Moonlight Throne (Gazellian S...

Od VentreCanard

3.2M 272K 102K

Jewella Leticia is willing to face the biggest war to rewrite the conflicted past of Nemetio Spiran- a world... Viac

Moonlight Throne
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
New Story Alert: Incense of the Lotus Flower (Le'Vamuievos Series #1)

Chapter 4

71.9K 6.5K 1.1K
Od VentreCanard

I listened to the song above while writing this chapter. Hope everyone can relate. I am really a fan of chinese traditional music <3 Sarap pakinggan ang mga kanta nila. Huhu. 

Chapter 4

 -- REYNA --

Panalangin

Bintanang bahaghari tanaw ay iyong mata...

Bulong na nakatago sa iyong mga kamay...

Pagkabasa ng iyong pisngi at halik ng iyong mga daliri...

Salita'y hindi sapat... tulad ng hanging walang lamig..

Isang beses lamang binigkas ni Claret ang bugtong, ngunit tila ilang daang ulit na iyon tumakbo sa isipan ko.

Kaiba ng mga naunang bugtong, nabigyan kami ng sapat na oras upang mag-isip at pagsama-samahin ang aming mga ideya, ngunit sa oras na ito'y higit na mahirap ang aming sitwasyon.

Hindi ko akalain na mararanasan naming lumutas ng mahirap na bugtong sa gitna ng isang labanan. Mabuti sana kung nasa maganda pang kalagayan ang mga prinsipeng ngayon ay pilit kaming pinuprotektahan, ngunit ang aking mga mata na mismo ang siyang naging saksi ng kanilang pinagdaanan simula ng bumaba kami sa mundo ng mga demonyo.

Labis-labis na ang lakas at kapangyarihang kanilang nagamit at alam kong darating na rin ang oras ng kanilang limitasyon. Sila ma'y itinalagang isa sa pinakamalalakas na mandirigma ng kani-kanilang emperyo, sila'y may hangganan din.

Sina Caleb at Zen ay kapwa na magkatalikuran, halos magkadikit na rin ang kanilang likuran sa isa't isa na para bang iyon na lang ang suporta upang kapwa sila makatayo at patuloy na gabayan sina Blair at Rosh. Maging si Seth ay hindi na rin magawang uwisang lahat ang bawat atake sa kanya. Habang sina Nikos, Hua at Lucas ay pilit pinuprotektahan ang yelong nakapaligid sa amin.

Nang sumulyap ako kina Harper at Iris ay kapwa na rin sila nakaantabay sa bawat bitak na yelo na anumang oras ay maaari na rin bumigay.

Ngayo'y inilahad na sa akin ang huling bugtong sa paglalakbay na ito, ang bugtong na magtuturo sa amin ng sunod na tagabantay.

Bintanang bahaghari tanaw ay iyong mata...

Bulong na nakatago sa iyong mga kamay...

Pagkabasa ng iyong pisngi at halik ng iyong mga daliri...

Salita'y hindi sapat... tulad ng hanging walang lamig...

Hindi ito ang oras upang hayaan ko ang sarili kong kumuha ng maraming panahon para mag-isip, kailangan ko nang masagot ang bugtong. Lugar at pagkakakilanlan lamang ang nais iparating ng bugtong.

At dalawa lang nilalang ang maaari kong pagpilian.

"Leticia..." hinawakan ni Claret ang aking mga kamay. Pansin ko na maging siya'y bakas na rin ang pawis sa kanyang noo. Ilang beses pa siyang sumulyap kay Zen at nakikita ko na sa kanyang mga mata na nais na niyang lumabas at tumulong sa laban.

"Concentrate... everything will be alright. K-Kami na ni Iris ang bahala rito. Solve the puzzle." Ani ni Harper.

Nang sumulyap ako sa kanya'y nagniningas na ang kanyang mga mata.

"Ang unang linya'y lugar." Umpisa ko. Agad tumango si Claret na mukhang iyon din ang iniisip.

"Bulong na nakatago sa iyong mga kamay..." ulit ni Claret sa ikalawang linya. "This could be a spell..."

