Purposed Marriage

By itsmebloo

277K 4.2K 248

"bakit ba ayaw mo sa akin chris ? bakit?" pigil hininga kong tanong. alam kong masasaktan lang ako sa isasago... More

Prologue
1
2
3
4
5
6.1
6.2
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
39
40
41

38

1.4K 25 1
By itsmebloo


Bumalik ang mga alaala nung mga oras na nakita niya si Megan na nakahandusay sa sahig na walang malay at duguan nung nakita niya ang asawa na wala din malay at duguan.

Parehong pareho sa senaryo noon ang nangyayare ngayon. Takot na takot siya noon.. pati ngayon.. wala siyang ibang sinisisi kundi ang kanyang sarili

"I.. i'm sorry.." iyan din ang sinabi ng doctor ni Megan pagkalabas na pagkalabas netong ng operation. Kaya siya, magulang at kaibigan neto ay nagulat at nag iyakan dahil sa takot na baka maulit muli ang nangyare sa nakaraan.





"Doc, don't say that we loss them. Please" kahit hirap, desperado itong nakiusap sa doctor na sabihin buhay pa si Maggy.




"I-im sorry mister, but.. but you need to decide.. your wife is in critical condition, she had an intracranial hemorrhage, we need to save her brain or else she will be in coma or worse.. brain dead"




"Wh..what do you mean choose?" Singit ng ama ni Maggy.



"Since it will take a longer time and critical surgery, she will be needing an anesthesia that has longer effect.. and... and it might affect the baby.. the baby might not tolerate the effect of the anesthesia. The baby might die due to the adverse effect of anesthesia"





Litong lito sila sa kung anong gagawin, sa kung ano ang pipiliin. Bakit kelangan mamili? Hindi ba pwedeng sila pareho ang iligtas?




"Doc.. please try to save them both. Please save my wife.. and ... and my.. my child.." uniiyak at desperadong pag mamakaawa ni Chris sa doctor



Hindi niya alam ang gagawin niya. Gusto niya saktan ang sarili. Sana hindi na lang niya pinuntahan ang asawa, hindi sana magiging ganito ang sitwasyon niya, na sana ay hindi hahantong sa kalagayan na kailangan niyang mamili sa pagitan ng asawa at ng kanyang anak. Mahal niya pareho ang asawa at anak, hindi niya kayang mawala pareho kaya hirap siyang magdesisyon kung sino ang pipiliin, sapagkat pareho ang hiling niyang maisalba.


Anong karapatan niyang mamili? Tanong niya sa sarili. Hinihiling na sana ay siya na lang ang nasa sitwasyon ng asawa, na sana siya na lang yung nakahiga sa kama ng hospital at nanganganib ang buhay.




Panghihina ng buong katawan at malakas na kabog ng dibdib ang nararamdaman niya ngunit pinipilit indahin, pinipilit na maging malakas, dahil wala siyang karapatan maging mahina dahil sa kanilang dalawa ang asawa ang dehado sa lahat ng sakit na dinanas nito.

...

Sampung oras nakalipas nang ipinasok si Maggy sa loob ng operation room. Ang mga taong nag hihintay ay wala pang tulog, pahinga at tamang pagkain.



Sampung oras na ang nakalipas pero wala pa dn balita sa kalagayan ni Maggy.



"Tita and Tito magpahinga po muna kayo sa room ni Maggy, kami na lang po ang mag-aantay dito." Pangatlong beses na alok ni Leila sa mag asawa upang makapag pahinga na sila. Matatanda na din ang mga ito, mas kakailanganin nila ng sapat na pahinga o tulog kaysa saknila.



"Hija, we're fine here. We don't like... to leave our daughter here. Gaano pa katagal ng operasyon, umabot man ng 3 days pero sa awa ng Diyos huwag naman sana, ay aantayin ko." Mangiyak ngiyak na sabi ng ina ni Maggy.




"We can't loss Maggy.. we...can't.. anak ko.."




"Tita, wag na po kayo umi..yak.. hindi po mawawala si Maggy. She is the strongest and bravest woman I've known" pang aalo ni Leila sa ina ni Maggy. Kahit na naiiyak na din ito ay pinili niyang labanan ang emosyon. Naniniwala siyang magiging successful ang operation ng kaibigan, dahil kilala niya ito sa pagiging matapang.


Lumipas pa ang isang oras ang operasyon ay may lumabas na isang doctor, kasabay nun ang pagtayo ng lahat sa kinauupuan upang salubungin ito.



"H..how was the operation doc?" Tanong ni Chris sa doctor



"I.im sorry" naiinis na siya dahil parati lamang iyon ang pambungad ng doctor. Sa tuwing nakakarinig siya ng ganitong salita ay mas lalo siyang kinakabahan.


