Magkabilang Mundo (BOOK1)

By Ly_iasthics

14.2K 548 105

Some fantasy stories begin with unforseen dreams. And then one day, nagising na lamang siya na nasa ibang mun... More

SINOPSIS
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45

Kabanata 10

199 13 0
By Ly_iasthics

KABANATA 10

MALAYO pala ang bahay ni Nay Sora sa baryo nila. Nagtataka si Louis bakit doon nakatira si Nay Sora habang masaya naman dito sa baryo? Sinamahan niya ang matanda dahil may bibilhin raw ito.

Kukunin sana ni Louis ang mansanas ng marinig ang sigawan.

Bakit kaba bumalik?! Wala kang silbi, Isa kang demonyo!

Hindi ka karapat-dapat na bumalik. Isa kang halimaw!

Wala kang puso, Isang mamatay tao!”

Isa kang demonyo, ang sama -sama mo!

Sumiksik si Louis sa mga taong nakumpulan. And there, Louis saw Kuya Argon while someone bitting him up again and again. Bakit hindi siya lumalaban? Hindi alam ni Louis pero parang may kumirot sa dibdib niya sa nakikita.

Ganito ba ang mga tao dito? Ang sama nila para saktan si Kuya Argon.

Nagmamadali na pumunta si Louis sa direksyon ng binata at pinigilan ang mga kalalakihan na sinasaktan si Kuya Argon.

“Tama na po, wala naman po siyang kasalanan. Bakit sinaktan niyo siya?”

“Señorita, hindi mo kilala ang lalaki na ito. Baka patayin ka rin niya katulad ng ginawa niya sa mag-ina niya noon” May galit na sabi ng lalaki.

Umiling si Louis. Alam niyang mabait si Argon. May dahilan siguro ang binata sa ginawa nito noon?

“Kahit na, kailangan niyo ba talaga siyang saktan? Kahit naman po may kasalanan siya may damdamin rin po si Kuya Argon. Siguro may kasalanan siya pero wala kayong karapatan na saktan siya. Hindi niyo alam kung ano ang dahilan niya kung bakit ginawa niya ang bagay na 'yun. Mabilis kayong humusga, kaya lahat ng nakikita niyo at naririnig ay pagkakamali. Nakita niyo nga pero alam niyo ba ang totoo? Narinig niyo nga pero hindi niyo alam kung totoo yun o haka-haka lang. Alam niyo ba na sa bawat salita at kilos niyo, may nagbabago? Nagiging duwag ang Isang tao, sumusuko at sinisisi ang sarili. Sana po pag-isipan niyo ang sinabi ko, alamin niyo muna ang totoo dahil nakakasakit na kayo.”

Natahimik ang lahat sa sinabi niya. Hindi ni Louis pinansin ang lahat ng pares ng mata. Agad niyang tinulungan si Kuya Argon.

Humahangos na pumunta sa kanila si Nay Sora. “Señorita, ano ba ang nangyari ?”

“Kasi po nakita ko si Kuya Argon na sinasaktan nila. Kaya pinaglaban ko lang si Kuya Argon”

May dumaan na emosyon sa mukha ni Nay Sora.

Dumako ang tingin ni Louis sa binata at namimilit ito sa sakit. Bakit hinayaan nito na saktan siya kung alam nito makipag-laban?

“Okay lang po ba kayo ?”

Lumuhod si Louis sa harapan ni Kuya Argon at tinulungan itong tumayo.

“Totoo naman ang sinabi nila. Isa akong masama—”

“Wala po silang karapatan na saktan ka. Siguro may ginawa ka pero alam ko at alam mo na ginawa mo lang 'yun dahil 'yon ang karapat-dapat. Wala silang karapatan na saktan ka, Kuya. Dahil ang may kayahan lang na parusahan tayo yung nasa itaas po, yung gumawa sa atin, yung sinubaybayan tayo sa araw-araw. Lahat tayo may kamalian pero lahat naman tayo nasasaktan at nagsisisi. Madali lang sa kanila na mang-husga pero hindi madali sa kanila alamin ang katotohanan. Kaya ginawa ko 'yon, dahil alam ko na may tinatago ka diyan sa puso mo na kahit anong gawin mo, bumalik at bumalik ang alala na 'yun sayo”

Mahinang ginulo ni Kuya Argon ang buhok niya. Isang peke na ngiti ang ginawad nito sa kaniya. See? He's hurt inside! He act like it's not a big deal, like it's nothing but deep inside. He's hurting! Alam na alam niyang kung paano gumuhit ang lungkot sa mga mata nito.

