To Win You (Pamantasan Series...

By jeannewrites

4K 435 479

Gilliana, a Communication student, was one of a block representative for an academic debate. On the last part... More

Prologue
One: Lawrence
Two: Lawrence
Three: Lawrence
Four: Gilliana
Five: Gilliana
Six: Gilliana
Seven: Gilliana
Nine: Lawrence
Ten: Lawrence
Eleven: Lawrence
Twelve: Lawrence
Thirteen: Gilliana
Fourteen: Gilliana
Fifteen: Gilliana
Epilogue
Author's Note

Eight: Lawrence

156 18 24
By jeannewrites

Migz: Bowling kukunin kong PE. Yung Monday 7-9am.

Carlo: Ako rin Bowling!

Joshua: Ayaw niyo nung swimming? O kaya basketball?

Napabuntong hininga ako sa usapan ng tropa sa GC. Nagdedecide na silang pumili ng kukuning PE para ngayong semester dahil naibigay na ang schedule namin. Maaga nga ngayon ang pagbigay pero wala pa raw ang schedule nila Gilliana mula sa CHASS.

Gusto kong kunin ang PE na itatake niya para kahit doon lang ay magkaklase kami.

Ewan ko ba do'n sa babaeng iyon! Kahit walang ibang ginawa kundi barahin ako ay gustong-gusto ko namang asarin. Kaso kapag napikon naman ay takot na takot akong inisin siya lalo. Ginugulo niya isip ko!

Lalo na nung nakausap ko siya nung summer. Akala ko pagkatapos ko siyang inisin sa video call ay magdedeactivate ulit siya ng facebook niya, pero nagkamali ako. Simula noon ay lagi na siyang sumasagot kait araw-araw ko siya binibwisit. Madalas nga lang ay like zoned lang ako.

Pero okay na 'yun! Kaysa yung literal na seen lang o kaya inboxed zone.

Putangina, para akong patay na patay sa kaniya.

Eh hindi ko rin maintindihan, kahit sinusungitan niya lang ako palagi kahit na sinusubukan kong magtino! Napakasarap kasing gaguhin lalo na kapag nananapak na! Hindi ko tuloy maiwasang magpasalamat nung debate. Masyado akong naging gago no'n para idamay ang program niya sa sobrang inis.

Alam ko naman yun, na bawat program ay may strength and weaknesses. Kaya kong makipagsapakan sa Calculus pero nahihirapan ako sa mga paperworks lalo na pag literature. Hindi ko kakayanin ang magbasa ng napakaraming articles sa isang gabi. Pero siya, kayang-kaya niyang magbasa ng napakaraming libro o kaya literary works.

Lahat ng program mahirap, lahat ng degree dapat pinaghihirapan.

Napatigil lang ako sa pag-iisip nang may tumunog na bagong chat sa akin.

Nanlaki ang mata ko nang makita na may message si Lea sa akin. Nang buksan ko ito ay agad bumungad sa akin ang picture ng schedule nila. Kasunod ang isang message.

Lea: Monday, bowling 9-11am ang gusto ni Gilliana. Ayaw niya raw ng 7am dahil masyadong maaga.

Tangina.

Agad akong nagtype ng reply sa kaniya bago pumunta sa group chat ng tropa.

Lawrence: Gago, yung 9-11 na lang!

Migz: Pre 11:30 Advance Mathematics natin. Baka malate tayo.

Joshua: Oo nga, malayo ang KOC sa PLM pre. Magpapalit pa tayo.

Carlo: Lunch pa oy.

Nagmamadali akong magtipa ng sagot sa kanila. Kailangan nila akong damayan dito!

Lawrence: Dali na, yung 9 na lang, may 30 minutes pa namang pagitan!

Mark Angelo: Paano kapag may kailangang ipasa dyan sa Adv. Math? Walang time kumopya pre!

Migz: Gago

Natawa ako ng malakas sa sagot ni Miguel. Hindi naman talaga nangongopya si Mark kaso palaging nagpapaturo kay Miguel. Parang tanga.