"We tried to save your child. But, the mother had severe blood loss"

"How come doc? How come..how..how come that she bled that much? Eventhough, the impact seems not that strong"

Hindi gaano kalakas ang pag katama ng ulo ni Maggy sa vase sapagkat nakakapit pa nga eto bago ito tuluyang matumba at mawalan ng malay.


"I know, but the patient is a bleeder.. we've detected that she has hemophilia, a rare condition which blood doesn't clot normally. We tried to administer clotting medication, fortunately, the bleeding lessen and eventually stopped, but unfortunately, as I've told you, she had massive blood loss earlier before the operation, leading to some episodes of dropping of her blood pressure, that also aggravated by the anesthesia, that affects the baby. We tried to resuscitate but the baby was premature, that is why it was hard for him to survive.. im sorry but we tried.."

Sa dami ng ipinaliwanag ng doctor, ay wala itong naintindihan. Ang naproseso lamang sa isip niya ay wala na ang kanyang anak.

Napaluhod ito sa harapan ng marami. Sa harapan ng doctor. Kahit anong pilit niya maging malakas ay bigla na lamang gumuho at nawala ang iniipon niyang lakas. Hindi niya alam ang sasabihin at gagawin. Wala na ang anak nito. Wala na..

Hindi niya maisip kung ano ang magiging reaksyon ng asawa niya kapag nalaman nito na wala na ang kanilang anak. Nasasaktan siya sa pagkawala ng anak niya, ngunit wala nang mas sasakit pa sa pwedeng maramdaman ng isang ina ang mawala ng isang anak. Ilang buwan nitong inalagaan sa sinapupunan, tapos ay bigla na lang itong maglalaho na parang bula.

Bukod sakanya, narito dn ang mga magulang at kaibigan ni Maggy, kasama niyang nagluluksa.


"H..how about.. my wife? Is she.. iiis..she alive?"

"Yes. Eventhough she had a massive blood loss and had an intracranial hemorrhage, we save the other collateral blood vessels of the brain from being ruptured."

"Diyos ko. Salamat po salamat po" iyak na sabi ng ina ni Maggy.

Kahit na may nawala sa dalawa, laking pasasalamat pa din nila at nabigyan ng pagkakataon mabuhay ang anak. Hindi nila kakayanin mawalan pa ng isang anak.

Ngunit hindi nila magawang maging masaya dahil sa pagkawala ng anak ni Maggy. Hindi nila maisip kunh paano ito sasabihin, kunh kailan nila sasabihin ito sa oras na magkaroon ito ng malay. Hindi nila alam kung ano ang magiging reaksyon ni Maggy, natatakot sila na baka saktan ang sarili nito at sisihin ang sarili matapos nitong malaman ang pagkawala ng anak.



...


Isang oras muli ang lumipas bago natapos ang operasyon ni Maggy.


"We already transferred her in the recovery room. We need to monitor her as long as there is still anesthesia"


"How long she will be staying there doc?" Tanong ni Leila.

"After 1- 2 hours, she will be transfered in her room, but still under observation"

....





Nakalipas mahigit isang oras ay inilipat na si Maggy sa kanyang silid, ngunit wala pa din  itong malay.


"Doc.. why is my daughter is not yet awake?"  Nag aalalang tanong ng Mommy nito.


"She is still under the effect of anesthesia. We'll wait for another hour for her to wakeup."



"Thank you, doc"


"You're welcome. We have done some post- operation diagnostic imaging. I'll be back here to once the results are out" tumango lamang ang mga magulang ni Maggy maging si Leila sa sinabi ng doctor.


Si Chris ay bigla na lamang nawala sa loob ng hospital matapos na mailipat sa silid si Maggy. Wala na din pakialam ang mga magulang ni Maggy kung saan man ito nagpunta, mabuti pa daw ay huwag na itong bumalik, upang hindi na ito magdulot ng sakit sa kanilang anak.

...

Isa.. dalawa.. tatlo... apat.. lima..

Limang araw ang inantay nila para magkaroon ng malay si Maggy.

Ngunit limang araw na lumipas ay nabigo sila sa kakahintay. Hindi pa din dumidilat ang mga mata nito mula matapos ang operasyon nito. Sobra sobra na ang pag aalala nila dahil din sa naiisip na baka tuluyan na itong hindi gumising.


Araw araw siyang binibisita ng asawa. Walang araw na lumipas na hindi ito umiiyak. Darating itong lasing sa hospital, buti na lamang ay nasasaktohan na wala ang mga magulang ni Maggy, kundi isang malakas na suntok na galing sa ama nito ang kanyang matatamo.


