The Lollipop Project [Gen L S...

By fleurdelishe

163K 2K 1.1K

Konstantia Analeen Fernandez, a nursing student collides with Jale Enrico Atkinson, an intern doctor who happ... More

#TheLollipopProject
Socials
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
OST
Acknowledgement
Artworks
Happy 100k reads!

Chapter 11

3.9K 51 23
By fleurdelishe

Generation Lonely

"Pa, sorry hindi ko nasagot agad ang tawag mo."

Vacant period namin ngayon at nakita ko ang missed call ni papa kanina. Nakaupo lang ako sa may harap ng building namin habang naghihintay ng klase namin. Busy si Hailey sa pag-ayos ng kilay niya sa tabi ko habang ang ibang kaklase namin ay nag-aaral para sa exam namin sa Microbio.

"Okay lang, anak. Ano'ng gusto mong kainin para sa hapunan? Wala akong shift mamaya."

"Pa, okay lang. Ako nalang ang magluluto. Alam kong pagod ka na."

"Anak, minsan na nga lang tayo magkasamang kumain. Pagbigyan mo na ako." Napansin ko ang pagpigil niya ng ubo habang kausap ako.

"Okay lang po ba kayo?"

"Nasamid lang ako, anak. Ano, kumusta pala si Kell?" Pinaalala pa talaga ni papa ang bestfriend ko. Ngayon tuloy gusto ko ulit siyang makita.

"Okay naman ata siya. Huli niyang text sa akin kahapon eh busy raw siya."

"Ah ganun ba. Oh, siya sige. Ipagluluto kita mamaya ng paborito mong dinakdakan."

Napangiti ako agad. "Naks. Gutom na tuloy ako." Si papa talaga ang may pinakamasarap na dinakdakan. Sunod lang yung luto nung yaya nina Kell.

"Love you, anak."

"Love you, too, pa."

Nang ibaba ko na ang tawag, may nakita akong lalaking tumatakbo at paparating sa direksiyon namin. Pamilyar ang mukha nito sa kabila ng kulay rainbow niyang polo shirt at pink na pants.

"K!" Tawag ng paparating na weirdo sa akin kaya napayuko ako.

Ramdam ko ang mga titig ng mga kaklase ko sa akin. Tinaas ko yung makapal kong libro sa mukha ko para hindi niya ako mahanap.

Maya't maya pa ay may naramdaman akong mabigat sa balikat ko. "Koko, help me," bulong ng lalaki sa tabi ko.

Binaba ko yung libro na hawak ko at nilingon yung katabi ko na tinaas na rin ang ulo mula sa aking balikat. "Ano na naman ang kailangan mo, André? At bakit ganyan ang suot mo?"

"It's that stupid dare!" He muttered under his breath. "Sa tingin mo ba magsusuot ako ng ganito?"

"Kung anu-ano kasi ang pinaggagawa niyo diyan sa fraternity niyo," I told him off.

"Bagay naman," Hailey commented, suppressing a laugh.

"It's not funny." André continued to cling onto me, hurting my arm.

"Pinapahiya mo 'ko, André. Magbihis ka na nga." Pinilit kong alisin ang hawak niya sa braso ko pero sadyang malakas siya kaya nanatili pa rin siyang parang tarsier sa tabi ko.

"Kailangan kong dumaan dito sa building nyo."

I turned to him in confusion. "Oh, tapos?"

"Baka makita ako ni Audrey," bulong nito sa akin.

Huminga ako nang malalim para hindi ko mabatukan itong lalaking 'to. "André, may klase pa kami kaya please lang, tumakbo ka nalang kasi hindi kita masasamahan diyan sa kalokohan mo."

"Koko, akala ko ba magkaibigan tayo?" André whined.

Aba at nakuha pang mangonsensiya?

"Ihatid mo na 'yang bata. May isang oras pa naman tayo para sa next class natin."

Nilingon ko si Hailey at pinanliitan siya ng mata. "Magre-review pa ako," excuse ko.

"Hindi mo naman kailangang magreview. Ang galing mo kaya sa Microbio," Hailey stated.

I let out a sigh, standing up from my seat and grabbing my shoulder bag. "Tara na bago pa magbago ang isip ko."

"Yes! You're the best!" Niyakap ako ni André at sinapak ko siya gamit ang libro ko. "Aww, ba't mo ginawa 'yon?"

"Gamitin mo 'tong libro para itago 'yang mukha mo," utos ko sa kanya.

Kinuha niya yung libro pati na rin ang kamay ko. "Let's go, my lady boss?"

Hindi ko kinuha ang kamay niya at nauna na rin akong maglakad. Baka mamaya ma-late pa ako sa klase namin.

#

Matapos ang paghatid ko kay André sa napakalayong building ng Engineering kanina at ang napakahirap na exam namin sa Microbiology, akala ko ay matatapos na ang araw ko. Nakita ko ang text ng president namin sa Gen L Society na may meeting raw kami kaya nagtungo muna ako sa office namin.

Miyembro ako ng Gen L Society simula first year kasama sina Bri at Hailey. "Gen L" or Generation Lonely is a society built from the premise that Gen Z is the loneliest generation because of the rampant use of social media. It aims to fight this prejudice and spread positivity within the community through social activities and outreach programs.

