Kabanata 3

461 184 51
                                    

Nag lakad-lakad ako sa hardin ng St. paul. Hindi pa rin buo ang aking kalooban sa sinabi ng matanda ngunit kailangan na n'ya umalis at hindi na rin n'ya sinabi kung saan s'ya pupunta kaya't hindi ako sigurado kung mag kikita pa ba kami. Ang daming pumapasok ngayon na tanong saaking isipan. Kung kanina habang sinasabi ng matabang ang mga nanyayare at posibleng manyare walang pumapasok na kahit ano sa aking utak pero ngayon sobrang lito pa rin ako at natatakot ako para saaking sarili.


"Anong ginagawa mo rito?" May boses na nag salita kaya't nahinto ako sa pag lalakad. Sa sobrang pag iisip hindi ko na napansin na meron palang tao na malapit saakin.

"Hindi pamilyar ang iyong mukha. Dito ka ba nag aaral?" Tanong n'ya saakin at medyo nag lakad patungo sa aking gawi ngunit sa sobrang takot ko ay lumayo rin ako sa kanya. Baka kung anong gawin n'ya sa akin, paalala pa naman ng matanda na ang lahat ng naririto ay mapanlinlang at hindi totoo.

Huminto s'ya sa pag lapit n'ya saakin na manpansin n'ya na lumalayo rin ako sa kanya

"Huwag ka mag alala hindi kita sasaktan. Gusto ko lang naman malaman ano ginagawa mo rito at kung dito ka rin ba nag aaral?" Saad ulit ng binata sa akin. Marahil nakakapag taka talaga na makita ako rito ng ganitong oras at nag iisa.

"Hindi ko alam paano ako napadpad rito. Pag mulat ko nandito na 'ko" nag taka s'ya sa aking isinagot. Parang ako nag karoon ng amnesiya na hindi alam kung anong nangyare sa mga nakalipas na ilang oras.

"Kung ganoon ay dadalhin na lamang kita sa pulis station kung gusto mo?" Sumang ayon ako sa kanyang idea kahit na hindi ako sigurado kung meron bang pupunta para kunin ako roon.


Habang nag lalakad napatingin ako sa labas ng gate ng St. Paul. Mula rito ay kitang kita ang mga sasakyan na humahurot at poste na nag bibigay ng liwanag sa daan. Mukhang wala itong pinag kaiba sa totoong mundo. Siguro kung hindi ko nakausap ang matanda, ang nasa isip ko lamang ay naliligaw ako at nasa normal pa ang takbo ng aking buhay.

Nakarating kami sa station ng mga pulis na hindi nag uusap marahil napansin n'ya na wala rin ako gana makipag usap sa kanya. Katunayan hindi pa ako napapadpad rito kahit sa totoong mundo. Lumapit kami dalawa sa may pulis na nasa table. At sinabi na nawawala ako. Tinanong lamang ng pulis ang aking pangalan at edad. Kahit ang aking address ay tinanong ngunit wala ako masagot dahil hindi ko rin alam kung may sarili ba akong bahay at pamilya rito.

"Faith Ramirez pala ang iyong pangalan" wika ng binata. "Ako pala si Rio" makikipag kamayan sana s'ya ngunit tinignan ko lamang ito at hindi pinansin kaya't binaba na lamang n'ya ang kanyang kamay. Marahil halata naman ngayon na hindi ako interesado sa kanya. Pero nakakatuwa dahil hindi'man n'ya ako iniwan rito, kahit na ang panget ng pinapakita kong ugali sa kanya ay narito pa rin s'ya at sinasamahan ako.



Mga ilang sandali lamang ay may magandang babae na natataranta pumunta rito at dumeretso sa may lamensa upang mag tanong. Nang makita n'ya ako bigla na lamang n'ya ako niyakap at umiyak.

"Anak, mabuti na lamang ay ligtas ka" wika nito. Anak? Anak n'ya ako? Hindi ko alam kung ano ang aking irereaksyon sa kanyang sinabi. Hindi ko akalain na may magulang pala ako rito sa mundo na ito. Napatingin s'ya kay Rio at ngumiti. Mukhang mag kakilala silang dalawa.

"Mabuti na lamang at ikaw ang nakakita sa aking anak. Maraming salamat iho"

"Walang anuman po. Nung nalaman ko po na Ramirez ang kanyang apelyido ay nakaramdam na po ako na s'ya yung hinahanap ninyo" nag kwentuhan silang dalawa hanggang sa makalabas kami sa station at ako ay tahimik lang habang nakikinig sa kanilang usapan.


