Sol at Luna (A Solar Eclipse...

Door MakuHinode

9.7K 2.4K 200

Si Luna Mercado ay isang simpleng babaeng mahilig sa kape, magbasa ng mga libro at mag-alaga ng pusa. Nagbago... Meer

Prologue
CHAPTER 1: FULL MOON
CHAPTER 2: STORY TELLING
CHAPTER 3: LUNA MERCADO
CHAPTER 4: SOL TRINIDAD
CHAPTER 5: HARVEY TRINIDAD
CHAPTER 6: LOST
CHAPTER 7: SOLAR ECLIPSE
CHAPTER 8: GROUPMATES
CHAPTER 9: LATE NIGHT TALKS
CHAPTER 10: SURPRISED
CHAPTER 11: ESCAPED
CHAPTER 12: SHINE
CHAPTER 13: BEATEN
CHAPTER 14: CRUSHED
CHAPTER 15: MIA MERCADO
CHAPTER 16: LORRAINE TRINIDAD
CHAPTER 17: GRANDPARENTS
CHAPTER 18: HANGOVER
CHAPTER 19 : CAMP
CHAPTER 20: WORRIED
CHAPTER 21: SERENADE
CHAPTER 22: FIREFLIES
CHAPTER 23: SHOVE
CHAPTER 24: SIGH
CHAPTER 25: FINGERS CROSSED
CHAPTER 26: SHOPPING SPREE
CHAPTER 27: SUNDATE
CHAPTER 28: COFFEE BOYS
CHAPTER 29: DINNER
CHAPTER 30: STRUM
CHAPTER 31: SWEET DREAMS
CHAPTER 32: NIGHTMARE
CHAPTER 33: NECKLACE
CHAPTER 34: READY
CHAPTER 35: MELODY
CHAPTER 36: DUET
CHAPTER 37: STAR GAZING
CHAPTER 38: HOMECOMING
CHAPTER 39: AIRPORT
CHAPTER 40: HODOPHILE
CHAPTER 41: ROADTRIP
CHAPTER 42: IRRITATED
CHAPTER 43: WARM
CHAPTER 44: SWEAT
CHAPTER 45: BUTTERFLIES
CHAPTER 46: ADRENALINE
CHAPTER 47: PEACE OFFERING
CHAPTER 48: STREET FOODS
CHAPTER 49: CONVENIENT STORE
CHAPTER 50: HEARTBROKEN
CHAPTER 51: TRESPASSING
CHAPTER 52: BROWNIES
CHAPTER 53: BEACH
CHAPTER 54: SANITY
CHAPTER 55: VIVID
CHAPTER 56: FAMILY DINNER
CHAPTER 57: DISTANCE
CHAPTER 58: BLACKOUT
CHAPTER 60: LA VIE EN ROSE
CHAPTER 61: PRAYER
CHAPTER 62: HUG
CHAPTER 63: SHORT HAIR
CHAPTER 64: HOPE
CHAPTER 65: LAST ECLIPSE
PUBLISHED!

CHAPTER 59: WARM UP

28 4 0
Door MakuHinode

SOL

Kanina pa ako nakahiga sa kama ko at kahit kanina pa ako palit ng palit ng pwesto sa aking pagkakahiga, hindi parin ako dinadalawan ng antok. Tinignan ko ang ang cellphone ko at 4:00 pm na ng hapon at wala pang text o reply si Luna sa akin. 

Bahala na, puntahan ko nalang siya sa kaniya para humingi ng tawad sa kaniya. Hangga ngayon sobra ako nababahala sa sinabi ni tito Jorden sa akin at sa kalagayan ng nanay ko. Umupo ako sa kama ko at nag-unat ng mga braso.

Sinuot ko ang mga tsinelas ko at nagtungo sa garahe dahil may nanggagaling na musika roon. Pagkalabas ko ng bahay, nakita ko si Marcus na nililinis ang garahe namin.

"Aba Marcus, himala 'yan ah," pang-aasar ko sa kaniya. Lumingon siya sa akin at hinaan ang kaniyang bluetooth speaker.

