Married to Mr.Possessive (COM...

By quaintrelleunoiaa

655K 10.9K 252

Such a Possessive human being. Period. More

Married to Mr. Possessive
1
2
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
EPILOGUE
quaintrelleunoiaa's note
Special Chapter 1

3

21.6K 379 7
By quaintrelleunoiaa

Daniel's POV

Nagising ako dahil parang may nakadagan sa akin, pagkagising ko. Tss, eto lang naman si kath grabe humiga. Tatanggalin ko na sana yung paa niya sa legs ko kaso nga lang niyakap niya ako ng mahigpit. Parang bata lang eh.

"Huy tumayo ka na nga diyan" sabi ko sa kanya.

"Hmm" eh?

Wait! maasar nga to.

"Ayaw mo ha" sabi ko sa kanya. Hahaha.

Binaliktad ko yung pwesto namin. Nasa taas niya ako at siya naman nasa baba ko. Hahahaha.

Nagising naman siya agad at nagulat Haha. Ang cute.

"Anong ginagawa mo?!" gulat na tanong niya. Haha, sarap talagang pagtripan 'to

"Ayaw mo tumayo eh. Kaya baka gusto mo nang gumawa ng apo na hinihingi nila mama" nakasmirk ako kaya parang mas nagulat siya lalo at parang mas gusto na niyang tumayo at tumakbo, kaso nga lang mahigpit pagkakahawak ko sa kanya kaya hindi siya makaalis.

Linalapit ko na yung mukha ko sa kanya at hahalikan SANA siya pero biglang pumasok sila Kats."Anong kababalaghan ang ginagawa niyong dalawa?" sabi ni Jc.

Lahat naman sila nagulat sa pwesto namin. Walang kumikibo. Kaya tumayo na ako at si kath umupo lang sa kama.

"wala 'no, kung anu-ano na naman iniisip niyo diyan" sabi ko sa kanila at binatuhan sila ng unan.

Pero biglang may binulong si jc sa kanila. Huh?! Ano na namang pakana yan?!

Bigla naman sila ngumiti ng nakakaloko. Eh. "Ahh sorry naman kung naka-abala kami, sige baba lang kami ha! At pagpatuloy niyo lang yan. Sige byyee" sabi naman ni katsumi at bumaba na sila na tumatawa pa. Mga baliw talaga yun!

Napatingin ako kay kath at napatingin rin naman siya sa akin tapos sabay kami umiwas ng tingin. Isang word lang ang madedescribe ko sa aming dalawa ngayon. AWKWARD!

"ahh-uhhm...sige labas na ako ha!" sabi ni kath at kumaripas na ng takbo. Akala niya di ko napansin, ang pula-pula ng mukha niya. Haha.

Nag-ayos na ako ng sarili at naligo na. Pagkatapos ko maligo nagsuot na ako ng uniform, sapatos, ayos ng buhok, at naglagay ng pabango. Tsk, pogi ko na naman . Hays. Lumabas na ako ng kwarto at bumaba na.

"Oh iho kumain ka na at baka maubusan ka ng pagkain" sabi sa akin ni manang at tumingin sa dining area. Ay naalala ko pala nandito sila kats -_-

"Sige po manang, pakitawag na rin po si kath" tumango na lang si manang at umakyat na.

"Oyy mga ulol magtira nga kayo ng pagkain para sa amin, grabe kayo kumain" sabi ko sa kanila, grabe naman kumain eh, parang di nakakain ng isang taon.

Napatigil silang lahat at napatingin sa amin. "Uy tapos na ba kayo" sabi ni lester na nakangiti ng nakakaloko. Maya 'to sa akin.

"Ewan ko sa inyo" sabi ko na lang tapos sila tumawa lang.

Umupo na lang kami at kumain na din, pero itong mga ulol kaibigan ko asar lang ng asar sa amin. Baliw lang.

