Behind Every Playboy

By Thinkerbil

230K 6.1K 536

Behind Every Playboy, is a man with a dark past. Behind Every Playboy, is a man with a crushed heart. Behind... More

Behind Every Playboy
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Wakas
Note

Kabanata 46

3.6K 109 4
By Thinkerbil

Trust

I slowly open my eyes and stretch my arms. Humihikab pa 'ko sa himbing ng tulog ko kagabi. Tumingin ako sa paligid at napagtantong naka balik na ako sa kwarto ko.

I didn't remember walking back to my room last night. Maybe Heros brought me here? Sa sobrang pag iyak ko kagabi ay hindi ko na namalayan na naka tulog ako.

Napatingin ako sa side table at may nakita doong note. Binuksan ko agad iyon at binasa ang laman.

To my little lady,

I'll be going to the market with your lolo. Call me if you need anything. I'll be back by ten. I already cooked your breakfast. Eat well. I love you.

HMA

Napangiti ako. I ponytailed my hair and went to the bathroom for some shower. Nag bihis din ako ng simpleng high waist shorts at off shoulder top. I put light make up and little perfume too.

Pagkababa ko ay nanonood na si Mommy ng tv kasama si Manang Zana. I greeted them good morning saka ako pumunta sa dining area at kumain ng breakfast.

Nag-iinit ang pisngi ko habang kinakain ang iniluto niya sa'kin. Pagkatapos kong kumain ay naki-upo na ako sa sala kasama sina Mommy at Manang Zana habang nanonood kami ng movie sa Netflix.

Tumingin si Mommy sa'kin kaya bigla akong umiwas ng tingin sa kanya. Pakiramdam ko, na gi-guilty ako sa ginawa namin ni Heros kagabi.

Naramdaman kong hindi parin nilulubay ni Mommy ang tingin sa'kin kaya tumingin na din ako pabalik sa kanya.

"Bakit, My?"

Ngumiti si Mommy at umiling. Ngumuso nalang ako saka nanood ng tv kahit wala akong maintindihan. Panay pa ang tingin ko sa cellphone ko baka nag text si Heros at para tingnan kong anong oras na. 9:30 am pa. Ang tagal!

Habang nanonood ay narinig ko ang medyo maingay na sina Roberta, Alicia at Paloma. Napalingon ako sa kanila at nakitang may hawak silang pang sungkit ng manga at balde. Nasa pintoan na sila ng mansyon kaya agaran na sumunod ako sa kanila.

"Saan kayo pupunta?" Tanong ko. Tumayo ako at lumapit sa kanila.

"Sa manggahan po Ma'am Allyana. Mangunguha ng manga. Buntis kasi ang kapatid ni Roberta. Nagpaalam naman po kami kay Senyor Silvestre tsaka konti lang po ang kukunin na'min." Sagot ni Alicia.

"Sama ako! Gusto ko rin kumuha." Napangiti ako sa naisip ko. I want to give Heros some mangoes.

Nagkatinginan pa ang tatlo saka sila sabay tumango. Nagpaalam ako kay Mommy bago kami lumabas at nag lakad papunta sa manggahan.

Andoon si Romano at isa pang katiwala na nakalimutan ko ang pangalan.

Agad itinulak ni Alicia si Roberta kay Romano. Nakita ko pa ang pamumula ng pisngi ni Roberta.

"Magandang umaga po, Ma'am Allyana." Bati ni Romano at ng isang katiwala.

"Good morning din!" Masigla kong bati.

"Akin na ang panungkit. Ako na ang kukuha para sa inyo." Ani Romano.

"Ito." Malumanay na sagot ni Roberta sabay bigay niya sa panungkit kay Romano.

Tinukso pa ang dalawa ni Alicia at Paloma kaya nagkatuwaan kami dito sa manggahan.

Now that I look at them, medyo nabawasan ang hinala ko sa kanila lalo na kina Roberta, Alicia at Romano. Heros also did a background check om them and he told me that this three is far from the suspects. Bukod sa malinis ang criminal records nila, may ebidensya din na kasama nila si Romano noon sa maisan at parehong nasa mansyon sina Roberta at Alicia noong oras na nangyari ang sunog.

