Chapter 36

34.2K 4K 1.5K
                                    

Chapter 36

Lotus

"Her name... it's slowly disappearing... bigla ko na lang nakakalimutan, Leticia. All I can do is to write her name daily on roses, leaves... or whisper it to every butterfly to keep reminding me... she's disappearing not just in my dreams."

Hindi na nagawang salubungin ni Rosh ang mga mata ko. Ang kaninang sigla niya'y agad na naglaho na parang isang bula. Kumuyom ang dalawa kong mga kamay na nakapatong sa mga bermuda habang hindi mawala ang paninitig sa kanya.

Sinubukan kong ibuka ang mga labi ko para magsalita, ngunit natagpuan ko na lang ang sarili kong itinitikom iyon. Wala akong makalap na tamang salita para sa kanya at sa sitwasyong kinahaharap niya.

Bagaman ako mismo at ang kapangyarihan ko ang siyang may dahilan kung bakit nasa mundo ng mga tao ang babaeng itinakda sa kanya, hindi ko masasabing malakas pa rin ang magiging koneksyon ko sa kanya. Isa pa, ilang oras man ang lumipas simula nang gawin ko ang ritwal na iyon, sa katotohanan ay daang taon na ang nagdaan matapos ang pangyayaring iyon.

Buong akala ko'y ang magkakapatid na Gazellian na ang higit na may koneksyon sa kabuuan ng Nemetio Spiran, ang lahat ng natuklasan ni Haring Thaddeus na ngayon ay sinusundan at itinutuloy ng kanyang mga anak. Ang pagiging diyosa ni Reyna Talisha at ang kapalarang si Dastan ang muling bubuo sa mundong inakala ng lahat na habang buhay ng wasak, ngunit hindi ko akalain na may isa pang nilalang na may lubusang koneksyon sa mundong ito—si Rosh, at wala man lang siyang ideya sa bagay na ito. Siguro nga'y masyado pang maaga ang panahong ito para sa kanya at masasabi niyang isang malaking kahangalan ang hinaharap, ngunit naniniwala akong darating din ang panahon na magiging katulad rin siya ni Dastan na may walang hanggang pagmamahal sa mundong ito.

"Rosh..."

Bahagyang inilapit ni Rosh ang isa niyang binti sa kanyang sarili, inihawak niya ang isa niyang kamay sa kanyang tuhod at tipid siyang yumuko roon. Nakapikit ang kanyang mga mata at nakatuon ang noo niya sa kanyang tuhod.

"I'm tired..."

Lalo akong nawalan ng mga salita sa sinabi niyang iyon. Dahil sa tagal ng pinagsamahan namin ni Rosh, sa lahat ng pinagdaanan namin habang magkasama kami sa paglalakbay, kailanman ay hind siya nagsalita ng ganoon.

Kailanman ay hindi niya inamin ang kanyang panghihina at hinding-hindi niya iyon ipakikita. Kahit sa kaalamang maaari siyang makita ng mga kasamahan namin sa malayo ay hindi na siya nag-alinlangan sa ipinakikita niya sa akin.

Napapagod na talaga siya.

"Rosh..."

Umangat ang isa kong kamay upang hawakan siya, ngunit agad ko rin iyong binawi. Nag-aalangan akong hawakan siya.

Pagak siyang tumawa ng saglit ngunit hindi nawala iyong pagkakatuon ng noo niya sa kanyang tuhod. "I was so bitter when Claret came into this world... nauna ako kay Zen. The blue fire named me first, mas nauna pa nga kay Tobias. But why everything seems so unfair, Leticia? Bakit parang laging may hadlang? May pumipigil?"

Ang tangi ko lang nagawa'y manatiling tahimik at titigan siya. Gusto kong sabihin sa kanya na kaunting hintay na lang, na posibleng dumating si Noella sa panahong ito, ngunit iyon ba'y mas mapapagaan ng loob niya o magpapabigat lamang? Lalo na't wala iyong kasiguraduhan.

"Dumating si Kalla, Naha... and then you... those idiot Gazellians are so lucky."

Tumuwid na siya ng pagkakaupo at sumulyap sa direksyon ng mga Gazellian, saglit nanliit ang mga mata niya na may panunuya bago siya tumawa ng sarkastiko sa kanyang sarili.

Itinuon niyang muli sa may likuran niya ang dalawa niyang kamay upang suportahan ang kanyang sarili at kapwa niya na itinuwid sa damuhan ang kanyang mga binti.

Moonlight Throne (Gazellian Series #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon