Veracity

By LadyHarmonia

10.4K 4.1K 1K

(Unedited) Tumingin ako sa paligid. Dito sa madilim na lugar na 'to, nag iisa ako. Pamilya ko ang mas importa... More

Reminder
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Wakas

Kabanata 20

253 106 33
By LadyHarmonia

Rio: FAITH ELIANA RAMIREZ. BAKIT HINDI KA PA RIN NAG REREPLY SA MGA TEXT KO? AYAW MO PA SAGUTIN TAWAG KO.

Napakamot pa 'ko sa ulo habang binabasa ang text ni Rio. Ang dami n'yang tawag sa'kin simula kanina.

Habang binabasa ko ang mga text n'ya bigla na naman nag ring ang aking cellphone. tumatawag na naman si Rio.

"Hello" Saad ko.

"Kanina pa 'ko nag aalala sayo. Bakit ayaw mo sagutin tawag ko?" Tanong n'ya sa'kin.


"Kakagising ko lang po kaya" tugon ko habang humihikab


"Kakagising mo lang? Alas dos na kaya ng hapon" wika n'ya sa'kin.

Anong oras na rin ako nakatulog dahil sa kakaisip sa nanyare kila Ralph. Ang hirap malaman ang buong pang yayare lalo na kung hindi ko naman sila talaga kilala.

Umabot ako ng pag sikat ng araw bago makatulog pero wala rin ako napala. Wala ako nakuhang sagot sa aking mga ginawa.

"Nag basa lang ako" pag sisinungaling ko "paano mo nga pala nalaman buong pangalan ko?" Tanong ko sa kanya upang mabaling sa iba ang amin pinag uusap.

Nag taka rin ako na nalaman n'ya ang second name ko dahil wala naman ako pinag sasabihan tungkol sa aking buong pangalan.

"Well, ganon talaga kapag manliligaw" pag yayabang n'ya sa'kin.


"Kanino nga?!" Pagalit kong tanong.

"K-kay Ashley. Tinanong ko buong pangalan mo. Syempre gusto ko rin malaman" sagot n'ya.

Napakunot ako ng noo. Alam ni Ashley? Siguro ay alam talaga nila ang buong pag katao ko ngunit hindi nila alam kung sino ba talaga ako.

Alam ng buong pamilya ko kung ilan taon na 'ko. Anong buong pangalan ko pati na rin ang mga kinahiligan ko. Pero yung mismo ako hindi nila alam.

Ang galing. Hindi ko akalain na kuhang kuha ng may akda kung anong meron sa'kin. Alam n'ya kung ano talaga ang meron sa akin.

"Okayy sige. Bye na muna, kakain lang ako" paalam ko kay Rio.

Binaba ko agad ang aking cellphone at humilata muli. Sobrang nakakapagod. Sampong araw na lang ang meron sa'kin upang sagutin ang misyon ngunit hanggang ngayon wala pa rin nangyayare.

Gawin ko na kaya ang pang lima kong plano? Hindi kaya mag tataka sa'kin si Rio?

Gulong gulo na ako. Tatanungin ko na ba si Rio kahit hindi ko alam kung ano nanyare kila Ralph?

Napag desisyunan ko na maligo at pumunta kila Rio. Hindi ko na matiis na hanggang ngayon ay wala pa rin ako kasagutan sa aking misyon.

Hindi ko alam sa paanong paraan ko tatanungin si Rio pero kailangan ko na talagang kumilos.

Nag paalam ako kay Ashley na pupunta ako kila Rio upang hindi na nila ako hanapin pa.

"Sige ako na bahala kay Mommy. Uwian mo na lang ako huh" Saad ni Ashley. Tumango lamang ako sa kanya at lumabas na ng bahay.

Kinuha ko ang bisikleta ni Ashley ng hindi nag papaalam. Hindi naman maaari na mag lakad ako ngayon dahil sobrang tirik ng araw at ayoko naman mag pahatid pa.