Sa pagkakataong iyon ay ako naman ang tumango sa kanya. Ang kilos na iyon ay madalas ginagawa ng may mga mahika. Ngunit hindi ba't parehong may mahika ang dalawang nilalang na pinagpipilian namin?

"Ang bawat bulong ng mga diwata o anghel ay makapangyarihan, Claret. Hindi ko magawang ituro sa kanila kung sino ang itinutukoy sa ikalawang linya..."

"Pagkabasa ng iyong pisngi at halik ng iyong mga daliri..." ikatlong linya naman ang inulit niya. Saglit kaming natigilan ni Claret. Muli siyang lumingon sa labas ng yelo.

"Z-Zen..."

Sina Iris at Harper ay mas naging alerto nang makitang mas lalong lumalaki ang bitak ng makapal na yelong nakaharang sa amin. Muling humarap sa akin si Claret, alam ko nais na rin niya magmadali.

Inulit ko sa aking isipan ang ikatlong linya. Mariin na akong napapikit habang pilit iniisip ang mga koneksyon ng mga salita.

"Leticia..." usal ni Claret.

Sa halip na sumagot sa kanya at magmulat, sinubukan kong sundin ang ipinararating ng huling bugtong.

"Bulong na nakatago sa iyong mga kamay..." usal ko. Sa kabila ng aking nakapikit na mga mata at presensiyang nakatago sa loob ng makapal na yelo, ramdam kong biglang tumalas ang aking pandama.

Ang mabibigat na paghinga ni Claret at ang mariin niyang mga matang nakatitig sa akin, ang malakas na pagtibok ng puso nina Harper at Iris, ang paglandas ng pawis sa noo nina Zen at Caleb, ang pagaspas ng malaking pakpak ni Seth, ang sayaw ng pulang sinulid at latigo nina Blair at Rosh. Ang ingay mula sa espada ni Nikos, ang nagtatangis na bagang ni Lucas at ang punyal ni Hua.

Inilapit ko sa aking mukha ang aking dalawang palad at marahan akong bumulong dito ng aking kahilingan.

"Pagkabasa ng iyong pisngi at halik ng iyong mga daliri..." sa bawat pagbigkas ko ng mga kataga, mas lalong bumibilis ang pintig ng puso ko. Lalo na't mas naiintindihan ko na ang nais ipahiwatig nito.

Naglalarawan ang bugtong...

Ang dalawa kong palad na nakalahad malapit sa aking mukha na kapwa magkadikit sa tagiliran ay unti-unti kong pinagdaop kasabay ng aking kahilingan, at nang sandaling tuluyan ko na iyong isinara, unti-unting kong ibinaba ang aking magkadaop na palad hanggang sa ang aking mga palapulsuhan ay tumigil sa itaas ng aking puso at ang dulo ng aking daliri'y nasa aking mga labi.

"Salita'y hindi sapat... tulad ng hanging walang lamig..." huling usal ko.

Narinig ko ang pagsinghap ni Claret habang nanatiling nakatitig sa akin, at nang sandaling unti-unti akong magmulat at magtama ang aming mga mata, gumuhit ang ngiti ko sa aking mga labi.

"Panalangin... isang panalangin ang nais iparating ng bugtong..."

"A prayer means..." tumango ako sa nabiting salita ni Claret.

"Isang anghel ang may hawak ng sunod na relikya."

Bintanang bahaghari tanaw ay iyong mata... sumisimbolo ito ng mga nakapikit na mata. Ang mata'y lubos na makakakita sa sandaling ito'y nakapikit... dahil sa gitna ng kadiliman sa sandaling ika'y manalangin, hindi lang liwanag kundi bahaghari ang siyang makikita. Iba't ibang uri ng kasagutan sa isang panalangin.

Bulong na nakatago sa iyong mga kamay... ito naman ang siyang kumakatawan sa bagay na iyong hinahangad-hangad. Bagay na tatanggapin ng iyong mga kamay.

