Veracity

By LadyHarmonia

10.4K 4.1K 1K

(Unedited) Tumingin ako sa paligid. Dito sa madilim na lugar na 'to, nag iisa ako. Pamilya ko ang mas importa... More

Reminder
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30

Wakas

197 70 29
By LadyHarmonia

Pag kawala ng liwanag ay nakita ko muli ang pamilyar na lugar na ilang araw ko hindi nasilayan.

Tulad noong makuha ako ng libro ay wala pa rin pinag bago ang aking pwesto. Nakaupo pa rin ako sa aming likmuan.

"Anak kakain na" rinig ko wika ni Inay.

Dali-dali akong tumakbo patungo sa kanya para mayakap s'ya. Buwan ang aking nakaligtaan kaya sobrang ko sila na-miss.

Pag katapos ko s'yang mayakap ay bigla s'ya nag taka sa aking ipinakita.

"Anong meron?" Takang tanong ng aking ina

"Pag pasensyahan mo na po ako ina kung ilang araw ako hindi nag pakita sa inyo. Hindi ko din po kasi akalain na hihigupin ako ng libro" nakakunot pa rin ang noo ng aking ina ngunit hindi n'ya ako pinigilan sa aking sinasabi "mabuti na lang po ay nagawa ko ang aking misyon at nakauwi po kaagad ako rito sa ating mundo"

Nagulat ako ng biglang humalaklak ang aking ina. Napahawak pa s'ya sa aking braso upang hindi s'ya matumba sa kakatawa.

"Ano bang pinag sasabi mo? Haha sigurado ako na napagod ka lang sa lakad n'yo kanina ni Mika at sa trabaho mo... Kung ano-ano tuloy pumapasok sa kokote mo" natatawa n'yang wika

"Po?"

"Nako anak. Kakabasa mo iyan ng mga fantasy books kaya akala mo tuloy ay ikaw ang bida sa storya haha" wika ni Ina habang patungo sa aming hapag kainan.

Hindi ko pa rin maintindihan ang winiwika ng aking ina. Hindi ba talaga ako nawala sa mundo na ito? Nakatulog lang ba ako kanina sa likmuan habang nag babasa? Bakit ramdam na ramdam ko na totoo ang lahat na nangyare sa'kin.

"Huwag ka na mag isip ng kung ano pa. Kumain ka na lang dito" pinaupo ako ng aking ina sa upuan katabi ng aking kapatid na ngayon ay nakatingin sa'kin. Halata din sa kanyang mukha ang pag tataka sa aking ikinikilos.

"Anong araw na ngayon ina?" Natigilan si inay sa pag sasandok ng kanin at tumingin sa'kin.

"Agosto 9" maikli n'yang tugon.

Bigla sumikip ang aking dibdib. Hindi nag bago ang araw simula noong makuha ako ng libro.

Tumingin ako sa aming orasan, alas dyes lamang ng gabi. Isang oras lamang ang pagitan simula noong binuklat ko ang libro.

"Pag pasensyahan n'yo na dahil ginabi tayo sa pag hapunan ngayon. Kakatapos ko lang rin kasi manahi" wika ni Ina.

Katunayan sanay naman ako na malilipasan ng gutom kaya baliwala sa'kin kahit anong oras kumain.

Habang kumakain kami ng hapunan ay bigla na lamang kumunot ang noo ni Ina habang nakatingin sa'kin.

"Saan galing 'yang kwintas mo?"

Bigla na lamang ako napahawak sa kwintas na tinutukoy ni inay. Pinag masdan ko ito.

Ito ang kwintas na ibinigay sa'kin ni Rio. Bigla na lang ako naguluhan, bakit ganon? Tagala ba napunta ako sa libro ngunit bakit hindi'man lang nag bago ang araw? Agosto 9 pa rin.

Sa loob na pinamalagi ko sa libro, 30 na araw ako naroroon ngunit isang oras pa lamang ang pagitan simula ng maupo ako sa likmuan.

