KNIGHTS I-2: Demon's Destruct...

By oaxygenknight

1.7M 54.6K 4.7K

Arrow Sanchez has only one goal in life, to enjoy her peaceful life and to know exactly what happened in the... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Epilogue

Chapter 36

21.2K 661 90
By oaxygenknight

Arrow

"Juana," nakangiting bati ko sa kaniya nang magkabanggaan kami.

Nakita ko ang bahagyang pagpula ng pisngi niya bago alanganing ngumiti sa akin.

"T-Twinnie!" Maging ang boses niya ay parang nag-iba.

Bakit pakiramdam ko ay pinipilit niya lang maging matinis ang boses niya? Ibang-iba kasi siya magsalita kaysa dati.

"Saan ka pupunta? Bakit parang nagmamadali ka?" I asked him.

Napakamot siya sa batok habang tumatawa. "May kailangan lang akong gawin."

Tumango ako dahil sa sagot niya. "Sige, ingat ka. Let's hangout together with my friends kapag may time ka, ha? Ang tagal na noong huli tayong nagsama-sama."

Umiba ang direksyon ng tingin niya kaya napalingon ako kung saan siya nakatingin. Pero wala namang kakaiba kaya muli ko siyang nilingon.

Nahuli ko siyang nakatingin sa akin kaya agad ko siyang tinapik sa balikat. "Ayos ka lang ba?"

Tumingin siya sa kamay ko na nasa ibabaw ng balikat niya bago dahan-dahang tumango.

"I'm f-fine. Nagmamadali lang talaga ako, Arrow. Pasensya na." He suddenly left after saying that.

Ramdam na ramdam ko ang pagmamadali at pagiging balisa niya. Base rin sa lakad niya ay parang may humahabol sa kaniya na kung ano.

Ayos lang ba ang kaibigan ko?

Why does it feel that he's kind of different today?

Sana ayos lang ang lagay niya, kung may problema siya, I'll listen to him.

Nagkibit-balikat na lang ako bago magsimulang maglakad. Siguro ay may pinagdadaanan lang si Juana.

"MIYU!" Nakangiting bati ko kay Miyuki na nasa sala ng dorm.

Mabilis siyang tumayo at lumapit sa akin. "We have a problem, Arrow."

Nag-iba ang ekspresyon ng mukha ko dahil sa narinig. "Anong nangyari?"

"Hindi namin mapigilan si Saiko, she's been drinking for hours," frustrated na sabi niya.

Naiiyak na binitawan ko ang bag 'saka siya nilapitan. "N-Nasaan siya? May problema ba siya?"

"Hindi ko alam, hindi namin alam ni Sabrina kung bakit bigla siyang nagkaganyan. She just entered the dorm and she didn't even notice us. Bigla na lang siyang naglasing," paliwanag niya.

I bit my lower lip because of frustration. Bakit hindi nagsasabi sa amin si Saiko ng problema niya?

"Get off me! Give me more alcohol Sabby!" Napalingon ako sa kusina nang marinig ang boses ni Saiko.

N

agmamadaling tumakbo ako papunta roon para lang makita si Saiko na nakadukdok na sa lamesa.

Nasa tabi niya si Sabrina na inilalayo ang mga bote mula kay Saiko.

"Saiko, get up. Stop drinking," Miyuki said to Saiko.

"Shut up! I can still ha-handle it!" Tumawa siya nang malakas habang pinapalo pa ang lamesa.

"Saiko, bakit ka nag-iinom? Masama 'yan sa kalusugan mo," nag-aalalang sabi ko habang hinahagod ang likod niya.

"Bakit ba ang ingay-ingay ninyo? Come on! Drink with me! Let's party!" Tumayo siya habang gumigiling-giling pa.

Hindi ako sanay na nakikita na ganito ang kaibigan ko. Sanay akong makita siya na seryoso at kalmado lang sa tabi.

"Saiko, get up. Magpahinga ka na muna," mahinahong sabi ni Sabrina.

She tried holding Saiko's arms pero nagulat kami nang tabigin siya ni Saiko. Nadamay rin ang mga bote kaya nabasag ito sa sahig.

"Sab, huwag muna kayong aalis diyan. I'll clean it," nagmamadaling saad ni Miyuki.

Naiiyak na pinagmasdan ko ang kaibigan ko na halatang problemado.

"Saiko, please tell us what's wrong. Nag-aalala na kami sa 'yo," naiiyak na pakiusap ko sa kaniya.

