To Win You (Pamantasan Series...

By jeannewrites

4K 435 479

Gilliana, a Communication student, was one of a block representative for an academic debate. On the last part... More

Prologue
One: Lawrence
Two: Lawrence
Three: Lawrence
Four: Gilliana
Five: Gilliana
Six: Gilliana
Seven: Gilliana
Eight: Lawrence
Nine: Lawrence
Ten: Lawrence
Twelve: Lawrence
Thirteen: Gilliana
Fourteen: Gilliana
Fifteen: Gilliana
Epilogue
Author's Note

Eleven: Lawrence

170 17 19
By jeannewrites

"Tangina, ba't ba ganyan pinapatugtog niyo? Kawawa naman yung tropa natin, nasasaktan na nga!" kunwari ay nag-aalalang saway ni Mark pero ang totoo ay nang-aasar.

Napairap ako sa kawalan dahil sa kaplastikan niya.

Nandito kami sa rooftop ng bahay namin at nagsisimula na ang inuman. Smirnoff muna ang inuna habang nagtitimpla pa ng gin si Carlo. Hawak ko ang bote ng smirnoff at nilagyan ang basong may laman na yelo sa harap ko.

"Mga bakla ba kayo? Ba't LANY?" singhal ko sa kanila saka uminom ng alak.

Nagtawanan ang mga ulupong bago naupo si Carlo sa harapan ko. Dala-dala ang pitsel na laman ang gin at pineapple juice na pinaghalo.

"Gago, eh 'di ba ang mga kanta nito ni Paul Jason Klein ng LANY mga pang-iniwan," natatawang sagot ulit ni Mark, hawak-hawak ang baso ng iniinom niya.

I shook my head.

Miguel is just sitting beside me minding his own business but I know, he is listening. Or maybe, he is also feeling the songs. While Joshua is looking at me intently, probably questioning my actions. Nginitian ko siya at tiningnan rin pabalik, yung tingin na nagtatanong.

Wala naman akong kwinentong nasasaktan ako. Ang tanging sinabi ko lang sa kanila ay hindi pumayag si Gilliana na ligawan ko siya.

Hindi naman masakit.

Pero alam mo 'yun? Parang tinapakan niya ako, kasi nagpapaalam pa lang ako. Unang try pa lang pero hindi na niya pinagbigyan. Gusto ko lang naman malaman kung tama ba yung nararamdaman ko.

At oo, gusto ko nga siya. Gustong-gusto. Dahil kung hindi ay hindi naman ako masasaktan ng ganito.

Bakit?

"Tangina niyo, iniwan ba ako?" malumanay kong tanong ngunit may diin.

Nararamdaman ko ang init mula sa batok ko dahil sa alak. Nakailan na nga ba kami?

Nakakapagod 'tong araw na 'to. Para akong naubos kahit wala namang masyadong ginawa. Para akong nagbasketball maghapon, akala mo binugbog.

I don't wanna love you anymore

I don't wanna love you anymore

I can't forget

The way it felt

When you walked out the door

So I don't wanna love you anymore

"Hindi bro... binasted ka lang," singit ni Carlo habang tinitikman ang timpla niyang gin.

Agad kong naramdaman ang iritasyon mula sa sinabi niya. Gusto ko sanang patulan pero kahit ata ang pagsasalita ay ikinapapagod ko kaya isang malalim na buntong-hininga lang ang nasagot ko.

I drank all the remaining alcohol from my cup and pour another from the bottle.

I look up in the sky and saw very few stars above. Ramdam ko rin ang lamig ng hangin, paskong-pasko tapos napakalungkot.

Sinong nagsabing malungkot ako? Nasasaktan ako pero hindi ako malungkot. Hindi...

Hindi pa naman malalim yung nararamdaman, kayang-kaya pang bumangon.

Tangina, Gilliana Marie! Bakit ko ba hinayaang mapalapit sayo! Okay na yung sinusungitan mo ako, sana hinayaan ko na lang na magalit ka sa akin. Sana hindi na lang ako naging abnormal na hinahabol-habol ka kahit na wala ka namang pakialam sa akin.

Ang bigat ng bawat paghinga ko kaya naman ay minabuti kong inumin muli ang laman ng baso. Ihinilamos ko rin ang palad sa mukha para maibsan ang init na nararamdaman sa pisngi.

"Pre, walang iyakan ha. Hindi ka pa naman lasing diba?" nag-aalalang tanong ni Joshua.