"Nag text si mama, may bisita raw siyang darating rito at pinapalinis ang garahe natin." Binuksan ni Marcus ang hose at binasa ng tubig ang garahe namin.

"Nag meryenda na kayo ni Elijah?" tanong ko sa kaniya habang pinagmamasdan ko siyang maglinis. 

"Hindi pa."

"Osige, pagluto ko kayo ng meryenda para ma motivate kang maglinis dyan."

"Salamat!" Muling nilakasan ni Marcus ang kaniyang bluetooth speaker at tinuloy ang kaniyang paglilinis sa aming garahe.

Muli akong pumasok sa bahay namin at nagtungo sa kusina. Binuksan ko ang refrigerator at nakita kong may laman ito ng apat na patatas.

Ah, alam ko na kung ano ang gagawin ko. Kinuha ko ang apat na patatas at isinara ko ang refrigerator. Binuksan ko ang gripo at hinugasan ang apat na patatas.

Katapos nito, binalatan ko ang mga patatas gamit ang kutsilyo. Katapos nito, hiniwa ko sila nang pahaba. Kumuha ako ng isang bowl at pinuno ko iyon ng tubig at inilagay roon ang mga patatas.

Makalipas ang ilang minuto, kumuha ako ng kitchen towel at inilagay roon ang mga pataas para patuyuin ang mga ito. Nang matuyo na ang mga patatas, kumuha ako ng isang kaldero at isinindi ang stove. Binuhusan ko ng mantika ang kaldero at hinayaan ko munang uminit ang mantika.

Nang mainit na ang mantika, inilagay ko roon ang mga patatas sa kalderyo, at katapos ng 30 seconds, inalis ko sila sa kalederyo at inilagay sa kitchen towel para ma absorb ang ng kitchen towel ang oil.

Katapos nito, kumuha ako ng cornstarch at binudburan ang mga thinly-sliced potatoes at inilagay ko ang mga ito muli sa freezer para palamigin. Kalipas nang 30 minutes, muli ko sila kinuha sa freezer ang mga patatas at muling inilagay sa mainit na mantika at hinayaan ma fry ng isang minuto. Nang makita kong naging golden brown na ang kulay nito, isinalin ko ang mga french fries at muling inilagay sa kitchen towel at hinayaan ko muna itong lumamig ng konti. Kumuha ako ng asin at binudburan ang mga french fries at inilagay ang mga ito sa isang bowl.

Inilagay ko na ito sa mesa sa salas at tinawag na si Marcus na tapos na maglinis ng garahe. "Nasaan si Elijah?" tanong ko sa kaniya habang nag sinisindi ang tv. 

"Sandali lang, masakit ang tyan ko!" sigaw ni Elijah na nasa banyo.

Habang kumakain kami dalawa ni Marcus nang niluto kong french fries, may tumigil na isang kotse sa harapan ng bahay namin at bumubusina ito. Pareho kaming lumabas ni Marcus at nakita naming lumabas sa kotse ang papa ni Luna.

Pawis na pawis ito at hinihingal na lumapit sa akin. Binuksan ko ang gate namin. "Tito ano pong nangyari? ayos lang po ba kayo?"

"K-kailangan m-mong sumama sa akin!"

"H-ho?"

"Nasa panganib ang buhay ng nanay mo at ang anak ko!"

Inilabas ni tito Jorden ang kaniyang cellphone at pinlay ang isang video na nakagapos sa upuan sina Luna at ang nanay ko.

Pumasok sa frame ng camera ang lalaking nagpakilalang Mateo. Humalakhak si Mateo bago siya magsalita. "Jorden! tutal hindi ka naman marunong sumunod sa usapan natin, ako na mismo ang gagawa nito." Inilapit niya sa ang cellphone at iniharap ang camera kina Luna at mama Lorraine ko na nagpupumiglas para makawala sa kanilang pagkakatali. Nanlambot ang dalawang tuhod ko at hindi ko masikmura na kaniyang gawin ng lalaking 'to sa mga mahal ko sa buhay.

