Burnout (TayNew Fanfic)

By AhnYeyel

2.9K 84 19

"Every strum I make on this guitar. Every lyrics I write. Every music I create. It would always remind me eve... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16

Chapter 8

94 4 0
By AhnYeyel

"Gusto mo ba ako?"


Nanlaki ang mga mata ko gayon din ang kay New dahil sa tanong ko. Napalagok ako sa baso ng coke na nasa harapan ko. Napansin kong napapunas ng noo si New kaya naman tinapos ko na ang iniinom ko at tumayo na. Kinuha ko na ang mga gamit ko at tuluyang umalis sa studio ni New ng hindi nagpapaalam. Narinig ko ang pagtawag niya sa pangalan ko pero hindi ko na siya pinansin.


Habang naglalakad ako ay naalala ko ang ekspresyon sa mukha ni New matapos kong tanungin kung gusto ba niya ako? What was I thinking?! Malamang hindi ako gusto ng lalakeng 'yon. Ugh! Tay ano bang iniisip mo at 'yon ang lumabas sa bibig mo.


Nasa tapat na ako ng DLSU at para bang gusto kong uminom saglit para kahit papaano ay makalimutan ko 'yung kahihiyan na ginawa ko kanina. Tiningnan ko ang orasan ko at ang planner sa aking phone kung may dapat ba akong gawin para bukas. Sinigurado ko munang wala akong makakaligtaang gawain dahil mahirap maghabol ng requirements at grades. Buti na lang ay saktong panghapon ang klase naming tatlo kaya hindi ganoon ka-hassle kung magiging wasted kaming tatlo dahil iinom kami nang marami. Hindi ko na rin pinansin ang suot kong slacks at long sleeves na halatang galing shoot.


Tinext at tinawagan ko parehas sila Lery at Paul kung pwede sila pero parehas silang wala. Hindi ko naman alam kung sinong aayain ko dahil sila lang naman ang dalawa kong kaibigan na pwede kong makainuman. Tiningnan ko ang contacts ko kung sinong pwedeng kainuman at buti na lang nakakita ako ng pwedeng ayain.


"Hey Arm? Are you free right now?" Pauna kong tanong matapos niyang sagutin ang tawag ko.


"Yes, I am with Sher right now sa The Barn." Sagot ni Arm sa akin kaya patuloy na lamang akong naglakad sa likod ng DLSU para pumunta sa The Barn. Isa 'to sa mga bars and kainan sa likod ng university at mayroon 'tong tatlong palapag. Pumasok naman ako at nagpakapkap sa mga bouncer sa may entrance bago makapasok. Umakyat na ako sa hagdanan patungong third floor kung saan nandoon sina Sher at Arm.


"Tay!" Tawag sa akin ni Arm sa di kalayuang table malapit sa hagdan. Nakapwesto sila sa corner sa gilid ng railings. Lumapit ako sa kanila at nakipagkamay kay Arm at nakipagbatian kay Sher.


"Anong pumasok sa utak mo at naisipan mong mag-ayang uminom?" Pagtatanong ni Arm sa akin.


"Gusto mo ba ako?"


Bigla na namang pumasok sa isip ko 'yung mga salitang nabitawan ko kanina sa studio nila New. Napalagok ako sa alak na nasa table nilang dalawa. Napatingin naman sina Sher at Arm na para bang isa akong weirdo na nakiki-table sa kanila.


"May balak ka bang magpakalasing ngayon?" May panghahamon na tanong ni Arm sa akin.


"Bakit lalasingin niyo ko?" Pagtatanong ko.


"Hindi ka naman malalasing kung hindi ka magpapakalasing." Dagdag ni Sher at tsaka tumayo 'to at lumapit sa counter ng bar para umorder siguro ng alak at pulutan.


"Anong progress sa inyo ni New?" Biglaang tanong ni Arm habang sinisindihan ang yosing hawak niya.


"I'm still his client, no more no less." Sagot ko at para bang na-amuse siya sa sinagot ko.


"Nothing more than that?" At nilapit ni Arm ang mukha niya habang nakapangalumbaba.


"Yes nothing more than that." Bwelta ko at buti na lang at lumapit si Sher na may dalang bucket ng Smirnoff at isang bote ng Jose Cuervo. Inilapag niya 'to at ngumata sa mga nachos na kanina nilang order.


"After nating ubusin 'tong mga 'to ay lipat tayo sa Local tapos sasayaw tayo pampatanggal amats." Sabi ni Arm at sinumulan na namin ang inuman. Para bang pre-game namin 'to sa mga susunod pa naming iinumin sa katapat ng bar.


