To Win You (Pamantasan Series...

By jeannewrites

4K 435 479

Gilliana, a Communication student, was one of a block representative for an academic debate. On the last part... More

Prologue
One: Lawrence
Two: Lawrence
Four: Gilliana
Five: Gilliana
Six: Gilliana
Seven: Gilliana
Eight: Lawrence
Nine: Lawrence
Ten: Lawrence
Eleven: Lawrence
Twelve: Lawrence
Thirteen: Gilliana
Fourteen: Gilliana
Fifteen: Gilliana
Epilogue
Author's Note

Three: Lawrence

260 29 19
By jeannewrites

Napangisi ako ng makita ko ang isang pamilyar na babae na naglalakad papasok ng gate ng PLM. May hawak siyang papel at nakakunot, seryoso na naman ang mukha dahil mukhang nagkakabisado.

Nagmamadali akong maglakad para masabayan siya sa paglalakad kaya naman agad siyang nagulat nang banggain ko ang balikat niya gamit ang braso ko.

Napatawa naman ako nang makitang halos matumba siya dahil sa ginawa ko, napalakas ata o sadyang lampa lang siya?

"Tangina, anong problema mo?" singhal niya sa akin habang nakapila para sa pagcheck ng mga bag namin.

Kitang-kita ang inis sa mukha niya, akala mo ay mananakmal sa sobrang galit.

I display my most irritating playful smile at her to make her more pissed.

"Good morning, Marie!" masaya kong asar sa kaniya.

Nakita ko ang pagkamot niya sa gilid ng ulo niya habang nagpipigil na magsalita.

"Hindi na good ang umaga ko kasi nakita kitang halimaw ka," she said that made me laugh.

"Sa gwapo kong ito?" sabi ko sabay turo sa sarili ko, "ikaw lang nagsabi sa akin na halimaw ako, Marie. Baka ang ibig mong sabihin ay halimaw sa sobrang pogi?"

"Aba, puta."

Tawa ako ng tawa nang makita ang naiinis niyang mukha, halos mapunit na ang labi niya kakagat dahil sa pagpipigil.

Hanggang sa makapasok kami sa loob ay sinabayan ko siyang maglakad papuntang GL, tutal ay doon rin ang room namin ngayon.

"Gagalit ka naman agad, Marie. Pinapatawa lang kita dahil mukhang stressed ka na," nangingiti kong sabi sa kaniya, kunwari ay nag-aalala pero nang-aasar lang talaga.

Agang-aga ay pinapasaya ako nitong babaeng ito! Hindi ko kailan man naisip na nakakaenjoy pala ang mangpikon ng ibang tao, lalo na kung pikunin!

" 'Wag mo nga akong tawaging Marie!" inis na inis na sabi niya bago ako tinulak ng malakas sa braso.

Malakas ang pagkakatulak niya kaya tawang-tawa ako. Medyo nahuli pa kaya binilisan ko ang lakad para sabayan siya muli. Nakakatakot kapag sinapak niya ako, parang sanay na sanay sa bardagulan itong babaeng 'to!

Natatawa pa ako nang makalapit sa kaniya, nakita ako ang sandaling pagtingin niya ng masama sa akin bago muling nagbasa sa hawak niyang papel.

She look seriously focusing on her papers but I can't help but to tease her.

"Bakit ayaw mo sa pangalang Marie?" seryoso kong tanong sa kaniya, may ngisi sa mga labi.

"None of your business," sagot niya sabay irap sa akin.

Tingnan mo ito, kinakausap nang maayos. Sige, asarin pa natin lalo. Akala mo ha.

"Sige, Marie na lang itatawag ko sa'yo," mapang-asar kong sabi sa kaniya saka binilisan ang paglalakad kaya naman naiwan siya.

Ayoko ng makaganti siya sa akin, okay na yung naasar ko siya ngayong araw. Bawi na lang siya next time.

"Oh, ba't parang excited ka?" bungad sa akin ni Mark nang makaakyat ako at pumasok sa room.

Agad kong naiisip na baka nakangisi pa rin ako mula sa pang-aasar kay Gilliana Marie kanina kaya agad-agad akong sumeryoso. Nakatingin ng diretso kay Mark.

