To Win You (Pamantasan Series...

By jeannewrites

4K 435 479

Gilliana, a Communication student, was one of a block representative for an academic debate. On the last part... More

Prologue
One: Lawrence
Two: Lawrence
Three: Lawrence
Four: Gilliana
Five: Gilliana
Six: Gilliana
Eight: Lawrence
Nine: Lawrence
Ten: Lawrence
Eleven: Lawrence
Twelve: Lawrence
Thirteen: Gilliana
Fourteen: Gilliana
Fifteen: Gilliana
Epilogue
Author's Note

Seven: Gilliana

173 24 14
By jeannewrites

"Ano ba 'yan Gilliana Marie! Ayusin mo naman!" natatawang pang-aasar ni Lawrence nang muli akong magkamali sa kamay habang sumasayaw ng Waltz.

"Manahimik ka dyan Lawrence Jake at baka tamaan ka sa akin!" inis kong sagot habang nagfofocus sa pagpapalit-palit ng kamay at pwesto ng paa.

Isa na namang nakakapagod na araw para sa Social Ballroom Dance at nagprapractice ang buong klase namin para sa final performance namin para sa semester na ito.

Buong klase, ibig sabihin ay isang waltz ang sasayawin naming lahat. Halos magsampalan na kaming lahat at magpalitan ng mukha dahil sa bilis ng beat ng tugtog at pagpapalitan ng pwesto. At kung mamalasin ka nga naman, si Lawrence ang kapartner ko na wala akong nakuha kundi ang pang-iinsulto.

Agad akong nakahinga ng maluwag nang magpalit ng kapartner sa gitnang part ng sayaw. Hindi ko namalayan na pinipigilan ko pala ang paghinga ko noong magkaharap kami nung kurimaw na iyon. Ngumiti ang kapartner kong babae at nagtatawanan kaming dalawa dahil sa pagkakamali. Nahagip naman ng tingin ko si Lawrence na may iba nang kasayaw ngayon.

Seryosong-seryoso siya sa kaharap niya pero kapag sa akin inaasar lang ako?! Bakit hindi na lang siya manahimik kapag kaharap ako? Ang gulo-gulo ng lalaking iyon!

"Sorry," natatawa kong sabi nang mapalakas ang paghila sa kamay ng lalaking kapartner ko. Halos mag-untugan kami sa mabilis na pagpalit ng pwesto.

"Sorry rin," mahinang pag-amin niya bago ngumiti at kalaunan ay natawa.

I was looking on the movement of my feet until I realized that Lawrence is back as being my partner as I smelled his manly perfume.

I gazed at him and he's now looking mad. Nakakunot ang noo at matalim ang tingin sa akin. I tilted my head a bit, still staring back at him.

Ano na namang problema nitong lalaking ito? Parang kanina ay tuwang-tuwa siyang inaasar ako, ngayon naman ay hindi maipinta ang mukha.

" 'Wag kang tumingin sa akin ng ganyan, inaano kita?" nagtataka kong tanong sa kaniya, hindi malaman kung bakit ganito ang asal.

"Wala."

Naguguluhan akong tumingin sa kaniya. Di ko talaga maintindihan mood swings nito eh, daig pa ang babae kung mag-inarte.

Hindi na ata siya nahiyang ipakita ang mga emosyon niya simula nang mag-usap kami sa strabucks.

Muli akong tumingin sa mga paa namin bago niya ako paikutin para sa pagtatapos ng sayaw. Nahagip ng mga mata ko ang pagtingin niya sa akin. Tinitigan ko rin siya pabalik, walang ekspresyon ang mukha.

He is grave, sharp eyes and lips in a thin line. Far from that playful reaction that he usually display whenever he's teasing me. Agad akong umiwas ng tingin sa pagkailang.

Unti-unting naramdaman ang malakas hangin mula sa fan at doon ko lang napansin na nag-iinit na pala ang mukha ko! I deeply sighed to relax, I am probably over reacting. But m hands says no! Ramdam ko ang madulas na pagkakahawak ng aming mga kamay sa dahil mumunting pawis mula sa'king kamay!

"Thank you class for participating Social Ballroom Dance. I hope, naenjoy niyo ang buong semestreng ito," pamamaalam ng instructor namin bago idismiss ang buong klase.

Ngayon ang huling klase namin sa PE, katatapos lang namin iperform ang Waltz kaya halos lahat kami ay nakacostume na medyo weird dahil nakarubber shoes kami.

