Sol at Luna (A Solar Eclipse...

By MakuHinode

9.7K 2.4K 200

Si Luna Mercado ay isang simpleng babaeng mahilig sa kape, magbasa ng mga libro at mag-alaga ng pusa. Nagbago... More

Prologue
CHAPTER 1: FULL MOON
CHAPTER 2: STORY TELLING
CHAPTER 3: LUNA MERCADO
CHAPTER 4: SOL TRINIDAD
CHAPTER 5: HARVEY TRINIDAD
CHAPTER 6: LOST
CHAPTER 7: SOLAR ECLIPSE
CHAPTER 8: GROUPMATES
CHAPTER 9: LATE NIGHT TALKS
CHAPTER 10: SURPRISED
CHAPTER 11: ESCAPED
CHAPTER 12: SHINE
CHAPTER 13: BEATEN
CHAPTER 14: CRUSHED
CHAPTER 15: MIA MERCADO
CHAPTER 16: LORRAINE TRINIDAD
CHAPTER 17: GRANDPARENTS
CHAPTER 18: HANGOVER
CHAPTER 19 : CAMP
CHAPTER 20: WORRIED
CHAPTER 21: SERENADE
CHAPTER 22: FIREFLIES
CHAPTER 23: SHOVE
CHAPTER 24: SIGH
CHAPTER 25: FINGERS CROSSED
CHAPTER 26: SHOPPING SPREE
CHAPTER 27: SUNDATE
CHAPTER 28: COFFEE BOYS
CHAPTER 29: DINNER
CHAPTER 30: STRUM
CHAPTER 31: SWEET DREAMS
CHAPTER 32: NIGHTMARE
CHAPTER 33: NECKLACE
CHAPTER 34: READY
CHAPTER 35: MELODY
CHAPTER 36: DUET
CHAPTER 37: STAR GAZING
CHAPTER 38: HOMECOMING
CHAPTER 39: AIRPORT
CHAPTER 40: HODOPHILE
CHAPTER 41: ROADTRIP
CHAPTER 42: IRRITATED
CHAPTER 43: WARM
CHAPTER 44: SWEAT
CHAPTER 45: BUTTERFLIES
CHAPTER 46: ADRENALINE
CHAPTER 47: PEACE OFFERING
CHAPTER 48: STREET FOODS
CHAPTER 49: CONVENIENT STORE
CHAPTER 50: HEARTBROKEN
CHAPTER 52: BROWNIES
CHAPTER 53: BEACH
CHAPTER 54: SANITY
CHAPTER 55: VIVID
CHAPTER 56: FAMILY DINNER
CHAPTER 57: DISTANCE
CHAPTER 58: BLACKOUT
CHAPTER 59: WARM UP
CHAPTER 60: LA VIE EN ROSE
CHAPTER 61: PRAYER
CHAPTER 62: HUG
CHAPTER 63: SHORT HAIR
CHAPTER 64: HOPE
CHAPTER 65: LAST ECLIPSE
PUBLISHED!

CHAPTER 51: TRESPASSING

80 8 0
By MakuHinode

ALTHEA

Hinatid na lamang ako nina Amethyst at Luna hangga sa gate namin, Sobra ako nagpapasalamat dahil mayroon akong mga kaibigan na pwede kong saldanan tuwing mayroon akong pinagdadaaanan sa buhay.

Hindi na ako masyado naiinis kay Luke dahil nakalimutan niya nga ang monthsarry namin dalawa. Nag-enjoy naman ako sa date naming tatlo. Pasalamat ang lalaking 'yon kina Luna at Amethyst, kung hindi nabalatan ko na siya ng buhay. 

Pinihit ko ang doorknob at kumunot ang noo ko dahil hindi ito nakasusi. Pumasok na ako sa madilim naming bahay at binuksan ko na ang ilaw.

"Surpriseeeee!!!"

"Ahhhhh!!! Akyat bahay!" Kinuha ko ang payong ko at pinalo ito sa kaniya. 

