Her Wicked Battles

By ImperfectionWoman

45.6K 1.8K 127

ENCOUNTER SEASON #1 Garelle Kane Landers has an insensitive/numb heart and lifeless eyes. She has no friends... More

Note
SYNOPSIS
BEFORE IT STARTS
HWB 01
HWB 02
HWB 03
HWB 04
HWB 05
HWB 07
HWB 08
HWB 09
HWB 10
HWB 11
HWB 12
HWB 13
HWB 14
HWB 15
COG Announcement
HWB 16
HWB 17
HWB 18
HWB 19
HWB 20
HWB 21
HWB 22
HWB 23
HWB 24
HWB 25
HWB 26
HWB 27
HWB 28
HWB 29
HWB 30
AU Announcement
HWB 31
HWB 32
HWB 33
HWB 34
HWB 35
HWB 36
HWB 37
UR ANNOUNCEMENT
HWB 38
HWB 39
HWB 40
HWB 41
HWB 42
HWB 43
HWB 44
HWB 45
HWB 46
BOT ANNOUNCEMENT
HWB 47
EPILOGUE
MESSAGE
ES #2
New Story

HWB 06

1K 63 0
By ImperfectionWoman

"Ate! Please help me! Ate!"

Inikot ko ang paningin sa paligid nang makamulat. Binabalot ng makapal na usok at ingay ng apoy ang lahat. Nang iginalaw ko katawan ay  napaiyak ako sa sakit dahil sa malaking batong nakadagan sa dalawang binti ko

"Ate!" Dumaogdong ang boses na iyon sa buong paligid. Napalinga-linga ako at nagbabaka sakaling makita ang taong sumisigaw.

"T-tulong! Tulungan niyo kami!" Nanginginig ang boses kong sigaw.

"Ate Kane!"

"Gaki! Gaki where are you?" Sigaw ko pabalik at inabot ang makapal at malaking bato para itulak. "Tulong! Tulungan niyo kami!" Umiiyak kong sigaw muli at pilit na tinutulak ang bato.

"Ate.."

"Gaki.."

Binalot ng makapal na usok ang kinaruruonan namin pagkatapos marinig ang malakas na pagsabog. Nakarinig pa ako ng iilang umubo mula sa harapan at pagtili ng mga kasamahan.

"Wala na! Wala na tara na!" Boses iyon ni Jobo na sinundan ng takbo.

May humila sa akin kaya nadala ako sa pagtakbo at napatingin sa babae. Inuubo at pilit na inaangat ang ulo para tignan ang dinadaanan. Nang makalabas mula sa loob 'saka ko lang napansin ang malaking wasak ng lupa na iniiwasan ng mga kasama ko. Hinila ko papunta sa akin ang nakahawak para maiwasan ang pagkakahulog sa lupang nasira dahil bigla siyang yumuko at kinakalikot ang matang napuwing ng usok.

Ibinalik ko ang tingin sa harapan at mas binilisan ang takbo dahil nahihiwalay na sa akin ang prinsipe kasama ang kanyang pinsan. Sa pagtakbo ay may kasabayan kaming taga-Eaglus at katulad nila ay napapatingin sa amin at pilit na tumatakbo.

Suminghap ako ng hangin at tumulak papunta sa gilid ng babae ang direksyon para iwasan ang  paparating na malaking putik sa direksyon namin. Nakaiwas man pero nagkaroon ng mansya ang isa kong bagahe.

"We are almost there!" Sigaw ng prinsipe mula sa kaliwang bahagi habang kami ay nasa kanan na.

Sinubukan ko ulit makipag-palitan ng puwesto pero may nakakasabayan ako na dahilan para maharangan ang paglipat ko. Napapasulyap din sa kasamang hindi na makaimik at determinadong tumakbo at makapasok sa pangalawang pader.

Ulit. Nakarinig kami ng tili mula sa Wolfus dahil sa dami ng paparating na putik sa kanila. Nakarinig ako ng gigil na singhal nang mauna ang taga-Bearus sa pagpasok sa tarangkahan at nang sumunod kami ay tumigil ulit para maglakad at kumuha ng hangin dahil sa pagkakaubos. Humigpit ang kapit ng babae kaya ginalaw ko ang braso para sabihing naiipitan ako. Mabuti na lang at naintindihan niya't niluwagan.