Normal na siguro sa pag-inom sa Taft ay ang paglipat-lipat ng maiinuman o bar hopping. Magkakalapit o kaya naman magkakatapat lang ang mga inuman dito sa La Salle. Nakagawian na ng mga tao na 'to ang gawin saglit na kasiyahan sa isang linggong hirap sa pag-aaral at sa iba pang personal na problema.


"Shot!" Sigaw ni Arm at sabay-sabay naming ininom ang shot glass na may Cuervo. Para bang hindi nalalasing ang dalawang 'to sa dami ng alak na iniinom namin. Nakalahati naman namin ang bote ng alak na nasa harapan naming at ubos na rin namin ang mga inorder nilang cocktail, paubos na rin ang bucket ng Smirnoff na binili ni Sher.


"Saglit lang punta lang akong comfort room." Pagpapaalam ni Sher at tumayo at naiwan na naman kami ni Arm ngayon.


"You like New right?" Tanong ni Arm habang nagsasalin ng alak sa mga shot glass.


"Yeah." Sagot ko sa tanong niya at nilagok ang bote ng smirnoff.


"Normal ba 'tong nararamdaman ko?" Dagdag ko pa.


"Alam mo Tay, hindi naman masama na magkagusto sa isang tao. Alamin mo lang kung saan ang lugar mo sa relasyon niyo." Pagpapayo niya.


Napatingin ako saglit sa shot glass at nilalaro at bukana nito.


Gusto ko si New? Oo? Ewan?


"Your feelings are valid bro pero please, protektahan mo 'yung puso mo baka pagkagising mo wasak na 'yan at baka walang matira sa 'yo." Dagdag niyang pagpapayo kaya naman mas lalo akong napaisip sa mga sinabi ni Arm.


"Arm." Pagtawag ko sa pangalan niya.


"Hmm?" At tumginin siya sa direksyon ko habang nilalagok 'yung bote ng Smirnoff.


"I asked him kanina kung gusto ba niya ako." Sabi ko kay Arm at dahilan para masamid at maubo siya. Natataranta ako kaya naman binigay ko sa kanya 'yung tissue sa table namin.


"You did what?!" Medyo tumaas ang boses ni Arm sa pagtatanong niyang 'yon.


"I asked New if he likes me." Pag-uulit ko at napansin ko inilayo ni Arm ang tingin niya sa akin at ako naman ay ininom ang Cuervo sa shot glass sa harapan ko.


"Tara na?" Rinig kong pag-aaya ni Sher matapos bumalik sa table namin. Tiningnan ako ni Arm para i-check kung matino pa ako. Kaya ko pa naman ang sarili ko dahil nasasanay na siguro 'yung katawan ko sa dami ng alak na nasa katawan ko.


Bumaba na kaming tatlo mula sa third floor ng the Barn palabas sa building nila. Katapat na building lang naman ang Local at nasa second floor lang 'to. Umakyat na kami ni Sher at nagpaiwan saglit si Arm para mag-yosi sa gilid. Hinarang kami ng bouncer at kinapkapan at naningil sila ng entrance fee sa bar na 'to pero may kasama naman 'tong isang baso ng cocktail. Pumasok na kami sa loob at nakita kong nagasasayawan ang mga tao. Mayroon namang ibang nagkwekwentuhan sa mga table nila at 'yung iba naman ay may ibang pansariling business na ginagawa.


"Hanap tayo table." Pag-aaya ni Sher at hinigit niya ako para hindi raw ako mawala sa dami ng tao na nandito ngayon. Ramdam ko ang ibang humahawak sa braso ko pero hindi ko na lamang pinansin, may ibang gustong kumausap pero tinataasan ng kilay agad ni Sher ang mga taong gustong lumapit sa akin. I'm thankful for her for that pero nakakatakot at the same time.


"We're here. Dito ka muna order lang ako ng alak." At lumayo na muna si Sher at ako naman ay nakaprenteng nakaupo ngayon habang hinihintay ang dalawang kasama ko.


"Hey!" Isang pamilyar ang mukha ang lumapit sa akin at sinusubukang alalahanin kung sino ang lalaking nasa harapan ko ngayon.


"Gelo bro." At tsaka siya umupo sa tabi ko.


"May kasama kasi ako Gelo and di ko alam kung kasya ba kami ngayon." Sabi ko sa kanya pero parang wala lang sa kanya.


"Yeah I know. Arm invited me pare kaya no need to worry at for sure magkatabi 'yung dalawang love birds na 'yon." Pagpapaliwanag niya kaya naman nakampante ako kahit papaano. Bumalik na rin si Sher na may dalang tatlong pitsel ng cocktails at isang bote ng Bacardi 151. Nagdagdag din siya ng dalawang bucket ng Red Horse.


