Magkabilang Mundo (BOOK1)

By Ly_iasthics

14.2K 548 105

Some fantasy stories begin with unforseen dreams. And then one day, nagising na lamang siya na nasa ibang mun... More

SINOPSIS
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45

Kabanata 3

344 19 0
By Ly_iasthics

KABANATA 03

NAPATINGIN si Margarita sa paligid, nagtataka siya ng makita ang isang bahay sa malawak na kagubatan. Malaki ang bahay at hindi pangkaraniwan ang disenyo nito.

“Paumanhin po at gumambala kami sa inyo ngayon, Nay Sora” Magalang na sabi ng kasama niyang lalaki.

Ngumiti ang matanda at yumuko pa ito sa lalaki.

“Magandang gabi, Princepe Luxe. Nagulat ako at nakita kita dito, pinayagan kaba nang kamahalan na lumabas ?”

Napa-awang ang labi ni Margarita sa nakikita.

“Tumakas po ako, Nay Sora. Pero wag kayong mag-alala aalis rin ako at babalik sa palasyo.”

Tumingin ito sa kaniya. Problema ng Princepe na ito? Sinungitan niya ito.

“Pwede ho bang dito muna ang Binibini? Hindi siya pwedeng sumama sa akin dahil delekado. Isa pa hindi ko ho siya kilala at nakita nalang sa pinagbabawalan na gubat”

Ang sungit niya talaga. Sarap sabunutan!

Ganito ba talaga sila mag-uusap? Sobrang galang talaga at hindi siya sanay. Tumingin sa kaniya ang matanda at tiningnan siya nito ng matiim para itong nagtataka sa nakakita nito. May problema ba sa mukha niya?

“Taga-lupa ?”

“Hindi ko alam at naguluhan ako bakit nakapunta siya dito sa Dreaminiya, Nay Sora.”

Nag-aalala ang mukha ng matanda at malalim ang iniisip. Hindi ba talaga siya pwede dito? The place is quiet and peaceful, she like it.

Malayong-malayo sa mundo niya.

“Ano ang pangalan mo, Señorita?”

“Margarita Louis”

Parang nagulat pa ito sa sinabi niya. Ano ba ang problema? Naguguluhan na siya at nalilito. Bakit ba siya napadpad sa mundo na ito?

Napabuntong-hininga si Louis.

Ganito na ba ang mangyayari sa kaniya kapag naging malalim na ang kalungkutan niya?

“Paano ka nakapunta rito? Alam mo ba ang kahihinatnan mo kapag nag-tagal ka rito, Señorita ?”

Umiling siya sa matanda.

Margarita heave a deep sigh again. Gusto lang naman niya umuwi pero hindi niya alam ang daan pabalik! Alam na alam niya sa sarili niya na naka-tulog siya sa mansion, bakit nandito siya?

Hinawakan ng matanda ang kamay niya.

“I don't know—”

“Wag mong gamitin ang lenggwahe na iyan, Señorita. Kapag nalaman nilang marunong ka sa englisia (English) manganganib ang buhay mo” May pag-alala na sabi nito.

Nagtataka man ay tumango nalang siya dito. Nagtataka, nalilito at gulong-gulo siya.

Ang huling natandaan niya ay malungkot siya at malalim ang iniisip hanggang sa naka-tulog siya. And, when her eyes open, nandito na siya!

Nanaginip ba siya?

Nag-teleport?

Umiling siya. Shit, matanda na ako para maniwala doon! Ano ba ang nangyayari?!

“Pwede mo po ba akong tulungan bumalik sa amin? Hindi ko po alam ang gagawin ko ngayon”

“Delekado ang gagawin mo upang bumalik ka sa inyo. Baka ngayon nag alala na ang mga magulang mo”

Yumuko siya at tinago ang malungkot na mukha. Kung alam lang nito ang sitwasyon niya ngayon.

Kung alam lang niya sana.

Her mother doesn't care about her. Sapalagay niya wala na siyang mahal sa buhay at sa tanang-buhay niya hindi niya naranasan na mahalin siya.

Palagi nalang siya ang nag-hihintay at naghahabol na mahalin siya ng ina. 

“Kahit isang taon, dalawang taon hindi mag-alala ang Ina ko sa akin.” Mahinang bulong niya.

“Pwede mo bang sabihin sa amin Señorita?” Sabi ng matandang babae.