Pag katapos kong kumain ay nag paalam na ako sa kanila na tutungo na ako sa kwarto.

Bitbit ko pati na rin ang libro. Sana ay may malaman ako impormasyon tungkol sa nanyare dahil gulong gulo na ako.

Pag tingin ko sa panaklob nito ay nag taka ako marahil ay may nakaguhit na  pamagat, hindi tulad noong una kong kita ay walang kahit anong disenyo sa unahan nito.

"The Veracity World In The Middle Of Us" mahina kong wika.

Binuklat ko ito, tulad noong una ang unang pahina ay limang letra lamang ang nakasulat.

Nilipat ko kaagad sa pangalawang pahina ngunit wala na akong liwanag na silayan bagkus may nakaguhit rito na isang babae na nakahiga sa damuhan.

Tinitigan ko muna saglit ang larawan na nakaguhit.

Bigla kong nabitawan ang libro dahil sa aking pag kabigla ng mapag tanto ko na ako pala ang babae sa larawan.

Sobrang bilis ng pag tibok ng aking puso at pinag papawisan na rin ako ng malamig.

Pinulot ko ang libro na nasa sahig, kailangan ko pang makita ang mga nasa susunod pang pahina.

Binuklat ko ang libro hanggang sa pangatlong pahina. Hindi tulad sa pangalawang pahina maharil ang nilalaman nito ay puro lamang sulat.

Nanginginig ako dahil lahat ng mga nakasulat dito ay puro mga nasa isip ko noong mga oras na naliligaw ako sa St. Paul.

Nandito rin ang pag kikita namin ng matandang babae. Lahat ng pinag usapan namin ng matanda ay nakasulat dito.

Tinignan ko pa ang mga ilang pahina, lahat ng panyayare sa'kin sa loob ng libro ay nandito. Pati na rin noong napanaginipan ko ang nanyare sa aking pamilya.

Hindi ko mapigilan mangilabot. Nakakapang hina at mas lalo nakakatakot.

Kinuha ko ang aking cellphone at tinignan sa google kung anong meron sa libro na ito.

Ilang beses kong sinubukan na i-search ang pamagat ng libro ngunit walang lumalabas na kahit ano.

Sobrang misteryo ang nanyare sa'kin. Alam ko na totoo ang lahat dahil nasa libro lahat ang pang yayare sa'kin.

Kahit ang aking pangalan ay naroroon, kitang kita rin sa larawan na ako ang babae na nakahiga sa damuhan.

Nakauwi na nga ako sa totoong mundo ngunit hindi ko pa rin alam ang kasagutan kung bakit ako napunta sa libro at sa paanong paraan ako nakapasok doon.

Alam ko na kung ikwekwento ko 'to sa iba ang posibilidad na isipin nila sa'kin ay isa akong baliw. Walang kahit sinu'man ang maniniwala sa'kin.


Makalipas ang isang buwan...

"Manood na tayo ng basketball, final naman na" pang anyaya sa'kin ni Mika.

Intrams kasi ngayon sa aming paaralan at ito rin ang pinaka ayaw ko na event ng school marahil wala naman ako masyado ginagawa.

Kaya lang naman ako pumasok para sa attendance. Kanina pa rin kami lakad ng lakad dito sa buong paaralan kaya sobrang sakit ng aking paa.

"Ikaw na lang mag punta roon. Sobrang sakit na talaga ng aking paa" wika ko.

Sumimangot ang kanyang mukha ngunit pumunta rin naman s'ya mag isa sa loob ng Gym para manood.

Minasahe ko ang aking paa. Namumula na rin ito. Sa sobrang laki ng paaralan imposible na hindi sumakit ang iyong paa kung lilibutin mo ito ng buo.