“Minsan kasi mas mabuti nang saktan ka nila kaysa magsalita ka. Para sa kanila walang silbi ang sasabihin mo dahil nakatatak na sa kanila ang maling ginawa mo. Pero, salamat kanina” Ginulo nito ulit ang buhok niya.

“Anong nangyayari dito ?”

Oh, andiyan na pala si Semasu?!

She leered when she saw his fucking face, it's annoyed the hell out of her.

“Ano ba sa tingin mo ang nangyayari ?”

“Hindi ikaw ang tinatanong ko” Suplado na ani nito.

“Eh, bakit ako ang tinitingnan mo?”

“Dahil na agaw nang mata ko ang pangit mong mukha!”

“Ohh, pangit pala ako? Hindi ako na inform eh. Pasensiya kana ha !”

“Nakita mo ba ang babae na 'yon ?” Sabay turo nito sa babae na naka-ngiti habang kinakausap ng mga matatanda.

Tumango si Louis.

“Isang katiting kalang sa kagandagan niya. Kaya sabihin kona sayo na ang pangit mo, Yubie.”

Napatigil si Louis. Ganun na ba siya kapangit at ganito ang pag-insulto sa kaniya ng binata? Comparing her with others can makes her mood ruined, she just don't like the idea of comparing her. Para kasing anong gawin niya, hindi parin siya matatanggap ng ina. It's like Mom comparing her from other's child. Nakikita niya 'yun noon paman.

Semasu insult her and it's not acceptable to her.

Ito ang kauna-unahang nasaktan siya.

“Oo, pangit ako. Masaya kana ?”

Tumawa ang binata sa kaniya.

“Oo, dahil gwapo ako!”

Hindi 'yun pinansin ni Louis at nanahimik nalang.

“Yubie!”

“Hanapin mo sa ibang baryo ang paki ko. Sobrang hangin kasi kahit baryo na ito kayang wasakin!”

“At isa pa. Hindi ka gwapo, nakita mo si Hiriku ?”

Tumango ito.

“'Yun ang totoong gwapo. Hindi man siya isang princepe at least kaya niyang protektahan ang binibini niya. Tingnan mo ang pagkatao niya, 'yun ang totoo na gwapo” Sabay irap ni Louis sa binata.

Mas lalong sumama ang templa ng mukha niya ng makitang papalapit ang dalaga. 

“Ayan na pala ang princesa mo”

Sa inis pumunta si Louis kung saan si Nay Sora. Nandoon rin si Eli at Hiriku. Ginagamot nila si Kuya Argon.

Napatigil siya saglit at tumingala sa itaas. Kamusta na kaya ang ina niya?

“Magandang umaga sayo, Princepe Luxe”

Narinig ni Louis ang boses ng magandang babae.

Malawak na ngumiti si Semasu sa harapan. Sa nakikita ni Louis, ingat na ingat si Luxe sa Princesa. Pero bakit pagdating sa kaniya, ang suplado niya at malamig?

Bakit ba siya nagtatanong sa sarili niya? Ganun naman ang pakikitungo sa kaniya ng ina. Sanay na siyang itratong parang basura.

“Ginagalak kong makita ka dito Princesa Viri. Isang buwan rin tayong hindi nag-kita”

“Ako rin Princepe Luxe. Inaabangan kita palagi dito pero malas at hindi kita nakita.”

Nilahad ni Semasu ang kamay sa Princesa at nakita niyang tinanggap 'yun ng dalaga.

“Sandali lang Princesa Viri. May kakausapin lang ako saglit.”

Pumunta sa kanila si Semasu. Hindi niya ito tiningnan at pinansin. Naiinis parin siya sa binata na hindi niya maintindihan kung bakit.

“Yubie, hintayin mo ako at ihahatid kita. Okay? Hintayin mo ako.”

Walang gana na tumango siya sa binata. Ang bilis naman yata niyang bumalik, porket tumango siya?

“Tayo na Princesa. Ihahatid kita sa iyong palasyo”

Tumingin si Louis sa kanilang lahat. Kunot ang noo na tumingin ang mga ito sa kanila. Problema nila? May dumi ba siya sa mukha?