"Pinagsasabi mo," patay-malisya kong tanong bago umupo sa upuan ko.

Katabi ko sa gilid si Miguel. He's seriously looking at us, probably annoyed that we are so loud while he's trying to focus on reading some reviewers.

"Iba yung ngiti mo kanina eh," nagdududang sabi ni Mark bago umiling. Medyo matagal pa siyang tumitig sa akin at saka lumayo.

Nakita ko naman ang pagpasok ni Carlo sa pinto at agad umupo sa inalisang upuan ni Mark. Hinihingal pa mula sa pag-akyat sa napakataas na GL.

"Hoy! Nakita ko kung sinong kasabay mo kanina ah!" sabi sa akin ni Carlo kasabay ng paghampas nito sa likod ko.

Gusto kong humiyaw dahil masyado naman atang malakas ang pagkakahampas niya sa akin!

But I remember Gilliana, she also punched me earlier but I did not even flinch. Instead I enjoyed her annoyed face even though her punch actually hurts.

I felt my face heated a bit at that thought.

"Hoy, pota kinikilig!" Narinig kong sigaw ni Mark mula sa kabilang parte ng room, nakatingin sa akin at nangingiti.

Aba, napakachismoso!

Carlo looked at me intently. Matalim ang tingin kaya naman napatikom ako ng bibig.

"Wala pa akong sinasabing pangalan pero nangingiti ka na," mapang-akusa niyang sabi bago sumandal sa upuan niya, nakalagay ang kamay sa ilalim ng baba.

Hawak-hawak niya ang waffle na malamang ay binili niya sa baba bago umakyat.

"Mama mo," pabalang kong sagot sa kaniya bago ilabas ang reviewer mula sa aking bag. Never minding my friends who keeps on teasing me.

"Pre, hindi ka naman namin inaasar," seryosong sabi niya kaya naman napatingin ako sa kaniya, "pero parang ganun na nga." pagpapatuloy niya kasabay nang paghalakhak nito bago sumubo sa kinakain.

Napangiwi na lang ako sa sinabi niya. Hindi ko alam bakit may tropa akong abnormal.

Hinampas ko sa kaniya ang mga reviewers na hawak ko kaya naman mas lalo siyang natawa habang nabubulunan. Ako tuloy ang natawa ngayon. Lumayo siya akin para makahinga ng maayos.

Gago.

"Abnormal ka, buang! Mamatay ka dyan sa kinakain mo!" singhal ko sa kaniya bago kunin ang earphones sa bag para tantanan na ako ng mga tarantado.

"Putek, yung top! Ano ba Carlo, bano ka ba?!" inis na sigaw ni Miguel nang makitang nawasak na ng kabilang team ang top torrent namin.

Agad kong pinapunta ang hero sa top para pigilan ang kalaban. Tumingin pa muna sa paligid para siguraduhing wala pa ang instructor namin sa PE.

"Next time, 'wag niyo payagan mag-assasin si Carlo. Walang ibang ginawa kundi magfarm at mag KS, wala manlang push amp! Assasin ka hoy, di ka farmer, gago!" I exclaimed after finishing the game.

We are now sitting in front of our PE instructor as she gives us some lesson about Tango.

Napalinga ako habang tinitingnan ang mga kasama ko sa PE, hindi kami pinaggrupo kaya hindi ko kasama ang mga kagrupo ko. Saka ko lang napansin na wala pa si Gilliana.

May klase ba siya bago ang PE?

Nagulat na lamang ako nang nagsitayuan ang mga kasama ko, hindi ko alam kung anong nangyayari! Ni hindi ako nakinig sa instructions!

"Dating pwesto tayo," sabi sa akin ni Cristine bago tumalikod at naglakad papalayo.

Kaya naman tumayo na rin ako kahit naguguluhan, pumunta sa dating pwesto kung saan kami nagprapractice sumayaw ng grupo.

Bago pa man kami makarating sa pwesto ay nakita ko ang pagod na pagod na si Gilliana, tumatakbo papasok ng gymnasium. Mukhang gulong-gulo na siya dahil kitang-kita ang pawis na pawis niyang noo pati ang magulo niyang buhok.