Umabot ng isa't kalahating oras akong nakaupo rito kaya na pag pasyahan ko na lumabas muna ng paaralan. Sigurado naman ako na matatagalan bago bumalik si Mika.

Habang papalabas ng skwelahan ay marami akong nadadaanan ng mga tindahan. Mga mag aaral lang rin naman ang nag titinda rito ngunit na pukaw ang aking atensyon sa tindahan ng mga kwintas.

Bigla na lang ako napahawak sa aking kwintas na galing pa kay Rio. Simula nang makauwi ako ay hindi ko na ito hinubad pa. Ito lang ang meron ako at ang mga alaala na nasa aking isipan habang kasama ko pa si Rio.

Mabuti na lamang at pinayagan ako ng guwardiya na palabasin kahit na hindi pa oras ng uwian.

Hindi ko rin alam kung saan ako tutungo ngunit gusto ko lang talaga lumabas ng paaralan.

Nag lakad-lakad lamang ako at idinala ako ng aking mga paa sa parke. Kalapit lang ito ng paaralan.

Umupo ako sa may upuan at lumanghap ng sariwang hangin. Tanaw ko rito ang mga bata na nag lalaro sa damuhan. Ang saya nilang pag masdan, halatang halata na wala silang prinoproblema na kahit ano.

Napatingala ako. Ang mga dahon sa puno ay nag babagsakan. Mabuti pa ang puno kapag ang mga dahon ay nalanta p'wede ulit mamunga. Hindi tulad ng tao na kapag may nawala sa buhay mo imposible na mapalitan ito kaagad lalo na kung minahal mo ito ng sobra.

"Faith" napatingin ako sa aking harapan na may tumawag sa'kin.

Bigla na lang ako nagulat. Totoo ba ito? Talaga bang nasa harapan ko s'ya?

Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin. Napahinto rin ako sa aking pwesto. Parang huminto ang oras na masilayan ko ang kanyang mukha.

"Mahal ko"

Bigla na lang bumagsak ang aking mga luha ng bigkasin n'ya ito at yakapin ako ng mahigpit.

Hindi pa nag proproseso ang lahat sa aking utak ngunit umiyak lang ako ng umiyak. Nandito si Rio, yakap-yakap ako.

"Sa wakas na kita na rin kita Mahal ko" bulong n'ya sa aking tenga.

Humiwalay s'ya sa pag kakayakap at tumingin sa'kin. Malapad ang kanyang mga ngiti, kitang kita ang kanyang kasiyahan na nadarama.

"Paano?" Ayun lamang ang aking nasabi.

Ngumiti s'ya at tumingin sa ibang direksyon.

"Hindi ko din alam. Wala rin akong alam. Ang dami ko pa palang hindi nalalaman" wika ni Rio.

Bigla na lamang ako natahimik. Nakakakonsensya dahil hindi ko man lang nabanggit sa kanya ngunit para din naman iyon sa kanya. Ayoko na maguluhan pa s'ya.

Kailangan ko na ba sabihin sa kanya ang katotoohanan? Ngunit sigurado na masasaktan s'ya.

"Rio" tawag ko sa kanya.

Tumingin naman s'ya sa'kin at hinintay ang aking sasabihin.

"Alam ko na kailangan ko na talaga ito sabihin sayo... Pag pasensyahan mo na ako kung inilihim ko sayo 'to, n-natatakot lang rin ako dahil baka masaktan ka"

Ngiti lamang ang itinugon n'ya sa'kin at hindi pa din umimik.

"Hindi ko alam kung paano ko ba ito sisimulan" wika ko. Lumapit s'ya sa'kin at umupo sa aking tabi. Nakangiti pa rin s'ya na para bang walang kahit ano ang ibang manyayare.

"Masaktan'man ako ay ayos lang basta malaman ko lang ang katotoohanan"

Hinawakan n'ya ang aking mga kamay at nahintay na sabihin ko na sa kanya ang katotoohanan.

