The Lost Memory (Completed)

By missheaven_

8.9K 300 8

Charmaine needs a work to help her family, especially to her father that had illness. She found her first job... More

THE LOST MEMORY
BEGINNING
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
END
To my readers

CHAPTER 9

238 10 0
By missheaven_

Childhood Friend

"Goodevening Sir Junnie," bati ko sa kabilang linya. It's already 8pm in the evening, kakatapos lang rin naming kumain ng dinner ni Sir Aldrich nang tumawag ang daddy niya sa'kin.

[Goodevening rin Charmaine, I call you because I want to know if how's your stay in Cebu? I mean, in Palawan.] tanong sa'kin ni Sir Junnie. Napaisip muna ako nang isasagot kaya natahimik ako ng ilang segundo.

"Maayos naman po at sobra kaming nag enjoy ni Sir Aldrich. Marami na rin po akong mga nakuhang litrato sa magagandang view na nadadaanan namin kanina. Na i-tour rin kami ng maayos ng mga tagarito at bukas ay may pupuntahan po ulit kaming ibang spot."

[Masaya ako sa ibinalita mo sa akin Charmaine, sana'y mas mag enjoy pa si Aldrich d'yan. Gusto kong bumalik na ang dating saya niya. Gusto kong bumalik na ang dati kong anak.] ramdam ko ang lungkot sa boses ni Sir Junnie at nakaramdam din ako ng kirot.

Ibig sabihin pala ay kaya niya pinapunta rito si Sir Aldrich para mag enjoy? Pero paano naman mag eenjoy si Sir Aldrich dito kung sakaling hindi ako kasama? Kasi si Sir Aldrich lang naman dapat ang magpunta dito kung hindi niya lang ako pinasama. At kahit nga kasama niya ako, mukhang hindi siya nag eenjoy, sinabi ko lang na nag enjoy siya para hindi maging malungkot si Sir Junnie o manghinayang.

"Walang anuman po Sir Junnie, huwag po kayong mag alala dahil sisiguradohin ko pong magiging worth it ang pagpunta namin dito." masayang sambit ko.

[Sana nga Charmaine, nga pala iha, may nakalimotan akong sabihin sayo. Darating d'yan si Chesca,] nagtaka ako bigla sa sinabi ni Sir Junnie, hindi kasi pamilyar sa'kin ang pangalan na binanggit niya.

"Chesca? Sino po pala siya Sir Junnie?" nagtataka kong tanong, "Sorry po kung naitanong ko, hindi po kasi siya pamilyar sa'kin." pina ko.

[Okay lang iha, gusto ko rin namang makilala mo siya. Si Chesca ay malapit na kababata ni Aldrich, siya dapat ang ipapasama ko kay Aldrich patungo r'yan sa Cebu pero may inasikaso kasi si Chesca kaya bukas pa siya darating d'yan.] huminga ako ng malalim dahil sa sinabi ni Sir Junnie, parang may nararamdaman akong hindi ko maintindihan.

"S-sige po, s-sasabihin ko kay Sir Aldrich." nauutal kong wika sabay lingon sa kinaroroonan ni Sir Aldrich. Nakaupo siya sa dining area dito sa room namin at nakatutok lang ang atensyon niya sa kaniyang laptop habang isa isang tinignan ang mga nakuha naming litrato kanina.

[Ahm, Iha? Pwedi bang hindi mo muna sasabihin kay Aldrich. Gusto ko kasing masuprise siya sa pagpunta ni Chesca d'yan. Ilang taon din kasi mula 'nong hindi na sila nagkita.]

"Oo naman po, sige po, hindi ko sasabihin kay Sir Aldrich."

[Maraming salamat Charmaine, mag iingat kayo r'yan. Paalam na muna dahil may aasikasohin pa ako,]

"Sige po Sir Junnie, kayo rin po, mag iingat din kayo. Paalam po," sambit ko bago binaba ang tawag.