Katapos ng video, may pinakita siyang mapa at nakabilog gamit ang kulay ng pulang ballpen. Nang makapag paalam sa aking mga kasamahan sa bahay, agad kong iniwan sina Marcus at Elijah at pumasok nakami ni tito Jorden sa loob ng kaniyang kotse. Mabilis niya itong pinaandar at taimtim na nagdasal na sana walang masamang mangyari sa kanilang dawala.

Inabot kami ng isang oras sa aming pagbiyahe at sa tingin ko nasa labas na ito ng Pampaga. Masukal ang lugar na ito at nagkalat ang mga nalatang mga puno at sobrang lamig ng simoy ng hangin. Hindi na ako nakapagpalit sa sando at maiksing shorts na suot ko dahil pareho kaming nataranta ni tito Jorden.

Inilabas ni tito Jorden ang kaniyang revolver at dahan-dahan kaming naglalakad sa isang matirik na lugar. Malipas ang bente minutong paglalakad, napunta kami sa isang bangin at nakita ang maraming mga motor na nagkalat rito at may mga kalalakihan ang nagsusugal at umiinom ng alak.

Tumayo silang lahat at itinigil ang kanilang pag-inom at paglalaro ng mga bahara nang makita kami at mabilis na tinutok ang mga de-kalidad na mga baril nang makita kami.

"I was starting to get bored, late kayo ng 2 minutes ah." Tumayo si Mateo at ibinuga ang usok ng kaniyang sigarilyo at lumapit sa amin. 

"Ibaba n'yo muna mga baril n'yo. Ganyan nyo ba i-welcome ang mga bisita natin?" agad na ibinaba ng mga kasama ni Mateo ang kanilang mga baril at inaabang ang kaniyang susunod na utos.

"Let's play a game," sabi muli ni Mateo at humakbang ako ng paatras. "Oh Jorden, itong kasama mo yata naduduwag na."

"Let's cut the chase, what do you want?" maangas na tanong ni tito Jorden kay Mateo at anumang oras, handa ito makipagbasag ulo para lang kaniyang anak.

"I told you what I want. And you still had the nerve to show up here with that boy." Turo sa akin ni Mateo. Nakuha ng atensyon ko ang isang malaking bakal na kulungan. Nandoon sina Luna at ang nanay ko. Pareho silang naka posas at nakapiring ang kanilang mata. Mayroon silang suot na isang vest at may nakalagay na timer rito. May dalawang armadong lalaki ang nagbabantay rito at kung sino man ang lalapit sa kulungan na ito, handa silang pumatay ng tao. 

"Kita mo yon iho?" turo ni Mateo sa pinakadulo ng bangin. "Kapag hindi mo magagawa itong papagawa ko sayo iho, itutulak ng dalawang kasama ko ang mga mahal mo sa buhay d'yan sa dagat."

"Alpha halika rito," Lumapit sa amin dalawa ni tito Jorden ang isang matangkad at makisig na lalaki sa amin at tinignan ako mula ulo hangga paa. Nagpakawala siya ng malakas na tawa. 

"Mateo, sigurado kaba rito? Eh kahit isang pitik ko lang, mamamatay na to eh."

"Sol, kapag natalo mo sa fist fight itong si Alpha sa loob ng isang minuto. I will set your Mom and Luna free. Kapag natalo ka ni Alpha, itutulak ko sila sa bangin at malulumod sila sa dagat and then, boom!"

Bumulong sa akin si tito Jorden at sabi niya labanan ko raw itong si Lance at sabi niya may naisip na itong plano.

Napalunok na lamang ako at humarap sa makakalaban ko. Iniabot sa amin ang dalawang pares ng brass knuckles at sinuot ko ito.

Inalis ni Alpha ang suot niyang leather jacket at humarap na ito sa akin. "Hindi ko na kailangan 'tong mga 'to." Inalis ni Alpha ang suot niyang mga brass knuckles at tumawa muli ito ng malakas.

Kinalampag ng mga kasamahan niyang lalaki ang mga bote ng kanilang alak at halata sa kanilang itsura na tuwang-tuwa sila sa pagtutuos naming dalawa ni Alpha.