But I still have to convince them to take the second class instead! Ito lang ang tsansa kong maasar si Gilliana Marie!

Lawrence: Dali na, sa 9-11 kasi mag-eenroll si Marie.

Nagdagdag pa ako ng emoji na umiiyak para mas lalo nila akong pagbigyan.

Ayoko tumakbo mag-isa mula KOC hanggang PLM pagkatapos ng PE namin. Kailangan kasama ko ang tropa para masaya.

Mark Angelo: Puta pre, di nga?

Migz: Kanino na naman kaya nalaman ng stalker na 'to.

Joshua: Galawan ni Lawrence bulok!

Lawrence: Nagsalita ang matagal bago sagutin ng nililigawan HAHAHAHAHA

Joshua: Tanginamo.

Carlo: Atleast sinagot na siya rence, eh ikaw? HAHAHAHAHAHA

Natameme ako nang mabasa ang reply ni Carlo. Nagsend na lang ako ng napakaraming emoji na nakapakyu bago pinatay ang cellphone.

Makapagsalita si Carlo akala mo naman hindi torpe. Palibhasa puro paglandi lang ang alam gawin.

"Nasaan na?" nakakunot kong tanong kay Lea nang makitang mag-aalas nuwebe na ay wala pa rin si Gilliana Marie.

"Malamang sa malamang ay late na naman!" sagot niya sa akin bago lumayo at lumapit sa iilang kablock nila.

Napabuntong hininga na lang ako at bumagsak ang mga balikat dahil wala akong magawa.

"Busangot si Lawrence eh, baka nalaman na nandito ka kaya nagpapalit sa ICTO ng PE," natatawang pang-aasar ni Mark sa akin.

Tumawa rin ang iba naming katropa. Mga hayop talaga.

"Good morning, Bowling class?" bati ng isang lalaking proctor na lumapit sa amin.

Nagsiayos ng upo ang mga kasama ko bago sumagot sa proctor.

Nasa UAC kami ngayon, laging dito ginaganap ang unang meeting kapag sa labas ng PLM ang PE Center. O di kaya'y yung mga ibang sports at group exercise sa umaga.

"For now, ituturo ko muna sa inyo ang scoring natin sa bowling. Next week sa KOC na tayo, alam niyo naman 'yon diba?" simula ng proctor namin.

Nakita ko ang pagtingin niya sa likod namin habang nagsasalita kaya pati kami ay napatingin.

"Good morning, sir. Sorry I'm late," mahina at hinihingal niyang sabi bago umupo.

Nakaformal uniform lang siya at hindi nag-abalang mag PE uniform.

Pwede naman kasi 'yon dahil tuwing first meeting ay lagi namang introduction lang at pagdiscuss ng course syllabus.

The instructor continue on explaining us the concept and rules of Bowling. On how to score, the proper stance and the difference of Duck Pin and Ten Pin bowling.

Nang matapos ay itinuro niya ang daan kung saan ang bowling center, marami kasing building ang Knight of Columbus sa loob ng Intramuros. Baka kung saan-saan mapadpad ang mga PLMayer. Nang maintindihan ng lahat ay saka kami idinismiss.

"Next week ha, wala nang dadaan dito. Diretso na sa KOC," paalala niya muli bago naglakad palayo sa amin.

Agad akong lumapit kay Gilliana Marie na ngayon ay nakabusangot na na naman.

"First day ng school year late ka! Ayos yan," natatawa kong asar sa kaniya.

Nakita ko ang mabilis niyang pagbaling sa akin at ang paglaki ng mga mata. Malamang nagulat siya dahil magkaklase na naman kami sa PE. Ngunit agad rin itong napalitan ng seryosong mukha at unti-unting naging masungit. Mukha bang nakakasura kapag kaklase niya ako?

How could she change her expression that fast?

"Napakamalas nga naman, ba't ka nandito sa class na 'to?" irita niyang tanong habang naglalakad palabas ng UAC.

"Hoy, 'Rence! Saan ka? Sa liempuhan kami!" narinig kong sigaw ni Mark habang nakatayo sa pwesto namin kanina at nakapamewang.