Itinaas ko ang middle finger ko sa kanila kaya nagtawanan silang lahat.

Umurong ata ang lahat ng nagbabadyang luha sa mga mata ko nang mapatawa ako dahil sa reaksyon nila. Tangina talaga ng mga 'to!

"Birthday mo ngayon, dapat nagsasaya ka... hindi yung para kang nagluluksa dyan!" mapagbirong saad na naman ni Carlo.

Ngumiwi ako sa sinabi niya.

Napakalungkot naman pala ng birthday na 'to. Hindi ko naman inakalang ganito ko pala tatapusin ang araw na ito.

I was looking forward ...

"Tanginang 'yan! Tama na ang pag-iinarte, iinom na lang! Pag nalasing 'yan si Lawrence saka niyo na tanungin!" sigaw ni Mark habang naglalagay ng mga yelo sa baso namin.

Napatawa akong muli nang makita ang kunot niyang noo, parang hindi makapaghintay na uminom.

"Ulol, mas mauuna ka pa sa akin gumapang papuntang CR para magtawag ng uwak, gago ka!" I scoff and then laugh as I drank another cup of alcohol.

The taste of alcohol stayed inside my mouth. It's a bitter sweet, just like how I met you.

"Tulad ng mundong hindi tumitigil sa pag-ikot, pag ibig di mapapagod..." malakas na kanta ni Joshua habang nakaakbay sa akin, sinasabayan ang kanta ng banda.

Napakaraming PLMayer ang dumalo para sa event na ito. Sobrang lakas ng tugtog na sinasabayan ng crowd sa pagkanta. Si Mark naman ay tumatawa-tawa sa kabilang gilid ko, nakaakbay rin. Para bang ipinaparating nila sa akin ang kanta ng Callalily.

Natatawa ako ng marinig ang malakas na sigaw ni Carlo sa likod ko, katabi niya ang isang kasamang babae. Nagkaayos na ata dahil nalaman kong nagwalk out ang babae kahapon dahil puro ML ang inaatupag nitong si gago.

"Lawrence Jake, 'wag kang iiyak!" natatawang sigaw niya para sa crowd pero pangalan ko ang binanggit.

I shook my head and heard Miguel's small laughs from behind.

"Gago," he remarked.

"Tangina... dapat kayong dalawa ni Miguel magsama eh. Mga sawi sa pag-ibig!" Joshua said with a burgeoning excitement while removing his arms from my shoulder.

I saw him grab Miguel's arm and pulled it beside me. I saw how clueless he is as he let Joshua pulled him.

"Ayan, kayong tatlo ang magsama tutal lahat kayo mga SMP," malakas na sigaw ni Joshua para marinig namin ang sinasabi niya.

Tangina talaga neto, palibhasa may jowa.

"Pag nagbreak kayo ng jowa mo, tangina ka, ikaw magpapainom," banta ko sa kaniya, dinuro ko pa siya na tinawanan niya lang.

"Anong SMP?" naguguluhang tanong ni Miguel kay Joshua, halatang walang naiintindihan.

"Samahan ng Magaganda at Pogi, pre!" Mark answered, winking.

Napatingala ako sa kagaguhang sagot niya, pinipigilang hindi matawa. Kaya lang nang tumawa si Joshua ay nahawa na rin ako.

"Bobo ka talaga Mark, ba't ka ba nabuo?" Joshua teased before looking back at Miguel. "Pre, matalino ka sana kaso bobo ka."

"Amputa," mariing sagot ni Miguel, naguguluhan pa rin kaya ako naman ang tiningnan niya para sa sagot.

Tumawa muna si Joshua bago sumagot samantalang ako ay nangingiti lang, nagkibit-balikat.

"Samahang malamig ang pasko, pre. Kaya kung ako sayo, maghanap-hanap ka na, ihabol mo bago magpasko. 'Wag kang gagaya dyan sa dalawang 'yan!" mahabang litanya niya habang tinuturo kaming dalawa ni Mark.

Agad akong nagkunot ng noo, anong pinagsasabi nito? Napakayabang ni gago palibhasa may girlfriend!

I smirked before I shook my head. Gago talaga.

"Ang lulungkot naman ng buhay niyo... bahala nga kayo dyan! Hanapin ko lang 'JOWA KO'. Ingat kayo pauwi tol. Salamat 'Rence... 'wag ka umiyak ulit," paalam ni Joshua sa amin bago kami tinapik sa balikat isa-isa.