Agad na nagpaulan ng suntok sa akin si Alpha at naiwan ko ang mga ito. Humakbang ako ng dalawang beses at pinag-aaralan ko ang bawat na galaw ni Lance.

Nang mabilis itong lumapit sa akin, ini-swing ko ang kanang braso ko at sinuntok na malakas ang panga ni Alpha. Napaatras ito at pinunasan ang sugat sa kaniyang laba.

"Wala ka pala Alpha!"

"Hintayin n'yo lang patutulugin ng manok natin ang batang 'yan"

Muling itinaas ni Alpha ang kaniyang dalawang kamao at inaakit ako na lapitan ko siya. Nanatili ako sa kinakatayuan ko. Nagulat ako nang mabilis itong lumapit sa akin at pinagsusuntok ako. Napaubo ako ng duga nang sobrang sakit ng suntok niya sa akin sa tyan. Pinipilit kong itayo ang aking sarili, pero muli niya akong pinagsusuntok hangga sa tuluyan na ako bumagsak sa lupa. 

"Time's up," sabi ni Mateo. Akmang susuntukin pa ako ni Lance pero umatras na ito. 

"Grabe ka naman bro, pati ba naman bata, hindi mo pinalagpas," sabi ng isa sa kanilang kasamahan.

"Mateo! sandali lang, gusto lang namin yayaan maglaro ang batang 'yan," sabi ng isang lalaki na blonde ang kaniyang buhok.

Halos hindi na ako makatayo dahil sa mga natamo kong mga sugat. "Tama na 'yan, ano bang gusto niyo?" tanong ni tito Jorden sa mga kalalakihan habang inaakayan ako para makatayo ng maayos.

"Osige tanda, ikaw nalang maglaro. Halika ka rito," sabi ng isang kalbong kalalaki. Lumapit si tito Jorden sa limang lalaki na nakaupo at naglalaro ng mga baraha. Tumabi si tito Jorden sa kanila at naupo ako sa lupa dahil sobrang sakit ng sikmura ko.

Inilapag ng kalbong lalaki ang isang revolver at inalis rito ang mga balas sa loob ng revolver. "Alam n'yo ang Russian Roulette? Itong revolver na ito, isang balas lang ang ilalagay ko sa loob nito. Isa-isa nating itatapat sa ulo natin ang revolver at hihilain ang trigger." Kinuha ng lalaking kalbo ang baril at inilagay ang isang balas sa revolver. Pinaikot niya ang chamber ng baril at itinapat sa kaniyang ulo.

"Kapag 'yang utak mo Kilo kumalat, hindi ko lilinisin ah," pang-aasar ng lalaking blonde. Hinila ng lalaking kalbo na si Kilo ang trigger ng Revolver at hindi pumutok ito. Ipinasa niya ito sa lalaking blonde. 

"Ano ba yan Tango, natatakot ka?" tanong ng isang lalaking mahaba ang balbas. Itinapat ni Tango ang baril sa kaniyang ulo at pumikit ito. Umilawngaw ang putok ng baril nang hilain ni Tango ang trigger ng Revolver at agad itong bumagsak sa lupa. Nagulat ang mga kasamang lalaki ni tito Jorden at sinipa ang katawan ni Tango. Nang ma-distract sila, agad kinuha ni tito Jorden ang baril sa kaniyang likuran at pinagbabaril ang kasama niyang mga lalaki. Hindi agad sila maka-aksyon kaya pinaulanan sila ng mga bala. 

Inilabas ni Mateo ang baril niya ang nagpalitan ng putok ni tito Jorden, agad ako bumangon at nagtago sa likuran ng puno. Nanlaki ang mga mata ko nang may isang lalaki ang lumapit sa kulungan at itinulak ito sa bangin. Agad na lumingon si tito Jorden sa kaniyang likuran at mabilis siyang nabaril ni Mateo sa braso si tito Jorden. Mabilis na sumakay sa motor si Mateo at umangkas ang isang lalaki at mabilis silang umalis.

