Kabanata 8

373 162 52
                                    

Lumipas ang isang araw nang mailibing si Sophia naging normal ulit ang takbo ng buhay ng aking pamilya bukod sakin. Naging maayos na rin ang naging usapin sa paaralan, sa tulong na rin ni Tita Charlotte. Pinahiwatig nila sa lahat na walang sino'man ang naging sangkot rito. Kahit na naniwala na ang lahat tungkol dito ay 'di pa rin ako kampante dahil alam ko na may iba talaga na nanyare.

Nakahilata pa rin ako ngayon sa aking higaan at nag iisip kung ano ba ang maaaring gawin ngayon umaga. Mamayang hapon naman ay nag aya ang barkada na mamasyal muna upang makalimot rin kahit papaano si Rio. Saksi naman ang lahat sa kanyang pag pipighati sa pag kawala ng pinaka matalik na kaibigan.


Mga ilang sandali ay umupo na ko galing sa pag kakahiga sa kama at tinignan ang aking sarili sa salamin. Mukha na ko multo, ang aking mga mata ay lubog na at nangingitim na rin ang aking eyebags. Hindi na rin kasi naging maayos ang aking tulog sa kadahilanan na lagi ko iniisip kung sino ang maaari nakagawa nito kay Sophia.

Dumeretso ako sa aking walk-in closet at tinignan ang aking ginawang diagram. Sa ngayon dalawa na ang aking iniibestigahan si Rio at ang aking ina. Alam ko na wala ako sapat na rason upang ilagay ang aking ina rito ngunit bakit nung araw na iyon 'di nya nabanggit na galing pala s'ya sa paaralan at ang kanyang binanggit ay dumeretso agad s'ya sa mall.

Tinignan ko ang talaan. Ang daming pangalan na nakasulat rito at ang iilan ay 'di ko pa kilala. Masyado ako mahihirapan sa kaso na ito, ngayon pa lamang na nag sisimula palang ako ay nahihirapan na 'ko. Pa'no pa kaya kapag nasa kalagitnaan na?


Ang mga pangalan na nakasulat sa talaan:

•Steve

•Rio

•Sophia

•Denise

•Si Mommy

•Sabrina

•Melona

•Ander

•Ralph

•Christina

Sa 10 na nakasulat sa talaan sigurado ako na isa d'yan ay yung matandang babae na nakausap ko ngunit 'di ko alam kung sino s'ya at ano ang kanyang tunay na pangalan. Kaya sa walo na pangalan na nari'an bukod kay Sophia at sa matandang babae ay may isang posibilidad na gumawa nito kay Sophia ngunit sa walo na ito apat lamang ang aking nakikilala.


Ngayon ko lamang napag tanto na dapat pala ay kinuha ko na rin ang talaan para sa mga pangalan ng mga nag aaral sa paaralan na iyon. Sigurado ako na doon ko lamang sila makikilala at kung ano ba ang meron sa kanila ngunit sa ngayon ay 'di pa ako maaari mag tungo sa paaralan. Narinig ko sa usapan nila papa kahapon na mag dadagdag raw sila ng tauhan upang bantayan ang buong eskwelahan kaya dapat mag palipas muna ako ng panahon upang lumamig na ang usapan rito.

Muli ko ulit tinignan ang diagram na aking ginawa at ang talaan. Masyado marami pa ko dapat lagpasan bago ko makamit ang aking tagumpay. Sa ngayon kailangan ko rin muna mag padaloy sa takbo ng buhay rito at umakto na normal tulad ng ibang tao.

"Ate?" Narinig ko ang boses ni Ashley sa 'di kalayuan kaya dali-dali ako lumabas sa walk-in closet. Napabuntong hininga ako na makita ko na nakadungaw lang ang kanyang ulo sa aking kwarto at 'di pa sya tuluyan nakakapasok.

"Bakit parang nakakita ka ng multo? Okay ka lang ba?" Tanong n'ya saakin.

"Ahh ayos lang ako, ano nga pala 'yon?"

"Nasa baba si Kuya Rio. Hinihintay ka, may lakad raw kayo?" Napakunot ang aking noo. Masyado pang maaga para sa oras na aming napag usapan "pansin ko na napapadalas ang pag kikita n'yo, ate" dagdag pa ni Ashley bago n'ya ako tuluyan iwanan.

VeracityWhere stories live. Discover now