One Night Misery (Misery Seri...

By _lollybae_

3.2M 76.1K 14K

Elysha Yvonhale Vicencio never experienced luck in her life. Hindi niya kailanman nakilala ang ama. Nawala sa... More

One Night Misery
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Wakas

Kabanata 22

88.5K 2.1K 498
By _lollybae_

Kabanata 22:
Wife

"Can we talk Ely?" sumeryoso na ang mga mata ni Trent ngayon pero bahagya pa rin siyang hindi nakakabawi sa rebelasyong narinig. I swallowed hard as Karson brows furrowed and look at me.

Tumango ako kay Trent at nakita kong nakahinga siya ng maluwag.

"S-Sige." sagot ko at nauna siyang tumalikod sa akin at sumunod ako patungo sa likod ng sasakyan ni Karson.

"Siya ang ama ni Lyle?" agad niyang tanong sa akin nang magharap kami at tumango ako kahit nanginginig pa ang labi ko. Napasinghap siya na para bang hindi pa narinig ang sagot mula mismo kay Karson kanina. Ngayong kinompirma ay para bang hindi niya magawang maniwala. Napahilamos siya sa mukha. I don't know why Trent look suddenly this frustrated.

"Ilang taon siyang nawala, Ely. Tapos tatanggapin mo agad siya at hahayaan kay Karlaisle ng ganoong kadali?" sabi ni Trent. Mukhang galit pa at saglit na kumunot ang noo ko. Huminga ako ng malalim. Alam kong concern lang siya sa amin. After all he witness my hardship when I'm alone in taking care of Lyle. 

"Hindi ko naman siya tinanggap agad agad sa amin Trent. Actually tumakbo pa ako palayo sa kanya dahil natatakot ako na baka masaktan si Lyle kapag hindi siya magawang matanggap ng Papa niya. But I was wrong Trent and Lyle's wanting his father so bad for years. Ayokong madaliin ang lahat pero ayokong ipagkait sa anak ko kung ano ang karapatan niya."

"Naiintindihan kong kailangan ni Lyle ng ama. Pero may karapatan pa ba iyang lalaking iyan pagkatapos ng lahat? Anim na taon na wala sa tabi mo tapos narito na parang walang nangyari?" huminga ako sa mga hinaing ni Trent.

"He didn't know about Lyle. I didn't tell him. He's clueless about his son." sagot ko at nakita kong umawang ang labi niya. Bakas na bakas ang gulat sa siniwalat ko.

"H-Ha?"

"For the six years I'm alone, he's not with us because he didn't even know he has already a son."

"H-Hindi niya alam?" suminghap siya. Namimilog ang mga mata at tumango muli ako.

"May kasalanan din ako sa nangyari na hindi ko sinabi sa kanya. Kaya iyong apat na taon na mag-isa ako wala akong sinisising kahit sino. Iyon ang kagustuhan ko at desisyon ko. Kaya ngayon lang sila nagkasamang mag-ama." sabi ko at nalaglag muli ang panga niya. Nag-iwas siya ng tingin sa akin at umayos ng tayo.

Mukhang marami siyang gustong sabihin sa akin noong una pero nang masabi kong hindi alam ni Karson na may anak siya parang naglaho lahat ng gustong sabihin ni Trent at ngayon ay nangangapa siya.

"Kung ganoon sasama k-ka sa kanya para kay Lyle?" bahagya akong nagulat sa tanong ni Trent. May kung anong dumaan sa mga mata niyang pamilyar na pamilyar na emosyon sa akin.

"A-Anong ibig sabihin mong sasama? Gusto niyang dito muna kasama kami ni Lyle at wala akong ideya kung kailan siya babalik ng Maynila."

"I don't want you to get me wrong, Ely but that man is rich. He has power, authority, and connections because of his money. What if he get Lyle from you. Wala kang laban sa korte sa pera at yaman niya." naisip rin ito ni Henessy para sa akin at noong marinig ko iyon ay aaminin kong natakot ako kaya tumakbo ako papalayo.