"Teka Althea, ako to. Si Luke," sabi niya.

Iginala ko ang mata ko sa loob ng bahay namin at puno ng pagkain sa mesa ko. "I'm sorry for making you wait..." sabi niya sa'kin at tinignan ako sa mata.

"Nagustuhan mo ba itong surprise ko?" Tumingin ako sa sahig at may mga petals of roses na papunta sa kusina at sinundan ko ito. Naupo na ako sa upuan at hindi pa rin makapaniwala sa nangyayari.

Isinindi ni Luke ang dalawang scented candles at inilapag sa mesa ang niluto niyang spaghetii macaroni at may isang box ng pizza. 

Tumingin ako sa kaniya at pinalo ko siya sa braso. "Akala ko nakalimutan mo na ang 11th monthsarry natin dalawa," bulong ko sa kaniya. "Pinag-alala mo'ko tska pinaiyak!" 

Lumapit siya sa'kin at niyakap ako ng mahigpit. "Hindi ko malilimutan ang araw na ito dahil isa itong espesyal na araw para sa'tin dalawa." Hinalikan niya ako at namula ang aking pisngi. "Happy 11th monthsarry mahal."

"Happy 11th monthsarry love."

Binigyan niya ng spaghetii macaroni ang plato ko at isang malaking slice ng pepporoni pizza. "Eto ba talaga ang plano mo kaya hindi ka nagparamdam ng buong araw sa'kin?" 

Tumango siya sa'kin. "Actually kasabwat ko sina Luna at Amethyst para magawa ko ang surprise na ito."  Kinuha niya ang isang paper bag at iniabot niya sa'kin iyon. Binuksan ko ang paper bag at isang picture frame ang laman nito.

Pinagmasdan ko ang larawan na nasa picture frame, ito ang picture namin dalawa ni Luke noong una kaming nag date sa isang picnic ground.

Nakaakbay ako sa kaniya at nakatingin naman siya sa'kin. Kumurba ang isang ngiti sa labi ko at hinalikan siya sa pisngi.

"Salamat love," bulong ko sa kaniya at napangiti naman si Luke. Isinabit ko ang picture frame sa pader namin at pinagmasdan ito. 

"Wait may isang regalo pa ako," sabi niya at iniabot sa'kin ang isang maliit na box. Kinuha ko ito sa kamay niya at binuksan ko ang isang maliit na box. May laman itong dalawang promise ring.

Isinuot niya ang isang singsing sa daliri ko at napatakip ako bibig gamit ang mga kamay ko. "Nag pr-propose kana ba sakin?"

"Baliw hindi pa! Kaya nga promise ring ang ibinigay ko sayo diba? Promise ko na isang araw, mag propropose ako sayo."

---

Katapos namin kumain dalawa, tinulungan ako ni Luke na magligpit dito sa bahay. Kasama ko siya ngayon na naghuhugas mga plato. Bigla siyang kumuha ng tubig sa kamay at winisikan ako sa mukha.

"Nakakainis ka talaga!" sabi ko sa kaniya at gumanti ako. Bigla naman ito kumiripas ng takbo at hinabol ko siya sa loob bahay.

Bigla siyang lumapit sakin at ibinuhat ako at umikot-ikot kami, "Luke tama na!!!" sigaw ko sa kaniya, tumigil na siya sa pag-ikot at pareho kami natumba sa sahig.

"Ang harot mo kasi eh," sabi ko sa kaniya at kiniliti ko ito. "Hoy! Kahinaan ko 'yan! Ayoko na!"

Nang hindi na siya makahinga kakatawa, tumigil na ako sa pagkiliti sa kaniya. 

"Hindi kapa uuwi?" tanong ko sa kaniya habang tinuturo ang orasan. 

"Pinapauwi mo na ako?" tanong naman niya.

"Uwi kana baka hinahanap kana sa inyo." Muli niya ako niyakap at hinalikan sa noo. "Happy monthsarry sa'tin mahal."

