After Five Years

By shytryfly

3K 183 47

Dati, isa lang ako sa mga estudyante ng St. James Catholic School, nakaupo sa mga upuan ng isang malaking kwa... More

Author's Note
Prologue
Chapter 1
Chapter 1.2
Chapter 1.3
Chapter 1.4
Chapter 2
Chapter 2.2
Chapter 2.4
Chapter 2.5
Chapter 2.6
Chapter 2.7
Chapter 2.8
Chapter 2.9
Chapter 2.10
Chapter 3
Chapter 3.1.1
Chapter 3.1.2

Chapter 2.3

88 7 0
By shytryfly

Author's Note:
Hello po! For all the readers of After Five Years po, I know na matagal na po ako na hindi nakakapag-update and I am very very sorry for that po. But, maybe one of these days ay makakapag-ud na po ako ng konti aside from this one since I am currently working na po sa mga next chapter. Though may konting revision and changes lang po ako na ginawa like the surname of our main male character so, please bear with me po.

Baka po malito kayo at magulat kapag nakita niyo na iba yung surname ni Breeze katulad po dito sa chapter na ito and sa mga susunod na chapter kaya sinabi ko na po sa inyo beforehand. All of the scenes naman po doon sa current chapters ay ganoon pa din except nga po sa surname ni Breeze na Theodon na po. His full name na po ay Breeze Ryte  Theodon.

However, I am always grateful po for your patience and understanding that is why I decided to continue writing the story po. For those who vote, comment, and continue reading this book, I cannot express my gratitude enough po. And that simple action is one of the reasons why my brain suddenly becomes creative. Please wait for my updates and always take care of yourself po. Stay safe and lovelots po! Enjoy reading 💛

_______________________________________________

"Okay so, this would serve as our meeting for the following events that will be happening on the assigned dates. For this month, October 21 and 22 would be their periodical exam. Paki-remind na lang yung mga parents for that." Magsasalita na sana si Ma'am Ap kaso nagtanong si Ma'am Dei.

"Ma'am Ap, I just want to ask, why is that po na ang aga ng periodical ng Kinder?" Tanong naman niya. Buti na lang at itinanong ni Ma'am Dei yon, nacucurious din kasi ako eh kaya lang nahihiya akong magtanong. After five years, yung pagiging mahiyain ko, hindi ko pa rin naiiwan sa nakaraan. Hay!

Nagsimula na kasi ang meeting simula ilang minuto noong nagsimula ang flag ceremony. Ang aga naman kasi na dumating nila Ma'am Ap and Ma'am Dei and mas lalo pa kami na bumilis kasi nga syempre binigyan namin ng time sila Ma'am na mag-ayos ng gamit nila. Syempre give respect pa din sa kanila as our Senior (A/N: Ang bad mo naman Shaze!) Author, Senior kasi yung parang mas nauna sa inyo, hay nako! (A/N: Tss) One point for me *wink* So, ayun nga si Author kasi ang hilig sa exposure (A/N: Gusto mo ba na itigil ko na ito?) Charot lang naman author, ikaw naman napakaserious mo, tss...

By the way to the north pole and highway, sinagot naman ni Ma'am Ap si Ma'am Dei na parang ayaw kami mamahinga. Kasi ba naman for me lang, mas okay yung mas maaga yung periodical ng mga bata kasi kids should enjoy their time with their families as well as the teachers. Bata pa lang naman sila eh, yes part ito ng needs nila but everyone deserves to rest lalo na ang mga bata. Know why? Kasi para madami dami ang mareserve nila na energy for the future responsibilities na gagampanan nila. Hindi lang din naman ang mga students ang nastrestress but, teachers din and by that, kung makakapagrest ang mga teachers baka mas lalo sila na maging productive sa mga future activities na ibibigay nila sa mga student nila for better learning and challenges din na dadating sa kanila in achieving that goal. Pero share ko lang yan at alam ko din na hindi talaga ito ang dahilan kung bakit maaga ang periodical ng Pre-elem. By the way, 7:50 na ngayon so baka maaga naman ito na matapos or kung hindi, itutuloy after class.

"Actually, due to the upcoming intramurals po kasi, as for the new ones, Ma'am Shaze, may dance fitness competition po kasi tayo with each level in Pre-Elem which are Kindergarten, Prep, and Grade 1, so we thought that the remaining month would be used for your practice. After intrams an--" Naputol ang sasabihin ni Ma'am Ap dahil tapos na pala ang flag ceremony sa labas ng Elem kasi bumalik na sila Sir Ato sa faculty para kuhanin yung mga gamit nila for their classes.