Tama nga ako't totoo ang sinabi niya sa'kin. Si Chesca pala ang sinasabi niyang minahal niya noon when he was 10 years old. Maybe, Chesca will give a pure happiness to Sir Aldrich. Mukhang si Chesca ang susi para bumalik muli ang Aldrich noon.

Ang Aldrich na minsan ko ng nakita pero naglaho rin bigla at bumalik sa dati.

"Sino kausap mo?" tanong niya sa'kin nang umupo ako sa couch malapit sa tabi niya.

"Kausap ko ang daddy mo," sagot ko, sumulyap siya sa'kin pero umiwas din agad.

"Anong pinag usapan niyo?" kuryos niyang tanong.

"Wala naman, nangamusta lang siya." walang gana kong sagot. Hindi ko alam kung tama bang maging ganito ang reaksyon ko, mukha kasi akong malungkot matapos kong malaman ang tungkol sa kababata niya.

"Then, why you look sad?"

"Hindi ah, napagod lang ako. Inaantok lang ako kaya ganito ang mukha ko," giit ko.

"Okay but you still look pretty." nang marinig ko ang katagang 'yon ay parang napawi ang lungkot na naramdaman ko. Napalitan ito ng pagkagulat at konting tuwa dahil sa sinabi niya.

"Pero mas maganda ka sa'kin," pinilit kong magbiro para man lang umiba ang panlasa ko. Biglang kumonot ang noo niya matapos marinig ang sinabi ko at tinignan ako ng masama.

"What did you say?" he asked in a serious tone.

"Sabi ko, matulog na tayo,"

"Pinagloloko mo ba ako?" galit na tanong niya. Nag iwan tuloy ako ng konting halakhak bago magtungo sa kama para humiga na.

"Huwag mo akong tawanan, tell me what did you say earlier? Say it again," he said in anger.

"Alin po ba doon? Iyong sa una o sa pangalawa?" tanong ko at walang emosyon siyang tinignan.

"Sabihin mo 'yong nauna mong sinabi," aniya. Gusto kong matawa kasi ganito pala siya pag napagtitripan.

"Sabi ko, matulog na tayo." ulit ko sa sinabi kanina.

"Don't put me in the situation that you will regret, I'm warning you Charmaine." pananakot niya sa'kin pero hindi ako nagpatinag.

"E bakit ba nagagalit ka r'yan? Sinabi ko lang naman 'yong gusto mong marinig ah, sabi mo ulitin ko edi inulit ko." giit ko.

"Hindi naman kasi 'yon ang sinabi mo, don't lie to me Charmaine," wika niya. Hindi ko inasahan na tatayo siya at unti unting lumapit sa'kin.

"Narinig mo naman pala ang sinabi ko kanina, bakit kailangan mo pang e ulit ko? Gusto mo ba talagang sabihin kong mas maganda ka sa'kin. Iyon ba gusto mo?" sambit ko at kunwaring naiinis na. Tuloyan na siyang lumapit sa'kin at umupo sa tabi ko.

Seryoso niya akong tinignan samantalang ako'y nasa bintana lang nakatingin at nakakunot ang noo kahit gusto ko ng humalakhak ng tawa.

"Ikaw ang gusto ko," usal niya kaya agad akong napalingon.

"A-anong s-sinabi mo?" kunot noo kong tanong.

"Hindi ko na uulitin, nasabi ko na at narinig mo na, bakit ko pa uulitin?" aniya na parang gumaganti sa'kin. Umalis na siya sa tabi ko at bumalik sa inuupoan niya kanina.

"Totoo ba 'yon?" tanong ko. Hindi naman ako bingi at sigurado ako sa narinig ko.

"What do you think?" walang emosyon niyang tanong.

What do I think? Hindi ko rin alam. Hindi ko alam kung totoo ba o hindi. Kung seryoso ba o biro lang. Kung gusto ba talaga o trip lang.

Nakakainis kasi parang gusto kong paniwalaan pero hindi dapat ako umasa.