Tumili si Roberta ng muntik na siyang mahulogan ng manga sa ulo. Tumawa kami sa reaction niya habang nag so-sorry si Romano.

Tumingala ako at tiningnan ang mga manga. Mas hinog na ang bunga sa pinaka ibabaw. Kaya lang baka hindi na ito kayang kunin kung gagamitin lang ang panungkit dahil sa taas nito.

"Romano, marunong ka bang umakyat? Gusto ko sana iyon." Sabay turo ko sa manga.

Tumingala si Romano at naningkit ang mga mata niyang pinagmasdan ang itinuro ko. "Masyado pong mataas Ma'am pero subukan ko po." Sagot niya.

"Kaya mo ba? Baka mahulog ka. Huwag na lang." Awat ko.

Umiling si Romano. "Kaya ko po!" Sabay ngumiti.

"Ako rin aakyat." Ani Roberta.

"Huwag na. Diyan ka nalang. Reymundo, ikaw nalang. Samahan mo ako mamitas." Sabi ni Romano sa katiwalang lalaki.

Tahimik na tumango si Reymundo. Umakyat na sila habang namimili ng pipitasin. Sina Paloma at Alicia ang may hawak ng basket habang si Roberta ang taga pulot. Ako naman audience lang. Nakakahiya!

"Tulongan na kita sa pamumulot, Roberta." Sabi ko.

"Huwag na po, Ma'am. Kaya ko na po. Manood nalang po kayo." Sagot ni Roberta.

"Oo nga ma'am." Halos sabay naman na segunda din nina Alicia at Paloma.

Bumuntong-hininga nalang ako at tumango. Pinanood ko nalang sila sa kanilang ginagawa kahit naiinggit ako. Gusto ko din na may ginagawa!

"Catch!" Sigaw ni Romano sabay tawa.

Ngunit hindi nasalo ni Roberta ang manga. Sumunod din na may inihulog si Reymundo at parehas na magkakalayo ang pinaghulugan ng dalawa.

"Ako na ang pupulot no'n." Tukoy ko sa inihulog ni Reymundo.

Natatawang tumango si Roberta habang pinulot nito ang inihulog ni Romano. Nagtatawanan kami hanggang sa napatid ako.

Tatlong magkasunod agad na alingawngaw ang pumutok kaya napatili sila.

Napadaing ako sa sakit ng tumama ang tuhod ko sa lupa. Hindi agad ako maka galaw dahil sa pagkabigla.

"Si Roberta!" Sigaw ni Paloma.

Mabilis na bumaba sina Romano at Reymundo. Lumapit agad si Romano at dinaluhan si Roberta na ngayon ay may tama na ng bala sa may dibdib na parte.

"Ma'am, ayos lang po kayo?" Si Reymundo na nakalapit na pala sa'kin.

Sa sobrang pagkabigla ko sa nangyari ay hindi agad ako nakapagsalita. Tulala lang akong naka tingin kay Roberta na ngayon ay nilapitan na ng mga bodyguards.

Parang nag slowmo ang paligid ko. Isang alaala ang bumalik sa'kin sa nakaraan ko. It was like this when I was shot in front of our school. Hindi nga lang ako ang napuruhan ngayon kung hindi ang kawawang si Roberta.

"Anong nangyari?" Si Lolo na nataranta din at naguguluhan.

"Aya!"

Saka lang ako naka balik sa wisyo ko ng marinig ang boses ni Heros. Kaagad niya akong dinaluhan at niyakap.

Mabilis na nakatawag sila ng ambulansya at doon ipinasakay si Roberta kasama ang dalawang bodyguards at naka sunod ang isang police patrol car. Dumating din ang ibang mga police at kaagad na nag imbestiga.

Yakap-yakap ako ni Mommy. Nasa sala kami at ang mga police. Tapos ng nakuhanan ng pahayag sina Alicia, Paloma, Romano at Reymundo kanina. Ako nalang ang hindi pa.

"Maaari niyo po bang isalaysay ang nangyari kanina?" Anang police. Ito din iyong police na nag interview sa'kin noong isang araw.