Pero pagkatapos ng lahat ng nakita ko at narinig ang sinserong salita na hindi gagawin iyon ni Karson, and hearing this statement again from Trent offended me. Wala pa akong lubos na tiwala kay Karson pero sigurado akong hindi niya kukuhanin sa akin ang anak ko.

"Hindi siya ganoon, Trent. I also thought about it and I feel bad for judging him. Hindi niya aagawin sa akin si Lyle. Hindi rin naman ako iiwan ng anak ko."

"He can brainwash Lyle's mind Ely. Tignan mo at mukhang malapit na agad." hindi ko alam kung bakit biglang nagngingitngit ang ngipin ko.

"Malapit sila dahil pareho silang nangulila sa isa't-isa, Trent." mariin kong sinabi and he look taken aback from my tone. Agad naman akong napahinto at lumambot ang mga mata.

"I'm sorry. I know your concern on us. You're one of the person who help me through those six years and I'm so thankful to you. But trust me, nothing bad will happen to us." sinubukan kong ngumiti pero mukhang matindi pa rin ang tama sa akin ng sinabi niya kaya agad iyong nawala.

"Pasensiya na. Nag-aalala ako sa inyong dalawa lalo na na mukhang si Lyle lang ang habol niyan rito. Lyle's seems expecting a complete family. He'll hurt if---"

"He won't because I'll give him a complete family." sabay kaming napalingon ni Trent sa biglaang boses na namagitan sa usapan namin. Napatalon ako sa gulat at napasapo sa dibdib. Nanlaki ang mata ko ng makita ang madilim na mga mata ni Karson at matalim ang tingin kay Trent.

Trent look at him too and Karson put his one hand inside his pocket cockily. Gulat pa ako na lumapit siya para pumagitna sa usapan namin.

"Really? You'll give him a complete family? How?" hamon ni Trent at napasinghap ako sa sinabi niya kay Karson. Tumingin naman sa kanya ito ng diretso.

"Don't act dumb, man. Of course I'll compromised in everything happened and after that I'll ask Ely to marry me."

"You can't fool Ely like your past girls, dude. She's smart and she won't settled in just anyone for his son."

"I know and I won't marry her because of our son. I'll make her fall in love with me then we'll settled." parang muli akong tinakasan ng kaluluwa dahil sa sinabi na iyon ni Karson. I stunned as my jaw dropped again. He look at me with intensity in his eyes. He look so confident on what he said.

Trent look pissed from Karson words.

"Do you think Ely will fall for you?"

"Hinahamon mo ba ako?"

"Karson! Trent!" pumagitna na ako ng nahanap ang tinig dahil tumitindi ang tensiyon sa pagitan nila.

"Mama! Papa! C'mon." tawag ni Lyle mula sa sasakyan at napalunok ako. Ngumisi si Karson at rumiin ang mga mata ni Trent.

"Alis na kami. Tinatawag na kami ng anak namin." Karson said before he wrap his hand in my waist and pulled me closer to him and we walk towards the car. Parang nawalan na rin ako ng kontrol sa puso at sistema ko. Nanghihina at sumusuko na parang alipin sa mga hawak niya.

Habol ko ang hininga nang makasakay kami sa loob ng sasakyan. When I sit in the passenger seat, I watch Karson walk towards the driver seat. I look at the rearview mirror and I see Trent looking so pissed. Bumukas ang pintuan at binawi ko ang tingin sa rearview mirror at nagtama ang mata namin ni Karson.

His jaw clenched and I was about to shifted on my seat when he leaned closer, my eyes widen. Akala ko kung ano na ang gagawin niya nang huminto ang buong katawan ko ng ayusin niya ang seatbelt ko.