"Tangina mo, di ako umiyak!" pahabol kong sigaw sa kaniya na hindi na ata niya narinig.

Nasa bandang likuran kami at hindi nakikipagsiksikan sa ibang nagnanais mapalapit sa stage. Napakainit lalo na kung magkakalapit at dikit-dikit kayo para lang maabot ang bandang Callalily. Halos lahat ay nakataas ang camera ng cellphone para lang makunan ang pagtugtog ng banda.

I wonder if she's here tonight.

Pero sabi ni Lea, ayaw niya pumunta tuwing paskuhan dahil malayo ang uuwian.

Tangina, willing pa naman sana akong ihatid siya ngayon kahit hanggang Pasig pa 'yon!

Pero, shit! 'Di man lang ako binigyan ng pagkakataon! Ni hindi nga ako pinasagot, tinalikuran lang ako...

"Hindi magbabago

Pagmamahal sa iyo

Sana'y pakinggan mo

Ang awit ng pusong ito..."

Malakas at halos dumadagundong ang buong University Activity Center kung saan nakalagay ang improvised stage.

May tanghalang bayan naman kasi, bakit dito pa kung saan masikip?

Sana kasi pinakinggan mo muna ako. Sana hinayaan mo akong bawiin ang lahat para hindi ganito...

Kaya ko namang magpanggap na wala lang ang lahat ng ito, kaysa sa iniiwasan mo ako.

We we're just standing here, watching the band from afar as they play their last song for tonight. And then, the event's done, just like how I decide that I should stop thinking about her.

Kaso mapaglaro ata ang tadhana. Kung dati ako ang naghahabol, ngayon ako ang sinusundan ng sarili kong multo.

Lea: Anong PE mo?

Lea: Lea sent a photo.

I was busy with our group chat when that messaged popped up. I was hesitant at first to open it so I did not mind it.

Joshua: Basketball na lang, yung 11-1 para between breaks.

Mark: Pre? Ang init no'n tapos may klase tayo pagkatapos. Awit!

I shook my head and looked again on my laptop, trying to check the available slots in PE.

Lawrence: Group exercise at soccer na lang ang open na pasok sa sched natin. Yung 1-3pm tuwing Thursday.

I shook my head realizing how hectic our schedule is.

Wala na kaming time mag-Magz in between classes!

Miguel: Yung group exercise na lang, nakakapagod yung Soccer.

Sumang-ayon naman sila kaya iyon ang napagdesisyunan. Sana lang wag malasin sa PE instructor.

"So, good afternoon. Group Exercise, right?" bati ng isang batang lalaking instructor habang naglalakad papalapit sa kumpulan namin sa loob ng GYM.

Nakadry-fit gray tshirt siya at naka itim na shorts lang. He is also wearing a black running shoes paired with long white socks.

Nakakunot lang ako ng noo, biglang nawala sa mood simula nang pumasok kami sa Gymnasium.

May isa akong taksil na kaibigan...

"Gather yourselves here, we'll start stretching up!" the instructor commanded, hurrily.

Napakamalas pa nga ng proctor! Eto yung ayaw namin. Siya yung athlete instructor na akala niya ay mga athlete rin lahat ng students niya dahil sobrang intense lagi ng exercises.

Pagkatapos ng tatlumpung minuto ay binigyan kami ng 10 minutes break. Ngayon niya rin daw ididiscuss ang grading system.

Putangina, pinagod lang kami eh.

"Awit, yung ibang class introduction lang sa PE. Tayo, pinag-exercise agad," reklamo ni Carlo habang nagpapalit kami ng dapat sa Men's comfort room.

"Tangina, kawawa yung mga babae sa sobrang intense ng every meeting exercise," dagdag ni Joshua na ngayon ay nakatayo na lang at hinihintay sila.

Naghilamos ako ng mukha at naghugas ng kamay hanggang braso bago pumasok sa isang cubicle para magpalit ng damit.

"Paano pa yung mga 'di nag-PE uniform ngayon, wala agad silang points for today," narinig kong seryosong saad ni Miguel.

Napaisip ako sandali bago lumabas ng cubicle. Dumiretso ako sa bag ko at kinuha ang tumbler kasunod ng pagsuot sa balikat ng backpack.

"Kasalanan nila 'yon, hindi sila nag-PE uniform eh alam naman nilang PE ang klase," I grunted.

"Ay shet, bitter si koya mo Lawrence..." mahinang pang-aasar ni Mark, natatawa pa nga.