"Sunod ako, orderan niyo rin ako!" sigaw ko pabalik bago muling hinabol si Marie na nakalayo na sa akin.

Nakita kong naglalakad siya papuntang GL kaya naman tumakbo ako hanggang sa maabutan ko siya na kasama ang mga kablock niya.

"Saan kayo kakain?" tanong ko sa kaniya.

"Paki mo?" she snapped.

I was taken aback at her response. Akala ko ba naman nabawasan na ang pagkamasungit niya sa akin dahil nagkakausap naman kami nung summer kahit panay pang-aasar ako.

Hindi pala. Pero parang nabawasan, mga wamport.

"Grabe ang sungit mo pa rin, Marie. Akala ko close na tayo?" I joked.

"Tangina mo, asa ka!" sagot niya bago binilisan ang lakad papasok sa isang gazebo.

Naramdaman ko ang marahang tapik sa parteng balikat ko. When I looked at it, I saw Lea showing her amused smile. She shook her head as if saying that I did, again, something that would probably ruin this plan.

"Gago ka kasi," mahinang sabi niya bago sumunod kay Gilliana.

I looked at them blankly. Nagalit na naman si Marie unang araw ng academic year kaya tama na muna.

Natatawa ako habang naiiling bago tumalikod at naglakad para sumunod sa tropa.

"Hala! Ang galing!"

"Wow."

"Strike agad?"

Natameme ako nang makita ang lahat ng pins na nakatumba sa lane ni Gilliana. Pati siya ay mukhang gulat sa di inaasahang nangyari.

Nakastrike siya!

Sabi niya di siya marunong maglaro at first time niya magbowling. Pero unang tira niya pa lang ay nakastrike siya agad?!

"Taena, marunong ka naman pala!" hindi makapaniwala kong sabi sa kaniya.

Hawak-hawak ko pa rin ang bolang napakabigat habang nakatingin sa kaniya. Samantalang siya ay may bakas pa ng pagkagulat at sa nangyari.

"Seryoso... first time ko mag-bowling," mahinang pag-amin niya bago nagkibit-balikat.

Ramdam ko ang kaba sa boses niya pero kalaunan ay lumaki ang ngiti niya kaya naman ay napangiti rin ako.

I stood straight, trying to aim the 10 pins at the end of the alley. I stepped 2 times before launching the ball. It hit 7 pins. That was close.

I look at her. Naabutan ko siyang nakatingin siya sa akin at nakangiti na para bang tuwang-tuwa.

"Sayang," may bahid na pagmamayabang sa boses niya. "Tatlo na lang sana."

Sinimangutan ko siya bago ngumiti. Halatang masaya siya na nalamangan niya ako.

Magkapartner kami ngayon, ibig sabihin ay salitan kami sa pagtira. May 6 na alleys kung saan pwedeng tumira, tatlong magkapartner ang pwedeng maglaro ng sabay-sabay.

Kinuntsaba ko si Lea na kami ang magpartner ni Gilliana Marie at pumayag naman siya. Wala nang nagawa si Gilliana nang maisulat ang pangalan naming dalawa.

"Awit. First time's luck lang pala yun Marie!" natatawang pang-asar ko nang ang sunod-sunod niyang tira ay puro gutter.

Narinig ko rin ang pang-aasar ng mga kaibigan niya sa kaniya na mas lalo niyang kinainis.

Napakadaling mapikon talaga! Buti sana kung cute siya kapag pikon, eh kaso hindi! Para siyang tigre, laging galit kapag naaasar.

"Manahimik ka dyan, ikaw babatuhin ko nito," mariing banta niya sa akin habang itinaas ang napakabigat na bola.

Halos magsalubong ang dalawang kilay niya sa pagkaasar. Ang buhok niyang kulay brown na ngayon ay hanggang balikat na lang ay halos sumabog sa kaniyang mukha. Pawis na pawis na rin siya. I can't help but to look at her face, she's simply showing her fierce face. Mas lalong nakapagpadagdag sa nakakatakot niyang ekspresyon ang morena niyang balat. Parang gusto niyang maintimidate lahat ng titingin sa kaniya.