“Bakit?”

“Ang tamlay mo” Unang basag ni Hiriku.

Umiling si Louis.

“Nawala yata ang lakas ko sa pag-sigaw kanina.”

Mag-hihintay naman pala siya? Hindi alam ni Louis pero nawawalan siya ng gana.

“Gusto mo bang mag-ikot muna, Marg?”

“Sige”

Nagpaalam muna sila kay Nay Sora at Kuya Argon bago umalis. Mapanatag lang ang matanda kapag may kasama siya kapag aalis si Louis. Kasama naman niya si Hiriku, naka-alalay ito kay Eli. Minsan nahahalata na niya ang weird na kilos ni Hiriku. Sapalagay niya may gusto ito kay Eli. Nakikita ni Louis sa mga mata ni Hiriku si Eli, iba talaga pinapakita ni Hiriku pagdating kay Eli. She's not against, Louis likes Hiriku sweet gesture when it comes to Eli.

“Ayos ka lang ba ?” Basag ni Hiriku sa kaniya.

Nagtataka na dumako ang tingin niya sa binata.

“Kanina kapa tinatawag ni Yheura pero nakatulala ka”

“Wala, naalala ko lang si Mommy” Sabay peke na ngiti sa kanila.

Umiiling si Hiriku.

“Ito ang baryo nang Kaliya, may tatlong baryo dito at malapit lang sa palasyo namin. Ngayon lang ako naka-punta rito dahil binawalan ako ni ama na lumabas ng palasyo. Wag kang mag-alala nandito lang kami ni Hiriku, pwede mo kaming maging kaibigan”

Nagtataka din minsan si Louis sa mundo na ito. Parang ant lalim ng nakaraan ng mga tao dito, parang may tinatago sila at talagang hindi niya matiis na alamin ang mundo na ito. Louis want to go back in her world but why such a mysterious place can make her heart melt?

“Hindi ko nga alam bakit napunta ako dito? Naka-tulog lang naman ako. Minsan naisip ko na mamatay nalang pero iniisip ko si Mommy. Ayoko na iwan siya.”

“Ayaw mo ba rito?” Naging malungkot ang boses ni Eli.

“Gusto pero hindi ito ang mundo ko, Eli. Iba ako, iba rin kayo.”

“Maganda ang kwentas dito, gusto niyo ba ?”

Napatingin sila kay Hiriku. May hawak itong kwentas sa kamay. Agad na sinuot 'yun ni Hiriku kay Eli. Maganda ang hugis at kulay pero hindi si Louis sumusuot ng kwentas.

Binigyan siya ng binata pero umiling siya.

“Ayoko, hindi ako sumusu-ot ng kwentas.”

“Sayang maganda pa naman to sayo. Katulad karin ni Kuya Argon, ayaw niya sa mga kwentas. Hindi rin 'yun sumusuot ng kahit ano sa katawan nito”

“Salamat, pero ayoko talaga”

“Ito nalang” Sabay bigay ni Hiriku ng brace sa kaniya.

Hindi paman siya nakasagot ng sinuot 'yun ng binata sa kaniya.

Napangiti siya.

“Salamat”

“Walang anu man. At, paki-usap huwag kang sumimangot hindi bagay sayo”

Tinaasan niya ito nang kilay.

“Pareho lang kayo ni Semasu !”

Tumawa lang ito at umiiling.

Hanggang sa bumalik sila kung saan sila ni Nay Sora. Maganda ang baryo ng Kaliya pero wala naman doon ang nangakong mamasyal sila. Palagi nalang nito binalewala ang pangako nito sa kaniya, porket pinapatawad niya ito?!

“Kailangan na natin umalis” Agad na bungad ni Kuya Argon.

“Okay po.” Tumingin si Eli sa kaniya 

“Ikaw hintayin mo paba ang aking kapatid ?”

Tumango siya sa dalaga.

“Ma-una na kayo. Hihintayin ko si Luxe”

“Siguradu ka Louis ?”

Napatigil si Louis ng tinawag siya ni Kuya Argon sa ikalawang pangalan niya. Only her Mom calling her Louis.

“Opo, Kuya. Wag kang mag-aalala. Mag-iingat po ako. Hihintayin ko nalang si Luxe. Mag-ingat po kayo sa daan”

“Sige, mag ingat karin”

Nakatingin nalang si Louis sa papalayong pigura ng mga kasama niya. Hanggang sa hindi na niya matanaw ang mga ito.