"Okay ka lang?" Hingal kong tanong habang naglalakad sa dilim.

"O-oo."

Nakaramdam ako ng bigat sa puso pero mabilis iyong nawala at napalitan ng kirot at panlalamig. Binilisan ko ang lakad higit-higit ang babae para makalinya sa prinsipe. Nang makalabas ay bumungad ang malawak na lawa at maliit na bridge sa gitna. Tatlong tao lang magkakasiya doon kaya kahit gustong makasabay ang prinsipe ay pinauna ko ang lahat.

"Magpapahuli ulit tayo?" Tanong ng katabi nang mapagtantong hindi ako naglakad at pinagmasdan ang nag uunahang kababayan.

"Ayoko makipagsiksikan" Sagot ko na lamang at hindi na sinabi ang totoong rason.

Napalingon ako sa magkabilaang grupo, hindi katulad namin ay nagmamadali, sila ay nagsisiksikan lalo na ang grupo ng Eaglus. Ang grupo ng Wolfus ay kalmado pero may pagmamadali. Ang Bearus ay dala-dalawang sabay pero mabilis na tumatakbo.

Nang mapansing kong kami na lang dalawa ang natitira ay hinila ko na ang kasama at lakad-takbong pumasok sa tulay. Nahuhuli na kami dahil bigla na lang tumakbo ang mga kasamahan pero hindi ko na kinakaya ang hingal, gutom, at pagod na nararamdaman. Lakad-takbo na lang ang nagagawa naming dalawa pero hindi pa ako nakakarinig ng reklamo.

"G-gusto mo tubig?" Lingong sabi sa akin ng kasama. Umiling ako habang nakatuon parin ang mga mata sa harapan.

"Hindi na, maraming salamat."

Alam kong hindi pa natatapos ang paghihirap ng lahat. Sa papadilim na gabi, sa malamig na hangin na dumadampi sa aming mga balat, sa ingay, hingal, sama-samang pagod, gutom at uhaw, may iilang napapahinto dahil sa nararamdaman at pilit na lumalaban sa unang pagsubok na ibinigay. Sa dulo ng tulay ay madamong lupa. Wala ng putik pero halata mo ang pagkakabasa dahil sa tabing lawa. Nang lingunin ko ang lawa ay kuminang ito dahil sa buwang nagpapakita.

Napansin kong bumabagal na ang lahat pero hindi pa d=rin nagpapatalo ang taga-Bearus. Ramdam ko ang pagod ng lahat pero determinadong mauna sa lugar na pinagsabihan.

Malalim ang bawat paghinga ng kasama ko, pilit na pinapakalma ang sarili sa hindi ko malamang dahilan. Nakayuko na siya pero pilit na kumakapit sa braso ko. Nakaramdam ulit ako ng panlalamig.

Kahit gusto ko na huminto ay napag desisyonan kong maglakad ng mabilis para mapunta sa harapan ng lahat. Ituturo ang pinaka malapit na daanan. Maraming napapatingin sa aming dalawa dahil sa biglaang pagsulpot.

"Kung gusto n'yo mauna, sumama kayo sa akin." Pilit ang sigaw ko iyon, katamtaman lang para marinig ng grupo.

"Sinong maniniwala sayo? Lahat tayo bago dito!" Sagot ng kung sino mula sa likuran.

Hindi ako lumingon at ramdam ko ang titig ng babaeng katabi. Napabuntong hininga ako at hindi na nagpumilit pa. 'Saka lang ako lumingon para hanapin ang prinsipe at pinuntahan siya. Nang hilahin ko ang braso niya ay nakita ko ang pagkagulat niya.

"Hey! Where are we going Garelle?"

Hindi ko siya sinagot habang hila-hila silang dalawa. Naglakad kami pakaliwa, iyong papunta sa Bearus na naglalakad-takbo papunta sa malayong tarangkahan.

Napahinto ako nang mawala sa pagkakahawak ko ang prinsipe. Imbes na siya ang makita ko sa paglingon ay si Arao ang nakita ko. Salubong ang kilay at inis ang tingin sa akin habang nasa likod niya ang prinsipe. 