"Nakausap mo lang iyong lalaki na iyon, nawala ka na sa sarili mo." marahas akong napasinghap sa sinabi niya. Kung alam niya lang na siya ang dahilan at hindi si Trent kung bakit nawawala ako sa sarili ko ngayon at hindi makapag-isip ng diretso.

He's frowning and there's a hidden scowl in his face. Nang matapos niyang gawin iyon ay saka ko pa naramdaman ang paghinga. He look mad on something.

"Are you okay, Papa?" hindi agad sumagot si Karson sa tanong ni Lyle. Pinaandar muna niya ang makina. Mukha siyang badtrip at wala sa mood bigla. Kaya pinapakalma ang sarili.

"I'm okay Lyle. We're going." seryoso niyang saad sa anak at sinubukang pasiglahin ang boses pero nabigo siya. He's scowling while driving and I become nervous. Hindi ko alam kung bakit pero ang mga mata ko ay nasa kalsada na lang habang kinakausap ang anak.

Mas gusto ko pa sa backseat kasama si Lyle kaysa rito at katabi siya. Pinagpapawisan ako ng malamig sa dilim ng mga mata niya at puno ng intensidad. He's jaw clenched and I was silent when he park the car in the mall. Bago niya pa magawa ay ako na ang nagtanggal sa seatbelt ko bago pa muli ako mawala sa ulirat dahil sa lapit ng distansiya niya.

Kaya bumaba siya para tanggalin ang seatbelt ni Lyle. While he's doing it I open the door in my side. Muntik na akong madapa sa paglabas dahil sa pagbaling niya gamit ang matalim na mata. When he carried Lyle he click the keyfob to lock his car. Tumikhim ako para walain ang panunuyo ng lalamunan.

Nauna siyang maglakad kaya sumunod na ako. We went to a grocery store. Ako na ang kumuha ng cart since buhat buhat niya si Lyle. I already holding the list of the stocks I need to buy. Dumiretso ako roon sa milk store dahil iyon talaga ang lagi kong inuunang puntahan lagi.

Sinundan naman ako ni Karson at tahimik lang ako habang nag-uusap silang mag-ama. May brand na akong pangkaraniwang binibili para sa milk ni Lyle kaya diretso na ang lagay ko sa cart. Kumuha na rin ako ng mga coffee roon para sa kanya. I check the label and I simpy glance at him.

He put Lyle in the small seat in the cart. Nagpaubaya naman ang anak ko at umupo roon habang pinapanood ang Papa niya. Karson get a cartoon of milk and check the labels in the back.

I pursed my lips as I watch him seriously and with still a bit scowl in his face reading the label. The side of my lips curl up a bit. I never imagine him in that view looking for a kid's milk. Watching him makes my heart flutter. Natigil lang ako ng tumaas ang kilay niya nang mapansin ang tingin ko.

I immediately look away with my cheeks flushing. Nagkunwari akong tumitingin pa sa ibang produkto roon. I can see him in my peripheral vision tilting his head cockily as he wait for my moves. I muttered a low curse and turn my back on him. Pushing the cart even I don't have reason to do that.

Hinabol niya ako at nilagay ang dalawang karton ng gatas. His lips twitched.

"Ako na ang magtutulak." aniya at parang may sumundot sa puso ko. Tumango ako at pinaubaya sa kanya ang dating puwesto. Hindi makakawala sa paningin ko ang ilang pagbale ng leeg ng mga babae para tumingin sa direksiyon namin at ang hagikhikan nila habang pasimpleng sumusulyap kay Karson. Napaismid ako.

"Papa I want biscuits!" si Lyle at mabilis a nagsiasiman ang mga mukha ng babae. I smiled mentally. Pumunta kami sa biscuits area at kinuha ko iyong mga sagana sa nutrients na biscuit. Ayoko ng masiyadong matamis kay Lyle at baka masira pa ang ngipin niya.

Mabuti na lang at nasanay siyang hindi kumakain ng matamis palagi.