Kitang-kita ang sabay-sabay nilang pagbaling sa akin, tinatago ang mga ngiti sa labi kaya agad akong tumalikod para magsimula nang maglakad palabas ng CR. Nang makalabas naman ako ay agad akong napabuntong hininga.

Pinunasan ko ang mga namumuong pawis sa sentido gamit ang likod ng palad. Ngayon ko lang rin naramdaman ang malakas na tibok ng puso ko.

Bakit ako kinakabahan?

Tangina.

"Hoy, Lawrence! Grabe 'di ka na namamansin! Parang di ka nagpapatulong sa akin dati ah!" sumbat ni Lea sa akin nang matapos ang klase.

Hawak-hawak ko ang kanang braso ko na bigla niyang sinapak!

"Ang sakit no'n ha! Tsaka ano bang kailangan mo?!" singhal ko sa kaniya pabalik, hinihimas ang parte na tinamaan niya.

"Aba? Parang dati ako ang nagsasabi niyan sa'yo ah? Tangina? Bumaliktad na ba ang mundo?"

Hindi ko siya sinagot. I just ignored and waved her good bye. I walked past her so I can go home.

I have to go home, I don't want to see her anymore.

"Tangina, isnob ka na ah?" pahabol na sigaw ni Lea.

Mukha namang hindi siya galit, nahimigan ko pa ang natatawang tono mula sa huling sigaw niya.

Alam niya naman ata. Kaso ay nang-aasar lang.

"Mayroon tayong katropang nakabusangot ang mukha simula pa kanina bago magsimula ang PE," pagpaparinig ni Mark, sumipol-sipol pa kaya naman ay tiningnan ko siya.

Naabutan ko ang pang-asar niyang mukha, mukhang tuwang-tuwa sa kapalaran kong ito. Nakangisi pa nga!

I raised my middle finger in front of him. Some of our friends gave a small laugh.

"May isa akong kaibigang taksil, sino kaya 'yon?" pagpaparinig ko.

Natahimik naman sila, baka natamaan.

"Pinagsasabi mo 'pre?" naguguluhang tanong ni Miguel.

"Sino kaya sa inyong mga gago kayo ang nagbigay ng PE schedule natin kay Lea? Hmmmm."

I saw them looking at each other. Mukhang tinatantya ang bawat isa. Kaso ay kitang-kita ko ang agad na pag-iwas ng tingin ni Carlo, bakas ang tuwa sa mukha.

"Gago ka, Manalastas!" natatawang sigaw ni Joshua bago ito malakas na binatukan.

Natatawang umiwas lang si Carlo saka kumamot sa ulo. Parang hindi naman nagsisisi sa ginawang katarantaduhan.

"Pakyu, pre," tanging nasambit ko, naiiling.

Muli ko na namang naramdaman ang mabilis na pagtibok ng puso ko. I can feel the icy feeling from my nape down to spine just by thinking that I'll get to see her every week... again.

Ayokong isipin ang mga darating na araw na magkikita kami. I hate getting feeling excited whenever our Physical Education class approaches.

"Go to your groups now," our proctor instructed after telling us what are we going to do.

Walang gana akong tumayo, bagsak ang mga balikat.

Tangina talaga ng mga kaibigan ko, mukhang pinagkakaisahan ako!

"Masaya ka ba na kagroup natin ang bebe mo, Lawrence?" mapang-asar na tanong sa akin ni Carlo saka ako binangga sa balikat.

"Pakyu, sagad," mariin kong saad bago siya inirapan.

Nauto ng iba naming kaklase na kami na lang ang mamimili para sa groupings. At ang mga gagong ito, lalo na si Carlo, niyaya sila Gilliana na maging kagrupo namin. At dahil nga kaclose naman niya ang ibang kablock nila ay sumang-ayon ang mga ito.

Amputa.

"Hoy, tabihan mo naman si Gilliana!" Mark shouted at me and then looked at Gilliana who's now sitting beside Lea.

Wala na siyang katabi sa kabila kaya doon ako pinagtutulakan ng mga gago. Pilit akong tumatanggi sa pamimilit nila.

"Gago," seryoso kong sabi para tigilan nila ako.

"Gago."

I heard her mutter those words. Kasabay ng pagsabi ko kaya bahagya kong naitaas ng isang kilay.

Gaya-gaya.

"Uyyy! Sabay nila sinabi!" natutuwang pang-aasar ni Lea.

