Kabanata 9

360 158 55
                                    

Kakatapos ko lamang maligo at naririto ngayon sila Sabrina saaking kwarto. Nais kasi nila na ayusan ako. Hindi ko rin naman alam kung ano ang plano nila ngayon, basta ang kanilang sinabi ay papasayahin namin ngayon si Rio para kahit papaano ay makalimot.

"Ako na mag aayos sa buhok ni Faith" wika ni Athina.

"Osige kami na bahala ni Marina sa damit n'ya" pumasok sila sa aking walk-in closet. At naiwan kami nito ni Athina sa harapan ng salamin.

Kanina nung malaman ko na balak nila ako ayusan ay inayos ko na lahat ng aking mga gamit pati na rin ang aking walk-in closet kasi sigurado ako na mangkakalkal sila ng mga gamit roon. Kaya tinabi ko muna ang mga impormasyon na aking nakalap noong  nakaraan baka kapag nakita nila 'yon ay masira lamang ang aking mga plano.

"Ano gusto mo nakalugay o ipit?" Tanong sa'kin ni Athina.

"Nakalugay na lang" tumango s'ya saakin at kinuha ang pang plansta sa buhok.

"Planstahin natin tas kukulutin ko yung dulo" tumango lamang ako sa kanya bilang tungo.

Habang inaayos ni Athina ang aking buhok ay lumabas sila Sabrina galing saakin walk-in closet na may dalang marami damit.

"Bakit n'yo ba naisipan na ayusan ako?" Tanong ko sa kanila.

Ngumiti si Sabrina "Wala lang, gusto lang namin ibahin yung awra mo kapag may nakakita sayo na ibang tao" wika n'ya

"Isa pa sa dami mong damit sa walk-in closet mo e parang paulit ulit lang yung nakikita namin suot mo" dagdag ni Marina.

Hindi na muli ako nag salita at hinayaan na lang sila sa kanilang gusto.

Tinitignan ni Sabrina ang mga damit na nakasalampak sa aking kama habang nakahalukipkip at mukha nag iisip ng maayos upang 'di ako mag mukhang tanga sa kanilang gagawin. Si Marina naman ay tinitignan ako at sinusuri ang kanyang damit na hawak kung babagay ba ito saakin.

Kung pag mamasdan ay mukha silang tanga sa kanilang ginagawa dahil masyado nila sineseryoso ang aking susuotin.

"Tignan mo 'to Marina" pinakita ni Sabrina ang kanyang nakitang damit.

"Bagay kay Faith 'yan bralette. Makinis naman s'ya" singit ni Athina. Pinag masdan ko ang damit na nakita ni Sabrina, mukha lang itong bra na kulay puti.

"Hindi ako nag susuot ng ganyan" wika ko sa kanila kaya napatingin sila saakin.

Lumapit bahagya saakin si Sabrina at umupo saakin harapan. Hinawakan n'ya ang aking mga hita "minsan lang 'to Faith. Pag bigyan mo na kami pleaseee" nag beautiful eyes pa si Sabrina kaya medyo natawa ako bahagya.

"Osige. Basta ito na una't huli"

Pag katapos ayusin ni Athina ang aking buhok ay pinasuot na sa'kin nila Marina ang kanilang napiling damit. Nakaripped jeans ako at bralette. Pinasuot rin nila ako na heals ngunit 'di gaano kataas.

"Ganda mo, Faith" wika ni Marina sa akin. Ngumiti ako sa kanila at tinignan ang aking sarili sa salamin.

Ngayon ang aking masasabi ay mukha na ko dalaga. Inayos ko bahagya ang aking buhok pati na rin ang bralette, hindi naman ganon kalakihan ang aking dibdib kaya maayos pa rin ako tignan kahit ganito ang aking suot.


Habang pababa kami ay nakakapit ako kay Marina dahil nahihiya ako sa aking suot. wala ako tiwala saaking sarili pag dating sa ganito marahil alam ko naman saaking sarili na hindi ganon kaganda ang aking katawan.

"Wow ang sexy naman ni Faith" salubong saakin ni Matt. Kasama n'ya ngayon si Steve at Rio

"Well. Kami ang nag ayos e" pag yayabang ni Sabrina.

VeracityWhere stories live. Discover now