Married to Mr.Possessive (COM...

Per quaintrelleunoiaa

655K 10.9K 252

Such a Possessive human being. Period. Més

Married to Mr. Possessive
1
2
3
4
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
EPILOGUE
quaintrelleunoiaa's note
Special Chapter 1

5

18K 312 3
Per quaintrelleunoiaa

Daniel's POV

Pagkatapos ng sigawan namin ni kath kanina ay hindi muna ako umuwi kundi bumalik muna ako sa gym naiwan ko yung mga ulol kong kaibigan dun ehh.

"Brad san kayo nagpunta ni kath?" Takang tanong niya. Tumingin naman siya sa likod ko. "Asan nga rin pala si kath?" tanong ni seth.

"Uh ahm umuwi na si kath eh. Tara inom tayo" yaya ko sa kanila.

"Oh tara na ano pa hinihintay niyo si pareng dj na yung nagyaya. Libre tayo niyan HAHAHA" sabi naman ni kats. Hays, palagi talagang may sapak sa ulo 'to.

Lumabas na kami sa gym at dumiretsong parking lot at pumunta na sa bar na pagmamay-ari ng tito ko.

"Vodka para sa aming lahat" sabi ko sa waiter.

Binigay naman agad ng waiter yung drink na hiningi namin.

"Pre ano nga pala nakain mo at nagyaya ka magbar" tanong ni lester.

"Ah wala lang, nawawalan na kasi tayo ng quality time sa isa't-isa diba, kaya nagyaya ako" sagot ko sabay inom ng vodka

"Eh yung kanina san kayo nagpunta ni kath, siguro may kababalaghan kayong ginawa no" sabi ni jc tapos lahat naman sila tumawa. Ako lang hindi. Tss

"Mga baliw" pero tumawa pa rin sila. Yung totoo?? Nabaliw lang.

Inom lang kami ng inom dito hanggang sa nakarami na rin kami.

Author's POV

Habang nagiinuman sila nag-yaya naman si seth na umuwi na kasi baka hindi na nila makayanan at makatulog na sila doon.

"Uy tol lika na uwi na tayo mukhang tinamaan na talaga si dj ohh, tignan niyo" sabi ni seth. Tumingin naman silang lahat kay dj.

"oo nga lika na gabi na rin kasi ehh" tumayo na sila at inalalayan nila si dj na tumayo kasi parang matutumba kapag binitawan.

Pagdating sa parking lot isinakay na lang nila si dj sa kotse ni jc at pinabantay na lang sa guard yung naiwang kotse ni dj dun.

Pagdating sa bahay nila dj tinulungan siya ng guard dun na ipasok si dj sa loob dahil patumba tumba siya kung maglakad.

Nagdoorbell si jc at binuksan naman ito ni manang.

"oh anong nangyari kay daniel?" Gulat na tanong ni manang.

"Mukhang nakarami po kasi siya ng inom kanina, kaya nakatulog po" sagot naman ni jc.

"Oh sige dito niyo na lang siya pahigain" sabi naman ni manang at tinuro yung sofa dun sa sala.

Pinahiga naman nila si dj sa sofa at umalis na rin kasi malalim na rin yung gabi ehh.

Ginigising ni manang si dj kaso nga lang ayaw magising, kaya hinayaan niya na lang at kinumutan para hindi lamigin tapos natulog na rin si manang.

Kath's POV

Nagising ako kasi nakaramdam ako ng uhaw. Ewan ko ba kung bakit ganitong oras pa, gabing gabi pa naman.

Bumaba na ako at pumuntang kusina at uminom ng tubig.

Habang umiinom ako. Muntikan ko nang mabitawan yung baso nang may nakita akong lalaki na nakahiga sa sofa. Huh? Si dj ba yan?

Binaba ko yung pinaginuman kong baso sa lababo at lumapit.

Si dj nga! Pero bakit ngayon lang siya umuwi? Masyadong gabi na ah.

"Huy dj, gising" paggising ko sa kanya at niyugyog siya ng kaunti.

"....."

"Huy dj"

"......."