"Happy monthsarry love," sagot ko sa kaniya at kinuha na niya ang gamit niya at lumabas na ng bahay. "Tawagin mo'ko kapag nakauwi kana ha?"

Tumango siya sa'kin at nag flying kiss pa ito bago sumakay sa motor at umuwi na sa kanila.

Inilagay ko na sa loob ng refrigerator ang natirang pagkain namin ni Luke at nagshower na ako bago mahiga sa kama. Habang nakahiga ako, tinitignan ko ang picture namin dalawa ni Luke kanina at niyakap ko ang teddy bear na binili niya sa'kin.

LUNA

"So may something naba sa inyo dalawa?" tanong ulit ni Amethyst sa'kin, ano bang 'something' ang tinutukoy ng babaeng 'to?

Totoo naman na hindi kami dalawa ni Sol, pero hindi ko itatanggi ang katotohanan na may nararamdaman na nga ako para sa kaniya.

Humarap ako sa kaniya at humalukipkip ito na tila hindi makapag hintay sa aking isasagot. "Walang kami ni Sol," sabi ko sa kaniya.

"Pero gusto mo na siya?"

Teka sandali lang, bakit sobrang concern naman nitong kasama ko sa nararamdaman ko kay Sol at bakit parang napaka big deal sa kaniya kung kami ba o hindi dalawa ni Sol?

"Oo naman..." sagot ko sa kaniya at napatango na lamang ito.

Tumigin siya ng masama sa'kin at nakaramdam ako ng kaba sa aking dibdib. "Sure kana ba dyan?" tanong niya muli sa'kin.

"Oo nga! Ang kulit naman neto!" sagot ko sa kaniya.

Natawa naman si Amethyst, "Inasaar lang kita." Humiga na siya sa kama. "Hindi kapa matutulog?"

"Mamaya na lang, kakausapin ko pa si Sol."

"Huwag ka magpuyat ha?"

Isinuot na ni Amethyst ang kaniyang eye cover at natulog na. Bumaba ako sa salas at nag timpla ng gatas para makapag late night talks dito sa panget na 'to.

Dala-dala ko ang isang food tray na may cookies at isang baso na may gatas. Umupo ako sa swivel chair ko at umupo malapit sa may bintana.

Agad na tumunog ang phone ko.

Sol: Hindi kapa matutulog? 

9:30 pm

Typing...

Luna: Pinapatulog mo na ako? 

Sol: Hindi ah, na miss na nga kita eh 

Luna: Ang harot mo talaga! 

9:31 pm

Sol: Hala hindi man ah, slight lang naman. 

Luna: Ano pala kailangan mo? Napachat ka? 

9:32 pm

Sol: Ikaw ang kailangan ko :>> 

Sumandal ako sa swivel char ko at humarap sa bintana ko at nag send ng selfie kay Sol.

Sol: Hala! Sino yang nasa likuran mo? 

9:33 pm

Luna: Ha???

Sol: May babae sa likuran mo!!! 

9:34 pm

Luna: Siraulo! Si Amethyst 'yon!  

9:35 pm

Patuloy kaming nag chat ni Sol at hindi kk namalayan na 11 pm na pala ng gabi. Nagpaalam na ako sa kaniya para matulog.

Sol: Good night, Luna. 

Luna: Good night, Sol. 

11:05 pm

Humiga na ako sa kama ko na may ngiti sa labi. Pinikit ko na ang mga mata ko at niyakap ang aking unan.

Kinabukasan, araw ng Linggo ngayon at nagyaya si tita Jade na pumunta sa Church at mag grocery, but I had another plan on my mind.

Nagpaalam ako kay dad at tita Jade na aalis ako at kailangan ko bumili ng mga gamit pang drawing at painting, I reasoned out to them that I'm starting a new hobby, it took long to convince them but later on, the two of them agreed na aalis akong mag-isa ngayong araw.