"Napunta lang ako sa mundo n'yo dahil sa isang misyon, ayun ay dapat malaman ko kung sino ang pumatay kay Sophia" humigop ako ng hangin upang makakuha ng lakas ng loob "may 30 araw lang ako para masolusyuhan ang aking misyon. Ang lahat ng naroroon ay k-katang isip lamang. W-walang katotoohanan ang lahat ng naroroon k-kahit...ikaw"

Tumingin ako panandalian para makita ang reaksyon ni Rio ngunit ngiti lamang ang kanyang itinugon.

"Itong lugar na ito" tumingin si Rio sa buong paligid at pag katapos ay tinitignan n'ya muli ako "ito ang t-totoong mundo. Isa ka lang t-tauhan sa isang l-libro" pag katapos ko bigkasin ang mga katangang iyon, naramdam ko na naman ang mga luha na bumuhos galing sa aking mga mata.

"Kaya pala" mahinang wika ni Rio. "huwag ka nang umiyak" inabutan n'ya ako ng bimpo upang mapunasan ko ang aking mga luha.

"Patawarin mo sana ako kung hindi ko nasabi" wika ko.

"Naiintindihan kita" Saad n'ya at ngumiti sa'kin ng mapakla.

Tumahimik kami panandalian. Hindi ko din alam kung ano pa p'wedeng ko sabihin sa kanya lalo pa't nalaman na n'ya ang buong pangyayare.

"P'wede pa ako humingi ng pabor?" Tanong ni Rio.

"Oo naman. Ano 'yon?"

"P'wede ba na kalimutan na natin ang nanyare dahil naiintindihan kita. Masakit malaman ang katotoohanan ngunit mas okay na alam ko kaysa sa hindi"

Tumango lang ako sa kanya. Minsan kasi may tao na ayaw malaman ang katotoohanan para lamang hindi masaktan. Mag bubulag-bulagan para maging masaya.

Inaya ako ni Rio na lumibot dito sa parke. Pumayag lamang ako sa kanya dahil ito rin ang p'wede kong pambawi sa pag lilihim ko sa kanya.

"Gusto mo ba non?" Tanong ko sa kanya sabay turo sa tindahan ng mga fishball.

"Hmm. Masarap ba iyan?" Tumawa ako bahagya, hindi pa nga pala nakakakain ng mga ganitong klaseng pag kain si Rio.

Tumango lang ako sa kanya at hinatak s'ya papunta sa tindahan. Kumuha ako ng stick at cup. Nilagyan ko ng sampong piraso ng fishball ang lalagyanan ni Rio at limang kikiam, sinamahan ko rin ng tatlong pugo.

"Lagyan mo na ng sawsawan. Masarap yan kapag may konting maanghang at suka" wika ko kay Rio. Sinunod naman n'ya ang aking sinabi.

Hahayaan ko na lang na sumaya naman ako kahit papaano ang aking sarili. Gulat pa rin ako sa pangyayare ngunit gusto ko rin naman na nandito si Rio. Masaya ako na nandito s'ya, kasama ko.

"Masarap ba?" tanong ko habang ngumunguya si Rio.

Tumango naman s'ya bilang tugon. Mukha naman nasiyahan s'ya sa kanyang kinakain marahil ay abala pa rin s'ya sa pag subo ng pag kain. Nag lakad ulit kami patungo sa amin upuan.

Habang kumakain si Rio hindi ko maiwasan na maisip na kung papaano ba n'ya ako nahanap. Sa laki ng mundo, imposible na ganon kadali mo mahahanap ang isang tao.

"Hmmm. Rio" tawag ko sa kanya.

Tumingin lang s'ya sa'kin at patuloy pa rin kumakain.

"Paano mo ako na hanap?"

Natigilan s'ya kumain at tumingin sa'kin.