Inaya ng aking ina si Rio na sumabay na sa amin sa pag uwi dahil na rin sa sobrang delikado na sa mga oras na ito kaya't pumayag na rin si Rio sa kagustuhan ng aking ina. Hindi ko akalain na ang paaralan pala na St. Paul ay pag mamay ari ng akin ina, pero dito ko lamang s'ya nanay sa mundo na ito. Sa totoong mundo ay hirap ang aking ina na pag aralain ako sa matinong paaralan.

"Paano po ba nawala si Faith sa mall?" Tanong ni Rio kay mama habang ito ay nag mamaneho ng kanyang sasakyan.

"Katunayan ay kakarating lamang ni Faith dito sa bansa kaya't pinasamahan ko s'ya saaking body guard na mamasyal sa mall dahil may importante akong kakausapin. Pag katapos ng mga ilang oras lamang ay tumawag yung body guard na kasama n'ya at sinabi na nawawala si Faith. Kaya't dumeretso agad ako sa mall na kanilang pinuntahan at nakiusap sa may mga tagapamahala na kung p'wede ay panoorin ko yung cctv footage nila upang makita ko ang buong nanyare. At napansin ko nung una na may sumusunod kay Faith kaya ang kutob ko ay may kumidnap sa kanya" Hindi ko maintindihan ang kanilang pinag uusapan. Nang galing ba ako sa mall kanina na may kasamang body guard? Wala akong matandaan na may ganon panyayare. Siguro nga ang may akda ang gumawa nito kaya't planado ang bawat pang yayare bago ako makapunta rito.

"Pag tataka ko lamang po, paano po kaya nakarating ang inyong anak sa St. Paul?" Tanong ni Rio sa aking mama.

"Kahit ako ay 'di ko rin alam" sagot ni mama kay Rio. Tumingin ito saakin "paano ka nga ba napadpad roon faith?"

Hindi ako makasagot, nakakaramdam ako ng pag kakakaba. Hindi ko naman maaari sabihin sa kanila na ang naririto ay kwento lamang at nahigop lamang ako ng libro kaya ako ay naririto.

"Sa aking po palagay ay 'di po maalala ni Faith ang nanyare habang siya ay nakidnap. Tinanong ko po s'ya kanina kung ano po ginagawa nya roon pero ang kanyang sinabi ay hindi raw nya po ito matandaan. Sanhi po siguro ito ng takot sa nanyare sa kanya" hindi ako umangal sa sinabi ni Rio kay mama. Mas maaari na ayun na lamang ang kanilang paniwalaan upang hindi na nila ako tanungin pa ba't ako naroroon.

"Kawawa naman ang aking anak. Ilang araw palang s'ya naririto ay may ganon na agad na pang yayare"

Parang akong pipi rito sa likod ng sasakyan hanggang ngayon ay wala pa rin akong imik at hindi ko alam kung ano ang nararapat na reaksyon na aking ipakita sa kanila. Pero mas maganda na rin siguro ito upang maisip talaga nila na masyado lang ako kinakabahan sa nanyare raw saakin sa mall.



Nakarating na kami sa bahay nila Rio. Sobrang laki at mukhang planado ang bawat yari rito, halatang mayaman ang pamilya ni Rio.

"Inaasahan ko na magiging kaibigan mo ang aking anak at 'wag ka mahihiya na mag tungo sa amin huh. Dalawin mo si Faith, ikaw palang ang nakikilala n'ya rito" paaalala ng aking ina rito at tumango lamang s'ya sa aking ina. Bago s'ya lumabas ay tinignan n'ya ako at nginitian. Hindi ko alam kung dapat ko ba s'yang bawian ng ngiti pero bago'man ang lahat ay umalis na s'ya sa sasakyan kaya't hindi na ako nakapag desisyon kung ano ang gagawin.

"Patawarin mo ako anak, hindi ko akalain na aabot sa ganon. Pasensya na kung nag kulang ako sa pag babantay sayo" nakakalambot ng puso ang mga binitawan n'ya salita. Hindi ko mapigilan na mapangiti dahil sa aking narinig.

"Huwag po kayong mag alala, hindi ko naman po kayo sinisisi. Laking pasalamat ko pa nga po na sinundo nyo ako sa pulis station" wika ko sa kanya. Nakita ko s'yang ngumiti at 'di na umimik marahil ay nakontento na s'ya saaking nabanggit.

VeracityWhere stories live. Discover now