Pagkabasa ng iyong pisngi at halik ng iyong mga daliri... sa sandaling ang iyong emosyon at panalangin ay tuluyan nang naghalo. Luha'y maglalandas, habang ang mga labing nakatikom ay nakadikip sa magkadaop na mga palad.

Salita'y hindi sapat... tulad ng hanging walang lamig... dahil ang panalangin ay hindi na kailangan pang isasalita...

Tuluyan na akong tumayo sa aking posisyon at hinarap ang kasalukuyang kalagayan ng mga kasamahan namin, ganoon din si Claret na ang dalawang kamay ay nagliliwanag na rin.

"Anghel! Isang anghel ang nangangalaga ng sunod na relikya!" anunsyo ko.

Nag-angat ako ng tingin sa mga bampirang hindi matigil sa pagsalakay sa amin, hindi ko alam kung saang emperyo sila nagmula o katulad rin sila ng ibang bampira na nakasagupa namin na dala rin ng manipulasyon, ngunit nais kong iparating sa kanila at sa kung sinuman na kanilang sinusunod na patungo na kami sa huling tagabantay.

At hindi nila kami mapipigilan.

Naglakbay ang aking mga mata sa bilang ng mga bampirang nasa himpapawid lulan ng naglalakihang mga ibon. Halos lampas ng sampu ang mga iyon at nasisiguro ko na mas dadami pa ang kanilang bilang kung mas magtatagal kami rito.

Humilera na ako kina Iris at Harper, ganoon din ang ginawa ni Claret. Si Kalla ay piniling dumapo sa lobong kaanyuan ni Iris, sina Lucas at Nikos ay nagtungo sa magkabila namin habang si Hua naman ay sa likuran.

Inilahad ko ang aking palad kay Claret. Siguradong mamayani na naman ang kapangyarihan ko at magtatalo muli ang presensiya namin ng anak ko. Kailangan ko ng gamut niya upang walang mangyaring masama sa akin o sa anak ko.

"L-Leticia..."

"Hindi maaaring manuod lang ako. Laban ko ito... ako ang namumuno ng paglalakbay na ito, Claret." Tipid akong ngumiti sa kanya.

Bakas man ng pag-aalinlangan, sa nangangatal niyang kamay ay inabot niya sa akin ang gamit. Hindi ako nag-aksaya ng oras at mabilis ko iyong ininom, sina Kalla, Iris at Harper ay halos hindi na makatingin sa akin.

Ang tanging narinig ko lamang ay ang paghampas ni Hua sa yelo mula sa likuran. Hudyat ng kanyang pagtutol. "Nangako ka sa akin, Hua... anuman ang mangyari..."

Hindi na namin maaaring gawin nina Kalla at Iris ang ginawa namin sa kabilang mundo, bukod sa hindi iyon gaanong kabisado ng dalawa, hindi magandang gamitin ang paraang iyon sa iisang araw. Maaaring masira ang katawan nila kapag ipinilit iyon. Hindi ko na rin magagamit ang gintong sinulid upang matulungan ang apat na prinsipe, hindi na rin kakayanin ng kanilang katawan.

Habang mas lumalaki ang bitak ng yelo, mas lalong gumuguhit ang kaba sa dibdib ko. Ngayong alam ko na ang sunod naming destinasyon, dapat lutasin ko na rin kung paano kami makakalampas sa labanang ito. Sa pagtagal namin dito, sa paglaki ng posibilidad na makaagaw kami ng atensyon na magdadala sa mas maraming kalaban.

Mas lalong nagliwanag ang mga kamay ni Claret. Si Harper ay nagningas na ang mga mata, ang aking daang punyal ay nagsimula nang magpakita sa himpapawid, lumipad si Kalla at humuni nang napakalakas.

"Kailangan natin ng isang atake." Anunsyo ko. Nagawa ko man iyong sabihin, ngunit hanggang ngayon ay wala akong maisip kung paano.

Ilang beses na rin sumulyap sa amin ng mga prinsipe, hindi man nila sabihin sa amin, nasasaksihan na namin na kailangan na nila ng tulong.