Bawal kasi ang maglakad sa loob ng gymnasium nang hindi nakarubber shoes dahil rubberized ang flooring.

I'm wearing a white long-sleeve knitted top and a red flowy skirt so it would be nice while we're dancing. Pairing it with a white sneakers.

Ang mga lalaki naman at ang ibang babae na gumanap bilang lalaki ay mga nakaslacks na itim at puting long-sleeve polo. Kaso nga lang ay nakasuot rin ng mga rubber shoes.

Jologs.

Lawrence's friends looks so formal on their attire. Akala mo ay matitino at hindi nakakaisip ng kalokohan.

Napairap ako sa kawalan dahil sa naisip.

Nagpicture muna ang lahat para sa memories. Talaga nga naman kasing nakakatuwa na makilala ang mga kasama ko sa class na ito. Hindi man kami galing sa iisang college, sama-sama kaming nangangapa dahil pare-parehas kaming freshmen at hindi alam ang gagawin.

Nang matapos ay nagsitayuan ang lahat at nagkanya-kanya na para maghanda sa pag-uwi.

"Uwi ka kaagad, Gill?" tanong sa akin ni Lea.

Katabi ko siya ngayon at nag-aasikaso ng gamit. Agad naming binuhat ang bag para maglakad papasok sa CR ng gymnasium para magpalit ng damit.

"Oo, mag-aaral na ako sa finals. Ikaw hindi ka pa uuwi?" sagot ko bago naghilamos sa faucet.

"Uuwi na rin, mag-aaral na ako! Ang dami-daming babasahin!"

Napabuntong hininga ako, iniisip ang lahat ng kailangang aralin para sa final examination week na darating. Isang linggo na naman akong kulang sa tulog dahil nagsusunog ng kilay.

Nang matapos kaming mag-ayos at makapagpalit ng damit, naabutan ko sa labas ng kurimaw na seryoso pa rin ang mukha. He look so handsome now that he is displaying his stoic face, with his height, there are probably lots of girls having a crush on her. Dagdag pa na mula siya sa engineering.

He's now wearing our PE uniform shorts and a printed white shirt. Still wearing his dark blue sneakers.

Akmang lalagpasan ko na siya nang hablutin niya ang braso ko. I look at him, shocked. I can feel my heart pounding from his sudden move but he promptly let my arms go. Nang medyo makalayo sa kaniya ay agad akong nakahinga ng maluwag at sinamaan siya ng tingin.

Ilang beses ba akong kakapusin ng hininga sa araw na 'to? Lalo na tuwing mapapalapit siya sa akin!

Agad siyang ngumiti ng maloko nang makita ang gulat kong mukha kaya naman agad kong hinampas ang braso niya saka nagwalk-out.

"Gago ka talaga Lawrence, kaya laging galit eh," narinig kong sabi ni Lea sa kaniya habang nangingiti.

Rinig ang mahinang tawa ni Lawrence sa hallway papasok muli ng gym dahil sa sinabi ni Lea na lalong mas nagpairita sa akin. Nagmamadali akong makalabas para hindi ako maabutan ng lalaking iyon! Panigurado, hihilahin na naman ako sa kung saan-saan para kumain!

Last week, pagkatapos ng PE class namin ay nagpaalam siya na ihahatid niya ako ulit sa sakayan na agad ko namang tinanggihan. Sabi niya ililibre niya pa ako. Kaya lang ay hindi ata marunong tumanggap ng 'hindi' ang lalaking ito kaya naman hinila ako papasok ng SM Manila bigla! Sa liit kong ito, wala akong nagawa nang kaladkarin niya ako paakyat.

Napapikit ako ng mariin nang maalala na naman iyon. Walang hiya talaga!

"Kain tayo, Marie! Libre kita," yaya ng kararating lang na lalaki sa tabi ko, natatawa pa nga.

I glared at him. Mukhang wala siyang pakialam na masama ang tingin ko sa kaniya kaya muli akong tumingin sa harapan, hindi na pinansin ang sinabi niya.

Bahala ka diyan.

"Sama ako Lawrence!" excited na sabi ni Lea na nasa kabilang tabi ko naman.

"Sige, pero 'di kita ililibre? Asa ka."

"Tangina mo! Dali na, libre mo rin ako! Tinulungan kita kay―"

"Oo na manahimik ka lang diyan!"

