrow." Mas naiyak pa ako nang marinig ang boses niya.

"Thank you for coming back, Miyuki, thank you for staying alive," puno ng pag-aalalang saad ko.

Mas hinigpitan ko pa ang pagkakayakap ko sa kaniya habang nakatingala sa kalangitan.

Sabrina, Saiko, Juana... You guys have nothing to worry anymore, magkasama na kaming dalawa. We're fine.

Salamat sa mga panahong pinasaya ninyo ako, pinrotektahan, kahit hindi ko nagawa ang bagay na 'yon para sa inyo.

Please be happy up there.

"Are you okay? May masakit ba sa 'yo? W-What? Tell me," sunod-sunod na tanong ko nang bumitaw ako sa yakap.

Pinunasan niya ang mga luha bago umiling.

"Astreille took care of me, kaya ayos lang ako, wala ka nang dapat ipag-alala, Arrow," nakangiting saad niya.

Lumingon ako kay Astreille na nanonood lang sa amin. Matamis ko siyang nginitian. I mouthed "thank you" and just answer me with a sweet smile.

Hinaplos ko ang buhok ni Miyuki. "How? P-Paano ka nakatakas sa mga hayop na 'yon?"

"Papauwi pa lang ako sa dorm noong makita ko kung paano nila patayin sila Sabrina. They tried to harm me, nasaksak nila ako nang ilang beses, but Juana did everything to save me. Nakatakbo pa ako palabas dahil may isang lalaki na humabol sa akin. Sakto naman na napadaan ang kotse ni Astreille, siya ang tumulong sa akin para makatakas sa mga lalaking 'yon." Lumapit siya nang bahagya sa akin bago bumulong. "She might look like an angel, but she's a baddass especially when she fought with that guy."

Natawa ako nang bahagya sa kakulitan niya.

"I'm glad that you're fine, Miyuki, I'm so glad," I whispered to her.

Continue Reading

You'll Also Like

260K 10K 66
For Sebastian Lerwick, being a good father, a loving husband, and a loyal member of the mafia are his top priorities. But when he's given a mission t...