Bahagya pa akong natawa dahil hirap na hirap na nga siyang buhatin ang bola dahil sa sobrang bigat nito pero nagawa niya pang mambanta na ihagis iyon sa akin?

Iba ka talaga Gilliana Marie! Wala kang katulad!

"Ano ka ngayon ha," natutuwang pang-aasar ko sa kaniya.

Sa tatlong tira niya ay wala siyang natamaan kahit isa. Nakabusangot tuloy ang mukha ngunit matalim pa rin niya akong tiningnan.

"Manahimik ka dyan, gago."

Natatawa akong pumwesto bago muling itira ang huli kong bola. Tatlong pins na lang ang nakatayo na dapat kong tamaan.

Kaso ay nabitawan ko ang bola kaya naman sa gutter ito napunta.

Agad kumunot ang noo ko, naghihinayang. Paglingon ko sa likod ay natatawa ang mga tropa ko. Pati na rin si Gilliana na tuwang-tuwa, akala mo ay siya ang nagwagi.

"Tangina, karma is bitch Lawrence Jake," malalim ngunit may diin niyang sabi.

She's showing her evil smirk, like she had won the game.

And maybe she did won me.

Pero tingnan natin ang total score mamaya Gilliana, paiyakin kita sa sobrang asar.

"Sinadya ko 'yun, baka kasi umiyak ka kapag mas mataas score ko sayo," mayabang kong sabi sa kaniya bago punasan ang pawis ko. "Alam ko namang mataas na score ko sayo, pero mas okay naman yung magkalapit lang score natin. Baka iyakan mo eh."

Nakita ko ang mabilis na pagkawala ng ngiti niya sa mukha. Akma pang lalapitan niya ako nang itaas ang kanang braso, nakahanda para sapakin ako. Huminto naman siya nang may sapat na pagitan sa aming dalawa para magkarinigan, parang nawala sa sarili kaya agad siyang umiling.

"Yabang mong animal ka," inis niyang sabi sa akin bago tumalikod.

Ako naman ang nailing dahil sa asal niya bago lumapit sa bag ko kung saan nakatayo ang tropa.

"Gago talaga 'to si Lawrence, paano ka sasagutin niyan kung lagi mong ginagalit?" seryosong tanong ni Mark sa akin, natatawa.

"Bakit? Di ko naman nililigawan yan," mahina kong sagot dahil baka marinig ng mga kaibigan ni Gilliana Marie.

"Hindi raw pero pinilit na sa class na 'to mag-enroll kasi nandito si Gilliana, ulol mo pre," natatawang singit ni Carlo saka umiling-iling,

"Sobrang denial ni Lawrence, pati siya di niya maintindihan sarili niya," seryosong sabi ni Miguel bago tumayo, siya na at si Joshua ang susunod na maglalaro.

Natahimik ako mula sa narinig kay Miguel. I looked at Gilliana Marie's side as she talks with her other blockmates.

She's not my type. Mas gusto ko yung mga babaeng sweet at mahinhin, hindi yung akala mo ay laging nakikipag-away.

I do cuss, but girls that curse most of the time are out of my type. And Gilliana is that kind of girl.

Siya yung babaeng tingnan mo pa lang, tataasan ka na ng kilay at matalim na ang mga mata. Magsasalita ka pa lang, babarahin o mumurahin ka na agad. Susubukan mo pa lang kaibiganin, kaaway ka na niya agad.

Kaya saan ako lulugar? Nakakatakot siyang seryosohin.

"It's up to you 'Rence. Alamin mo muna yung feelings mo, kung trip mo lang ba siya asarin o trip mo nang jowain," seryosong saad ni Carlo saka ako binigyan ng dalawang tapik sa balikat.

Pota, ang hirap naman nito!

Pero agad akong napatingin kay Carlo dahil sa sinabi niya. Mukhang malalim eh, mukhang may pinanghuhugutan?! Kung makapagpayo ay akala mo naman talaga nagseryoso sa isang relasyon!