Sa gilid lamang ako ng daan nag bisikleta dahil takot rin ako na mahagip ng sasakyan.

Medyo may kalayuan pala ang bahay nila Rio, ngayon ko lang rin napansin.

Ramdam ko ang pagod ng aking katawan dahil na rin sa init ng panahon ngayon. Hindi ko maiwasan mapapikit. Maling mali ata ang aking  naging desisyon na mag bike ngayon.

Ilang minuto ang lumipas bago ko narating ang bahay nila Rio. Sana ay nandito s'ya, wala rin kasi ako sinasabi sa kanya na pupunta ako ngayon.

Sa sobrang taranta ko rin kanina dahil sa pag iisip sa aking misyon ay kung ano-ano na lamang ang pumapasok sa aking isipan.

Pinapasok agad ako ng guwardiya ng makita ako. Kilala na rin kasi nila kung sino ako, kahit na isang beses lamang ako napadpad rito. Hindi ko alam sa paanong paraan ako pinakilala ni Rio sa mga guwardiya nila.

Pag pasok ko sa loob ng bahay nila Rio. Ang sumalubong sa'kin ay katahimikan lamang. Nakakalungkot naman tumira dito. Sobrang laki ng bahay nila ngunit napakatahimik.

Mabuti na lang pala talaga at meron kaming Ashley na laging nag bubunganga sa bahay.

"Magandang hapon po" bati sa'kin ng isang kasambahay nila Rio.

Hindi ko alam kung gagana ba ang aking plano ngayon at kung magagampanan ko ba dahil hindi ko naman 'to pinag planuhan ng maayos. Bigla na lamang sumagi sa aking isipan ang pang limang hakbang.

"Nandyan po ba si Rio?" Tanong ko habang nakangiti sa kanya.

Alam ko na ang panget kong tignan ngayon dahil sobrang pawisan ng aking buong katawan ngunit wala akong magagawa pa.

Pinunasan ko ang pawis sa aking mukha dahil baka asarin lamang ako ni Rio kapag nakita n'ya na napakadungis ko at amoy araw.

"Opo nasa kwarto po n'ya" tugon n'ya sa'kin. Tumango lamang ako at hinatid n'ya ako sa may labasan ng kwarto ni Rio.

"Maraming salamat po" wika ko. Ngumiti lamang si Ate at iniwan na 'ko rito sa may harapan ng pintuan ng kwarto ni Rio.

Nakaramdam agad ako ng kaba. Itutuloy pa ba o huwag na lang?

"Pabigla bigla ka kasi" wika ko sa aking sarili.

Hinawakan ko ang door knob ng pintuan ni Rio. Nanlalamig ang aking mga kamay hindi ko alam kung bakit ako ng naramdam agad ng ganito.

Dahan-dahan ko pinihit ang pintuan ng kwarto ni Rio. Hindi ko alam kung dahil ba sa aking misyon rito kaya ako kinakabahan ngayon o may ibang pang dahilan.

Pag kabukas ko ng kwarto ay pumasok kaagad ako. Ang lawak ng kwarto ni Rio at ang linis tignan.

"Mukha naman wala s'ya rito" mahina kong wika sa aking sarili.

Lalabas na sana ako ngunit may bigla akong narinig na ingay na nang gagaling sa isang pang pintuan rito sa loob ng kwarto ni Rio.

Dahan-dahan muli ako lumapit sa pintuan. Sobrang bilis ang pag tibok ng aking puso. Ramdam ko na may hindi magandang manyayare pero hindi ko mapigilan ang aking sarili na hindi tignan kung ano ang aking narinig.

Pinihit ko agad ang pintuan at tinulak agad. Umatras ako bahagya nang mabuksan ko ang pintuan.

Nang hina ang aking mga tuhod sa aking nasilayan. Hindi ko akalain na kaya itong gawin ni Rio.