"Do you want chocolates?" agad akong napalingon kay Karson nang itanong iyon kay Lyle. Lyle turned at me and he flinched a bit when he see me already looking at them. Alam na agad ng anak ko na lilimitahan ko siya sa pagkain ng matatamis.

Ayos lang naman na bilhan siya pero kung titignan ko si Karson parang bibili siya ng marami para sa anak. I can understand that he want to compromise for those years that he's not with Lyle. But I don't want Lyle to be spoiled by his father. Umangat din ang tingin ni Karson sa akin. Lyle pursed his slip and avoided my eyes.

"K-Kaunti lang Papa."

"Bakit ayaw ba ni Mama?" hindi ko alam kung para kay Lyle ba o sa akin ang tanong dahil nakatingin siya sa akin. Mas lalong ngumuso ang anak ko. Mukhang nagugustuhan ang sinabi ng ama.

"Bawal siyang kumain ng maraming matamis. Inaalagaan ko ang ngipin niya." sagot ko ng maglagay ng ilang biscuits roon sa cart.

"Puwede namang magtoothbrush pagkatapos kumain ng marami para hindi pa rin masira ang ngipin." mahinang sabi niya at tumaas ang kilay ko. Well, Karson I still believe prevention is better than cure.

"Kapag sumakit ang ngipin niyan---"

"Kuha na tayo ng dalawang bar ng chocolate. Dalawa lang huh at bawal ang marami." pagsuko niya agad at hindi na ako hinayaang magsalita. Nawala ang pagnguso ni Lyle at kumunot ang noo sa Papa niya.

"You're surrendering easily, Papa." puna ng anak ko at kumibot ang labi ko roon.

"It's better so Mama can easily fall too." mabilis namang nagbago ang nararamdaman ko ngayon. Napasinghap ako at nanlaki ang mga mata. Lyle chuckled and his father joined him. Nag-init ang pisngi ko dahil nagkaisa silang dalawa. I just shook my head and turn to other section. Narinig ko ang pagtulak ni Karson na tumatawa.

Nagtungo na kami sa meat section nang mabili na ang ilang nauna sa listahan. Lyle is sitting on the cart while he's chewing the food Karson gave him. Hindi ko nga alam kung puwede na ba iyong buksan at kainin pero hinayaan ko na sila. I was looking at the meat when I feel his presence beside me.

"Do you know that boy since you went here?" bahagyang kumunot ang noo ko sa biglaan niyang tanong pero nang maalala kung ano ang nangyari bago kami umalis ay may pumasok na ideya sa isip ko.

"Si Trent ba?" his dark eyes turn intense instantly of the mention of Trent's name. His jaw clenched and there's a scowl in his face immediately.

"Yeah." tamad niyang sinabi pero mariin ang tinig. Ramdam ko ang pasulyap sulyap ng babae sa amin roon sa meat section at ilang kasabay naming bumili.

"He's my childhood friend." simple kong sagot at mabilis siyang napabaling sa akin.

"So you're close?"

"G-Ganoon na nga."

"Nakakapasok siya sa bahay natin?" saglit na nagsalubong ang kilay ko ng marinig ang huli niyang salita. Natin? Isang araw ka pa lang at inangkin mo na agad iyon, Karson. I heaved a sigh. Tumango ako.

"Madalas siyang bumisita sa bahay at sa kanila ko iniiwan si Lyle kapag nagtratrabaho." the darkness in his eyes turn worst. The scowl is really evident now in his expression that the girl tremble a bit when he look at Karson.

"Kaya pala malakas ang loob kanina." bulong niya na narinig ko. Napahinto ako saglit.

"That boy likes you." tuluyan na akong natigilan sa sinabi ni Karson. Nakatingin na siya sa akin ngayon. My lips quiver. Hindi agad ako nakapagsalita dahil totoo. Trent confess to me before. He even told me that he can be a father to Lyle but I turn him down politely. I'm not looking for that kind of set up before.