Pagkatapos namin kumain lahat, sabay sabay na kami pumuntang school. "Dj pano ako pupuntang school eh diba sabay tayong umuwi kahapon kaya di ko nauwi yung kotse ko" sabi ni kath, oo nga 'no sabay kaming umuwi kahapon.

"Sabay na lang tayo, oh sakay na" binuksan ko yung pinto at sumakay naman siya agad. Tss. Sumakay na rin ako at nagdrive na akong papuntang school.

(UNIVERSITY)

Pagkababa na pagkababa ko bigla na lang may nagtilian at nagsigawan, ewan ko ba, ganun na ba ako kagwapo para maging ganito yung mga babae.

Bumaba na rin si kath at pumunta na agad kay julia, at ako pumunta naman ako sa mga ulol kong kaibigan.

"Brad tara punta na tayo sa classroom ang ingay eh" sabi ni seth kaya dumiretso na kaming classroom.

Pagdating doon yung mga babae napatulala. Hays, pogi kasi namin eh. Sakto pagupo namin dumating naman si prof.

"Okay class a new student transfered to our university, you may come in now" announced ni prof.

"he's so handsome"

"OMG, HOT"

"can you be mine"

Tilian ng mga babae hay, ang iingay!

"Please introduce yourself" sabi ni ma'am dun sa hilaw na lalaki sa harapan.

"Hi, i'm Enrique Gil, you can call me quen and I came from States" sabi niya. Tss, pacute lang yan eh.

"Okay Mr. Gil you may sit beside Ms. Bernardo" WHAT?!.. NO!

Kath's POV

May bago kaming classmate cute siya pero mas pogi si dj. Hehe, I take it back, pwe pwe.

Umupo na siya sa left side ko, si julia kasi ang nasa right side ko na kinikilig kilig pa ang ateng.

"Hi i'm quen and you are?" sabi ni quen sabay smile. "Kathryn, you can call me kath" sagot ko naman.

"Nice to meet you Kath" sabi niya ng nakasmile at nakipagshake-hands. Hehe cute. "Nice to meet you too" sabi ko ng nakasmile siyempre i don't want to be rude 'no.

RECESS

"Bes, di ako makakasabay kasi uuwi ako agad may emergency daw eh" sabi ni julia, sayang naman libre ko pa naman siya. Haha.

"Sige uwi ka na, ingat ka ha bye" pagkatapos ko sabihin sa kanya yun nagwave siya at lumabas na. Lalabas na sana ako ng biglang may tumawag sa akin. "Hey kath can you join me?" tanong ni quen, wala naman si julia eh so okay lang.

"Sur--" di ko natapos sasabihin ko kasi biglang umakbay sa akin. Paglingon ko si dj. Tss. "brad she's taken" biglang sabat naman nitong si Dj.

"Oh, okay" pagkasabi niya 'nun umalis ay na siya. Hays, baguhan pa naman si quen, baka maligaw pa yun.

"Hoy bakit ba?! sabay nga kami eh" sabi ko kay dj, wala na naman nang tao sa paligid kaya pwede na akong mag-ingay.

"Eh sa gusto ko sabay tayo eh, lika na nga, ingay mo eh" bigla niya naman akong hinawakan sa kamay at hinila, nakakainis naman 'tong lalaki 'to, hila ng hila.

Pagkapuntang canteen dumiretso kami sa table at nandun na rin sina kats. "Uyy mga brad order na kayo oh" sabi ni dj at nagbigay ng pera at umupo ng pacool. Tss.

"Wow, ano kami utusan, ikaw mag-order ng iyo 'no" tumayo na sila at nag-order ng pagkain nila. Kaya eto naiwan kaming dalawa dito, tumingin naman siya sa akin at tinaasan ako ng kilay. "Dito ka lang wag kang aalis" sabay tayo at punta dun sa counter.

Habang naghihintay linabas ko muna yung math book ko at nagreview, may long test kami mamaya tungkol dito -_-

"Hey" nagulat naman ako kasi biglang nagsalita si quen sa gilid ko. Napalingon naman ako sa kanya. "Hi" bati ko naman.