Isang malaking scam si gago!

"Gago, may 'di ka ba sinasabi sa amin Carlo?" nagtataka kong tanong sa kaniya.

Kumunot ang noo niya bago naging seryoso.

"Pinagsasabi mo?" sagot niya at agad umiwas ng tingin sa akin.

Kinuha niya ang cellphone sa bag at doon tumingin, halatang ayaw pag-usapan.

I looked at him a little longer before looking at the girl who just walked in front of me.

Pumunta siya sa lamesa sa likod kung saan naroon ang mga bag namin. She took her tumbler and drank from it. Naabutan niya akong nakatingin sa kaniya kaya agad akong umiwas.

Unti-unti kong naramdaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Para akong kinakabahan dahil lang nahuli niya akong nakatingin sa kaniya! I tilted my head to the side so I would relax. I don't want her to see that I'm affected!

But I am.

"65-40!" sigaw ko nang makita ang score naming dalawa ni Gilliana. "Galingan mo naman next time, Marie!"

Natatawa akong tumingin sa kaniya at agad kong naramdaman ang hampas niya sa braso ko. Hinawakan ko ang kanang braso kung saan niya ako hinampas.

Medyo masakit 'yon ah!

Binaba ko ang pagkakahawak ko sa braso ko nang makita ang inis na inis na tingin niya sa akin. She's even showing her sarcastic smile.

"Masyado mo naman akong niyayabangan niyan, eh unang laro pa lang naman."

"Isa lang patunay yan na mas magaling ako sa'yo," natatawang asar ko bago lumapit para kunin ang bag ko.

"Bilis, Lawrence! 'Pag tayo nalate, tatamaan ka sa akin," banta ni Joshua sa akin at itinaas ang kamao.

Handa na silang umalis matapos magbayad para sa session na ito ng bowling. Kaya nagmamadali kong inayos ang bag nang may naramdaman ko ang kung sino man na paglapit sa bandang gilid ko. Bahagya akong napaatras ng makita ang isang maliit na Gilliana, inaayos rin ang bag sa tabi ko.

"Oh? Takot na takot ka sa akin ah, tama yan. Matakot ka sa master mo," mayabang niyang sabi, tumataas pa ang gilid ng labi halatang pinipigilan ang pagngiti.

Bumuntong hininga ako saka isinukbit ang bag sa balikat.

"Hindi, akala ko tyanak. Ang liit mo kasi," mahinahon kong sagot.

Nakita ko ang pagbabago ng timpla ng mukha niya kaya agad akong lumayo ng kaonti.

"Galingan mo next time Gilliana Marie ha, tsaka agahan mo naman. Huwag ka rin maliligaw, kung saan-saang KOC ka kasi pumapasok," natatawa kong sabi bago tuluyang tumalikod sa kaniya.

"Gago ka!" mahinang sigaw niya at dali-saling tinakpan ang bibig dahil sa pagsigaw ng mura.

I even heard her snort as I walk away from her. Natatawa pa akong naglalakad palabas ng Bowling Center.

Nasa Knights of Columbus tayo tapos sinigaw niya ang mura niya? Ang babaeng ito talaga. Tsk.

Mainis ka lang Gilliana Marie, at iinisin pa kita lalo hanggang sa malaman ko kung ano ka nga ba sa buhay ko.

Continue Reading

You'll Also Like

1.1K 85 11
THIS STORY ENTITLED "Sabi Ko Na Mahal Mo Rin Ako" IS AN ADAPTED LITERATURE. ⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯ Tommy, a former military, and Imee Ferrer, the...
1.2M 53.7K 69
(COMPLETED) After enrolling on her new school, Rue thought that her life would be peaceful unlike with her old school. She loves figthing back then b...
1.4M 56.2K 74
UNEDITED Only Girl Series #2 Isang Babae ang papasok sa isang magulo, basag ulo, maingay ngunit mga guwapong nilalang. Sa kaniyangg pamamalagi sa Se...
2.7K 83 7
book titles, list of characters, family tree, birthdays, etc.