“Huli namin pag-uusap ay hindi maganda. Aalis naman ito dahil ayaw niya sa akin at hindi niya kaya na makita ako. Sa labing walong nabuhay ako ni minsan ay hindi ito nag-alala sa akin at lalo na hindi ko naramdaman na minahal niya ako” 

Nag-iba ang emotion sa mukha ng matanda. Nasasaktan ba siya? She don't like someone pity on her, it's hurt her more.

“Minsan nakagawa tayo nang mali dahil sa sobrang galit, kamunghi at pagmamahal, Señorita. Nagbibigay sa atin ng sobrang kalungkutan at nakita nalang natin na unti-unti na tayo nag babago. Wag mong kamunghi-an ang 'yong ina, siguro ginawa lang niya ito dahil sa sobrang kalungkutan at galit” Makahulugan  na sabi nito.

Hindi niya iyon naintindihan.

“Pagmamahal ang dahilan kung bakit nagbabago ang isang tao. Sumaya, nalungkot, nasaktan, nagalit, nagsisi at nagbago.Wala tayong magawa 'yun ang nakatadhana sa atin”

Nasaktan na ba si Mommy? Why she can't stand seeing her? Dahil ba sa ama niya?

Bakit?

Tama naman si Nay Sora sa mga sinasabi niya pero wala si Margarita karanasan sa pag-ibig na sinasabi nito.

Nangungulila talaga siya sa pagmamahal ng isang ina. She's craving for love and care.

“May paparating !”

Tumayo ang lalaking masungit. Sino ang paparating?

“Huwag na huwag kang lalabas dito. Kailangan ko nang umalis, Nay Sora. Salamat po”

Iiwan niya ako dito?

Nahawakan niya ito sa siko nang nasa pintu-an na ito. Why she felt like she don't want to leave him yet?

“Saan ka pupunta? Iiwan mo ako, tangina— ”

“Binibini!” Mahinang sigaw nito.

Margarita winced.

“Kung saan ka man, doon rin ako. Bakit ba pumunta pa tayo dito kung aalis ka rin pala at iwan ako? Ikaw na masungit na lalaki ka! Ang sungit mo at ang suplado!” Nakasimangot na sabi niya dito habang nakahawak pa rin ang kamay niya sa siko ng binata.

“Wag kang mag-alala, Binibini. Babalik ako at tutulungan kitang maka balik sa mundo mo.” Malumanay na sabi nito.

Wala na siyang nagawa at tumango nalang.

Ang sungit pa rin niya.

“Ikaw na ang bahala sa kaniya, Nay Sora. Babalik po ako”

Yumuko ang matanda sa harap nito.

Princepe ba talaga ito?

Nang nawala sa paningin niya ang masungit na princepe, maingat na hinila siya ng matanda sa isang silid. Binigyan siya nito ng damit, isang simpleng damit na lagpas sa tuhod at sapalagay niya sina-una itong damit kung nasa mundo siya ng taga-lupa.

“Nay Sora pwede mag tanong ?”

“Ano iyon, Señorita ?”

Bakit Señorita ang tawag nito sa kaniya?

Umiling si Margarita at hindi iyon pinansin.

“Ano pong pangalan ng lalaking masungit ?”

“Princepe Zluxeyr Kydeous Ymetrio Aliante”

Napanganga siya sa sinabi nito. Ang taray nang pangalan niya huh?

“Ang haba naman yata ang pangalan ng masungit na princepe na iyon?”

Mahinang natawa ang matanda.

“Princepe Luxe nalang ang itawag mo sa kaniya at natutuwa ako na kinausap ka ni Señorito”

“Bakit po ?” May pagtataka na tanong niya sa matanda.

Umiling lang ang matanda at pumunta sa pintu-an. Aalis na yata, hindi man lang nito sinagot ang tanong niya.

Mas lalo siyang napasimangot.

“Nga pala Señorita, kamukha na kamukha mo siya” Pagkatapos sabihin ng matanda ay umalis na ito.

Anong sinabi niya? Sino naman ang tinutukuy nito? 

Nasaan ba ako?

Margarita heave a deep sigh.

Lumabas siya ng silid niya at tinungo ang isang pinto hindi kalayuan sa silid niya. Napakurap-kurap siya ng makita ang malaking bath tub at nakita niyang hindi pangkaraniwan iyon. Iba ito sa kinagisnan niyang mundo.

Ano ba talaga ang nangyayari?

Continue Reading

You'll Also Like

874K 58.6K 33
Discovering an abandoned town in the middle of a forest, Odeth is transported to a time when the ghost town was alive, but as someone else--Olivia Va...