"Bandang alas nuwebe kami pumunta sa manggahan. Wala lang naman noong una. Nagkakatuwaan at nagtatawanan pa nga kami habang nangunguha ng manga." Pagsalaysay ko.

"Sino-sino pa po ang naroroon na kasama niyo Ms. Silvestre?" Dagdag nito.

"Ako, sina Roberta, Paloma, Alicia, Romano at iyong si Reymundo. Noong una, nanunungkit lang sina Reymundo at Romano. Pero naki usap kasi akong kuhanan nila ako ng manga iyong sa medyo mas mataas na bahagi kaya umakyat sila ng puno at naiwan kaming apat na babae sa baba. Sina Paloma at Alicia ang may hawak ng basket samantalang si Roberta tiga pulot. Ayaw nila akong patulongin kaya pinanood ko nalang sila." Dugtong ko.

"Wala po ba kayong ibang napansin sa lugar? O may naramdamang kakaiba?" Tanong naman ng isang police.

Umiling ako. "Wala. Kami-kami lang talaga kasi." Sandali akong natigilan ng may maalala. "Pero..."

"Pero ano po?"

"Noong nadapa ako... Sabay kasing may inihulog sina Romano at Reymundo na manga at bumagsak sa magkalayong pwesto kaya sinabi ko kay Roberta na ako na ang kukuha sa isa. Naglakad ako doon tungo sa manga ng mapatid ako."

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng may pumasok pang dalawang investigator. "Excuse me, Sir. But we found something!"

Agad kaming lumingon at tiningnan ang hawak nito. May suot na gloves ang investigator habang hawak ang isang napugtong nylon.

"Nakita namin sa scene. May nahanap din kaming revolver sa katabing puno ng manga kung saan umakyat ang mga biktima." Dagdag ng investigator.

"Tama! May napatid ako at biglang may pumutok pagkadapa ko. It must be because of that!" Nagtaasan ang balahibo ko sa kamay at batok. This is not just an accident. May nag tangka talaga sa nangyari!

"Tumutugma po lahat ng statements niyo Ms. Silvestre at pati ng mga kasamahan mo kanina at ang ebidensyang nakita ngayon. Mukhang hindi na po ito coincidence lang. Talaga pong may nag tangka sa buhay niyo." Anang police.

"Oh my God! First, iyong sunog. And now this? Kailangan na nating bumalik sa New York anak! Hindi na safe dito. Nasa panganib na ang kalagayan mo at nating lahat." Ani Mommy sa gilid ko.

Pinisil ko ng marahan ang kamay niya. "Alam ko, My. Pero hindi natin pwede iwanan si Lolo dito."

"Of course isasama natin si Papa! Papa! Please, sinabi ko naman po sa inyo. Sa New York nalang tayo. Mas safe doon. Palagi nalang nanganganib ang buhay niyo dito sa Pilipinas." Saad ni Mommy.

Ngunit umiling si Lolo. "Kahit saan tayo magpunta Alliyah, nakasunod sa'kin ang mga kalaban. Hindi ko lang alam kung bakit ngayon lang sila bumabalik." Napatingin si lolo sa'kin. "Mas ipinagtataka ko kong bakit lagi si Allyana ang pinupunterya nila ngayon. I live eight years peacefully but when you went back here, they started again. I can't understand."

"Sino po ang tinutukoy niyo Senyor Silvestre?" Anang kuryosong police.

"Si Sandoval. Hindi pa ako ganoon ka sigurado pero malakas ang kutob kong siya ang may pakana sa likod ng nangyayaring ito."

Bumuntong-hininga si Lolo. Si Mommy naman ay umiiyak. "So anong gagawin natin? Paano kung sa susunod, magiging matagumpay na ang plano ng kung sinong Poncio Pilatong may galit sa'tin Papa?"

Naikuyom ni lolo ang kanyang kamay saka siya humugot ng malalim na hininga. Napatingin siya kay Heros at tumango naman si Heros na parang naiintindihan ang ibig sabihin nito.

"We need to double the security. Kailangan din muna nating umalis panandalian dito. Bumalik tayo sa Maynila. I also needed to do something there." Ani Lolo.