Hayy nako, tulog na nga talaga. Pero pansin ko lang, bakit parang giniginaw 'to eh hindi naman nakabukas yung aircon dito sa sala.

Hinawakan ko siya at ang init niya, grabe! May lagnat ba 'to! hinawakan ko siya sa noo at oo nga may lagnat nga 'to. Saan ba kasi 'to pumunta at nagkalagnat 'to. Hay nako.

Kahit gabing gabi na ay naginit pa rin ako ng tubig. Pagkatapos kumuha ako ng bimpo at binasa tapos nilagay sa noo niya.

"Oh hija bakit gising ka pa gabing gabi na ha" tanong ni manang at lumapit.

"Ah nilalagnat po kasi si dj eh kaya naginit po ako ng tubig" sagot ko naman at sinalin na yung tubig sa bowl.

Ngumiti naman si manang at lumapit sa akin. "Talagang mahal na mahal mo siya, ano?" Huh?! ano daw yun?!

"Po?" takang sagot ko.

"Nako kathryn kahit hindi mo pa sabihin nakikita ko sa mga kilos mo na mahal mo siya. Sige umakyat ka na at ako na magbabantay kay daniel" sabi naman ni manang.

"Ay hindi na po manang ako na lang po dito magpahinga na lang ko kayo" pagtanggi ko kay manang. Kaya ko naman 'to eh.

"Kung ganon sige magpahinga ka rin ng maaga ha" sabi ni manang.

Tumango naman ako at ngumiti. "Sige po" pagkasabi ko nun kumuha ako ng monoblock at umupo dito sa tabi ni dj.

Iniisip ko yung sinabi ni manang. Pano kaya kung totoo yun?? Nagkakagusto na kaya ako kay dj.

Kaya ba nagagalit ako sa kanya pag may lumalapit na babae at nakikipagflirt sa kanya.? Kaya ba pag ginagabi siya ng uwi nagalala ako sa kanya? Kaya ba pag concern siya sa akin masaya ako? Kaya ba pag nagseselos siya ay nag-ooverthink ako ng ganito? Jusme! Di kaya nagkakagusto na talaga ako sa kanya? Hays, tumigil ka nga kath. Oo inaamin ko nagkakagusto na ako dito sa lalaking 'to pero di pa ako sigurado sa nararamdaman ko. Malay mo mamaya, pagiging concern lang naman ang lahat ng 'to. Malay mo mamaya, mawawala rin at babalik din sa dati.

Habang pinupunasan ko siya ng maligamgam na tubig ay hindi ko maiwasang pagmasdan ang yung mukha niyang napakagwapo. Maya maya pa'y nakaradam na ako ng bigat sa aking mga mata hanggang sa nakatulog na rin ako.

________________________________________________________________________

Dj's POV

Nagising ako dahil parang may nakahawak sa kamay ko. Nagulat naman ako dahil nakahawak yung kamay ni kath sa kamay ko. Pero sobrang sakit ng ulo ko. Tsk, napasobra siguro ako ng inom kagabi.

"Kath gising na, uy" gising ko kay kath. Wala namang pasok ngayon eh.

"Huy kath"

"Hmm"

"Kath gising na"

Bigla naman siyang nagising at nung nakita niyang nakahawak siya sa kamay ko nanlaki ang mga mata niya at bigla niyang tinanggal yun at tumayo. Hahaha cute niya.

"Uh...ah...ahmm sorry, nilagnat ka kasi kagabi eh kaya nakatulog ako diyan" pagpapaliwanag niya. Nilagnat ba ako?

"Ah ganun ba, salamat" sabi ko na lang at ngumiti.

"Huy yung nangyari kahapon..."

Pagkarinig na pagkarinig ko nun bigla namang bumalik yung galit ko.

"Uhm sorry hindi na lang ako makikipagusap kay quen para hindi ka na magalit" sabi niya at yumuko.

Tinaasan ko siya ng kilay at tinignan siya ng malamig.

"Please.." pagmamakaawa niya habang magkadikit ang mga palad niya at nakanguso. Hindi ko alam pero ang bilis kong bumigay dito sa babae na ito. Hays, pogi ko pa rin. Haha.