Huminto muna saglit si Ma'am Ap dahil sa mukhang na-distract si Ma'am. Hindi rin nakakapagtaka na ma-didistract siya dahil ang dami ng teachers ng elementary na bumalik dito compare sa amin na anim lang. For our department kasi, me and Ma'am Pil are both kinder teachers while Ma'am Kells and Ma'am Heil are for Prepatory. Of course the teachers for Grade 1 are Ma'am Ap and Ma'am Deity.

Ang set-up naman namin ngayon na meeting ay parang discussion ng teacher at student. Mayroon na whiteboard sa harap and syempre yung mga tables na namin. If you are wondering bakit may whiteboard sa harapan ay ginagamit kasi ito sa mga meeting namin sa mga events for the entire department sa elementary. Si Ma'am Ap ay nasa harapan at may hawak na whiteboard marker pero nananatili pa rin na malinis ang whiteboard. Kami naman na lima ay nasa kaniya-kaniyang lamesa at hanggang ngayon ay pinagmamasdan pa rin ang pagpasok at paglabas ng mga elementary teachers.

"Good morning mga Ma'am!" Masiglang bati sa amin ni Sir Luke habang papasok sa room. Si Sir Luke ay isang Grade 6 teacher at Arts major. Ano kayang brand ng kape ang nainom niya ngayon dahil halos mapunit na ang labi niya sa kakangiti niya. Pwede kaya akong manghingi ng sumaya naman ako kahit today lang? Hays, don't mind me at talagang naiisip ko pa rin kasi yung tawag namin na iyon ni Breeze eh at lalong-lalo na yung mga salitang binibitawan niya.

"And no as well, if you will end this call, my heart will break into pieces. Do you want that to happen, Pier?"

Mali. Mali. Mali.

Shaze Merene let me remind you that he was drunk that time kaya niya nasabi iyon okay? That is what my mind telling me.

But, there is a saying that when someone is drunk, they are capable of telling the truth. And that is what my heart argues.

Bakit pa kasi nagsasabi ng ganoon kung hindi naman kayang panindigan? Gulong-gulo na ako na hindi ko na malaman kung ano ang dapat ko na paniwalaan. Puso ko ba o ang aking isipan?

"Good morning din, Sir Luke! Good na good ang morning natin, Sir ah. Anong mayroon Sir or should I say, kailan na ang kasal Sir?" Eh sino pa ba ang malakas na mang-asar sa faculty na ito? No other than Ms. Pilerania Franco or in short, Ma'am Pil. Hindi talaga siya nauubasan ng pang-asar kaya pati si Sir Luke na  kakapasok at nangingiti lang ay wala rin takas sa kaniya.

Nasa upuan na si Sir Luke nang sagutin niya si Ma'am Pil na ngayon naman ay nakatingin lang sa kaniya at talagang may nakakalokong ngisi pa na iginawad kay Sir. Yung mga grade 6 teachers na lang naman na kasi yung hinihintay namin before we resume our meeting dahil sila palagi ang huli na bumabalik sa faculty after flag ceremony.

"Kayo po talaga Ma'am Pil! But, wala pa man po ang kasal at kahit hindi pa po ako nagpropropose, invited ka na po Ma'am." Sir Luke said while organizing yung mga gamit na dadalhin para sa first class niya.

At dahil sa right side ng faculty at sa dulo rin nakaupo si Sir ay talaga naman na hahaba ang asaran ng konti nila ni Ma'am Pil. Ayan tuloy at naiwan na lang dito si Sir Luke out of Grade 6 teachers dahil sa asaran at paggatong niya sa mga baon ni Ma'am Pil.

"Ay gusto ko yan, Sir! Paghahandaan ko ang araw na iyon Sir para sa aming anim dito, ako ang pinakamaganda na abay!" At syempre hindi nawawala ang hair flip pagkatapos ng linya niya na yan.

Tawang-tawa naman sina Ma'am Ap sa sinabi ni Ma'am Pil na animo wala kami sa gitna ng meeting ngayon.

Parang sa life lang din. Minsan need natin mag cool down muna or magreferesh muna ng minds para mas maabsorb natin yung mga bagay-bagay. Kailangan muna natin na isantabi yung mga problema para makapag isip ng mabuti in every decision and plans. Unleash your problems with a simple smile.

Sana pati rin yung feelings kayang gamutin ng simpleng pag-ngiti pero minsan yung pag-ngiti mo, iyon na rin ang nagiging dahilan ng pagkawasak mo. For sometimes, kasabayan ng pag ngiti mo yung mga patak ng luha na nagpapaunahan na pumatak galing sa iyong mga mata. Madali magpanggap na ayos ka lang pero hindi maitatago yung katotohanan na yung sakit na dinadala mo ay sobrang hirap.