"Sa tingin ko'y nagbibiro ka lang," tipid akong ngumiti matapos ko iyong sabihin, "Sige, matutulog na ako. Pagkatapos mo r'yan ay matulog ka na rin Sir Aldrich." puna ko at diniin ko talaga ang pagkakasabi ko sa 'Sir Aldrich' para matauhan ako sa katotohanang boss ko siya at PA niya lang ako.

Narinig kong may sinabi pa siya pero hindi ko na pinakinggan dahil tinakpan ko na ang dalawa kong tenga gamit ng kumot at agad na pinikit ang aking mga mata.

Kinabukasan ay may narinig akong tawanan ng dalawang tao. Minulat ko ang aking mga mata at bumangon sa pagkakahiga para matignan ko kung sino iyong narinig kong nagtawanan.

Labis ang gulat sa nakita ko dahil si Sir Aldrich pala ito at 'yong isang babae. Makinis, maganda at bihis mayaman. Mukhang ito ang sinasabi sa'kin kahapon ni Sir Junnie na darating ngayon, si Chesca.

Hindi ko akalain na ganito pala kaaga niya susupresahin si Sir Aldrich. Hindi ko man lang nakita ang reaksyon niya nang sinupresa siya. At sa nakikita ko naman ay sobrang saya niya and I'm sure na mas sasaya pa siya sa darating na araw.

Mukhang hindi na ako kailangan dito at mukhang hindi ko na rin kailangang samahan si Sir Aldrich sa pag tour ng iba pang spot dito sa palawan. Si Chesca na lang siguro ang sasama sa kaniya, magpapaiwan na lang ako dito.

Bumangon na ako nang hindi nila napapansin. Pumasok ako sa comfort room para magsipilyo. Tinignan ko ang itsura ko sa salamin at bakas ang walang emosyon kong mukha.

Nagpatuloy na ako sa gawi ko at nang matapos na ako ay agad kong binuksan ang pinto ng comfort room para lumabas pero sa pagbukas ko ay sila agad ang nakita ko.

Pareho silang nagulat nang makita ako. I slightly bowed my head bago ako naglakad patungo sa kama para ayosin ang mga unan at kumot na nagamit ko.

Naramdaman kong may lumapit sa'kin pero hindi na ako naglaan ng tingin.

"Charmaine," tawag sa'kin ni Sir Aldrich. Huminga ako ng maluwag bago ko siya nilingon.

"Yes Sir?" tanong ko at pekeng ngumiti.

"I want you to meet Chesca, she's my childhood friend." pakilala niya, nakangiti akong tumango bago binaling ang tingin kay Chesca.

"Hi po Miss Chesca, masaya akong makilala ka," sambit ko at yumuko muli.

"Hello Charmaine, nabanggit ka na sa'kin ni Aldrich pagkarating ko kanina. Masaya rin akong makilala ka," wika niya at sa nakikita ko'y mabait naman siya pero hindi na ako umimik at nagbitiw na lang ako ng hilaw na ngiti.

"Anong oras kayo aalis?" tanong ko kay Sir Aldrich. Pansin kong nagtaka siya sa naging tanong ko.

"Tayo ang aalis, bakit mo 'yan natanong?" seryoso niya akong tinignan. Mukhang napansin naman ni Chesca na may pag uusapan kami ay lumayo muna siya sa amin at umupo sa sofa.

"For two person lang ang tour na kinuha natin. Ipapaubaya ko na lang iyon kay Chesca para kayo 'yong magkasama." malinaw kong wika pero napailing siya sa sinabi ko.

"Gusto kong sumama ka pa rin. Pwedi namang magbabayad kami ng for 1 person para makasama si Chesca," aniya pero umiling din ako.

"Hindi na po Sir, si Chesca na lang po ang isama niyo at dito na lang ako. Hindi rin kasi maganda ang pakiramdam ko, baka mahilo lang ako sa bangka. Ayos lang po ako  dito mag stay," giit ko pero bigla niyang hinawakan ang kamay ko at pinaharap ako sa kaniya.

"Are you okay?" he asked.

"Y-yes, I'm okay." I smile while saying those, hinawi ko ang aking kamay at nagpatuloy sa pag aayos ng higaan.

