Kabanata 21

242 100 25
                                    

"Ate" rinig ko wika ni Ashley "bigay ni Kuya Rio. Kumain ka na raw muna" dagdag pa n'ya.

Simula pag kauwi ko ay nag kulong na lamang ako sa aking kwarto. Pinatay ko rin ang aking cellphone upang hindi ako matawagan ni Rio.

"Nandyan rin s'ya sa baba. Simula kaninang umaga" Saad muli ni Ashley.

Naramdam ko ang pag lubog ng aking kama. Sinyales na tumabi sa'kin si Ashley. Ayoko s'yang tignan dahil sigurado ako na namamaga ang aking mga mata at ayoko masilayan 'yon ni Ashley.

"Nakwento na rin sa'kin ni Kuya Rio ang nanyare" mahina n'yang wika. "kung gusto mo may pag labasan ng sama ng loob, nandito ako" dagdag pa n'ya.

Naalala ko na naman ang nanyare kahapon. Hindi ko maiwasan maiyak. Hindi ko matanggap ang nanyare, ramdam na ramdam ko ang sakit hanggang ngayon.

Si Rio ang una kong minahal ng sobra at higit pa sa'kin sarili. Alam ko na hindi ko 'yon naiparamdam sa kanya ngunit kung titignan ang lahat ng pang yayare sa'kin rito. Kung hindi ko talaga s'yang mahal ay hindi ako mag dadalawang isip na bumalik sa aking mundo. Kung hindi ko s'ya mahal, hindi ko matatalikuran ang aking sariling pamilya.

Dahil sa nanyare ngayon ay nawalan na rin ako ng gana na tapusin ang aking misyon. Nawalan na 'ko ng gana sa lahat. Ayoko na.

Siguro napaka makasarili kong tignan ngayon ngunit nakakapagod sa pakiramdam na para kang pinag lalaruan.

Tinakpan ko ang aking bibig upang hindi marinig ni Ashley ang aking pag hikbi. Gusto ko sana sabihin sa kanya na iwanan ako ngunit wala akong lakas. Hinang hina na ako.

Naramdam ko ang pag yakap sa'kin ni Ashley. "Ate. Kung ayaw mo mag sabi sa'kin, maiintindihan ko. Basta nandito lang ako palagi sa tabi mo" wika n'ya.

Mas lalo lamang ako naiyak dahil sa pag akap sa'kin. Nakakapang hina.

Bumangon ako sa aking pag kakahiga kaya't nakalas ang pag kakayakap sa'kin ni Ashley. Kitang kita sa kanyang mga mata ang pag aalala n'ya para sa'kin.

Inangat n'ya ang kanyang kamay at dahan- dahan hinimas ang aking buhok.

"Shhhh. Tahan na, mahal ka non" wika n'ya sa'kin habang nakatingin sa aking buhok.

Hindi pa rin tumitigil ang pag agos ng aking luha. Lumapit ako kay Ashley at niyakap s'ya ng mahigpit. Natigilan s'ya bahagya, kaya alam ko na nagulat s'ya sa aking ginawa.

"Pagod na 'ko. Ashley" wika ko sa kanya.

Hinagod n'ya ang aking buhok at niyakap rin ako. Sa sitwasyon namin dalawa ay parang mas matanda si Ashley kaysa sa'kin.

"Huwag ka mapagod. Pagsubok lamang 'yan sa buhay mo" Saad n'ya sa'kin.

Gusto ko sana sabihin sa kanya ang aking totoong nararamdaman. Alam ko na hindi lamang ito tungkol kay Rio bagkus pati na rin sa'kin misyon ngunit hindi ko alam kung nararapat pa ba na sabihin ko iyon kay Ashley.

"Ramdam ko na sobrang nahihirapan ka na sa sitwasyon mo ngunit kayanin mo dahil kung hindi ay ikaw ang kawawa" mahinahon na wika n'ya. "Sigurado rin ako na kapag nag patalo ka ngayon dahil sa pag subok na kinahaharap mo, pag sisisihan mo 'yon bandang huli" dagdag pa n'ya

Nakinig lamang ako sa kanyang sinasabi at hindi na 'ko nag salita pa. Patuloy pa rin s'ya sa pag hagod ng aking buhok habang nakayakap ako sa kanya.

"Okay lang sa'kin kung hindi mo sasabihin ang saloobin mo dahil ikaw lang rin naman makakatulong sa sarili mo. Basta lagi mo tatandaan ate na nandito lang ako sa tabi mo huh" tumigil panandalian si Ashley at nag buntong hininga "normal sa tao na mag karoon ng mga pag subok sa buhay. Madalas ay nakakaramdam tayo ng pag ka-down ngunit ayun ang gamitin mo upang lumakas" dagdag pa n'ya.

VeracityWhere stories live. Discover now