Kabanata 15

297 130 32
                                    

Tahimik lang kaming parehas ng makarating kami sa aming tinutuluyan. Nang mag paalam s'ya sa akin ay tumango lamang ako. Hindi ko alam kung papaano aakto ng normal ngayon lalo pa't alam ko na parehas kami nang nararamdaman.

Napabuntong hininga na lamang ako pag kapasok ko ng kwarto. Nasilayan ko si Athina na mahimbing na natutulog sa kanyang kama.

Pumasok ako sa cr upang makapag hilamos at toothbrush. Habang nag hihilamos hindi ko mapigilan na mapatingin sa salamin.

"Ayoko na maging ikaw" Saad ko sa sarili ko.

Sana katulad ako ng ibang tao na kayang harapin ang mga pag subok nila sa buhay ng walang alinlangan.

Pag tapos ko mag hilamos ay dumapa na ko sa aking higaan.

Hindi ko mapigilan na maisip muli ang pag amin sa'kin ni Rio kanina. Nakakapang hina. Hindi ako sigurado kung kaya ko pa ba lumaban sa larong hindi ko rin alam kung sino ang aking kalaban.

Kung p'wede lang sana ako humiling na sana pag balik ko sa totoong mundo ay kasama ko rin si Rio at hindi s'ya ang pumatay kay Sophia.

Hindi ko mapigilan na mapaluha. Puso at utak ko na ang kumikirot ngayon at sigurado ako isang araw ay mawawalan na 'ko sa katinuan dahil sa mga nanyayare sakin ngayon.



"Faith, gising na. Tanghali na" rinig ko wika ni Athina. Niyugyog n'ya ako bahagya upang magising ang aking diwa.

Pag kadilat ko nasilayan ko s'ya nakapamewang sa akin. Nakasuot na s'ya ng swimsuit n'ya at handa na upang umalis.

"Hala, bakit namamaga ang mata mo" Saad ni Athina. Lumapit s'ya saakin at tinignan ang aking mata ngunit hinawi ko lamang ang aking ulo.

"Iwanan mo muna 'ko. Ang sakit ng ulo ko, pakisabi sa kanila na susunod na lang ako" Saad ko kay Athina. Tinatuklob ko ang aking kumot sa aking mukha.

Mga ilang sandali ay narinig ko na sumara ang aming pintuan, senyales na nakaalis na si Athina.

Wala ako sa wisyo na makipag halubilo kahit kanino ngayon. Gusto ko lamang muna mag pahinga.

Tama nga ang sinabi ni mommy, dapat pala ay hindi na ako sumama rito. Masyado talaga ako makulit kahit kelan, hindi marunong sumunod.

May narinig ako kumatok na mahina galing sa aming pintuan ngunit hindi ko ito pinansin, marahil si Athina lang muli iyon.

"Si Rio 'to" wika n'ya. Tinanggal ko ang kumot na natakip sa aking mukha at napaupo. Napakunot ang aking noo na masilayan ko s'ya ngayon sa'king harapan.

"Kung nag tataka ka ba't ako nakapasok. Hiniram ko muna kay Athina yung susi ng kwarto n'yo" Saad n'ya.

"Sinabi rin n'ya na masama raw pakiramdam mo kaya nag tungo ako rito pag tignan ang kalagayan mo" dagdag pa n'ya.

"Okay lang. P'wede ka na umalis" Saad ko. Tinalikuran ko s'ya at bumalik sa aking pag kakahiga.

"Hindi ako aalis. Nangako ako sa mommy mo na babantayan kita" pag mamatigas n'ya.

"Kung si mommy lang inaalala mo, huwag ka mag alala 'di ako mag susumbong!" Saad ko.

"Hindi, mali ka ng pag kakaintindi. Syempre nag aalala rin ako para sayo kaya ako narito" wika n'ya. Naramdam ko na may umupo sa may paanan ko at sigurado naman ako na s'ya 'yon.

"Sinabi ko naman na rin kila Athina na babantayan kita ngayon" dagdag pa n'ya. Nanahimik lamang ako at hinayaan ang kanyang kagustuhan.

"Mag pahinga ka muna, dito lang ako sa tabi mo. Hindi kita iiwan" wika muli ni Rio. Nanahimik lamang ako at ramdam ko muli ang pag patak ng aking mga luha.

VeracityWhere stories live. Discover now