"Katunayan nahirapan ako. Wala akong koneksyon kahit kanino. Lahat sila ay hindi rin kilala kung sino ano o kahit sino ang aking mga magulang... Nag palaboy-laboy lang ako ng mga ilang linggo... H-hindi ko kasi alam kung saan ako pupunta" huminto s'ya at nag buntong hininga. Alam ko na sobrang hirap ng pinag daanan ni Rio. Mahirap mapadpad sa isang lugar na wala kang alam. "Hanggang sa may naawa sa'kin. Naging taga buhat ako ng bigas para lang may makain sa isang araw at mag karoon ng sariling pera" dagdag pa n'ya.

"Katunayan, swerte pa ko dahil may na awa sa'kin. Dahil rin sa pag tatrabaho ko at naging malapit na rin ako sa amo ko. Tinulungan n'ya ako na hanapin ka...hindi ganon kadali dahil ang dami pang proseso" wika n'ya.

"Salamat"

"Bakit ka nag papasalamat?" Tanong n'ya sa'kin.

"Salamat dahil hinanap mo ako kahit na mahirap" ngumiti ako sa kanya kahit naiiyak na ako dahil sa kasiyahan.

Ang swerte ko dahil minahal ako ni Rio. Ang swerte ko dahil minsan lang ang ganitong klase ng lalaki. Ang swerte ko dahil nakilala ko si Rio.

"Hindi mo man lang ba ako yayakapin? Haha" wika n'ya. Lumapit ako sa kanya at niyakap s'ya ng mahigpit.

Masasabi ko na natotoo nga. Nandito s'ya. Ramdam na ramdam ko na nandito s'ya.

"Mahal na mahal kita Faith"

"Mahal na mahal rin kita Rio. Ikaw lang ang mamahalin ko habang buhay.... Salamat dahil dumating ka sa buhay ko" Saad ko sa kanya.

Humiwalay ako sa kanya at tinignan s'ya. Hinaplos ko ang kanyang mukha.

Walang pinag bago kay Rio. Ganon pa rin s'ya kahit na noong simula ko s'yang makilala.

"Rio. Siguro ito na ang tamang oras upang sagutin kita...Wala na hahadlang satin dalawa"

Ngumiti lamang s'ya sa'kin at tumango.

"Sinasagot na kita mahal ko" Saad ko. Niyakap ko ulit s'ya ng mahigpit. Sobrang saya ko ngayon. Hindi ko akalain na may pag asa pa rin pala kami ni Rio.

"Masaya ako na marinig ko na mahal mo ako" bulong sa'kin ni Rio.

Nang humiwalay ako sa kanya ay tinanggal n'ya ang aking kwintas.

Hindi pa rin mawala sa aking mukha ang ngiti sa aking mga labi. Hindi sapat ang salitang 'saya' sa saya na nararamdaman ko ngayon.

"Mahal na mahal kita Faith. Ikaw ang huling babae na mamahalin ko" wika n'ya at dahan-dahan n'ya sinuot ang singsing sa aking darili.

Nang maisuot n'ya ay tinaas ko ang aking kamay at pinag masdan ang singsing. Sobrang ganda nito, saktong sakto din sa aking palasingsingan.

"Masaya ako dahil nakikita kitang masaya" rinig ko wika ni Rio.

Pag tingin ko sa kanya ay bigla na lang ako nataranta. Dumudugo ang kanyang ilong.

"Rioo, ano ba nanyare sayo ang daming dugo ng ilong mo" Saad ko.

Kinuha ko ang bimpo na pinahiram n'ya sa'kin at pinunasan ang kanyang ilong pero para s'yang tanga dahil nakangiti pa rin s'ya habang nakatingin sa'kin.

"Umayos ka nga!" Pinalo ko ang kanyang braso at pinunasan pa rin ang kanyang ilong. Ayaw tumigil sa pag dudurugo.

"Hayaan mo na" mahina n'yang wika.

Papaluin ko sana ulit s'ya ngunit nagulat ako na bigla s'yang matumba.