Parang gago ang dalawang ito. Pinagtitinginan tuloy kaming tatlo habang naglalakad sa catwalk dahil sa ingay nilang dalawa. Napakalakas ng boses kaya naiistorbo ang ibang nag-aaral sa mga gazebo.

"Aray!" sigaw ko nang maramdaman ang braso ni Lea sa ulo ko

Napaggigitnaan nila akong dalawa kaya nang sinubukan niyang batukan si Lawrence ay tumama ang braso niya sa ulo ko. Tainga lang ata ang naabot dahil sa tangkad niya.

"O ayan, tingnan mo ginawa mo," natatawang pang-aasar ni Lawrence kay Lea na agad namang kinainis ng kaibigan ko kaya lumapit siya kay Lawrence.

Hindi ko alam ang gagawin ko sa dalawang ito! Hindi matahimik tuwing magkasama. Parang aso't pusa pa!

Tumalon si Lea para maabot ang leeg ni Lawrence kaya naman ay nakaladkad ni Lea si Lawrence. Ang kurimaw naman ay walang ginagawa kundi ang marahang pagtanggal ng braso ni Lea sa leeg niya habang tumatawa.

Natatawa rin ako habang pinapanuod sila, nauuna sila sa akin maglakad at kitang-kita ang ibang estudyante na nanunuod sa ginagawa nilang kabalastugan. Nang makalaya si Lawrence mula sa pagkakahawak ni Lea ay agad itong tumakbo papasok ng GE. Sinubukan pang habulin ni Lea kaya naman hinayaan ko na.

Uuwi na ako. Mas mabuti pang iwanan ko na ang dalawang ito dahil mas lalo ang maiistress.

Nakalagpas na ako ng PLM nang may biglang humablot sa dalawang balikat ko at agad akong hinarap pabalik sa nilakaran ko. Nanlaki ang mata ko sa pagkabigla at agad kinabahan.

Nakita ko ang palapit na tumatakbong si Lea na palabas rin ng Pamantasan, inis na inis ang mukha at basa na ng pawis. Nakataas ang kanang kamay, handang saktan kung sino man ang kaaway.

"Oh sige, si Marie masasapak mo. Sige," mabilis at hinihingal na sabi ng lalaking may hawak sa akin.

Huminga muna ako ng malalim, amoy na amoy ang pabango niya bago ibagsak ang dalawang balikat. Hindi kami makalagpas sa gate dahil sa kalokohan ng dalawang ito! Ginawa ba naman akong panangga kay Lea?! Sinasabi ko na nga bang stress lang ang aabutin ko sa dalawang ito.

"Hindi mo ako bibitawan?" mariin kong tanong sa lalaking nasa likod ko.

Nakita ko ang pagtitigil nilang dalawa sa paghaharot. Maging si Lea ay naging tikom na kani-kanina lang ay galit na galit. Ngayon ay katapat ko na siya.

Naramdaman ko rin ang paghigpit ng paghawak sa balikat ko. Kaya naman ay napailing ako.

"Gago, si Lea kasi!" sumbong ng lalaking kaya naman ay inamba ulit ni Lea ang nakataas niyang braso, handa na para manakit.

I felt him ducked behind me, trying to shield him using my body from Lea. I can feel his fast breathing and his small chuckles.

Napakagago nga at muntik pa akong ma-out-of-balance! Natutuwa pa siya ha!

I tilted my head from right to left, trying not to burst out my irritations. I need to be calm.

"Isa," madiin kong banta.

Tumigil at umiwas ng tingin sa akin si Lea. Si Lawrence naman ay naramdaman ko ang pagtayo ng diretso sa likod ko ngunit hindi pa rin binibitawan ang pagkakahawak sa balikat ko.

"Dalawa."

"Eto na nga!" malakas na sabi niya kasabay ng pagtanggal ng mga kamay sa balikat ko. "Tumigil ka na, Lea. Yari tayo kay Gilliana Marie, galit na," natatawang dagdag niya kaya naman tumawa rin si Lea.

Pakiramdam ko ay umuusok na ang tainga at ilong ko sa sobrang inis sa dalawang ito. Ang sakit sa ulo! Nagsisisi na akong kinaibigan ko ang babaeng ito!

Sinukbit ni Lea ang braso niya sa mga braso ko bago kami muling naglakad palabas ng gate.