Breeze kasi bumalik pa! Why naman kasi bumalik ka pa, ayan tuloy yung puso ko na durog dati, mas nadurog pa ng pinong-pino ngayon.

Nabalik ako sa realidad ng makita ko na lang na nasa harapan na pala ni Ma'am Heil si Sir Luke na malapit din sa pintuan. Hindi pa rin naman siya humakbang papunta sa pinto kasi panigurado may resbak na naman siya kaya Ma'am Pil. Teka, ganoon na ba ako kalutang para hindi ko mapansin yun or mabilis lang talaga siya maglakad?

"Ay Ma'am Pil, cocorrect ko lang po ah. Ninang po Ma'am. Ikaw po ang pinakamaganda--" JUSQ. Yung kaninang ngisi na mayroon si Ma'am Pil ay napalitan na ng busangot na mukha. Magmemeeting na ba kami at tapos na ang asaran nila?

Pero mukhang ang sagot ay hindi pa dahil sa mas lalong paghalakhak nina Ma'am Ap na ngayon ay nagpupunas na ng luha dahil sa sobrang pagtawa. Si Ma'am Heil naman ay tumatawa rin kaya nga lang ay nagpipigil din dahil kinakausap siya ni Cher. Si Ma'am Kells naman ay yung klase ng kaibigan na kapag tumatawa ay nanghahampas, hindi pa nakatulong na nasa gilid ko pa siya sa right side. At si Ma'am Dei naman na nasa unahan ko lang ay talagang nakadukmo pa sa lamesa niya at hindi ko naman alam na kung tumatawa ba siya o umiiyak na. Habang ako, sure na maiiyak na hindi sa tuwa kung hindi dahil sa ang sakit kasi talaga ng hampas ni Ma'am Kells!

Pero wala pa rin sa sakit ng hampas niya yung sakit na pinagdaanan ng puso ko for Breeze. Yes, I regret those chances, those times na makapagconfess sa kaniya ng feelings ko. But, agitation always hit me hard whenever I tried to do it. I am scared to do it kasi feeling ko after ko man mag confess, lalayuan niya ako. Pero hindi pa nga ako nagcoconfess, sobrang layo na niya sa akin eh and in addition, ang sungit din niya sa akin way back then. What more kung mag confess pa ako diba? Ready na nga ako sa gagawin ko na iyon for I had my letter in my hand which contains special words only meant for him. But, I forgot to ready myself for an unexpected twist of life for in those times I never knew that he was in love with someone...

And that is not me but someone better than me.

Baka nga sila pa hanggang ngayon tapos nasa stage na naman ako ng buhay ko na, umaasa ako sa wala. But, all the blame should be always on me and wala siya na kasalanan kung nasasaktan man ako kasi in the first place, lahat ng nangyayari sa akin ay pinili at decision ko.

Siguro nga din sila pa at siya rin siguro yung katext nito sa cellphone niya kahapon kaya ngiting-ngiti ang Theodon. Hindi mo rin naman masisisi kung sobrang inlove siya kay Arin as she is amazingly beautiful inside and outside plus, extraordinary brain. Lahat ng gusto ng mga lalaki nasa kaniya kaya no doubt, Breeze will deeply fall in love with her. Perfect match nga sila eh! Ang nakikita ko nga lang na similarity namin ay parehas lang kami na only child tapos wala na so back off na ako diba?

Bakit ko nga ba hindi ko naisip iyon kahapon? Siguro dahil sa hindi ko na alam ang uunahin ko kahapon sa sobrang dami ko na nararamdaman katulad ng saya kasi nakita ko siya ulit after five years, takot at kaba kasi baka nalaman niya yung feelings ko at baka nga hayaan ko na naman ang puso ko na masaktan at panghuli, lungkot kasi akala ko naka move on na ako pero ako pa rin pala ang talo sa laro na ito. Niloloko ko lang pa lang yung sarili ko na wala na akong nararamdaman sa kaniya dahil all this time, hindi naman talaga nawala, iniisip ko lang na nawala because I know my limitation for loving him. May Arin na siya and I need to stop for that is what I promise to myself long time ago.

"Aba! Sir kung maaari lang po ay humakbang ka na po papalabas at baka po mabiyuda ng wala sa oras ang nobya mo. Pakiusap po, Sir Luke!" Sabi ni Ma'am at talagang umarte pa siya na parang nanggigigil kay Sir Luke at may papikit pa ng mata. Hindi pa pala tapos ang asaran nila ni Sir Luke pero si Sir naman ay tumatawa lang at kalaunan ay umalis na din na naging hudyat para kay Ma'am Ap na ipagpatuloy ang naudlot na meeting kanina.

Continue Reading