"Hindi niyo naman gustong magpakalasing ano?" Sarkastikong banat ni Gelo matapos ilapag ni Sher at ng kasama niyang waiter ang mga alak sa table naming. Umupo na sa katapat na upuan naming ni Sher at sinimulang buksan ang isang bote ng Red Horse at nilagok 'to.


"Buti pumunta ka. Wala kang ganap ngayon?" Pagtatanong ni Sher kay Gelo.


"Wala akong booking ngayon kaya noong inalok ako ni Arm na uminom pumunta na kaagad ako rito." Sagot ni Gelo kay Sher.


Nabaling naman ang atensyon nilang dalawa sa akin at para bang kinakabahan ako sa mga tingin na pinupukol nila sa akin. Nagsalin muna si Sher ng alak sa baso at pinainom sa akin. Alam ko kakalma ako matapos kong inumin pero mas lalo lang akong kinabahan sa mga itatanong nila.


"Magaling ba si New sa kama?" Natatawang tanong ni Sher sa akin. Napatingin naman ako kaagad sa ilalim ng mesa para itago ang pamumula ng aking mukha. Naalala ko na naman 'yung ginawa naming sa condo unit ni New. Dali-dali akong nagsalin ng cocktail sa baso ko at ini-straight kong inumin 'to.


"Ano, magaling ba siya?" Dagdag na kantiyaw ni Gelo sa akin this time siya naman ang natawa sa reaksyon ko.


"A-Ah eh." Mas lalong lumapit ang mukha ni Sher at Gelo sa akin kaya naman naging triple ang kaba sa dibdib ko habang naghihintay sila ng sagot ko.


"Stop pressuring him guys." Narinig kong sabi ni Arm sa di kalayuan. Tiningnan ko 'to para humingi ng saklolo kaya naman bigla siyang umupo sa tabi ni Sher at inakbayan 'to.


"Shot!" Sabi pa ni Arm kaya itinaas naming apat ang mga baso namin para lagukin ang alak na laman nito.


"Tara sayaw?" Pag-aaya ni Gelo kaya naman sumunod ako sa kanya.


"I'm not good at this Gelo." Pag-amin ko sa kanya.


"Wala naman silang paki kung magaling kang sumayaw o hindi. May mas pake sila kung mas magaling kang humalik." Sabi ni Gelo at nagtaas baba pa ang mga kilay niya.


Para lang kaming tangang dalawang sumasayaw sa gitna habang sinasabayan ang bawat beat ng tugtog. Nagpapadala lang ako sa agos ng taong sumasayaw pati na rin sa mga taong lumalapit sa akin para kausapin ako. This time aware ako sa mga nangyayari sa akin at alam kong hindi ako nava-violate.


"Hey! Your name?" Pagtatanong ng isang lalaki na kausap ko ngayon.


"Tay! You?" Pabalik kong tanong sa lalaking kausap ko ngayon.


"Ethan! Are you from La Salle?" At tumango naman ako sa kanya bilang tugon. Para bang may iba akong lakas ng loob ngayon na feeling ko kaya ko gawin ang lahat. Eto na yata 'yung sinasabi nilang tumatapang ka dahil sa alak. Inilapit ko ang katawan ko kay Ethan at ganoon din ang ginawa niya. Para bang automatic na gumagalaw ang kamay ko na ngayon ay nakapatong sa dibdib niya habang ang mga kamay niya naman ay pinipisil ang pwetan ko. Nilapit at ipinatong ni Ethan ang kanyang mukha sa kanang balikat ko at bumulong sa tenga ko.


"Can I kiss you?" Pagpapaalam niya at tumango naman ako.


Magkadikit ang labi naming dalawa ni Ethan kaya naman nalalasahan ko ang bibig niyang lasang alak. Hinayan ko siyang sakupin ang aking bibig habang sinasabayan ko ang paggalaw ng kanyang dila. Napapaimpit ako nang mahina sa sarap ng pakiramdam na dulot ng pakikipaghalikan.


Gumagaling na ako dahil sa pagtuturo ni New sa akin.


Bigla kong inalayo ang mukha ko kay Ethan at para bang gusto niyang umisa ulit. Pinigilan ko siya kaya at hindi naman siya nagpumilit na makipaghalikan ulit sa akin. Inilapit niya na lamang ang mukha niya sa akin at binulungan.


"You're a damn good kisser Tay." At tuluyan na siyang lumayo. Habang pinapanood kong si Ethan na naglakad papalayo ay isang pamilyar na mukha ang nakatingin sa akin ngayon.