Trent is kind and he was a true friend to me but I can't accept his proposal. Sa tingin ko noong mga panahon na iyon mas gusto ko lang talagang mag-alaga kay Lyle nang mag-isa at ayokong mandamay pa ng ibang tao. And Trent deserve someone better. I'm not thinking about settling myself. Mas gusto kong maghirap mag-isa para mabigyan ng kinabuksan si Lyle..

Ngayong narito si Karson hindi ko na alam kong iyon pa ba ang prinsipyo at kagustuhan ko ngayon.

"I know but we're just friends now." marahan kong sinabi at tinuro na sa babae ang kukuhanin ko.

"So you turn him down? Nanligaw?"

"Uh...H-Hindi ko alam. N-Nagtanong lang. I told him I just can offer friendship."

"Hindi ka na tinanong pa ulit?"

"H-Hindi na. Naintindihan niya na siguro na ayaw ko."

"Bakit umaaligid pa rin?"

"We're still friends and Lyle is closed to him."

"Hindi mo na dapat hayaan pa ang lalaki na iyon." kumunot ang noo ko.

"Bakit naman? I can't do that to Trent." tumalim ang mga mata niya sa pagbanggit ko muli ng pangalan.

"Mukhang may balak pang pormahan ka ulit non." aniya at sandali akong nagulat sa sinabi niya.

"I owe him. Hindi ko puwedeng iwasan siya dahil lang may gusto siya sa akin."

"He's using Lyle to get you." he said while looking at me like a hawk.

"A-Ano naman sayo ngayon kung may gusto nga siya sa akin. You're not my boyfriend to stop me." nag-init ang pisngi ko sa huli kong sinabi. Mas lalo namang rumiin ang tingin niya sa akin.

"Bakit papayagan mo siya?"

"H-Hindi. If he ask me again then I'll turn him down politely again."

"Tapos magkaibigan pa rin kayo?"

"O-Oo, depende sa kanya kung kaya niyang tanggaping ganoon lang kami." his lips twitched and my heart twisted. Kung ipipilit ni Trent ang nararamdaman niya ay wala akong pagpipilian kundi tapusin ang pagkakaibigan namin. Nagsimula na ring gumalaw ang mga insekto na nasa loob ng tiyan ko sa mataman niyang tingin.

"Good, because I won't let anyone make a move to you." mukhang hindi lang ako ang nagulat sa sinabi niya. The girl in front of us gasped on what Karson said while I stunned. He look at me directly with his dark serious eyes. I swallowed hard.

"B-Bakit boyfriend ba kita para pigilan sila?" tanong ko muli sa kaninang salita na binato ko sa kanya. He tilted his head cockily and he lick his lower lip.

"Magiging boyfriend pa lang. Kaya hindi ka na dapat pang kumausap ng iba. That place is only reserved for me." my mouth parted and I gasped in disbelief hearing his words. Balak ko pa sanang magsalita pabalik nang tawagin ni Lyle ang Papa niya. Karson smirk because he was save by his son.

Nakangisi siyang tumalikod at rumiin ang hawak ko sa nakasukbit na bag. I hissed and the girl is trembling when she give me the meat. Nagpasalamat ako at naglakad patungo kila Lyle para ilagay na ang meat. Nang nasa counter na kami ay medyo nagtagal dahil marami kaming pinamili.

Hindi naman ganoon iyong nasa listahan ko pero nadagdagan dahil may nilalagay si Karson. I'm ready to pay when the girl told us the amount, I was about to lift my hand when Karson swiftly handled his card to the girl. Mabilis akong napabaling sa kanya dahil naiwan sa ere ang kamay ko.

"Ako na ang magbabayad." sabi niya.

"Hindi na, ako na."

"No, I'll pay for you two starting now. I won't let you use your money Ely so save it." simple niyang saad at wala na akong nagawa ng tanggapin nang babae ang card niya. Na bahagya pang namula ng mahawakan ang kamay ni Karson. Ayoko nang makipagtalo kaya sumuko na ako. I cleared my throat and tried to save my face when I put back the cash in my purse.