Tumayo ako at lumapit kay tito Jorden. "Ayos lang ako iho, 'wag ka mag-alala. iho, ayos lang ako," sabi ni tito Jorden habang hawak ang kaniyang braso. 

"Marunong kaba lumangoy iho?" Tumayo na si tito Jorden at humarap sa bangin. "Sagapin na natin sila!"

Mabilis siyang tumalon sa tubig at bumagsak sa dagat. Bago ako tumalon, ipinikit ko muna ang aking mga mata. 

"Ma, pwede po ba ako mag-swimming?" paalam ko kay mama Lorraine habang tinuturo ko ang karagatan. Hinihila ko ang laylayan ng damit niya dahil hindi niya ako pinapansin. Abala si mama sa pag-aayos ng dinner namin rito sa isang cottage. "Dad! pwede po ba ako mag-swimming? Mag collect lang po ako ng mga corals," paalam ko kay dad at pumayag naman siya.

"Basta 'wag ka pupunta sa malalim ha? d'yan ka lang sa may dalampasigan para makita ka namin ng mama mo," sabi ni dad. 

Isinuot ko na ang mga tsinelas ko at dala-dala ko ang maliit kong salbabida at tumakbo papunta sa dalampasigan. Palubog na ang araw at umupo ako sa may beach sand. May isang maliit na crab akong nakita at naglakad papunta sa tubig. 

Tumayo ako para sundan ang maliit na crab dahil sobrang cute nito! Umabot na hangga baywang ang tubig at patuloy parin ako sa paglalakad. Lumingon ako sa direksyon nina papa at kumaway sila sa akin. Itinaas ko ang dalawang kamay ko para kumaway pabalik. Pagkalingon ko sa tubig, wala na ang crab na hinabol ko.

Sumisid ako sa tubig at binuksan ko ang dalawang mga mata ko para tumingin ng mga seashells. Nang may makita na ako, lumangoy ako papunta rito. Kinuha ang mga ito gamit ang maliit kong kamay at ipinasok sa maliit na plastic bag. Sigurado akong matutuwa si mama rito dahil paburito niya ang mga ito.

May isang coral akong nakita na may kalayuan sa kinalalagyan ko, naglakad ako papunta rito at abot hangga leeg ang taas ng tubig. Nagpatuloy pa rin ako dahil may kumpiyansa ako sa aking sarili, sobrang galing ko kaya lumangoy! 

Nagulat ako nang biglang dinala ako ng malakas na ahon at nadala ako sa malalim na parte ng karagatan. Sinusubukan kong lumagoy paataas ngunit na stuck ang paa ko sa isang malaking coral. Ang tanging naririnig ko lamang sa ilalim ng karagatan ay ang malakas na ahon ng tubig at ang tibok ng puso ko. Iginala ko ang mga mata ko at hindi ko na masyado maaninag ang paligid dahil medyo madilim na.

Mabilis ako binalot ng takot at nagsimula na akong magpanic hangga sa naramdaman kong nawawalan na ako ng hininga. 

Nang makaramdam ako ng pagkahilo, ipinikit ko ang dalawang mata ko at namamag-asang may magligtas sa akin.

Iminulat ko ang dalawang mata ko nang maramdaman kong may dalawang braso ang yumakap sa akin at iniahon ako sa karagatan. Nakita ko ang nag-aalalang itsura ni papa hangga sa napunta kami sa dalampasigan. 

"Sol!" sigaw ni mama at tumakbo siya papunta sa amin dalawa ni papa. "Anak naman, sobra kami nag-alala sa'yo! buti nakita ka ng papa mo."

Tumulo ang mga luha ko dahil sa sobrang takot ko kanina, akala ko tuluyan na akong malulunod, Niyakap ko si mama at umiyak sa kaniyang dalawang braso habang si papa naman ay hinihimas ang aking likuran.

"Sa susunod anak, 'wag kana pupunta sa malalim na parte ng dagat ha?" habilin sa akin ni dad at tumango naman ako sa kaniya. 