"Where's the guy earlier?" tanong niya. "Ah he's--" di ko lang naman natapos sasabihin ko dahil may sumabat na naman =_=

"Nandito ako bakit??!" biglang sabi ni dj.

"Oh sorry bye kath see you later" sabi ni quen at umalis na rin pagkatapos. "Bwahahaha takot pala yun brad eh" asar na sabi ni lester

"lapit lapit pa kasi"sabi naman ni kats.

Umupo na sila at nagkwentuhan pero kaming dalawa dito tahimik lang, nangyari dito?

Pagkatapos namin kumain pumunta na kami sa room dahil magtitime na rin.

Sakto nandun na rin si prof and nag patest buti na lang nagkapagreview rin ako kanina.

"Where is Ms. Montes" tanong naman ni prof.

Tumayo naman ako. "Prof may emergency daw po kaya umuwi po siya ng maaga"

"Is that so? Thank you Ms.Bernardo for telling me please sit down and continue your test"

DISMISSAL

Uuwi na ako para makareview may long test kasi kami ulit eh at sa physics naman. Hays.

Lalabas na ako ng room nang biglang nagsalita si quen..

"Hey kath i'll drive you home" sabi niya pero biglang may sumabat na naman -_-

"Uh sorry brad kasabay ko siya eh" yeah siya na naman po, si dj.

"Is that so, okay bye kath see you tomorrow" sabi niya at umalis na rin.

"Ikaw ang sama mo talaga sa kanya" nakakunot noo kong sabi, nakakainis na eh. "Eh kasi naman ayaw kong nakikipagusap ka sa kanya" sagot naman niya.

"Bakit naman ha?!" tanong ko pero tinignan niya lang ako ng malamig at umalis na. Problema nun?

Di ko na lang pinansin at inayos ko na gamit ko at umuwi na rin.

________________________________________________________________________

Kath's POV

Pagkauwi ko sinalubong ako ni manang at yinaya akong kumain kaso ayoko pa eh mamaya na lang. Umakyat na ako at nag night shower na rin. Habang pinapatuyo ko buhok ko biglang may kumatok. "Iha bumaba ka na at kakain na" sabi ni manang.

"Manang ayoko pa po bukas na lang busog pa po ako eh, sige manang good night" pagkasabi ko nun humiga na ako. "Ah ganun ba osige iha good night" sabi naman ni manang at sinarado na yung pinto.

Maya maya naman ay nakatulog na rin ako.

Daniel's POV

"Iho hindi daw kakain si kath busog daw eh" sabi ni manang, huh?

"Ehh manang di pa nga yun nakakain ng dinner ehh" sabi ko naman. "Kaya nga eh, matanong ko lang may problema ba kayong dalawa?" tanong ni manang at umupo.

"Wala po" sabi ko naman. "Nako alam kong nagsisinungaling ka, ano ba iyon at di kayo nagpapansinan" sabi ni manang. Tsk.

"Mali bang wag lang siyang pakausapin sa ibang lalaki? Hindi naman diba?" tanong ko naman kay manang. Bigla namang tumawa si manang. "Hay nako iho, may nararamdaman ka na nga talaga si kath o siya sige umakyat ka na at ako ng bahala dito" sabi ni manang. Huh! ano daw?

Umakyat na ako at naligo na pagkatapos humiga na ako. Iniisip ko yung sinabi ni manang kanina. Ang weird ah.

________________________________________________________________________

For updates and some gists of the stories I write. Please follow and share your thoughts with me!

Twitter: @quannetrelleWP

NOTE: This story is under editing.

Continue Reading

You'll Also Like

7K 483 16
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
10.8K 266 44
Started: December 27, 2021 Status: Completed Finished: April 1, 2022
15K 1.1K 28
GaWong Story, lalaki dito si Deanna Wong 🥴