Araw araw siyang umiinom. Sa kadahilanang gusto makalimot sa nagdaan na pangyayare, upang maging manhid sa nararamdaman na sakit, pero wala siyang napapala, pagkahilo lang ang natatamo niya, pero nananatili pa din ang poot na kanyang nararamdaman.


"Lo...love.. g..gising kana.. miss na miss na kita.. gusto ko..gustong gusto ko nang bumalik tayo sa dati.. sa dati bago ang lahat ng 'to.. yung.. yung tayong tatlo nila baby... lo..ve.. patawarin mo'ko.. sising sisi ako.. sa lahat.. sa lahat ng sakit.. na nararam..daman..mo.. nang dahil sa..ka..kagaguhan ko.. "

Umiiyak siya habang kausap ang natutulog na asawa. Kailan ba magigising ang asawa? Ngunit kaya na ba niyang hunarap dito? Kaya na ba niyang magpaliwanag? Handa na ba siya tanggapin ang maaaring magiging kahinatnan ng mga pangayayre ngayon?


Hahaplusin palang sana niya ang mukha ng kanyang asawa ng may humatak sakanya papalayo dito.


"What are you doing?"


"Ti..tito.."


"5 days you were not here. Where were you?"


"Tito.. let..let me explain"


"Tang ina, yan ka na naman. Saan ka ba magaling? Sa pag papaliwanag? Hindi mo pa nga napaintindi sa akin lahat nang yare bago mapunta sa ganyan sitwasyon ang anak kp ngayon let me explain na naman? Ilang pag papaliwanag ba ang kelangan ko marinig mula sayo?"


Nakayuko siya, hindi niya kayang harapin ang ama ng asawa, sapagkat tugma lahat ang mga sinasabi nito. Wala siyang alam kung hindi magdahilan lang. Napakaduwag niya.


"Umalis kana sa harapan ko. Huwag ka nang bumalik dito. Huwag mo nang dalawin ang anak ko. Hindi na ako makakapayag  na malapitan mo siya. Nawalan kami ng apo, higit sa lahat nawalan siya ng anak, nang dahil sayo. Kaya anong karapatan mo na balikan pa siya dito? Matapos ang limang araw ngayon ka lang dadalaw? Dadalaw ka lng kung kelan mo gusto? Napakawalang kwenta mo."

Gusto niyang sabihin na araw araw niyang dinadalaw ang asawa, pero hindi na lang baka mas maging malala pa ang galit sakanya ang ama nito. Baka tuluyan niyang hindi makita ang asawa kahit pa patago ito.



"Hindi na kelangan na gumising si Maggy para maiabot sayo ang annulment papers niyo"

Nanlaki ang mga mata nito sa sinabi ng ama ni Maggy. Hindi niya alam pero biglang umurong ang dila nito pagkarinig ng salitang annulment.


"I'll contact our lawyer at ako mismo ang mag aabot sayo nun. Yes you heard me. I want your marriage with my daughter to be annulled."

Ilang minuto siyang napako sa kinatatayuan niya at pilit prinoproseso sa isip ang bawat salitang sinabi ng ama ni Maggy.


"Maggy!" Sigaw ni Leila na ikinagulat ng lahat.


Nagsitakbuhan sila sa kama ni Maggy, samantalang si Chris ay naestatwa na sa kanyang kinatatayuan.




"Anak.. gising kana.. anak.. salamat sa Diyos gising kana"



"Huwag.. hindi mo pa kaya anak" pilit kasing inaangat ni maggy ang kalahati ng kanyang katawan mula sa pag kakahiga nito.


Humawak eto sakanyang tiyan, at tila ngtataka ang ekspresyon nito.

"Ma..ma..ma.." hirap na pag sasalita niya..


"Ma..ma..hmmm.. wahhmm.." kahit anong pilit nitonh salita ay walang maayos na salita ang lumalabas sa bibig nito..at nagsimula na itonh humagulgol sa iyak..

Tumakbo mula sa kama papunta sa mesa si Leila upang kumuha ng isang baso ng tubig..


Inaboy niya ito kay Maggy, ngunit pagkaabot pa lang ay nabitawan na agad niya ito at nabasag sa sahig..

"A..anong nangyayare... why.. why can't she talk? And can't even raise her right arm?.. honey, call the doctor now!!"


TBC

Hirap mgtype sa phone😔 sorry sa late na update. Sana magustuhan niyo. 😁 stay safe everyone. Enjoy reading. Please don't forget to vote and comment! Thank you

~bloo💙

Continue Reading

You'll Also Like

348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
68.8K 52 41
R18
235K 4.2K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
182K 5.9K 49
Tagalog-English BL - There's an urban legend saying that people with the same name cannot live together. It's a curse. Romeo Andres is a basketball h...