"Saan mo binabalak dalhin ang prinsipe?"

"Sa malapit na pasukan." Madaling sabi ko t sinulyap ang mga kasamang naglalakad-takbo na.

"Wala kang alam!" Sigaw niya na kinagulat ng katabi ko.

"Wala ka ring alam sa alam ko." Kalmado pero malumay kong sagot.

"Hindi siya sasama sayo!" Giit niya.

"Sasama siya pero ikaw hindi!"

"Shut up, Arao. Let us know if she's telling the truth." Pagsasalita ni Bryne habang nakangiti at nakatingin sa akin. "Lead the way."

Mabuti at nakinig naman pala ito.

Tinanguan ko ang prinsipe at tumalikod bago tumakbo papunta sa direksyon ng Bearus. Malapit na sila sa taranghakan pero hindi iyon ang papasukan namin kundi sa pinaka gilid nila, ang maliit na tarangkahan pero kakasya kung yuyuko kami.

Alam kong napapansin na nila iyon pero hindi sinubukang puntahan dahil para sa kanila ay delikado.

"Are you sure of this, Bryne? Baka niloloko lang talaga tayo ng mahirap na 'yan!" Rinig kong pagbubunganga ni Arao.

Masyadong maingay ang isang 'to. Nakakarindi sa tenga.

"Then if she is, kill her." Walang-alinlangang sabi ng prinsepe.

Napalingon ako sa katabi ko ng humigpit ang kapit nito. "Please be honest, I don't want them to kill you."

Tumusok ang malamig na karayom kaya mas naging manhid ang puso ko. Hindi ako nakasagot sa sinabi niya dahil sa biglaang naramdaman.

Nakapasok na ang taga-Bearus at sumarado na ang tarangkahan. Mas binilisan ko ang takbo na ikinasunod nang nasa likod at huminto nang na sa harapan na kami. Una kong pinapasok ang kasamang babae at sumunod naman siya.

"I will kill you talaga kapag mali 'tong way!" Rinig kong sabi ulit ni Arao. 

Tinapunan ko lang siya ng tingin at sumunod na pumasok sa loob. Madalim na naman ang loob at tanging yapak at malalim na hinga lang namin ang naririnig. 

"May likuan!" Masayang sambit ng babae.

"Liko na, bilis!" Tanging nasabi ko bago siya sumunod at binilisan ang lakad.

Pagkalabas at pag-angat ng ulo ay bumungad ang malawak na field. Sinalubong din kami ng malamig na hangin. Sa bawat gilid ng field ay may mga lamppost na may tatlong ilaw. Napalingon kami sa likod ng sumarado ang tarangkahan.

"Where are we?" Rinig kong tanong ng prinsipe.

Hindi na ako nagbalak sumagot at sinenyasan silang sumunod na lang sa akin. Tumakbo kami papuntang kanan kung nasaan ang labasan ng field at nagpakita naman ang malawak na daanan. Napatigil ako na kinatigil din nila. Inikot ko ang paningin habang hinahalukay ang utak.

"Gakane!" Iritang tawag ni Arao.

Naglakad ako at hindi pinansin ang tawag. Lumingon-lingon ako sa bawat direksyong gusto tahakin ng apat na daanan. Bago pa ulit makapag salita ang isa sa kanila ay inunahan ko na.

"Shut up, wala na tayo sa kaharian ninyo para utos-utosan ako." Malamig kong sabi sa maharlikang babae. "Kung hindi ka sang-ayon dapat hindi ka na sumama!"

"Edi dalhin mo na kami sa auditoryum!" Singhal niya, ayaw patalo.

Huminga ako ng malalim bago pumunta sa pang-apat na daanan patungo sa auditorium. "Paano mo masasabing ito ang daanan?" Tanong ng babaeng kasama.

"Hindi ko alam." Sagot ko dahil walang balak sagutin ng totoo.

"See? Ipapahamak mo lang ang grupo!" Rinig kong sigaw ni Arao.

"You are nosy, cousin!" Inis na sigaw din ni Bryne na kinatahimik nito. Narinig ko pa ang mabigat na singhal. "Okay, calm down."