"Tell me what to do, Leticia. I'll tell Zen." Ani ni Claret.

Ang atakeng gagawin namin ay wala nang partisipasyon ng mga prinsipe, kailangan nila kaming bigyan ng daan.

"Kailangan nilang lumayo. Bigyan nila tayo ng daan." Tumango si Claret. Nanlalamig ang mga kamay ko. Hindi ko alam kung saan pa ako kumukuha ng lakas ng loob sa mga oras na ito.

Lahat sila'y umaasang may naiisip na akong atake. Ang yelo'y anumang segundo'y bibigay na at hindi kami maaaring mag-aksaya ng oras.

"Are we going to give them signal?" tanong ni Harper.

Muli akong tumango. Kasabay nang mas mag-ukit ng bitak sa yelo ay ang paglandas ng pawis ko. Hindi pwedeng sa sandaling masira ito'y magkaroon na kami ng kanya-kanyang atake.

"Kailangan pa rin natin lumipad..." kung kami lang ni Kalla ay magagawa namin iyon, ngunit sina Claret at Iris ay walang kakayahan.

Kailangan magmula ang aming atake sa ere nang sa ganoon ay maapektuhan ang lahat ng kalaban. "Kailangan ko kayo Claret at Harper sa itaas..."

Narinig kong saglit na humuni si Kalla. "Pinasasabi ni Kalla na magagawa pa rin niya ng isang beses ang ginawa niya kanina sa—" agad akong umiling sa sinabi ni Claret. Mukhang may paraan na rin silang dalawa upang magkapag-usap sa kabila ng kaanyuang ibon ni Kalla.

Marunong tumingin ng limitasyon ang mga mata ng diyosang katulad ko. Hindi ko gugustuhin na kamuhian ako ng prinsipeng lubos na nagmamahal sa kanya.

"Hindi na niya kakayanin, Claret."

"But this time... it's not Iris. I'll fly with Kalla this time." Ani ni Harper. "We are both vampires. Mas magiging madali iyon." Saglit akong napakurap kay Harper. Kung ganoon ay may nalalaman din pala siya sa abilidad ni Kalla.

Ang plano ko'y ako na ang gagawa ng paraan upang lahat kami'y makarating sa ere, ngunit higit pa rin talagang maganda na marinig ang kanilang ideya.

"Iris and I will stay on land. We'll cover you and everyone." Dagdag ni Claret.

Alam kong hanggang ngayon ay wala pa rin silang ideya sa plano ko sa sandaling makarating na kami sa himpapawid, pero ramdam ko ang matindi nilang tiwala sa akin.

Tiwalang hinding-hindi ko bibiguin.

Nag-angat ako ng tingin sa kalangitan. Ang buwan ay nakatago sa mga ulap na kasalukuyang mabagal na gumagalaw.

Huminga ako nang malalim. "Protektahan mo silang lahat, Claret. Ang aking buong atensyon sa sandaling magtungo kami sa himpapawid ay tanging nasa mga kalaban, kay Harper at Kalla."

Tumango siya sa akin. Mabilis nakalapit sa Iris kay Claret na agad namang nakuha ang nais iparating. Sumakay roon si Claret habang ang kanyang dalawnag kamay ay hindi matigil sa pagliliwanag.

"Harper, Kalla..." sabay rin silang tumango sa akin.

Nang sandaling mag-angat ang isa kong kamay, ang lahat ng punyal sa labas ay kapwa tumutok sa aming direksyon.

Malakas na boses ko ang umalingawngaw sa kabuuan ng lugar kasabay nang pagsalakay ng aking sariling punyal sa makapal na yelo.

Pagkatulala ang siyang nasaksihan namin bago nabalot ng makapal na usok ang buong paligid dahil sa pagkagiba ng yelo. Ngunit hindi kami nag-aksaya ng segundo, sa lalong pagkapal ng usok ay ang unti-unting pagkabuo ng maliliit na punyal ng tila hagdanan pataas sa himpapawid.