"Paano ang farm?" Tanong ko.

"Andito naman ang mga kasambahay at mga tauhan ko. Naka usap ko narin si Daniel. Tutulong siya sa pagbabantay sa farm habang wala tayo. Ang mahalaga ngayon ay ang kaligtasan ninyo." Sagot ni lolo.

At mabilis nga kaming nag empake. Kasamang luluwas sa'min si Manang Zana at titira muna kami sa condo unit ni Mommy hanggat may tinatapos pa si lolo. Sumama din si Heros sa'min at nagulat ako na may condo unit din siya sa BGC at katabi lang mismo sa condo unit namin ni Mommy!

Mabuti nalang at malaki ang unit na binili ni Mommy. Sa iisang kwarto kami ni Mommy at tig-isa si lolo at Manang Zana. May lima din kaming bodyguards na kasama. Dalawa ang magbabantay sa labas habang tatlo sa loob.

Kaunting tulog lang ang nakuha ko sa kakaiisip sa mga nangyari. Pagkadating namin ng Maynila ay naging abala agad kaming lahat. Mommy is busy with the company pero tumutulong din siya kay lolo sa pag provide ng kasagutan dahil nag hire siya ng magaling na private investigator from New York at bukas na bukas ay dadating dito sa Pilipinas para tumulong sa pag-iimbestiga.

Abala naman si lolo sa pag kontak ng mga kaibigan niyang abogado at pag contact tracing ngayon kay former Mayor Sandoval. Kami naman ni Heros ay abala sa pag criminal profiling sa posibleng suspect.

May apat na taon na ako sa criminal profiling. Ito iyong tinatawag kapag iniimbestigahan o pinag-aaralan mo kung ano ang behavior ng suspect. Sa pagkakataong ito, wala pa akong lead pero sa base sa mga insidente, masasabi kong mukhang isang assasin ang nasa likod o malamang ay ang napag-utusan para gawin ang pagtangka ng kapahamakan sa'kin at sa pamilya ko.

The techniques he or she uses are quite delicate. Magaling siyang mag plano at matalino siyang mag isip. Malinis din siyang gumawa ng krimen dahil hindi siya nag-iiwan ng kahit anong ebidensya sa crime scene. He or she is very expert and well trained.

"Hey, you okay?"

Naramdaman ko ang kamay ni Heros sa baywang ko. Nakatanaw lang ako sa katapat na building ng unit.

"Uh, yeah." Tipid ko siyang nginitian.

"You are spacing out. Don't stress yourself to much about this. I'll help you. I can handle this."

"I am Doctor in Psychology and I have experience in criminal profiling, Heros. I want to use it beside of helping." Sagot ko.

Marahan niya akong hinila patungo sa kanya. Agad akong napalingon sa likod at baka magtaka sila Mommy at Lolo sa biglaan naming paglalapit!

"Baby, you have me. Do you trust me?" He whisper in my ear.

Nanindig ang balahibo ko sa batok dahil sa sobrang lapit niya sa'kin. His lips almost reach my ear.

"Of course, I do trust you." Maamo kong sabi at tumingin sa kanya.

He remain his unsure look in my eyes. I smile gently at him and also lean to whisper closely.

"I trust you with my all now, Heros. I trust you."

Tumango siya saka ngumiti sa'kin. Hinayaan ko nalang na ihilig ang ulo ko sa balikat niya habang naka akbay siya sa likod ko.

I trust my man now... With my all, with all I can.

Continue Reading

You'll Also Like

172K 5.5K 43
Being ruled by her own demons and experiences, Alistacia Hermosa is having a hard time building herself. She is not your typical girl. With all the b...
2K 111 23
(STAND-ALONE) Narciso Ramos Bridge is the longest bridge located in the middle of the two municipalities between Sta. Maria and Asingan in the provin...
113K 5.6K 41
You don't have all the time in the world. Iyon ang totoo. Blessed to have survived her fatal illness and learning more to live with it, Polka tries t...
10.3K 365 33
Alani Mireille Tejada feels incomplete even though she has it all already. Beauty. Talent. Wealth. But when she meets Giovanne Zabala, she knows that...