"Bakit hindi na lang tayo tumakbo?" Tanong ulit ng babaeng katabi.

"Mauuna tayo kung tatakbohin natin." Nakatingalang sagot ko habang naglalakad.

"Paano mo nasabing mauuna tayo?" Tanong din ng prinsepe.

"Hindi ko alam."

Narinig ko ang buntong hininga nila, alam kong nagpipigil mainis dahil sa hindi pagsagot ng maayos.

"Anong pangalan mo?" Tanong ko sa katabi bago lingunin. Napatingin din siya sa akin bago ngumiti.

"Misty. I'm Misty Salvador."

"Garelle Kane, sa likod natin ay ang dalawang royal blood."

"I know Prince Bryne."

"Aurum Rao." Sagot ni Arao kahit hindi tinatanong.

"Magandang gabi sa dalawang pinaka mataas na angkan ng Snakus Kingdom." Paglingong bati ni Misty.

Hindi sumagot ang dalawa kaya natahimik ang katabi, naramdaman ko pa ang pagpisil nito sa braso ko para sabihing napahiya siya sa inasal ng dalawa.

Napalingon kaming lahat sa kanan ng marinig ang maraming yabag sa kalayuan. "Malapit na sila, unahan na natin." Sabi ko at hinila ang babae para makatakbo na.

Sa kalayuan ay isang malaking gusali at dahil gabi ay hindi mailarawan iyon. Nakabukas ang malaking pintuan kaya kahit malayo ay kita namin ang malinaw sa loob ng gusali. Pansin kong ito lang din ang bukas bukod pa sa iba pang gusali na nabasa ko sa libro. Halatang pinagbibigay alam na iyon lang dapat ang pasukan at wala na.

Napalingon ako sa biglaang pagbilis ng takbo ng dalawang maharlika at kahit mabigat ang dala ay nakakayanan nilang tumakbo ng mabilis. Nasa unahan na namin sila habang ang mga mata ay nasa likod pero natuon din sa harapan.

Lumingon si Misty sa likod at pinisil ang braso. "May iilang tao na sa likod natin." Sabi niya.

Binilisan namin ang takbo hanggang makapasok sa auditoryum. Biglang huminto si Bryne kaya naapakan ko ang paa niya at bumagsak kasama si Misty nang mahila ito. Tumunog din ang kampana pero hindi na ganoon kalakas. Hingal na hingal akong umupo kasama si Misty. Inayos namin ang bagahe at tumayo. Gusto ko sana pagsabihan ang dalawang maharlika dahil parang natutuwa pa sila sa nangyari naming pagbagsak.

Pumasok ang tatlong tao at hingal na hingal na napahawak sa dalawang tuhod. Kasunod nun ang sunod-sunod na pagpasok ng lahat. Naitaas ang aming paningin kami nang lumabas ang hologram kasama ang paglitaw ng apat na bandila. Nagkaroon din ng apat na linya sa sahig at  sinundan ng lumulutang na bandila. Doon siguro ipapapila ang bawat grupo.

Pumunta kami sa pang-apat na linya, katabi ng taga-Eaglus. Nangunguna sa lahat ng kasamahan. Napatingin ako kay Misty ng ibagsak niya ang bagahe at kinuha ang akin para ibaba rin. 

"Thank you, Garelle." Senseridad niyang sabi at ngumiti.

Noong una ay hindi ko naintindihan para saan ang pasasalamat niya pero kalauna'y tumango ako't yumuko. Naramdaman ko ang dibdib na gumaan.

Masaya ba puso?

Tanong sa isipan na umaasang sasagutin. Sana, sana. Sana bukod sa pagkirot, panlalamig, pagbigat at pamamanhid, makaramdam ako ng paggaan, pagtibok, at emosyon na kahit kailan gusto ko maramdaman.

Napaangat ang tingin ko ng may maglakad papaharap sa malaki at mataas na entablado. Ang Headmaster. Katulad kanina ay nakamaskara ito at nasa likod ang dalawang kamay.

"Ha-ha, Welcome to Mastery Academy!" Pag-uulit.