Nandito ako ngayon sa Sm Clark at hinihintay ko si Sol. Kagabi pa niya ako kinukilit at naiinggit daw ang panget kina Luke at Althea. Noong nabalitaan ko kagabi na naging successful ang surprise ni Luke kay Althea, natuwa naman ako dahil worth it ang ginawa namin ni Amethyst. Nangako sa'min si Luke na babawi daw siya sa'min dalawa. 

Habang naghihintay ako sa entrance ng SM Clark, may dumaan na kulay kahel na pusa at sobrang taba nito. Yumuko ako para buhatin ito at dinilat niya ang palad ko. 

"Hi, Sorry late ako," sabi ni Sol at iniangat ko ang ulo ko para tignan siya.

Nakasuot ito ng kulay itim na pants at kulay gray na V-cut shirt at old skool vans na sapatos. Samantalang ako ay naka dress na above the knee na kulay gray at kulay asul na denim jacket.

"Saan mo gusto unang pumunta?" tanong niya sa'kin. I can't believe I lied to my own dad and aunt just to be with this guy. Ibinaba ko na ang matabang pusa at agad itong kumiripas ng takbo.

"Tara, pagupit kita," sabi ko sa kaniya.

Agad itong sumimangot. "Ayoko! Pinapahaba ko nga eh," reklamo ni Sol.

Mabilis ko siyang hinila papasok sa SM at wala siyang choice kundi magpapagupit ito. Paano ba naman, mukhang caveman itong ka date ko ngayong Araw.

Yes you read it right, this is my very first date with this obstinate man.

Nagdadalawang isip pa ako kagabi kung pagbibigyan ko siya sa kahilingan niya, sa sobrang kulit niya at hindi ko siya matiis. Pinagbigyan ko na. 

Pumasok kami sa barber shop at tinulak ko pa si Sol dahil kanina pa siya nag-iinarte. Nang tuluyan kaming makapasok, tinignan niya ako sa mata at tila nagmamakaawa.

"Libre ko naman,  'wag kang mag-alala," sabi ko. 

Tumaas ang kaniyang kilay. "Talaga?" hindi makapaniwalang tanong niya.

Dahil wala masyadong tao sa barbershop, agad pinaupo si Sol sa barberchair. "Anong gupit po sir?" tanong ng barbero. Hangga sa balikat ang haba ng buhok nito at sobrang haba ng kaniyang balbas.

"Pwede po ba pakalbo?" suhestyon ko sa barbero. 

"Mister nyo po ba ma'am?" tanong muli ng barbero. Sol left out a chuckle. Mukha ba kaming mag-asawang dalawa?! 

"Sir anong gupit po ang gusto n'yo?" tanong muli ng Barbero at napatingin si Sol sa mga litrato sa pader na may iba't ibang uri ng gupit. 

"Bagay ba sa'kin Luna 'yung Quiff?" tanong niya sa'kin na parang ako ang nanay niya. Tumingin ako sa mga litrato sa pader at mukha namang babagay sa kaniya ang gupit na 'yon.

Quiff is similar to a pompadour hairstyle. It's actually a combination of the pomp, the flat top, and mohawk.

"Bagay naman siya sa'yo," sabi ko sa kaniya. 

"Yun nalang po sir ang gusto n'yo?" tanong nung barbero at pumayag naman si Sol.

"Habang ginugupitan ka, ayos lang bang may tignan ako sa mga malalapit na shop rito?" tanong ko sa kaniya. 

"Iiwan mo'ko?" 

"Mabilis lang naman ako," tugon ko sa kaniya kaso ayaw ako paalisin ng panget. Gusto niya daw bantayan ko siya habang ginugupitan ko siya. Wala akong choice kundi maupo sa at magbasa ng magazine. 

May tumabi na isang babae, sa wakas may kasama na akong kauri ko rito sa loob ng barbershop.  "Hinihintay mo ba boyfriend mo?" tanong niya sa'kin. 