"S&R tayo, Gill! Lilibre tayo ni Lawrence!" she exclaimed.

"KKB na lang kung kasama ka," pabulong na sabi ni Lawrence na nasa gilid ko na naman.

He's really tall. His physique are very manly, I wonder if he works out?

"Oh, ba't ka nakatingin sa akin?" hindi makapaniwalang tanong niya tila natutuwa pa.

Agad akong umiwas ng tingin sa kaniya at itinuon ang mga mata sa paglalakad.

"Mamimiss mo ako 'no?" pang-aasar niya pa. Si Lea naman sa tabi ko ay natatawa na rin dahil sa kayabangan ng lalaking ito.

"Asa ka naman," I replied.

Bahagya niya akong tinulak kaya naman nagulat ako, tuwang-tuwa ang mokong dahil halos masubsob ako kung hindi lang ako nahawakan ni Lea. Maging si Lea ay tawa-tawa sa nangyari sa akin.

Lord, give me patience.

"Wag ka mag-alala, Gilliana Marie. Check ko kung pasok yung schedule ko sa second year sa pipiliin mong PE," natutuwang sagot niya kaya agad akong napatingin sa kaniya.

He winked at me, looking so excited with his plan. I rose my brows and look at him. I can't believe you.

"Ayokong makasama ka sa susunod na PE ko 'no, pwede ba," irita kong sagot bago umiwas ng tingin.

"Ay sus, mamimiss mo lang ako eh!"

Halos mapangiwi ako dahil sa sagot niya. Ang kapal naman ng mukha niya para isipin na gusto ko siya makasama!

"Pakyu."

Vacation means I have a lot of time to read books. Introvert ako kaya mas gusto kong sa loob ng bahay lang manatili. Umuuwi naman kami ng probinsya o di kaya'y pumupunta sa ibang lugar para magbakasyon pero sandali lang dahil may trabaho ang parents ko.

Naisip ko si Lawrence. Kung engineer ang papa niya at wala siyang kasama ngayong bakasyon para mag-out-of-town, malamang ay nasa bahay lang rin niya siya.

Napailing ako nang biglang pumasok iyon sa isipan ko habang hawak-hawak ang librong binabasa na balak kong tapusin ngayong araw. I tried to read the next paragraph but failed to undestand it. I remembered his sad face when he shared his problems with me.

Muli kong naramdaman ang pagkaguilty sa sinabi ko sa kaniya.

'Sana ipinutok ka na lang sa kumot'

Ibinaba ko ang hawak na libro at hinilamos ang dalawang palad sa mukha ko para mahimasmasan.

Ano ba itong iniisip ko? I already said sorry!

"Hoy! Nakatulala ka diyan!"

Agad akong napatingin sa kapatid ko na sumigaw, hindi ko namalayan na nakatulala na pala ako. Tangina naman, Lawrence Jake!

I rose up and went back to my room, finding my phone so I could reactivate my facebook account. Nagdeactivate ako noong lumabas ang grades namin, dahil wala naman iyong silbi kundi ang maging source ng announcement tungkol sa PLM.

After logging in on facebook, I opened the messenger application. Nakita ko ang napakaraming messages mula sa GC na puro naman walang kwenta.

I went back to facebook application. Mamaya na ako magbabasa sa GC, na malamang sa malamang ay iseseen ko lang. Nakakatamad magbackread.

Bumungad sa akin ang bagong palit niyang profile picture. Last week pa iyon pero nangunguna sa newsfeed ko!

I looked at his picture. Nagbakasyon na pala siya dahil sa background nitong dagat. Half body picture ito at kitang-kita ang nakakunot niyang noo. Nakashades ngunit at hindi nakatingin sa camera. Seryosong-seryoso siya sa suot niyang stripes na sleeveless shirt kaya kapansin-pansin ang malalaking braso.

I looked at the numbers of people who reacted on his picture. Nanlaki ang mata ko ng makita ang napakaraming nagheart sa picture niya! Kitang-kita pa ang mga kaibigan niyang nagcomment ng kalokohan.

Migz Zaragoza: Pasalubong pre.

Carlo Manalastas: Sana lahat nakaligo na sa dagat!!!!!

Mark Angelo Buena: Igop naman ni idol! Uwian mo kami buhangin ah

Natawa ako sa nabasa. Pakiramdam ko ay hiyang-hiya na si Lawrence dahil sa mga kaibigan niya pero nang makita ko ang mga reply ng kurimaw ay parang wala lang ito.