Nag-ipon ako ng laway bago ito lunokin. Nanunuyot na ang lalamunang kanina pa uhaw sa tubig at tyan na gutom sa pagkain.

"Congratulations to our first group, Snakusnians!" Anunsyo nito at lumabas sa malaking hologram ang bandila namin.

Nagulat ang kasamahan ko pero kalauna'y nag-ingay rin, tuwang-tuwa namang nagtatalon si Misty na akala mo ay walang prinoblema kanina. 

"Thank you! Thank you, Garelle!"

"The second winner is Wolfusnians!"

Hindi katulad namin ay mahina ang pag-iingay nila. Talagang tahimik na grupo pagpasok pa lang.

"The third winner is..."

Nanlamig ang puso ko at narinig ang singhapan ng lahat. Hindi inaasahan ang nalaman.

"Eaglusnians and the last is Bearusnians!"

Narinig ko ang bulong-bulongan ng kasamahan ko habang lahat kami ay nakatingin sa grupo ng Bearus na tahimik pero salubong ang mga kilay.

"Anong nangyari sa grupo ng mataas na kaharian?" Bulong ni Misty sa akin at hindi makapaniwalang nakatingn sa grupo nila.

Hindi ko alam. Hindi naman sa lahat ng sitwasyon ay mananalo sila.

"The first group will receive a better stay and the last group will receive two options; will you be a dishwasher for today night or be a cleaner for tomorrow?"

"What do you mean?" Sigaw ng kung sino mula sa grupo nila.

"Ha-ha! Mastery Academy doesn't have many workers or children. It's you and your group who will clean the houses or plates or anything in every part or thing of the academy. You and your group must be responsible and have discipline before and after the battles. Complaints and wreckers will receive a punishment." Seryoso at malalim na boses na sagot ng Headmaster.

Natahimik ang lahat sa narinig, nagulat sa sinabi ng taong nasa harapan. Napasinghap ng malakas ang dalawang maharlika sa narinig, hindi makapaniwala sa sinabi.

"Oh my ghad." Rinig kong bulong ni Arao habang ang mga mata ay masama ang tingin sa Headmaster.

"So, what will you choose, Bearusnians?" Tanong muli ni Headmaster. Tunog pang-aasar.

Ilang minuto nang may sumagot sa tanong ay wala ng pag-iingay na sumagot dahil sa takot na masabihan ng parusa galing sa Headmaster.

"You all can eat your dinner now in the cafeteria, it's near here. Have a good night and see you all again tomorrow." Huling pasabi bago mawala katulad kanina.

Napalingon ang lahat sa kaliwang bahagi ng oditoryum ng bumukas ang malaking pintuan. At dahil malapit ang taga-Bearusnians ay nauna silang maglakad patungo roon kasunod ang Wolfus.

"Grabe, hindi ko inaasahang tayo ang mangunguna." Rinig kong pag-iingay sa likod namin.

"Ang alam ko ay huli tayong lahat, paano nangyari iyon?"

"Ang galing! Wala tayong gagawin kundi kumain pagkatapos ay umuwi para humiga sa malambot na kama!"

"Ang swerte natin ngayon!"

"The best group!"

"Gakane, thanks."

Mabilis lang iyong pagkakasabi ni Aurum at agad iniwas ang paningin. Si Bryne naman ay ngumiti at tumango bilang pagsang-ayon. 

"We are thankful for having you here."

Tinanguan ko siya bilang sagot. Kinalabit naman ako ng katabi at ngumiti sa akin.

"Sabi na, nasa tamang kapit ako hahaha!" 

____________________________________________________________________________

Continue Reading

You'll Also Like

6.4K 608 55
Genre: Fantasy Language: Tagalog-English Date Started: August 2020 Ended: April 2021 ** "Home is behind the world ahead And there are many paths to t...
129K 6.4K 53
Andrea Castillo is an orphan who loves to cuss. Everyday is a cussing day for her and she loves it whenever she see how people's faces contorted upon...
14.4K 1.4K 79
The woman with the highest walls, have deepest love.
27K 1.9K 53
COMPLETED | Being born and abandoned by her parents in the slums, Eris Hecate grew up as a well-known assassin of the empire who never dreamed of bei...