"Hindi, actually I just treated him a haircut," turo ko kay Sol na nasa ikatlong upuan. 

"Ikaw, buti nandito ka?" tanong ko sa kaniya. 

"Yung boyfriend ko, sinamahan ko rin siya magpagupit, alam mo bang yang boyfriend ko, noong bago lang kami doon lang siya sweet sa'kin?" 

I looked at her closely and paid all my attention to her as she kept sharing her so-called love story with her boyfriend.

"Alam mo bang noong nag celebrate kami ng third year anniversary namin, I caught him red-handed, may  kabet itong boyfriend ko!" 

"Paano mo siya nahuli?"

"Habang nag di-dinner date kaming dalawa, walang tigil ang pag ring ng phone niya. Nagpaalam siya sa'kin na nanay niya raw ang tumatawag sa kaniya. Guess what? Wala namang phone ang nanay niya at hindi naman siya marunong gumamit ng phone. Nagduda na ako sa kaniya at patago ko siyang sinundan sa CR..." 

"Then what happened?" I asked while shaking my head with unbelief. Why do men keep cheating on the women whom they love? Or should I ask, did they really fall in love? Or do they think, love is just a game?

"Ayun! Na confirm kong may kabit nga itong boyfriend ko. Nakipag break ako sa kaniya last five months pero humingi siya ng secod chance sa'kin..." 

Kung gagawin man ni Sol sa'kin 'yun, sisiguruduhin kong hindi na niya makikita sumikat ang araw.  I have tons of ideas on how to dispose of a dead body and not getting caught. 

"Paano kunwari, ginawa niyang mag cheat siya ulit sa'yo?" bulong ko habang tinuturo ang boyfriend niya. 

"Eh 'di ipapa salvage ko ang lalaking 'yan!" 

Napatigil kami sa aming pag kw-kwentuhan ng matapos nang magupitan ang kaniyang boyfriend. "Siya si Carl, ang boyfriend ko," tugon ng babaeng kausap ko. 

"Hi, nice to meet you." Kumaway siya sa'kin at sumenyal na siya sa kaniyang boyfriend na kailangan na nilang umalis.

Naiwan akong mag-isa rito sa waiting area sa Barbershop at tinapunan ko ng matalim na tingin si Sol, kung talaga lolokihin lang ako ng lalaking 'to, katapos niya magupitan, lumapit siya sa'kin na may pagtataka sa kaniyang mukha. 

"Sino ang mga kausap mo kanina?" tanong niya sa'kin.

"May balak ka bang mag cheat ka sa'kin?"

"H-ha?"

Umiling na lamang ako dahil malabo naman gawin ni Sol sa'kin 'yon. Katapos ko magbayad sa Barbershop, nagtungo kaming dalawa sa coffe shop at sabi ni Sol, siya naman daw ngayon ang maglilibre sa'kin.

Iniinom ko ang mainit kong Cappuccino at hindi ko pinapansin si Sol. "Ayos ka lang ba?" muling tanong niya sa'kin. Huminga ako ng malalim bago ako sumagot sa kaniya. 

"May babae kasi akong nakausap, na kwento niya ang relationship nila ng kaniyang boyfriend, noong bago pa lamang sila. Sobrang sweet ng kaniyang boyfriend, pero habang nagtagal. Nagsawa yata 'yung lalaki at ayon, nagawa niyang mag cheat sa kaniyang girlfriend."

Tumango si Sol at humigop muna siya sa kaniyang black coffee bago sumagot. "Hindi ko naman magagawa sa'yo 'yun..."

"I know..."

"Magtiwala ka naman sa'kin please? Hinding-hindi ko gagawin sa'yo 'yon. Pangako." Itinaas ni Sol ang kaniyang pinky finger at nag pinky swear kaming dalawa.

Nang maubos ang iniinom naming mga kape, mabilis akong hinila ni Sol at gusto niya raw ang manood kami ng Anime Film: My Hero Acemia-Hero Rising.