Napahiwalay si Rio sa pag kakahalik sa kanya ni Marina nang makita n'ya ako. Hindi ko mapigilan ang pag tulo ng aking mga luha. Ang sakit.

Hindi ko inaasahan na may makikita akong ganito ngayon araw. Dapat pala ay hindi na 'ko tumuloy rito. Dapat pala ay umuwi na 'ko simula pa kanina.

"Faith" wika ni Rio. Aakma s'ya lalapit sa akin ngunit inunahan ko na s'ya.

"Huwag kang lalapit sa'kin!" Pasigaw kong wika.

"Nag kakamali ka ng pag kakaiintindi" saad ni Rio.

Aakma s'yang lalapit muli sa'kin ngunit umatras ako.

"Sinabing d'yan ka lang!" Sigaw ko. Tinignan ko si Marina na nakayuko lamang ngayon at umiiyak na rin "Hindi ko akalain kaya mo 'tong gawin! Mahiya ka naman nandito rin si Marina" Saad ko.

"Makinig ka muna sakin, please. Mag papaliwanag ako"

"Hindi mo na kailangan mag paliwanag. Kita ng dalawa kong mata ang lahat!" Saad ko at pinunasan ang mga luha na patuloy pa rin sa pag agos.

"Please, Faith" pang mamaka-awa ni Rio. Lumapit s'ya sa'kin ng dahan-dahan.

"Kapag lumapit ka sa'kin. Kakalimutan na kita" mahina kong wika.

Napatigil s'ya sa pag lapit at halatang nagulat sa aking nabanggit.

"Simula ngayon" wika ko habang nakatingin sa kanyang mga mata "kakalimutan na kita"

Tumalikod ako sa kanila at tumakbo papalabas ng bahay nila Rio. Sobrang sakit ng aking puso, durog na durog.

"Faith!" Rinig kong tawag sa'kin ni Rio ngunit hindi ko s'ya pinansin at inayos ang bisikleta upang makaalis.

Habang pabalik sa bahay ay hindi pa rin matigil sa pag tulo ng aking mga luha. Si Rio ang naging dahilan kung bakit nag kaletche-letche ang aking misyon. Pag katapos kaya lang n'ya ko pag taksilan.

Hindi ko lang matanggap na pati si Marina ay pinag taksilan ako. Silang dalawa na sobrang mahalaga para sa'kin.

Simula kelan pa? Bakit hindi ko napansin, nag kulang ba ko? Halos lahat ng oras ko nilaan ko na para kay Rio.

Hindi ko na nga napagtuunan ng pansin ang aking misyon para lamang mag karoon kami ng oras sa isa't isa. Tapos ngayon ganito lang?

Habang ako ay nabibisikleta ay biglang buhos ang ulan. Huminto ako sa may gilid ng kalsada.

"Napaka malas ko naman!" Sigaw ko. Pinunasan ko ang aking mukha na basang basa na rin dahil sa ulan. Tumingala ako at sumigaw "pagod na 'ko! Panalo ka na" sigaw ko muli.

Umupo ako sa sahig at umiyak muli. Kung ano'man ang plano ng may akda sa'kin ngayon, wala na akong pakielaman. Sawa na ako. Ayoko na. Tao lang rin ako, napapagod.


















Continue Reading

You'll Also Like

38.2K 569 33
Paano muling magmamahal ang isang taong nasaktan dulot ng maling pagmamahal? Kailan mabubuo ang pagkataong minsang winaksak? Kilalanin si Jane Mariz...
307K 27.7K 63
Merong 'Ikaw', merong 'Ako', pero meron bang 'Tayong Dalawa?' Isa na namang AlDub/Maichard na kuwento sa ibang mundo. Sana ay magustuhan n'yo. Story...
158K 6.2K 79
A sole survivor of a plane crash was told by a fortune teller to find a certain woman and marry her in order to escape an impending death. *unedited*
117K 1.9K 27
I love to be with you, I want to give you a second chance. Pero ikakasal ka na.