Si New.


Naglakad siya papalapit sa akin. Gustuhin ko mang iwasan siya di ko man magawa sa dami ng tao na nandito ngayon sa club. Tiningnan niya muna ako para bang ineestima kung papaano ako kakausapin. Hindi ko rin alam paano ko sisimulang makipag-usap sa kanya.


Isang ngiti ang naging panimula niya sa akin. Para bang nawala lahat ng hilo ko dahil sa halo-halong alak na nainom ko. Tiningnan ko siya at hindi pa rin mawala ang ngiti sa mga labi niya. This is getting weird for several reasons. Una dahil sa nagwawala kong puso at pangalawa ay dahil sa pagngiti ni New.


"Gusto mo bang kumain?" Pag-aaya niya sa akin. Hindi ko alam kung anong gayuma ang ginawa nito sa akin pero napa-oo na lang ako sa kanya. Hindi na ako nakapagpaalam kahit gustuhin ko dahil si New na raw ang nagpaalam para sa akin sa mga 'to. Busy na raw kasi si Sher at Arm na naghahalikan sa table namin at ganoon din sa pakikipag-landian si Gelo sa dance floor.


Bumaba na kami ni New at lumabas sa building na pinag-iinuman namin. Tumingin ako sa kanya at same pa rin ang suot niya kanina. Mukhang hindi rin siya umuwi at dumiretso na lang din dito para uminom.


"Kumakain ka ba ng pares?" Nag-aalangang tanong ni New sa akin.


"Oo naman. Bakit?" Hinigit naman ako ni New sa kalapit na nagbebenta ng pares.


"Kuya, dalawang pares nga!" Sabi ni New.


"Oh ikaw pala, sige gagawin kong special para sa inyo ng kasama mo." Napatingin naman ako agad sa kasama ko.


"Mukhang kilala ka na rito ah." Pang-aasar ko sa kanya at napakamot na lang siya sa likod ng ulo niya.


"Oo eh kapag may amats ako pagkatapos kong uminom dito ako kumakain." Pagpapaliwanag niya at ngiting-ngiti pa siya ngayon. Ang saya niyang tingnan ngayon habang masayang nakikipag-usap.


"Saglit lang ha! Bili lang ako ng tubig sa 7/11" Pagpapaalam sa akin ni New at tuluyang umalis bago pa ako may sabihin.


"Alam mo ba iho walang ibang dinadala 'yan dito. Ikaw palang ang unang taong nakita kong kasama niyang kumain ng pares dito sa pwesto ko." Pagpapaliwanag sa akin ni kuya.


"Baka nataon lang kuya kaya ganoon." Pag-iwas ko sa pang-uusyoso sa akin ni kuyang nagbebenta ng pares.


"Oh luto na kuya!" Masayang bungad ni New at kinuha ang mangkok ng pares at inabot sa akin. Mainit ang lagayan kaya muntikan ko nang mahulog buti na lang ay naipatong ko kaagad sa lamesa.


"Okay ka lang? Napaso ka ba?" Nag-aalalang tanong ni New sa akin habang hawak 'yung kamay ko.


"I'm fine thanks." Sagot ko kay New.


Hindi ako sanay na ganito si New. Mas gusto ko 'yung tipid na magsalita at cold na New. Mas lalo lang kasi akong nahuhulog sa kanya kapag ganito siya. Mas gusto ko pang galit ako sa kanya at yabang na yabang at least kahit papaano ay may dahilan ako para hindi siya magustuhan.


Tahimik kaming kumain habang pinagmamasdan ang buhay na buhay na kalsada sa likod ng aming unibersidad. Tinitingnan ko ang mga masasayang taong nag-iinuman at nagkwekwentuhan. Ang mga ilaw na kagbibigay liwanag sa mga taong kanina pang nagliliwaliw. Pati na rin ang mga nakaw na sandali na kasama natin ang mga di inaasahang tao.


"Hatid na kita sa inyo." Pag-aalok ni New pero para bang may iba akong kutob sa pagmamagandang loob niyang 'yon.


"Kaya ko ang sarili ko." Pagdedepensa ko sa sarili ko.


"Kung iniisip mong may gagawin ako sa 'yo, ang sagot ko ay wala!" Natatawa niyang banat sa akin kaya naman ay tumayo na kaming dalawa at binayaran ang mga inorder namin. Nagpasalamat na rin kami kay kuyang nagbebenta ng pares at naglakad na papalayo. Dumaan muna kami sa 7/11 na kanina niyang pinagbilhan ng tubig para bumili ng panghimagas.


