Kabanata 6

386 160 38
                                    

Hinatid ako ni Rio hanggang sa bahay pero hanggang ngayon ay wala pa rin ang aking ina. Hindi mapalagay ang aking loob marahil ang lumabas sa operasyon ay si Sophia ang may sala ng kanyang pag kamatay. Pag tataka ko lamang na kung si Sophia pala ang may sala bakit kailangan ko pang solusyunan ang pang yayare na ito at sa pag kakatanda ko na ang lumabas sa unang pahina ay tungkol sa krimen. Sa aking palagay may kakaiba sa pang yayare ng araw na iyon na posibleng hindi nakita nang sino'man at kahit ang mga pulis. Hindi naman maaari na ipabukas ko pa muli ang operasyon tungkol rito dahil sigurado ako na mag tataka sila saakin.

Kailangan ko gumawa ng aksyon kundi ay mabubura na lamang ang pangyayare kay Sophia kaso sa paanong paraan? Kahit kanino ay bawal ako humingi ng tulong dahil mag tataka sila kung bakit ko 'yon ginagawa e' sa una palang hindi ko talaga lubusan s'yang kilala.


Natigilan ako sa pag iisip na may kumatok sa akin pintuan, simula pag kauwi ko ay paikot ikot na lamang ako rito sa'kin kwarto at nag iisip kung ano ba pwede ko simulan gawin.

"Ate?" Tawag saakin ni Ashley bago n'ya buksan ang pintuan ng akin kwarto "Kain na raw, hindi makakauwi ngayon si Mommy kaya tayo munang dalawa ang tao rito sa bahay"

"Osige susunod na 'ko" marahan sinarado ni Ashley ang pintuan. Alas syente na ng gabi at dapat ngayon ay mag simula na rin ako sa aking plano pero kailangan ko muna mag palakas at sa tulong 'yon ng pag kain.


Pag baba ko ay mag isa lamang si Ashley na kumakain sa silid kainan. Ito ang nakakalungkot kapag sobrang abala ang magulang mo, madalas ka naiiwan na mag isa.

"Ate? Totoo ba yung balita na nag pakamatay raw si Ate Sophia?" Natigilan ako sa pag kuha ng mga pag kain dahil sa tanong ni Ashley pero hindi naman posible na hindi n'ya iyon malaman lalo pa't sa sariling paaralan ng pamilya ito naganap.

"Oo galing rin kami ni Rio do'n kanina"

"Weh? Kamusta si Kuya Rio? Sigurado ako na sobrang sakit para sa kanya yung nanyare. Kung nakita mo lang ate kung paano alagaan ni Kuya Rio si Ate Sophia baka mainggit ka" sa mga pinapakita pa lang ni Rio alam ko na sobrang mahalaga sa kanya si Sophia. Kung tutuusin maswerte sila sa isa't isa dahil ramdam mo na pinahahalagahan nila ang bawat isa, kaya akala ko nung una ay nobya ni Rio si Sophia pero mag kaibigan lang pala.

Pag tapos namin kumain ni Ashley ay umakyat na ako para mag tungo saakin kwarto. Kailangan ko na pag planuhan ang mga dapat ko gawin. Inayos ko ang mga kailangan ko gamit sa loob ng aking walk-in closet, dito ko pag plaplanuhan lahat. Wala naman pumapasok na ibang tao rito kundi ako lang kaya mas maganda na dito ko ilagay at planuhin ang mga ikikilos ko.

Kumuha ako ng kartolina at panulat upang isulat ang bawat hakbang na akin gagawin. Kumuha ako ng lapis at pinaikot sa'kin mahabang buhok. Kailangan ko na pag isipan ito na maayos at kung maaari ay wala ako masayang na panahon. Oras ang isa sa kalaban ko rito.


-Una, kailangan ko pumunta sa paaralan ng St. Paul para tignan ang mga bawat pasilyo na malapit sa nanyareng krimen.

-Pangalawa, alamin kung anong meron kay Sophia o katangian nito.

-Pangatlo, kapag may nakita ako na pwedeng maging pruweba o kakaiba sa St. Paul kailangan ko malaman kung kanino galing ito.

-Pangapat, kailangan ko malaman kung sino pa ang mga nakaalitan ni Sophia bukod kay Rio.

-Panglima, kailangan ko direktang tanungin si Rio kung ano ba ang kanyang pakay n'ya at naroroon s'ya sa paaralan ng dis oras ng gabi pero bago ko 'yon magawa kailangan ko na mapalapit sa kanyang loob upang hindi s'ya mag duda.

Kinuha ko ang litrato ni Sophia na nakuha ko sa internet at gumawa ako ng diagram sa aking pader. Dito ilalagay ko ang mga taong malapit kay Sophia at ang mga posibilidad na gumawa sa kanya nito. Si Rio pa lamang ang mailalagay ko sa Diagram, s'ya ang pinaka matalik na kaibigan ni Sophia at naging kagalit dahil sa kagustuhan ni Sophia na mag aral sa Italy.


VeracityWhere stories live. Discover now