Pagdating ko sa office ng Gen L ay napansin ko agad ang isang lalaki na nakaupo sa gilid. Kita ko ang parang pugad ng ibon na tuktok ng ulo niya. May hawak siyang DSLR na camera at dito naka-focus ang mga mata niya kaya hindi niya ako napansin.

"Koleen!" Biglang bati sa akin ni Flora na nakaupo na sa table niya. May lollipop siya sa kanyang bibig at may hinala na ako kung kanina ito galing.

Tinaas ko ang kamay ko para batiin ang babaeng nakatutok sa iMac nito. "Flora!"

Nakita ko ang pag-angat ng mukha ng lalaki sa gilid pero hindi ko siya tinignan ulit. Tumungo ako kung nasaan ang president namin. Umupo ako sa tabi niya at nagtago sa likod ng malaking screen.

Ano ang ginagawa ni Jalen dito?

"Ano ang imi-meeting natin ngayon?" Tanong ko kay Flora na mukhang hindi naman na apektado sa pag-alis ng boyfriend niya.

Inalis niya saglit yung lollipop sa bibig niya at tinignan ako. "Bakit nandito ka sa table ko?"

"Dito muna ako. So, ano nga?" Bulong ko sa kanya.

"May naisip na akong bagong campaign natin." Inabot niya sa akin yung bagong lollipop na nasa table niya na may note na nakadikit.

"Spread joy, make friends," binasa ko yung nakasulat sa note ng lollipop.

"What do you think?" Tanong niya.

Napatingin ako sa lalaking nakaupo sa gilid na ngayon ay nakatingin na sa amin. Nakaitim ulit siyang long-sleeved. Balot na balot ang katawan niya pero agaw pansin pa rin ang tindig at presensiya nito.

"Actually, si Jale ang nag-suggest," banggit ni Flora kaya nabuwag ang tingin ko sa lalaki.

"Ha? Kailan pa siya naging miyembro ng Gen L?" Pabulong ko ulit na tanong.

"Nakipag-collaborate ako sa members ng Omega Phi para gumawa ng project to raise awareness about mental health. Alam mo naman ang stigma dito sa Philippines," pag-e-explain ni Flora.

"Okay. So, ano ang kinalaman ng lollipop sa lahat ng ito?" Confused kong tanong.

Tumayo bigla si Jalen at ngumiti sa direksiyon ko. "It's something we can do here in the campus. We can share the lollipop and spread positive messages to make someone's day."

"Exactly. And then, we're thinking of creating short films about the struggles of having poor mental health and how to seek help when needed," Flora continued.

Tumango ako. Magandang ideya nga ito.

"But, what if people will see it the wrong way?" Biglang may pumasok sa office kaya napatingin kami sa boses ng isang babae.

"At least, we did our part. That's what matters," Flora defended her side.

"I hate to rain on your parade, pero hindi lahat ay kumportableng pag-usapan ang topic na ito." The girl wearing a white cropped tee glared towards our direction.

"Mia, may point ka naman. But, yung point rin dito is to raise awareness and help prevent it," Flora pressed on.

Mia raised her brow before letting out a sigh. "Fine. Pero saan naman tayo kukuha ng funds para dito?"

"Our fraternity can raise funds for it," Jalen answered.

Tinaas ko rin ang kamay ko, catching their attention. "We can all raise funds."

Flora clapped her hands. "Great! That's settled then. Also, I'm putting Koleen and Jale in charge for the film project. If you have any concerns or suggestions, you can always address them to me."

You've got to be kidding me...

"Hey, partner!" bati ng lalaki sa akin matapos ang meeting namin.

Aalis na dapat ako eh pero pinigilan niya ulit ako. "Oh, nandito ka pala." I forced a smile at him.

"I didn't know you'd be here," sabi pa niya.

I squinted at him. "Talaga ba?"

Jalen chuckled. "No, of course, I did. I was messing with you."

Umiling ako sa kanya. "Wala akong time makipagbiruan sa'yo ngayon."

"Woah, slow down. What did you just say?"

Nakalimutan kong inglisero nga pala itong kausap ko. "I said I don't have time to chitchat with you right now."

Tumawa ulit siya. "Okay, I'm sorry. I just want to spend few more minutes with you, that's all."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Jalen-"

Tinaas niya ang kanyang kamay at nilagay ito sa tuktok ng aking ulo. "Have a nice day, Konstant!"

🍭

A/N: Paano ba yan K? Wala kang kawala ngayon... 😝

Continue Reading

You'll Also Like

60.6K 1.2K 32
They say love comes when you least expect it and that you find it from the most unexpected places. This is certainly true in the case of Ryven Rhys...
494 74 22
Genesis Madrigal, mula sa pamilya Monroe at Madrigal. Anak ng Donya at Don. Namumuhay bilang isang prinsesa. Gayunman, bakit pakiramdam niya ay isa s...
381K 25.4K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
905 65 24
Second chances are rare but everyone deserves one. Pero paano kung puro pasakit na ang naranasan mo mula sa kanya, kaya mo kayang magbigay ng second...