Wakas

196 70 29
                                    

Pag kawala ng liwanag ay nakita ko muli ang pamilyar na lugar na ilang araw ko hindi nasilayan.

Tulad noong makuha ako ng libro ay wala pa rin pinag bago ang aking pwesto. Nakaupo pa rin ako sa aming likmuan.

"Anak kakain na" rinig ko wika ni Inay.

Dali-dali akong tumakbo patungo sa kanya para mayakap s'ya. Buwan ang aking nakaligtaan kaya sobrang ko sila na-miss.

Pag katapos ko s'yang mayakap ay bigla s'ya nag taka sa aking ipinakita.

"Anong meron?" Takang tanong ng aking ina

"Pag pasensyahan mo na po ako ina kung ilang araw ako hindi nag pakita sa inyo. Hindi ko din po kasi akalain na hihigupin ako ng libro" nakakunot pa rin ang noo ng aking ina ngunit hindi n'ya ako pinigilan sa aking sinasabi "mabuti na lang po ay nagawa ko ang aking misyon at nakauwi po kaagad ako rito sa ating mundo"

Nagulat ako ng biglang humalaklak ang aking ina. Napahawak pa s'ya sa aking braso upang hindi s'ya matumba sa kakatawa.

"Ano bang pinag sasabi mo? Haha sigurado ako na napagod ka lang sa lakad n'yo kanina ni Mika at sa trabaho mo... Kung ano-ano tuloy pumapasok sa kokote mo" natatawa n'yang wika

"Po?"

"Nako anak. Kakabasa mo iyan ng mga fantasy books kaya akala mo tuloy ay ikaw ang bida sa storya haha" wika ni Ina habang patungo sa aming hapag kainan.

Hindi ko pa rin maintindihan ang winiwika ng aking ina. Hindi ba talaga ako nawala sa mundo na ito? Nakatulog lang ba ako kanina sa likmuan habang nag babasa? Bakit ramdam na ramdam ko na totoo ang lahat na nangyare sa'kin.

"Huwag ka na mag isip ng kung ano pa. Kumain ka na lang dito" pinaupo ako ng aking ina sa upuan katabi ng aking kapatid na ngayon ay nakatingin sa'kin. Halata din sa kanyang mukha ang pag tataka sa aking ikinikilos.

"Anong araw na ngayon ina?" Natigilan si inay sa pag sasandok ng kanin at tumingin sa'kin.

"Agosto 9" maikli n'yang tugon.

Bigla sumikip ang aking dibdib. Hindi nag bago ang araw simula noong makuha ako ng libro.

Tumingin ako sa aming orasan, alas dyes lamang ng gabi. Isang oras lamang ang pagitan simula noong binuklat ko ang libro.

"Pag pasensyahan n'yo na dahil ginabi tayo sa pag hapunan ngayon. Kakatapos ko lang rin kasi manahi" wika ni Ina.

Katunayan sanay naman ako na malilipasan ng gutom kaya baliwala sa'kin kahit anong oras kumain.

Habang kumakain kami ng hapunan ay bigla na lamang kumunot ang noo ni Ina habang nakatingin sa'kin.

"Saan galing 'yang kwintas mo?"

Bigla na lamang ako napahawak sa kwintas na tinutukoy ni inay. Pinag masdan ko ito.

Ito ang kwintas na ibinigay sa'kin ni Rio. Bigla na lang ako naguluhan, bakit ganon? Tagala ba napunta ako sa libro ngunit bakit hindi'man lang nag bago ang araw? Agosto 9 pa rin.

Sa loob na pinamalagi ko sa libro, 30 na araw ako naroroon ngunit isang oras pa lamang ang pagitan simula ng maupo ako sa likmuan.

Pag katapos kong kumain ay nag paalam na ako sa kanila na tutungo na ako sa kwarto.

Bitbit ko pati na rin ang libro. Sana ay may malaman ako impormasyon tungkol sa nanyare dahil gulong gulo na ako.

Pag tingin ko sa panaklob nito ay nag taka ako marahil ay may nakaguhit na  pamagat, hindi tulad noong una kong kita ay walang kahit anong disenyo sa unahan nito.

VeracityDonde viven las historias. Descúbrelo ahora