Hinintay ko na matapos iyon at bumaba na si Lyle at hinawakan ko na lang sa kamay dahil maraming bitbit si Karson. He was about to carry all the plastic bag if I just didn't get the lighter one. Hindi niya pa ako papayagan pero nang sabihin kong kaya ko at magaan naman ay sumuko na siya.

"Let's just put it inside the car then let's eat here. Mukhang gutom na rin ang anak natin." nagugulat pa rin talaga ako sa mga salitang ginamit niya. He's right. Lyle look hungry so I agreed. Pagkatapos ilagay ang pinamili namin sa sasakyan ay nagtungo kami sa isang resto.

After we ordered food, Lyle is telling Karson a story and I'm just listening to them silently.

"When I stay in the hospital for days I'm hoping for your visit. Mama told me you pay for everything Papa. S-So I thought you'll come.." bigla akong nanlamig sa kuwento na sinasabi ni Lyle kay Karson. Kumalabog ang puso ko dahil hindi ko inaasahan na iyon ang kukuwento niya sa ama.

Karson look surprise too and pain crossed his eyes. Mabilis siyang naapektuhan sa sinabi ng anak. He relocated on his seat and act normal in front of his son. He smiled at Lyle.

"I'm sorry. D-Did you wait for me?" my chest tightens when I heard Karson voice crooked. My son nodded. Pumungay ang mga mata ni Karson sa kanya.

"Yes, but I understand Papa. Don't feel bad on it. I'm happy that you're with me now." ani ng anak ko para pakalmahin ang loob ni Karson pero hindi nagbago ang mukha niya at mas lalo pang lumala iyon. His eyes turn bloodshot now.

"I'm sorry. I'm sorry. I will be always here beside you now. I will take care of you with Mama so you can't be sick again." marahan niyang bulong sa anak at yinakap ito ng mahigpit. He caress Lyle's back as he control his emotion. I bit my lower lip, hurting too to see them in this moment.

I heaved a sigh and Karson whispered something on Lyle that I can't heard anymore. Mas humigpit ang yakap ni Lyle sa kanya at tumango.

"She's the girl in the video right?"

"And that's Karson. So it's true. They really have a son." mabilis kong naangat ang tingin ng marinig ang bulungan na iyon. Nakita ko ang dalawang babae sa kabilang table at nang mapansin nila ang tingin ko ay umayos sila ng upo.

"Totoo naman palang may anak bakit ganoon ang nangyari?"

"Baka hindi tanggap."

"Kung ganoon bakit kasama niya ngayon?"

I don't want people to talk about my life so I'm a bit annoyed hearing them whispering. Tumalim ang tingin ko sa kanila at napilitan silang huminto. Nag-iwas sila ng tingin at inintindi na lang ang sarili nilang mundo.

Babalik ko na sana ang tingin kila Lyle nang mapahinto ako at nanlaki ang mga mata ng makita si Karson roon na nakatayo hindi kalayuan sa upuan ng mga babae.

His presence make them raised their head. I can't see Karson's expression because his back is facing my direction. The two girls turned pale and they look stiffening in their seat.

"My wife is not comfortable hearing you whispering about her. You should stay silent for your own safety because you won't like spending time in the cell." my breathing faltered and the two girls are already in the verge of crying when Karson walk back to his seat.

Continue Reading

You'll Also Like

378 63 12
Nasia, a brilliant female scientist, finds herself trapped in a timeless existence, her body immune to the ravages of aging. While the world around h...
2.7K 450 32
Sypnosis: NAPAKARAMING gusto ni Princess sa buhay, ang makapag-aral, makapagtapos at magkaroon ng magandang buhay. Matapos ang Elementery life niya a...
4.6M 191K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy
6.7M 137K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...