Saan ba pumunta ang Semasu na 'yun?

Nagmamasid siya sa buong paligid, napapangiti sa nakikita. Bakit kaya ang simple ng mundo na ito? Walang internet, walang gadget at lalo na kumpleto silang naghahanap buhay hindi katulad sa mundo nila.

“May hinihintay po ba kayo?”

Napatingala si Louis. Napangiti siya ng makita ang isang bata na may hawak na laruan. Malawak ang ngiti nitong umupo sa tabi niya.

She's happy-go-lucky kid and sweet.

“May hinihintay ako. Kanina pa nga ako nandito. Bakit hindi ka naglalaro katulad nila?” Sabay turo ni Louis sa mga bata na ka-edad nito.

“May sakit po ako. Hindi ako pwede mapagod. Ano pala pangalan niyo?”

“Margarita Louis. Ikaw anong pangalan mo?”

“Creline po, Señorita”

Ngumiwi siya at nagtataka na tumingin sa bata. Bakit kaya Señorita ang tawag nila sa kaniya?

“Bakit, Señorita? Hindi naman ako katulad ng mga princesa dito?”

Umiling ito.

“Kahit maraming galit kay Señorito Argon. Nirerespeto po naman siya. Hinahangaan ni Ama si Señorito Argon. Kasama ka niya diba?”

Tumango si Louis pero naguguluhan parin.

“Kilala mo si Kuya Argon?”

Tumango ito.

“Señorita ang tawag ko sayo dahil ang lapit-lapit mo kay Señorito Argon. Sabi ni Ama, mabait at maingay ang kasintahan nito noon  katulad niyo po”

Humarap sa kaniya si Creline at matiim na tumingin sa kaniya.

“Kanina kapa dito, Ate. Bakit kailangan mo pang hintayin si Princepe Luxe?”

“Wala akong kasama na umuwi.” Ngumuso siya.

Tumawa si Creline at tuloy na tuloy ang pag-kwento nito sa kaniya. Gusto na gusto niya ang ugali ng bata. Walang tigil ang pag-kwento nito hanggang sa tinawag na siya ng magulang nito.

“Ay, aalis na po ako. Tinatawag na ako nang ina ko. Salamat po sa pag kwento, Ate Margarita. Paalam po, sa uulitin”

Kumaway si Louis dito bilang pamamaalam. Nakita rin niyang naka-ngiti ang ina ng bata habang kumakaway sa kanila. Bakit ganun? Gusto niyang maranasan na mahalin ng ina. Kahit isang beses lang at kahit napipilitan lang ito.

Sana ganun lang din ang mga magulang ko.

Nababahala na tumingin si Louis sa paligid. Bigla nalang umingay ang lahat ng mga tao at nagtatakbuhan. Anong nangyayari? Hindi parin maka-galaw si Louis sa inuupu-an, takot at kinakabahan habang nakatingin sa buong paligid.

Nanginginig ang kamay niyang hinawakan ang balikat niya.

Nawawala siya sa sarili, gulong-gulo at nagtataka siya habang naririnig ang yapak, iyak, sigaw at huni ng mga hayop. Lahat ng mga tao ay naghahanap ng pagtatagu-an at si Louis nalang nag-iisa sa paligid. Kinakabahan siya ng sabay-sabay na pumasok ang mga naka-itim na mga kabayo at mga kawal.

Ano ang nangyayari?!

‘Nasaan ka naba, Semasu?! Natatakot na ako dito! Bumalik kana, Please.’ Sigaw ni Louis sa isip niya.

Parang namamanhid si Louis sa nakikita, hindi na mapigilan ang pagkawala ng luha sa mga mata niya. Nadudurog ang puso niya sa nasaksihan, lahat ng mga kalalakihan ay pinapatay! Anong klasing mundo ito?!

Nasaan kana, Semasu?!

Sigawan at iyakan ang nakikita ni Louis. Naghihingi ng tulong, umiiyak sa madugong pang-yayari. Bakit ba sila pinapatay?!

Kinakabahan siya ng nakita niya ang bata kanina! Tumatakbo si Creline at mga magulang nito.

Anong gagagwin niya?! Natataranta siya at hindi niya alam ang gagawin.

Bahala na!