Nakita ko pa ang pagtingin niya kay Carlo at ang pagkindat dito.

Ew, pota. Type niya ba si Carlo?

I saw Carlo winked at her, like there's something they both knew that we don't.

"Ang galing naman! Iisa yung word na naisip niyo sabihin, ba't di na lang maging kayo?" Carlo said in a cheerful manner, insisting something...

"Inamo,"I hissed.

Miguel sat down beside Gilliana Marie, never minding us who are provoking each other.

"Tama na yan, magsimula na tayo mag-isip gagawin," he announced.

I sat down beside him. Other started to be serious now that we are going to talk about the reporting that our instructor told us.

We were all talking and I avoided looking at her even though she kept on voicing out her suggestion about our strategy. She seems like she's born to speak out what comes to her mind.

That's the one thing I like about her, she never hesitate to speak. No matter how hard it is, or how vulgar it is. Minsan nakakasakit na, pero kapag alam niyang nagkamali siya ay humihingi agad siya ng tawad.

"Uy, Lawrence! Di mo ba kakausapin si Gilliana?" tanong sa akin ni Lea matapos ang klase.

I only raise my brow at her.

Bumuntong hininga ako, nararamdaman na pinaglalaruan ako ng mga 'to.

"Hi, Gilliana," I remarked, faking my smile before walking out.

I saw how that statement shock her. I felt a frisson of excitement when I saw how struck she is!

Affected!

My heart started to beat faster, sweats starting to drip from the side of my forehead.

"Tangina, pre! Ano yun? Bitter-bitteran ka?" natatawang tanong sa akin ni Joshua habang naglalakad kami palabas ng gymnasium.

Apparently, they heard us talking. And now they are accusing me that I am bitter?

Sinong bitter?

Ako?

Asa! Hindi ako bitter!

Sus, di lang ako pinagbigyan na ligawan siya bitter na agad? Magkaiba ang nasaktan sa bitter.

"Alam mo, ang isip bata mo," matalim na sabi sa akin ni Gilliana matapos kong tumanggi na siya ang kapartner para sa reporting ng isang part.

Agad akong napatingin sa kaniya, hindi makapaniwala na nagawa niyang sabihin 'yon sa akin! Bakas sa kanyang mukha ang inis, ang mga kilay na magkasalubong, matang matalim at mga labing nakatikom. Parang napakatagal niyang kinimkim ang mga salitang iyon.

I raise my right hand, pointing at me.

"Ako? Isip bata? Ano bang ginawa ko?" I mocked.

"Alam mo, wag kang magtatanong kung pwedeng manligaw kung hindi ka tatanggap ng sagot na hindi. Tapos kapag binasted ka mag-iinaso ka ngayon eh wala naman kinalaman yung personal na buhay mo sa PE class natin."

She turned her back from me and went to the benches where our bags were placed.

I was left here standing, in awe from her sudden outburst.

Kitang-kita ko ang mga kagrupo naming nakanganga o di kaya'y nakatulala, tila mga gulat rin sa biglaan niyang pagsabi ng masasakit na salita. Pati mga kaibigan ko na hinihintay kong pagtawanan at asarin ako, ay wala ring nasabi. I can see the sympathy in their eyes.

I looked away. Nakita ko ang iba naming kaklase na nakapabilog, pinag-uusapan rin ang nakaassign sa kanilang irereport.

Naramdaman ko ang pag-init ng ng gilid ng mata ko at ang pagbara sa lalamunan ko.

I swallow that lump and started blinked away my tears. Hinayaan ang sariling ikalma muna ang paghinga bago muling humarap sa kanila.

"Okay, Lawrence, let's do this."

Continue Reading

You'll Also Like

145K 11.2K 169
Si Austin Louis Vermilion, ang main character na ipinanganak na maganda,sexy, matalino-pero syempre charot lang yun! Walang ganun sa story na 'to! OK...
1.1K 85 11
THIS STORY ENTITLED "Sabi Ko Na Mahal Mo Rin Ako" IS AN ADAPTED LITERATURE. ⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯ Tommy, a former military, and Imee Ferrer, the...
21.8K 275 44
Irene is a simple girl and a senior high student full of hope, she's living with her single mom named Gracey. Nakatira sila sa likod ng mansion ng ka...
8.5K 262 15
Isang napakaswerteng pulubing fangirl sa Korea na nakapasok sa YG Entertainment para pagsilbihan ang mga talented at gwapong mga miyembro ng Treasure...