Chapter 42

40.9K 4.1K 1.6K
                                    

Chapter 42: Trapped

Kung pipiliin pa namin na kami'y manatiling sa lupa maglakbay nasisiguro na higit na oras pa ang aming masasayang. Isa na ito sa aking suliranin habang nasa himpapawid pa lamang kami pabalik sa mga naiwang prinsipe.

Habang ipinakikita ko sa kanila ang nagliliwanag na mga relikyang lumulutang sa aking mga kamay, saglit nang nagtungo ang aking mga mata sa karwahe na nag-iisang nakikita kong maaari naming magamit sa paglalakbay at ilang mga kabayong nakatali.

Pinakiramdaman ko ang mga anghel kung nais pa nilang higit na maghatid ng tulong sa pagpapahiram ng kanilang mga naglalakihang mga ibon, ngunit hindi man ako lumingon sa likuran ko, alam kong malayo na ang lipad nila papalayo sa amin.

Ang siyang tanging naiisip ko na lamang ay gamitin ang sarili kong kapangyarihan upang gumawa ng lagusan o kaya'y paliparin ang aming karwahe at ilang mga kabayo, ngunit alam kong higit nang kapangyarihan ko ang siyang aking nagagamit.

Wala pa kami sa gitna ng digmaan... hindi ko hahayaang si Dastan lamang ang manguna sa sandaling sumiklab na iyon. Lalaban ako... hindi sa likuran ng aking hari kundi sa tabi niya.

Handa ko na sanang ianunsyo ang paraan ng aming susunod na paglalakbay upang makapaghanda na sila, nang marinig kong magsalita si Caleb.

Nag-aalangang inangat ni Caleb ang kanyang kamay upang makuha niya ang atensyon ko. "Hmm, Queen Leticia, may I interrupt for a bit?"

Ilang beses akong napakurap bago ako tumango.

Agad niyang inakbayan sina Seth at Rosh, bahagya niyang inilayo sa hilera iyong dalawa na iritadong tinabig ang kanyang pagkakaakbay.

"Now, now... who's the better prince here?"

Kapwa mas tumaas ang noo nina Rosh at Seth na tila mas nagpapagalingan. Namaywang si Rosh habang nakaangat na ang mga mata sa kalangitan, habang si Seth naman ay nagsisimula nang sumipol.

"Anong ginagawa ng mga iyan? We're in a hurry," rinig kong bulong ni Iris kay Kalla. Sinagot lang siya ni Kalla ng pag-iling.

"Idiots," asik ni Zen na naiiling na rin. Habang si Blair naman ay tahimik na lang din na napapatingala sa langit.

"Really? Can't you call something like—"

Agad kumunot ang noo ni Zen at saglit na nanghaba ang nguso kay Claret. "Baby, you and sutil love to tease me. Let's just give it to them, okay? I almost have everything."

Sabay-sabay na lamang tipid na napakamot sa kanilang pisngi sina Lucas, Nikos at Hua.

"We're surrounded by some well... strange vampires, My Queen." Tumango na lamang ako nang bumulong sa akin si Hua.

"The bet is still on, who's your prince, everyone?"

Dahil kahit kailan ay hindi papanig si Prinsipe Zen kay Rosh, agad niyang inangat ang kanyang kamay. "It would be Seth, of course."

"Thank you very much, brother," sagot ni Seth na may kasama pang pagyuko ng pormal kay Zen.

Kasalukuyan nang pinanlalakihan ng mata ni Rosh si Blair kaya mabilis na rin nag-angat ng kamay si Blair. "P-Prince Rosh..."

Habang sina Kalla, Iris at Harper ay piniling sabay-sabay na mag-angat ng kamay para iboto si Seth.

"W-What? Even you, Kalla!"

Tipid na tumawa si Kalla. "I can't still forget your attempt to chop my head off, Prince Rosh," biro niya.

Sabay tumikhim sina Lucas at Nikos. Si Lucas ay nag-iwas ng tingin at ilang beses na nag-alinlangan kung magsasalita o hindi. "We'll bet on the prince of Deltora."

Moonlight Throne (Gazellian Series #6)Where stories live. Discover now