Walang pag-alinlangan na tumakbo si Louis kung saan ang bata kanina.

“A-ate Louis!”

“D-dito kayo! Bilis!” Hinila ni Louis si Creline at tinago sila sa likod ng malaking bato, malapit sa kabayo ni Semasu.

“D-dito lang k-kayo. B-baka mapahamak k-kayo” Nanginginig ang boses niya habang nagsasalita. Takot na takot at kinakabahan sa ano man mangyayari' sa kanila.

“Salamat sa iyo, Señorita. Salamat” Buong puso na pasasalamat ng magulang ni Creline.

“S-salamat, Ate Margarita "

“W-walang anuman”

Mas lalong nanginginig ang buong katawan ni Louis nang may naramdaman siyang malamig na bagay sa leeg niya! 

Oh g-d!

Papatayin ba siya? Sasaksakin?!

P*tangina mo, Semasu ka! Nasaan kana ba?!

“Maswerte kami at nakita ka namin, taga-lupa?!”

“Wag mo 'yan sasaktan, papatayin kita”

Napapikit at napasinghap siya ng marinig ang malakas na pagbagsak sa likuran niya.. May humawak sa balikat niya?!

Fuck! fuck! Fuck. Oh, please g-d. Ayoko pang mamatay!

“Hey, Margarita. It's me Pipa.”

Napatigil si Louis at dahil siguro sa takot ay niyakap niya ito ng mahigpit.

Anong ginagawa ni Ate Pipa dito?!

Impit siyang napahiyaw. Napahawak si Louis sa balikat niya. She felt something there. Bahagya niyang tiningnan ang balikat at ngumiwi siya. Tuloy-tuloy ang pag-agos ng dugo sa balikat niya. It's hurt and painful to endure! Nararamdaman niya ang panghihina at pagka-hilo..

Lumaki ang mata ni Ate Pipa at nag-mamadali ang kilos nito.

“Kailangan na natin umalis!. Sino ba ang kasama mo ha?!”

Kinuha ng ina ni Creline ang karayum na bumaon sa balikat niya. Agad na tinakpan 'yun ng ginang ng makapal na tela.

Wala siyang lakas at hinayaan na hilahin siya ni Ate Pipa pasakay sa kabayo nito. Habang ang pamilya ni Creline ay nagmamadali na sumakay rin sa kabayo ni Semasu.

“Hyahh!”

Kahit na hinihila siya sa kadiliman, nakikita parin ni Louis ang mga kawal na humahabol sa kanila.. Ang dami nila!

Paano sila makakatakas?!

Huminto bigla si Ate Pipa at tumingin sa likuran nila.

“Ma-una na kayo, bilis!” Utos ng dalaga.

Tumango-tango ang ama ni Creline at yumuko kay Ate Pipa.

“Maraming salamat, Princesa Argara” Sa sobrang paghihina niya. Hindi na niya maintindihan ang sinasabi ng paligid ni Louis.

“H-hindi kona kaya, Ate P-pipa” Bulong niya sa dalaga.

“Wag kang pumikit, Margarita! Malapit na tayo..”

May kinuha ang dalaga sa bag nito at hinagis sa likuran nila. Ang malakas na pag-sabog ang narinig ni Louis at 'yun ang dahilan bakit magwawala ang mga hayop sa paligid. 

Ilang minuto ang nakalipas at wala ng sumusunod sa kanila. Pero, mas lalong lumalala ang kondisyon ni Louis.

Her vision become blurry and it's hard for her to fight her dizziness. Mas lalong lumalala ang kondisyon niya at gusto na gusto na niyang ipikit ang mga mata.

“May lason ang buong katawan niya, Señorita” Rinig niyang sigaw ng babae.

“Ate Louis!”

Hindi na alam ni Louis kung sino ang sumisigaw ng pangalan niya.

“Argara?!”

“Anong nangyari sa kaniya?”

“Sinugod ng Nykirania ang Baryo ng Kaliya! Lahat ng mandirigma ay pinatay—”

Hindi pa natapos ang sasabihin ng babae ng nawalan na si Louis ng malay. Ang huli niyang narinig ang pag-sigaw ni Ate Argara sa pangalan niya.

Continue Reading

You'll Also Like

876K 58.6K 33
Discovering an abandoned town in the middle of a forest, Odeth is transported to a time when the ghost town was alive, but as someone else--Olivia Va...