"Tsk, ikaw kasi, ayaw mo sumunod sa akin"

"Hindi na nga eh, diba, pero bakit ka ba nagseselos sa kanya eh magkaibigan lang naman kami ah?" Singhal niya at nagcrossed-amrs. Lagot na.

"Kasi ano..uhm ano, basta maraming rason!"sabi ko na lang at inirapan siya.

"Oh gising na pala kayo. Halina't kumain na kayo nakahanda na ang umagahan niyo" biglang sabi ni manang.

Tumayo naman ako at tinignan pa siya ng isang beses. Eh sa nagseselos ako kapag naguusap kayo. Tss.

Kath's POV

Habang kumakain kami dito bigla naman may nagtext sa akin.

From: Quen

Hey, kath! Good morning. Meet me at MOA starbucks at 3:00 p.m okay? see you later :)))

Hala! oo nga pala may usapan kami ni quen. Pano na yan eh nagpromise na ako kay dj na iiwas na ako sa kanya. Jusko! Paano?!

"Sino yan?" tanong sa akin ni dj at umusog pa ng konti para sumilip.

In-off ko yung phone ko at napatingin sa kanya tsaka ngumiti. "Ah wala si julia lang nag good morning sa akin hehe" palusot ko.

"Ah okay" tumango naman siya at kumain na lang.

Habang abala siya dun, tinext ko na si quen na hindi ako makakapunta. Hays, kawawa naman.

To: Quen

Hi quen! Good morning! Sorry hindi ako makakapunta mamaya. Next time na lang ah. Promise babawi ako. Sorry. :(

Nag-vibrate ulit yung phone ko at binasa ko nama yubg nagtext.

From: Quen

Oh is that so? Haha, it's alright. Maybe next time. Okay? :))

Pagkatapos namin ni dj kumain umakyat na siya pero ako hindi pa kasi tinutulungan ko si manang maghugas ng pinagkainan namin. Pagkatapos namin ni manang maghugas umakyat na ako para makaligo na rin.

Pero bigla ko namang nakita si daniel na naka exercise na outfit.

"Labas lang ako" pagpapaalam niya.

Ngumiti naman ako. "Sige, ingat ka"

Tumango na lang siya at lumabas na.

Ako naman umakyat na at naligo na rin. Pagkatapos kong maligo saktong sakto

*bzzt*bzzt*

May nagtext, ay baka si quen lang ulit yun, pero sa unknown number eh.

From: 09*********

Hi my dearest kath I just wanna tell you that im coming back and I will get what is truly mine..be ready...

Sino naman 'to? Bigla naman akong kinabahan. Sino naman magtetext sa akin ng ganito eh ang pagkakatanda ko wala naman akong naging kaaway eh. Baka prank lang 'to or wrong send na message. Tss. Kaya pinabayaan ko na lang at pinagpatuloy ko na lang ang pagpapatuyo na buhok ko.

"Kathryn!" ay si manang.

Binuksan ko naman yung pinto. "Bakit po?"

"May naghahanap sayo sa baba kath" sagot ni mama. Nagtaka naman ako.

"Sino po?"

Bumaba naman ako pero nagulat ako kung sino yung nakaupo sa sofa.

.

.....

________________________________________________________________________

For updates and some gists of the stories I write. Please follow and share your thoughts with me!

Twitter: @quannetrelleWP

NOTE: This story is under editing.


Continua llegint

You'll Also Like

2.8K 306 36
In post-apocalyptic dystopian Luzon, the government called gay people "Aberrants". Homosexuality is considered an illegal act in the city known as Ma...
275K 1.1K 7
'Miss Piggy' yan ang tawag sakanya ng kanyang mga kaklase dahil sa kanyang katawan pero isang araw naglaho nalang siya ng parang bula at bigla nalang...
101K 1.9K 32
Even though we've been separated for how many years, we'll always be reunited and back into each other's arms. Because we are connected by an invinsi...
194K 8.1K 53
Archana Louisse Young - President of the Student Council. She is trusted by the Reed family to regulate Lauxshire University's policy. She is known...