"Here." At inabot niya sa akin ang isang Selecta ice cream solo na Hershey's Milk Chocolate with Almonds ang flavor.


"Thank you." Binuksan ko 'to at sinimulang lantakan. Habang naglalakad kami ay nasa gilid ko lamang si New at diretsong nakatingin sa daan. Tahimik lang akong kumakain ng bigay niyang ice cream ng bigla na lamang kaming huminto dahil sa pagtigil ni New sa paglalakad. I can sense na something is wrong dahil sa pag-iiba ng mood niya.


"Is there any problem?" Pagtatanong ko.


"Wala naman." At nagpatuloy siya sa paglalakad. Alam kong may gusto siyang sabihin dahil sa 'yon ang nakapinta sa buong mukha niya. Tiningnan ko siya saglit at napansin kong nabura ang masayang New na nakita ko kanina.


Huminto ako sa tapat ng building ng condo ko at hinarap si New para sana magpaalam. Nagulat na lamang ako sa biglaang pagyakap muli ni New sa akin. This time it was a short one but a tighter one. Naguguluhan ako bakit ganito ngayon si New.


"Are you okay New?" Nag-aalala kong tanong sa kanya at tumango na lang siya. Hindi ako naniniwala sa pagtango niyang 'yon.


Ginulo ni New ang buhok ko gamit ang kanang kamay niya. Naging dahilan 'to para mainis ako dahil sa dalawang rason. Una, ginulo niya ang buhok ko at pangalawa ay dahil sa hindi ko siya maintindihan


"About what you said earlier.." Bigla akong kinabahan sa pag-ungkat niyang 'yon sa sinabi ko kanina.


Eto na ba 'yung part na magiging masaya ako sa magiging sagot niya or magiging malungkot ako at magiging miserable sa buhay ko?


I was expecting for his answer, but I didn't receive any.


Tumalikod na sa akin si New at maglalakad na sana siya papalayo pero hinila ko pabalik ang kamay niya, dahilan para huminto siya sa paglalakad. Diretso ko siyang tiningnan sa kanyang mga mata.


"Ano bang problema New?" Naiinis kong tanong sa kanya.


"Hindi ko rin alam Tay. Hindi ko talaga alam." Pag-amin niya sa akin.


"Hindi kita maintindihan New. Bakit ka nagkakaganyan?! Parang kanina ang saya-saya mo tapos ngayon sobrang lungkot mo." Nag-aasik kong bwelta sa kanya.


Isang malungkot at nagugulumihanang ngiti ang natanggap ko mula sa kanya.


"Wag mo na lang akong problemahin, may pinagdadaanan lang." Sabi sa akin ni New.


"Good night New." Pagpapaalam ko kay New dahil alam kong hindi ko siya mapipilit na sabihin ang dapat niyang sabihin.


"Good night Tay." At tuluyan ng tumalikod si New at naglakad papalayo.


Pumasok na ako sa building at sumakay sa elevator papunta sa floor ng unit ko. Tinap ko key card sa pinto at pumasok na ako sa loob ng unit ko. Humiga na ako sa kama ko at napansin kong nagvibrate ang phone ko. That's weird hindi na gising sina Lery at Paul kaya for sure hindi sa kanila galing 'to. Tinignan ko ang phone ko para i-check kung kanino galing at halos manlamig ako sa nabasa ko.


Mom: Meet me tomorrow at dinner.

Continue Reading

You'll Also Like

607K 21.9K 96
The story is about the little girl who has 7 older brothers, honestly, 7 overprotective brothers!! It's a series by the way!!! 😂💜 my first fanfic...
226K 9.4K 25
Where Lewis Hamilton goes to a cafe after a hard year and is intrigued when the owner doesn't recognise him. "Who's Hamilton?" Luca says from the ba...
172K 6.2K 92
Ahsoka Velaryon. Unlike her brothers Jacaerys, Lucaerys, and Joffery. Ahsoka was born with stark white hair that was incredibly thick and coarse, eye...
208K 10.8K 44
╰┈➤ *⋆❝ 𝐲𝐨𝐮 𝐭𝐡𝐢𝐧𝐤 𝐢'𝐝 𝐩𝐚𝐬𝐬 𝐮𝐩 𝐚 𝐟𝐫𝐞𝐞 𝐭𝐫𝐢𝐩 𝐭𝐨 𝐢𝐭𝐚𝐥𝐲? 𝐢 𝐥𝐢𝐭𝐞𝐫𝐚𝐥𝐥𝐲 𝐤𝐞𝐞𝐩 𝐦𝐲 𝐩𝐚𝐬𝐬𝐩𝐨𝐫𝐭 𝐢𝐧 𝐦𝐲 �...