"Sol!" sigaw sa akin ni tito Jorden nang bumagsak ako sa karagatan, iminulat ko ang dalawang mga mata ko. "Tulungan mo ako," sabi ni tito Jorden. Sabay kaming sumisid sa tubig at hinahanap ang isang kulungan. Nang makita namin ito, mabilis namin ito hinablot at lumangoy pataas ng tubig. Nang maiangat na namin ang kulungan, agad namin ito idinala sa dalampasigan.

Kahit nanghihina ang aking katawan, binuhos ko ang lahat ng aking lakas para buksan ang kulungan. 

"S-sol! yung susi!" sigaw sa akin ni tito Jorden dahil hindi namin mabuksan ang kulungan dahil nakandado ito. Parehong walang malay si mama at si Luna. Mabilis akong bumalik sa tubig at muling sumisid. Mabilis kong kinapa ang sahig nito at nasugat ang palad ko dahil may isang matalim na bato na nahawakan. 

Dahil sobrang desperado ko na, muli kong kinapa ang sahig at may nakuha akong isang maliit na box. Mabilis akong lumangoy sa dalampasigan kahit sobrang nanghihina na ang aking kaatwan. Binuksan ko ang maliit na kahon at nakita ang isang susi.

Agad ko ito iniabot kay tito Jorden at binuksan ang kulungan. Inilabas na namin pareho ni tito Jorden si Luna at sa mama at inalis ang suot nilang vest na may bomba. Nakita ko ang timer sa vest nito at 30 seconds na lamang ang natitira! 

Agad na tinapon ni tito Jorden ang dalawang vest na malayo sa amin at mabilis na tumakbo palayo sa dalampasigan habang dala-dala ko ang walang malay na katawan ni Luna habang dala dala ni tito Jorden ang katawan ni mama.

Ibinaba ko sa lupa ang katawan ni Luna at ganon rin ang ginawa ni tito Jorden. Inilapit ni tito Jorden ang labi niya sa labi ni mama at nag cpr ito. 

Tinignan ko ang mukha ni Luna at napunta ang tingin ko sa namumutlang labi ni Luna. Ipinikit ko ang dalawang mga mata ko at inilapit ang labi ko sa labi niya at ginawa ang cpr. 

Natigilan ako ng narinig kong umubo si mama at nagsuka siya ng maraming tubig. Ibinalik ko ang atensyon ko kay Luna at muling nag cpr.

Naramdaman ko ang pag-galawa ng lupa dahil sumabog na ang dalawang bomba. Nagulat na lamang ako at tumigil sa pag CPR kay Luna nang umubo ito at sinuka niya ang tubig.

"Luna!" sigaw ko sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit. 

"S-sol." nanghihinang tugon niya sa akin. Kumalas ako sa pagkakayap ko kay Luna nang maramdaman ko ang pagtapik ni tito Jorden sa likuran ko.

"Kung wala lang sa peligro ang anak ko, kanina pa kita tinapon sa dagat," sabi sa akin ni tito Jorden. 

"Hoy Jorden, kahit kailan talaga, ang harsh mo sa anak ko."

Nagkatingin kami ni Luna at sabay nagulat dahil sa sinabi ng nanay ko. Magkakilala sila?!

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

48.7K 1.8K 52
" Ang galing galing lang ng tadhana no? yung pagtatagpuin kayo ng taong di mo kilala, yung nakakaaway mo, yung kagalit mo, at yung lagi kang iniinis...
1.7K 114 15
" 🌤️🌄 Welcome to 해돋이 Haedodi, where each rise of the sun brings life to a unique two-dimensional graphic shop represented by three Kpop idols, Jung...
1.4M 56.7K 74
UNEDITED Only Girl Series #2 Isang Babae ang papasok sa isang magulo, basag ulo, maingay ngunit mga guwapong nilalang. Sa kaniyangg pamamalagi sa Se...
16.5K 618 64
Shane Denzel ang babaeng naghahabol sa lalaking si Jay Cutler. Nagkatuluyan sila kaso biglang nagkaproblema sa kanilang relasyon na sanhi ng kanilang...