"S-sorry, I'm late," hingal na sabi niya bago kami lagpasan at ilagay ang gamit sa bench.

Hindi siya pinansin ng mga kagrupo namin na nag-uusap tungkol sa balak sayawin kaya naman ako ang lumapit sa kaniya.

Naabutan ko siyang nakaupo sa bench, hinahabol ang paghinga at hawak-hawak ang tumbler niya. I can see bullets of sweat on her forehead. May iilan ring buhok na dumidikit sa kaniyang namumutlang mukha.

"Hoy, okay ka lang?" nag-aalala kong tanong sa kaniya bago yumuko para magkasing lebel ang mukha namin.

Agad siyang umiling-iling at hinawakan ang dibdib niya, habang patuloy na mabilis at mababaw na paghinga.

"I-inhaler," nauutal na bulong niya na nagpakaba sa akin.

Halos maramdaman ko ang lamig sa mukha ko nang marinig iyon. Agad akong lumapit sa bag niyang kalalapag niya lang, binuksan ko ang unang bulsa na nakita ko habang hinahanap ang sinabi niyang inhaler.

I got that thing and immediately gave it to her with trembling hands. She took it from me and place it in front of her mouth and pinched her nose.

"Wala ka bang panyo?" nag-aalala kong tanong sa kaniya nang mapansin ang pawis niya.

She shook her head and continue to use the inhaler while here I am looking at her irritated. Hindi ko alam pero pati ako kinakabahan sa kaniya!

Halos mawalan na ng kulay ang mukha niya, pati ang mga labi niya ay nagsisimula nang mangitim dahil sa kakulangan sa oxygen!

Bakit wala siyang panyo?!

I looked out for my bag and got my extra handkerchief. When I got back at her, some of our groupmates are also checking her out. Mukhang nag-aalala sa kalagayan niya.

Lumapit ako sa kaniya at pinunasan ang noo niya. She's still trying to normalize her breathing that's why I tried to fix her hideous hair.

Kaso hindi ako marunong mag-ayos ng buhok ng babae at sobrang kapal ng buhok niyang kulot. Kaya naman kung magulo na ang buhok niya kanina ay baka mas lalong gumulo nang ayusin ko. Pero nang tingnan ko naman ay mukhang okay lang dahil hindi na siya naiinitan.

"Anong nangyari?" nag-aalalang tanong ng proctor namin na nakalapit na pala dahil sa kumosyon ng mga kaklase ko. Kaya naman ang iba ay nakiusyoso rin.

Nakaupo ako sa katabing bench niya, pinapaypayan siya ng panyong hawak ko.

"A-asthma a-attack ma'am," mahina niyang sabi na ngayon ay onti-onting bumabalik ang kulay sa mukha niya.

She's still trying to normalize here breathing.

Nang umayos ang pakiramdam niya ay bumalik naman sa normal ang mga kaklase ko, nakita ko pa ang pag-inom niya ng tubig samantalang ako ay gulat pa rin sa bilis ng pangyayari.

"Thanks," she said shyly, not looking at me.

I was shock at her statement that's why I looked at her, not believing what I have heard.

"Anong nangyari sayo?" galit kong tanong sa kaniya, may bahid ng pag-aalala.

Agad siyang umiling at tumayo, lumapit na sa mga kagrupo kong nagsisimula nang magturo kung ano ang sunod na sasayawin.

Napailing ako sa inis hanggang sa ihinilamos ang kamay sa mukha, hindi makapaniwala na wala siyang pakialam sa sarili niya! Ni hindi manlang siya magpahinga? Halos mahimatay na siya kanina!

"Oh," sabi ko sabay abot ng panyo na ginamit ko sa kaniya kanina nang maabutan siyang pinupunasan ang mukha gamit ang likod ng palad niya.

Tiningnan niya lang ako gamit ang mga matang nagtataka. Ano na namang problema nitong babaeng ito?

"Di ko pa yan nagamit nung pinunas ko sa pawis mo kanina," dugtong ko pa dahil mukha na naman siyang nandidiri sa inabot ko.

I remained my blank expression when she took the handkerchief, trying not to show excitement.

Why am I excited then?

"Balik ko next week," simpleng sagot niya saka tumalikod sa akin.