Tinitigan niya ako nang maiigi sa mata. Kumawala siya sa hawak ni Sabrina at nginitian ako.

"Oh! Arrow! It's you!" Tinuro niya pa ako habang tumatawa.

"Saiko," I uttered.

"It's you again! It's always you," bulong niya sa tainga ko.

Naguguluhang lumayo ako sa kaniya, tinitigan ko siya pero nakapikit na ang mga mata niya.

Sigurado ako sa narinig ko. May bahid ng galit at lungkot sa boses ni Saiko nang sabihin niya ang linyang 'yon.

Tulala lang ako sa tabi hanggang sa hindi ko namalayan na nadala na pala siya nila Sabrina papunta sa kwarto nito.

Hindi ko alam kung bakit ako sinabihan ng gano'n ni Saiko, at base sa himig ng boses niya, galit siya sa akin.

I wonder why. May nagawa ba akong hindi niya nagustuhan? I'll say sorry kahit sa ano pa mang paraan, huwag lang siyang magalit sa akin.

"SAIKO. Bakit ka lumabas nang mag-isa? Ayos na ba ang pakiramdam mo?" natatarantang tanong ko habang hawak-hawak siya sa balikat.

Kumapit siya sa pader habang hinihilot ang sentido.

"Gusto mo bang kumain? Or uminom? Aalalayan kita," nakangiting sabi ko.

She looked at me seriously without uttering a word.

Mariin ang pagkakahawak niya sa kamay ko nang tanggalin niya ito sa balikat niya.

Aaminin kong nagulat ako sa inakto niya, but she has a problem so I have to understand her.

"Saiko--"

"Get out of my way, Arrow," malamig niyang putol sa sasabihin ko sana.

Alanganin akong ngumiti. "O-Okay, pero sasamahan pa rin kita. Baka bigla kang matumba."

Lumingkis ako sa braso niya pero nagulat ako nang malakas niya akong tabigin.

"Puwede ba? Ano bang akala ko sa akin? Paralisado? Kaya ko!" she exclaimed.

I swallowed hard. "I'm sorry. Nag-aalala lang naman ako kasi baka--"

"You always act like you're the perfect one, Arrow," matigas niyang saad.

Umangat ang tingin ko sa kaniya. "W-What?"

"Akala mo ba ikaw lagi ang magaling? Ikaw lagi ang bida?" nang-uuyam na pagpapatuloy niya.

Naguguluhan ako sa sinasabi niya. "S-Saiko, bakit mo ba sinasabi 'yan?"

"Stop acting like you're an angel! Puro ikaw na lang ang nakikita ng lahat! Ikaw ikaw ikaw! Wala nang iba kung hindi ikaw!" I was surprised when she started crying.

Tinangka ko siyang lapitan pero mabilis niya akong tinulak.

"Saiko, anong nagawa ko?" umiiyak na tanong ko.

"I love him ever since I started studying here. Tinanggap ko ang lahat sa kaniya kahit hindi niya ako napapansin. Pero ikaw na baguhan lang, napansin ka niya agad! Nagustuhan ka niya agad!" Dinuro-duro niya ako kaya mas lumakas pa ang pag-iyak ko.

I tried reaching for her but she just slapped me so hard. Pumaling sa kaliwa ang ulo ko dahil sa ginawa niya.

"Ano bang m'eron ka na wala ako, Arrow? 'Yang ganda mo? Maganda rin naman ako, pero bakit nagustuhan ka agad ni Juanito? Mabait din naman ako, e. Pero laging ikaw ang nangingibabaw sa lahat. Ikaw lang ang palaging bida!" sigaw niya.

Tinulak niya ako dahilan para mapasubsob ako sa sahig.

"Hindi k-ko naman a-alam, Saiko. I'm sorry, h-huwag ka namang ganiyan," I begged.

She just smirked at me. "I really liked you as a friend, Arrow. Ayos lang sa akin kung mapansin ka ng iba, maganda at mabait ka, e. Pero kung pati si Juanito, aagawin mo sa akin. Pasensyahan na lang tayo."

She left me here, devastated. Hindi ko alam kung paano ko pupunasan ang mga luha sa pisngi ko dahil hindi sila tumitigil.

Tinanaw ko ang daan kung saan siya umalis. "I'm sorry, Saiko."

Continue Reading

You'll Also Like

260K 10K 66
For Sebastian Lerwick, being a good father, a loving husband, and a loyal member of the mafia are his top priorities. But when he's given a mission t...