Sa bawat nabubuong hagdan pataas ay ang mga paa ni Harper na mabilis na tumatakbo. Ang aking katawan ay nasa ilalim ng hagdan habang ang aking dalawang kamay ay naglalabas na kapangyarihan upang suportahan iyon, habang si Kalla naman ay mabilis din lumilipad na nakasunod kay Harper.

Unti-unti ko na rin nararamdaman ang kapangyarihan ni Claret sa paligid na siyang yumayakap sa lahat. Sa pagbilis ng takbo ni Harper pataas, sa pagdami ng umaatake sa kanya na pilit kong sinasalag.

"Mas mataas pa, Harper..."

Hindi siya sumagot sa halip ay mas binilisan niya ang kanyang takbo. Mga paa niya sa hagdang gawa sa punyal, pagaspas ng pakpak ni Kalla at ang nagliliwanag kong kapangyarihan.

Nang sandaling ang ulap sa kalangitan ay tuluyan nang inilahad ang kabilugan ng buwan, kusang tumigil ang paggawa ko ng hagdanan.

"Ngayon na, Harper, Kalla!"

Kasabay ng pagkaudlot ng hagdan sa himpapawid ay ang pagtalon ni Harper mula rito, si Kalla'y mabilis na dumapo sa kanyang likuran dahilan kung bakit ang maliit niyang puting pakpak ay humalo sa prinsesa. Nanatili akong nasa ilalim nila habang ang dalawa kong kamay ay kapwa tuwid na nakatutok sa kanila.

Ang aming mga katawan ay kapwa nagliliwanag sa ilalim ng sinag ng buwan, taliwas sa dapat kahinaan ng dalawang bampira...

Umalingawngaw ang malakas na boses ni Harper sa buong paligid, dahilan kung bakit isa-isang bumulusok ang katawan ng mga kalaban mula sa ere. Ang kapangyarihan ni Claret ang ngayon ay pumuprotekta sa mga kasamahan namin sa ibaba mula sa makapangyarihang boses ni Harper.

Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat... higit pa roon ang nais abutin ng boses ni Harper at ang puting pagaspas ng pakpak ni Kalla sa ilalim ng buwan.

Dahil ito'y hindi pag-atake... kundi panalangin...

Ang malakas na sigaw ni Harper ay unti-unting naging panalangin, ang mga kamay kong kapwa nakaangat sa ere'y dahan-dahan kong pinagdaop sa tapat ng aking dibdib.

Bintanang bahaghari tanaw ay iyong mata...

Bulong na nakatago sa iyong mga kamay...

Pagkabasa ng iyong pisngi at halik ng iyong mga daliri...

Salita'y hindi sapat... tulad ng hanging walang lamig..

Mabagal at mula sa puso kong binigkas ang bugtong sa aking nakapikit na mga mata. Una'y boses lamang ni Harper ang siyang naririnig ko at ang magaspas ng pakpak ni Kalla. Ngunit nang sandaling nagmulat ako ng aking mga mata...

Mga anino... napakaraming anino sa lupa ang unti-unting gumuhit.

Anino ng mga pakpak...dala'y ang mga huling nilalang na magbibigay sa amin ng huling relikya.

Nang sandaling lumingon ako, hindi lang si Harper ang lumilipad sa kalawakan ng buong himpapawid. Mga anghel.

Tumulo ang luha ko. "Narinig ang panalangin ko..."

Pokračovať v čítaní

You'll Also Like

7th Unit Od Ann Lee

Tínedžerská beletria

6.4M 142K 42
Standalone novel || Lyka thought she'd have a better school life in college, but it was way too different from what she had imagined. She already got...
12.6K 603 12
This was Published on my other account. Post ko nalang dito because may naghahanap and I lost the PDF copy already haha so here's a story I wrote on...
1.4M 95.9K 89
There's a secret in his every bite. *Cover is not mine. Credits to the rightful owner.
16.6K 411 30
A story about bad breakups, hidden feelings, second chances, learning to fall, taking chances, happy crushes, unrequited love... Match and unmatch, l...