"Rio!! Ano ba nanyayare sayo!" Sigaw ko sa kanya ngunit ngiti lamang ang kanyang itinugon.

May kinuha s'yang papel sa kanyang bulsa at inabot sa'kin.

"B-basahin mo iyan pag kauwi mo"

Hindi ko mapigilan umiyak. Hindi ko kayang nakikita s'ya na ganito.

Tatayo na sana ako upang makahingi ng tulong ngunit pinigilan n'ya ako.

"D-ito ka lang. Wala na i-ba pang magagawa para sa'kin" mahina n'yang wika. Halatang halata na nahihirapan na s'yang huminga "Ilang araw ko na din i-to nararanasan. Alam ko na l-ilisan na rin ako"

Parang dirunog ang aking puso nang sambitin iyon ni Rio ngunit mas humagulgol ako ng makita ko uting-uti nag lalaho ang imahe ni Rio.

"Rioo! Ano ba n-nanyayare wala akong maintindihan"

"Patawarin mo ako Faith. P-patawarin mo ako kung mas nais ko manatili dito kahit na alam ko na p'wede akong mamatay...w-alang silbe ang pag balik ko sa aking mundo k-ung hindi ka kasama" Saad n'ya.

Kalahati na ng kanyang katawan ang nag lalaho na. Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin. Iyak lang ako ng iyak, walang pumasok sa aking utak.

"Bumalik ka na! Rio bumalik ka na" pag mamaka-awa ko sa kanya ngunit ayaw n'ya.

"Walang s-silbe ang lahat kung babalik ako ng hindi ka kasama. A-lam ko na maiintindihan ako ni mommy sa a-king desisyon" hinawakan ni Rio ang aking mukha. Napapikit lamang ako ng punasan n'ya ang aking mga luha.

"Nais ko sana manatili sa iyong mundo. Ngunit m-mundo mo ang may ayaw sa'kin" durog na durog ang aking puso na marinig ko iyon.

Naging maayos ang buhay ko sa kanilang mundo ngunit taliwas ang kanyang naramdaman dito sa aking mundo.

Nang pag kadilat ko ay halos mukha na lamang ang natitira kay Rio.

"Mahal na m-ahal kita aking binibini. Sana ay maging masaya ka sa tatahakin mong landas kahit hindi na a-ako ang iyong kasama" Saad ni Rio.

"Mahal na mahal rin kita Rio" yayakapin ko sana s'ya ngunit bigla na lang naging hangin ang kanyang katawan. Hindi ko maiwasan na sumigaw dahil sa sakit na aking nararamdaman.

Nag papapadyak ako habang humahangulgol. Sobrang sakit. Parang pinunit ang aking puso sa maliliit na butil.

Mas nanaisin ko pa na hindi na lang nakita si Rio. Mas okay sana kung nandon na lang s'ya sa libro. Sana ay bumalik na lang kaagad s'ya sa libro. Sana hindi na lang n'ya ako hinanap.

"RIO!!" Sigaw ko sa kalangitan "ANG TANGA-TANGA MO!!" Napaupo na lang ako sa sahig at kinulob ang aking mukha.

Sobrang hindi patas ng panyayare. Mas sobrang masakit ang aking nararamdaman kaysa noong nilisan ko ang libro.

Saksi ng aking mga mata kung paano ako iniwan ni Rio.

Namatay si Rio sa mundo na ito na wala ibang nakakaalam kundi ako lang. Ako lang, wala ng iba.

Nang makabalik sa ayos ang aking pag hinga ay binuklat ko ang papel na binigay sa'kin ni Rio. Isa itong sulat.

Aking binibini,

     Simula noong gabi na nag liwanag ka. Alam ko na hindi mo naramdaman ang pag kayap ko ngunit tingin ko ayun ang naging dahilan kung bakit ako napunta sa mundo mo. Kasabay ng pag lisan mo sa aking mundo ay ayun rin ang araw ng pag lisan ko sa aking pinag mulan.