Hindi na ako pinilit ni Sir Aldrich na sumama sa kanila, mukhang gusto rin naman niyang maka bonding si Chesca. Panay rin ang matamis na ngiti ni Chesca kanina bago sila umalis, she's very excited.

Pagkatapos kong maligo ay naisipan kong lumabas para kumain ng agahan sa labas ng hotel pero pag bukas ko ng pinto ay may bumungad sa aking isang staff ng hotel na may dalang tray ng pagkain.

"Goodmorning po, kayo po ba si Miss Charmaine?" she asked.

"Opo, ako nga po." sagot ko, "Bakit po?" puna ko.

"Pinadala po ito ni Sir Aldrich para sa inyo, sinabi niya sa'kin na kumain ka raw at magpagaling." aniya.

Malugod kong tinanggap ang tray ng pagkain, "Maraming salamat po sa pag hatid," sambit ko.

"Walang anuman po, enjoy your meal and get well soon Miss Charmaine." she smile widely and bowed her head before she walked away.

Binilhan niya pa talaga ako ng pagkain ah, naniwala naman siyang may sakit ako kahit wala. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil kahit papaano'y nawala ang panghihinayang na naramdaman ko.

4am nang hapon sila nakabalik sa room namin at tapos na rin sila nag shower. Hindi nagbago ang kulay ng balat ni Chesca, mukhang hindi sila naligo sa dagat.

"How are you? How have you been sleeping?" nag aalalang tanong sa'kin ni Sir Aldrich.

"How's your feeling Charmaine?" sabat ni Chesca.

Matamis akong ngumiti sa kanila, "Ayos lang ako, huwag niyo akong aalahanin. Kayo? Kamusta naman ang lakad niyo?" pag iiba ko ng usapan.

"It's fine," tipid niyang sagot.

"We really enjoy, I miss our bonding kasi kaya sobrang saya ko. Namiss ko talagang kasama si Aldrich. I'm so glad that tito Junnie invited me to go here and to see Aldrich." masayang sagot ni Chesca sa'kin at parang kinikilig pa ito. Napangiti ako dahil nakikita ko talang masaya siya.

"That's good," saad ko. Tumingin ako kay Sir Aldrich at nasa akin ang mata niya. Malalim itong nakatingin sa'kin na parang sinisisid ang mata ko at mukhang may hinahanap.

"Bakit po?" kunwaring tanong ko.

"Okay ka lang Aldrich? Bakit nakatitig ka r'yan kay Charmaine?" sabat na tanong ni Chesca.

"Can you leave us for a while Chesca? I have something to tell her," aniya kay Chesca. Sumunod naman ito sa kaniya at agad na lumayo muna sa amin.

Lumapit sa'kin si Sir Aldrich at tinignan ko siya nang nagtatanong na tingin.

"Why are you acting like this?" galit niyang tanong.

"A-acting? Anong acting? Wala naman ah,"

"I saw in your eyes that you're pretending about something." wika niya. Bakit ba ang hilig niyang manuri ng mata?

"Wala po talaga, nagkamali lang po kayo ng iniisip at huwag niyo na pong isipin dahil baka mabaliw kayo." sinadya ko talang magbiro dahil ang seryoso niya.

"Baka nga, mabaliw ako sayo pag pinilit kong isipin ang nakikita ko sa mga galaw mo." bulong niya at iniwan na ako para puntahan si Chesca.


Continue Reading

You'll Also Like

798K 72.4K 37
She is shy He is outspoken She is clumsy He is graceful She is innocent He is cunning She is broken He is perfect or is he? . . . . . . . . JI...
8.2K 215 15
In which Aoi Nishikawa falls in love and tries to take over the world with a ragged group of friends (BNHA ff) Tomura Shigaraki x OC BNHA belongs to...
1.2M 15.4K 52
NOT EDITED YET Gracie Owen's a headstrong journalist major rooms with her childhood best friend JJ Anderson for junior year, little does she know she...
3.6M 153K 61
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...