I smirked. Tatanggapin rin naman pala, mag-iinarte pa.

"Girl, una na ako. May meeting pa kami sa org," singit ng kaklase niya yata at nagmamadaling lumabas ng gym kahit hindi pa siya nakakasagot.

Saglit na naiwan sa ere ang mga salitang babanggitin niya sana. Kaso ng muli akong napatingin kay Gilliana Marie ay inaayos na niya ang nagulo niyang bag.

Ako pala ang nanggulo noon kanina kakahanap ng pisteng inhaler na 'yan!

"Wala ka nang next class?" tanong ko sa kaniya.

Nakatalikod siya sa akin samantalang ako ay nakatayo sa gilid ng bench habang inaabot ang bag ko.

"Wala na," seryoso niyang sagot, hindi pa rin ako nililingon.

"Hatid na kita pauwi."

Agad siyang napabaling sa akin, matalim ang mata at nakakunot ang noo. Para bang hindi makapaniwala sa narinig niya.

Ako rin naman, hindi makapaniwala bakit ko sinabi 'yon.

"Pinagsasabi mo," tanging sagot niya bago inayos ang bag at iniwan ito hawak-hawak ang tumbler niya, baka magrerefill.

Nakita ko ang paglapit ng mga tropa ko, handa na rin silang umuwi.

"Tara na 'Rence," yaya ni Miguel kaya naman napailing ako agad.

"Una na kayo," seryoso kong sabi.

Naabutan kong nakatingin sa akin ng seryoso si Miguel samantalang si Mark at Carlo ay nangingiti, tila nang-aasar. Ang iba naman naming kablock ay nauuna nang maglakad.

Tumango lang si Miguel bilang sagot kaso ang dalawang asungot ay hindi ata mananahimik.

"Hatid mo si Gilliana 'no?" pang-aasar ni Carlo kaya naman itinaas ko lang ang gitnang daliri ko bago umiwas ng tingin.

I wanted to smile too but I suppressed it. Patuloy lang nila akong aasarin kung ipapakita kong apektado ako sa sinasabi nila.

"Tigilan mo na si Lawrence, pre. Hanap ka na lang rin ng ihahatid mo," natatawang singit ni Mark sabay akbay kay Carlo at hilahin ito palabas.

Parang mga tanga.

Nang makabalik si Gilliana Marie ay seryoso na ang mukha niya, yung tipong kahit anong oras ay handa na naman siyang mangagat. Mas lalong kumunot ang noo niya nang maabutan niya akong nakatingin sa kaniya.

"Ba't di ka pa umuwi? Nakasalubong ko mga kaibigan mo," kuryoso niyang tanong bago muling inilagay ang tumbler niya sa bag.

Nang kunin niya ito ay nagsimula na rin siyang maglakad palabas ng gym kaya na naman sinundan ko siya para sabayan, buhat-buhat ang bag ko.

I wanted to carry her bag too, maybe she's tired. And she almost passed out earlier!

"Sabi ko hahatid kita eh, taga-saan ka ba?" I asked, not looking at her.

Nakita ko mula sa gilid ng aking mata ang panandalian niyang pagtingin sa akin ng masama habang naglalakad kami sa catwalk.

"Tanga ka ba? Taga-Pasig ako," mariin niyang sagot.

"Grabe naman 'yon, Marie. Nagtatanong lang, natanga na agad." I pouted.

"Bobo ka, umuwi ka na nga!" inis na sabi niya sabay tulak sa akin kaya naman napatawa ako.

Wala ba siyang isang buong pangungusap na walang pangungutya? Kung hindi tanga, bobo, o di kaya'y mura. Napakasama ng bunganga ng babaeng ito!

Napangisi ako sa iniisip. Agad akong umayos ng paglalakad, sinasabayan pa rin siya kahit natatawa.

Mukhang okay naman na siya dahil nagagawa niya na akong asarin. At may lakas na siyang manulak!

"Saan ka ba sasakay, Marie?" mapang-asar kong tanong sa kaniya habang palabas ng PLM.

" 'Wag mo nga akong sundan, punyeta!" naiinis na singhal niya sa akin sabay akmang hahampasin ako.