Mga maloko talaga!

I clicked the like button and tried to scroll down on my newsfeed. I was disrupted when someone was asking for a video call.

Agad sumama ang timpla ng mukha ko nang makita ang profile picture at pangalan na Lawrence Angeles.

I decline his call but he immediately call again! Nang sagutin ko ay bumungad sa akin ang nakangising mukha ng hinayupak na ito. I glared at him before raising my eyebrow.

"Anong problema mo?" singhal ko sa kaniya.

"Grabe nagbabalik ka!" natutuwang sabi niya na para bang hindi makapaniwala. "Talagang hinintay kong mag-activate ka ng facebook."

He looks amused at that. I looked at him displaying my disgusted look as if I am not please by him.

"Kasi alam kong mangungulit ka," sagot ko.

I laid down on my bed's headboard as I face him from the screen.

"Grabe ka naman sa akin, Marie," pagpapaawa niya pa kasabay ng pag-nguso. "Pero tama ka nga."

Napakamot ako sa ulo ko sa sinabi niya. Maling desisyon talaga ang buksan muli ang facebook ko eh! Bakit ko nga ba naisipang gawin iyon?

"Joke lang," natatawa niyang sabi bago naging seryoso ang mukha. "Kita tayo! Puntahan kita!" excited na sabi niya.

Agad akong nagtaka. Nababaliw na ba talaga ito?

"Ayoko, tsaka ano bang problema mo? Ibababa ko 'to!"

"Eto naman, hindi mo ba ako namiss, Gilliana Marie? Ilang linggo na tayong di nag-usap ..." he pouted.

He's trying to look disappointed but I can see the side of his lips trying to supressed his smile.

Napakagago.

"Hindi," malamig kong sagot.

"Ouch!" inda niya kasabay ng paglayo ng screen mula sa mukha niya, ipinapakita ang paghawak niya sa dibdib niya na parang nasasaktan.

Parang tanga talaga ang lalaking ito! Nakakabanas! Akala niya ba madadala ako sa kakaganyan niya? Asa!

"Gago."

Narinig ko ang paghalakhak niya mula sa kabilang linya. Agad akong umirap at umiwas ng tingin nang makita ang muling paglapit ng screen sa mukha niya. Ayaw ko sana siyang tingnan kaso ay muling bumalik ang mga mata ko sa mukha niya.

"Joke lang! May pasalubong ako, ibibigay ko sana sayo," mahina at nahihiya niyang sabi.

Kitang-kita sa mga mata niya ang pag-aalangan.

I tilted my head before answering him.

"Ano?" kuryoso kong tanong.

"Pasalubong nga galing Batangas! Ang kulit!" natatawang sagot niya.

"Bobo, ano ngang pasalubong? Tanga ka ba?" inis kong sabi sa kaniya bago muling umirap.

Halos mahilo na ako sa kakairap dahil sa lalaking ito! Napakawalang kwenta kausap.

"Magkita na kasi tayo! Para makita mo..."

Hindi ako sumagot. Iniisip ang sinabi niya. Napakalayo ng Pasig sa Manila at ayokong bumyahe para lang makita ang pagmumukhang iyan.

"Anong ginawa mo ngayong bakasyon? Ba't parang mas gumanda ka?" seryosong tanong niya, nakatagilid ang ulo na parang tinitingnan ng maayos ang mukha ko mula sa screen.

Ngumiwi ako sa sinabi niya kaya agad siyang napangiti.

"Huh?"

"Gago, sabi ko ang ganda mo. Kaya magkita na tayo!" pangungulit niya pa.

Napailing ako sa kaniya. Unti-unting iniiwas ang mukha sa camera dahil naiilang akong tinititigan niya ang mukha ko.

"Magkita tayo Gilliana Marie! Miss na kita ..."

Continue Reading

You'll Also Like

161K 3.2K 73
She's Floricel Valencia Tahimik na buhay lang ang tanging gusto nya kaya nag paka layo layo sya sa pamilya nya. Pero talagang mapag laro ang tadhana...
107K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
41.1K 1.1K 42
Kurt's not used to liking someone, so when he met Yenna, he always have this strange feelings with her. He knew Yenna was different. She's not just...
2.7K 83 7
book titles, list of characters, family tree, birthdays, etc.