Napapaindak si Sol tuwing at napapasuntok sa ere tuwing naglalabanan ang mga Villains at Heroes sa penikula, ako rin ay nadadala sa kakulitan ni Sol.

Katapos naming manood ng movie, niyaya ko siyang pumunta sa Book Store para bumili ako ng mga Art Supplies. 

"Ano ba gagawin mo rito?" tanong niya sa'kin habang tinitignan ang mga watercolors na binili ko. 

"Sabi ko kasi tita at dad ko na kaya aalis ako ngayon, para bumili ako ng mga art supplies ko,"  sagot ko sa kaniya habang tinitignan ang mga iba't ibang uri ng mga paint brush.

"Bali nagsinungaling ka sa kanila?"

"I don't want to call it lying, kasi bumili naman talaga ako ng mga art supplies ko," sagot ko sa kaniya.

 Nagpakawala siya ng malalim na hininga. "So gumawa ka ng excuse para makasama mo ako?" tanong niya muli sa'kin. 

"Luna, hindi mo na kailangan gawin 'yon, araw ng Linggo ngayon, dapat kasama mo ang family mo," sagot niya.

"Bakit mo pa ako niyaya kung gano'n na umalis ngayon?"

"Akala ko kasi ayos lang sa kanila na aalis ka ngayon at alam nilang kasama mo ako," sabi ni Sol habang nakatitig sa sahig.

"Hayaan mo na, ang mahalaga nag-enjoy tayong dalawa," sagot ko sa kaniya at pinipigilan kong mainis sa kaniya.

"Sa susunod 'wag mo nang gagawin 'yun ha?" 

"Sure, whatever." I rolled my eyes and picked up my basket full of art supplies and went to the cashier.

Katapos kong bayarin ang mga binili ko, lumabas na ako sa Book Store at agad akong hinabol ni Sol.

"May problema ba? May sinabi ba akong mali?" muling tanong niya sa'kin, nagpatuloy ako sa paglalakad at hindi ko siya pinansin.

"Luna sandali lang," sabi niya at hinawakan niya ako sa braso.

"Napano ba? May ginawa ba akong mali?" tanong ulit ni Sol. Pambihira talaga! Ang problema sa mga lalaki, kung ano-ano na lamang ang sinasabi nila at ang mas matindi pa do'n, hindi nila alam kung ano ginawa nilang mali.

Hinila ako ni Sol at kinaladkad niya ako papunta sa isang donut shop.

---

"Masarap ba?" tanong ni Sol habang nginunguya ko ang isang Jelly Donut. Dumighay ako ng malakas at tumawa si Sol, iniabot niya sa'kin ang Iced Tea at agad kong ininom ito.

"Nagugutom lang pala ang panget kaya nag tamtrums kanina," sabi ni Sol at pinisil ang ilong ko. Pinalo ko siya sa braso. "Paano kaya, kinokonsensiya mo ako!" 

"Sorry na, bati na tayo please?" pakiusap niya sa'kin at nagpout ang panget.

"Sige, bati tayo as a friend," sabi ko sa kaniya at nainis naman ito. "Awts, friendzoned."

"Kasalan mo 'yan!"

Katapos kong kumain ng donuts, nakatanggap ako ng text kay Amethyst, nagpaalam na ako kay Sol. Pumayag naman ako lang mag-isa lang akong aalis dahil may ibang pupuntahan pa siya, subukan lang niya makipag kita sa kabit niya, pareho ko silang kakalbuhin!

Lumabas na ako sa Sm Clark at inaayos ko ang dala-dala kong paperbag at napatalon ako sa gulat nang may sasakyang bumisina sa harapan ko. 

"Hoy panget!"

Continue Reading

You'll Also Like

28.6M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
85.7K 4.2K 37
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...
619K 15.7K 46
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...
31.4K 169 31
Spoken Word Poetry (Compilation)