Maayos na nga ang pakiramdam niya dahil pinapatulan na niya ang pang-aasar ko. Galit na galit na naman . Iniisip kong baka manghina na naman kaso ang sarap inisin eh, pikon na pikon! Hindi nauubusan ng mura!

Natatawa lang akong sumabay sa kaniya sa paglalakad, doon sa likod ng DOLE hanggang sa makalagpas ng IntraMall kaya naman sa tingin ko ay pa-Central siya.

"Saan ka nga sumasakay?" pangungulit ko habang naglalakad.

"Dyan sa tabi-tabi," walang kwenta niyang sagot, hindi ako nililingon.

Parang gago naman kausap 'tong babaeng 'to! Ba't ko ba 'to kinakausap?

"Susundan pa rin naman kita," asar ko sa kaniya.

"Aso ka ba?" galit na sigaw niya sa akin, halatang inis na inis na.

Tumawa ako nang makita ang namumula niyang mukha dahil sa galit, halos sumabog na naman ang mga buhok niya at kitang-kita ang pagkagigil ng mukha.

"Ay bakit? Pick-up line ba 'yan, Marie?" natatawa kong sagot sa kaniya, ipinapakita ang mukha na parang tuwang-tuwa pa ako.

"Pota ka, bakit ka ba sunod ng sunod? Wala ka bang bahay? Tsaka 'wag mo akong tawaging Marie! Kadiri ka!" sunod-sunod na sabi niya kaya naman napahalakhak ako. Bahala na kung tinitingnan ako ng mga kasabay namin sa paglalakad.

I probably look like an idiot laughing out loud. And she looks like she'll burst out her anger at me anytime, like I'm trying to trigger the bomb.

Sinundan ko siya hanggang sa makarating kami sa SM Manila, naglakad siya hanggang sa may papuntang PNU. Sa tapat ng TUP, malapit sa Ayala Bridge ay doon siya naghintay.

Sinundan ko lang siya ng parang tanga, hindi alam kung bakit ko ginawa 'to. Hindi ko na rin siya kinausap dahil baka dito kami magrambulan, lugi ako kasi baka akalain nila inaaway ko siya. Babae pa naman kahit mas mukhang lalaki sa akin kung umasta.

Eh siya nga yung nang-aaway. Naging gago lang naman ako nung kausap ko siya nung debate dahil kitang-kita sa mga mata niya ang galit. Eh di nagalit rin ako para it's a tie.

Gaguhan kaming dalawa. Kaso namersonal siya, edi gawin nating personal.

"Dito ka sumasakay? May dumadaan ba ditong jeep?" seryoso kong tanong sa kaniya dahil hindi ko alam kung anong hinihintay niya dito.

Tumingin siya sa akin na parang hindi makapaniwala sa tanong ko. Kulang na lang sabihin niya sa akin na 'bobo ka ba?'

"Tanga, may dumadaan ditong bus," mariin niyang sagot bago tumingin sa direksyon nung Ayala Bridge.

May nakita akong iilang bus kaya naman napagtanto ko na ang tanga ko nga naman dahil meron ngang sakayan sa may SM Manila kaya malamang lahat ay pwedeng sumakay dito.

Nang may green na bus na natatanaw ay nakita ko ang pagtuwid ng tayo niya, baka 'yon ang sasakyan.

"Una na 'ko, thank you ulit," walang gana niyang sabi niya bago sumakay ng bus.

Nanatili akong nakatayo doon kung saan niya ako iniwan, nakita ko ang pagpasok at pag-upo niya sa tabi ng bintana.

Tumingin siya sa akin ng seryoso kaya naman tumingin rin ako pabalik, hinihintay ang pagkaway niya na hindi dumating hanggang sa umandar palayo ang bus.

Continue Reading

You'll Also Like

325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
2.7M 53.1K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
21.8K 275 44
Irene is a simple girl and a senior high student full of hope, she's living with her single mom named Gracey. Nakatira sila sa likod ng mansion ng ka...
1.1K 85 11
THIS STORY ENTITLED "Sabi Ko Na Mahal Mo Rin Ako" IS AN ADAPTED LITERATURE. ⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯ Tommy, a former military, and Imee Ferrer, the...