     Habang lumilipas ang panahon na namamalagi ako sa mundo mo ay araw-araw ko nararanasan ang mga ibang pakiramdam. Meron pang isang beses na parang nag fa-fade ang aking katawan at doon ko lang napag tanto na baka sa darating na araw ay tuluyan na ako mawala.

     Siguro habang binabasa mo ito ay  wala na ako? Pero alam ko na lilisan ako sa mundo mo na masaya dahil sa huling hininga ko ay nasilayan ko muli ang iyong kagandahan.

     Alam ko na magagalit ka rin sa'kin dahil sa aking naging desisyon ngunit sana ay maintindihan mo ako dahil ginawa ko lang naman 'yon dahil alam ko na doon ako sasaya. Ayoko bumalik sa aking mundo dahil mas double ang sakit na aking mararamdaman.

     Mahal kita Faith. Kahit ang buhay ko ang kapalit ayos lang,  Nakakatanga'man pakinggan ngunit puso ko na ang dumikta.

    Ipangako mo sa'kin na magiging masaya ka sa mga susunod na araw. Gusto ko na tuparin mo ang iyong parangap at kumilatis ka ng tamang tao na mamahalin mo. Masaya ako kung mag papakasal ka balang araw na mas mahal mo s'ya kaysa sa'kin. Siguraduhin mo lang na mas pogi iyon kaysa sa'kin ha haha.

     Kahit'man kabaliktaran ang naranasan ko sa inyong mundo kaysa sa mundo na aking pinag mulan, masaya ako. Masaya ako dahil may ipag mamalaki ako kay Lord na ginawa ko para sa taong mahal ko. Masaya ako dahil alam ko na wala akong pag sisisihan sa bandang huli. Masaya ako dahil minahal kita, nakilala kita at naparamdam ko sayo ang aking pag mamahal.

Paalam na sa pinaka mamahal ko.
Mahal na mahal kita.
Aking binibini.

Gwapo mong manliligaw


Nang matapos ko basahin ang sulat ni Rio ay napahawak ako sa aking dibdib. Hindi pa rin tumitigil ang aking mga luha.

Mahal na mahal ko si Rio. Saksi ang libro sa aming pag mamahalan. Kahit sa maling lugar at oras ang naibigay sa'min ng tadhana ay hindi ito naging hadlang upang maiparamdam namin sa isa't isa ang aming pag mamahalan.

Siguro ito na talaga ang wakas namin dalawa ngunit ang dami kong dala-dalang alaala na kasama ko hanggang sa aking huling hininga.

Kahit na sobrang sakit ng nanyare masaya ako dahil bago mawala si Rio ay nasagot ko s'ya. Hindi ko paipapangako kung may mapapangasawa pa ako na iba dahil alam ko naman sa mundo na ito ay wala ng klaseng lalaki ang gagawa ng ginawa ni Rio para sa'kin.

Kahit may makilala ako na ibang lalaki sigurado ako na mas higit pa rin si Rio kaysa sa kanila.

Walang mas hihigit pa sa taong mahal ko.

Wakas

Continue Reading

You'll Also Like

46.9K 2.6K 36
A woman that rules men got transmigrated to a Duchess who is a slave of a mere man.
666K 5.5K 8
Isang babaeng palaging lasing ang nagigising sa isang hotel, ngunit sino nga ba ang tagahatid sa kanya sa hotel na iyon? Iyon ba si guardian angel? O...
52.5K 1.6K 20
"You can hurt me, you can make a fool of me, and you can unlove me if doing so will lessen your pain. I don't care if I have to break myself just to...
1M 5.3K 10
Highest Rank #1 in fiction #1 in miss #1 in mister #1 in straight #1 in genderbender #1 in teens #1 in boyxgirl #5 in pretend #6 in fake #13 in Gener...