To Win You (Pamantasan Series...

By jeannewrites

4K 435 479

Gilliana, a Communication student, was one of a block representative for an academic debate. On the last part... More

One: Lawrence
Two: Lawrence
Three: Lawrence
Four: Gilliana
Five: Gilliana
Six: Gilliana
Seven: Gilliana
Eight: Lawrence
Nine: Lawrence
Ten: Lawrence
Eleven: Lawrence
Twelve: Lawrence
Thirteen: Gilliana
Fourteen: Gilliana
Fifteen: Gilliana
Epilogue
Author's Note

Prologue

695 56 41
By jeannewrites

Hi! This is a work of fiction. Names, characters, businesses, events and incidents are either product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons are coincidental.

This story will revolve around student's life inside Pamantasan.

This story is not affiliated with PLM.

**

Hello, just like the first story— Status: Crushing, this is a very light story, and short so don't expect heavy scenes too. Thank you so much for reading. And if you have time, please let me know your thoughts and reactions by commenting. Thank you for the support!

**

"Ano ba 'yan Gilliana?! Kanina pa kami nandito at hindi makapagregister dahil kulang pa tayo!" naririnig kong sigaw ni Melody sa kabilang linya habang pababa ako ng jeep.

"Teka lang girl! Eto na nga, tumatakbo na ako sa Roundtable!" sigaw ko pabalik habang tumatakbo-lakad papasok ng PLM, hawak-hawak ang cellphone sa tainga.

Takbo-lakad ang ginawa ko. Hingal na hingal dahil sa mahina kong baga.

Bwisit na asthma 'to.

"Bilisan mo na naku! Pag tayo napagalitan ni sir," inis na sabi niya bago binaba ang tawag.

Halos mapairap ako sa kawalan. Nakakainis naman kasi, napakaaga ng call time! Alas otso pa lang at wala kaming klase ngayong araw tapos papapasukin ako para sa debate na yan?

Kung hindi lang para sa exemption di talaga ako sasali.

"Good morning po!" hingal na bati ko sa mga guard pagkatapos mag tap ng ID at icheck ang bag ko.

Pagkalagpas ko sa guard ay dumiretso ako ng takbo papunta sa Justo Albert Auditorium. Halos madulas pa ako sa Gusaling Ejercito kakaiwas sa mga first year na sobrang bagal maglakad! Akala mo nasa park, mga bwiset!

"Hay nako, Gilliana," gigil na sabi ni Harry nang makita niya ako. "Lagi ka na lang late! Bilisan mo at pumirma ka na dito, kanina pa 'to hinihingi sa registration."

Kahit gusto ko munang uminom ng tubig ay agad kong inabot ang papel na hawak niya. Nakita kong nakasulat na ang pangalan naming lahat, ang block at section pati na rin ang professor namin sa ethics. Kulang na lang talaga ang pirma ko dahil meron na kaming group number.

Agad kong pinirmahan ang space sa tapat ng pangalan ko at inabot sa kanila.

Mabilis ang tibok ng puso ko dahil sa pagtakbo kanina, halos nahihirapan rin akong huminga kaya pinilit kong umayos ang pakiramdam nang umupo sa JAA. Pagkainom ko ng tubig ay saka naman nagsalita si Melody.

"Okay, katulad ng napag-usapan natin. Ikaw Gill ang sa mga theory sa ethics, si Harry sa statistics at ako sa law. Ang sabi ni sir Eli ay bibigyan naman tayo ng ilang minuto para mapag-usapan ang pag-atake natin."

"Malamang sa malamang Gill, ikaw ang mag-iintro," sagot ni Harry sabay tingin sa akin kaya tumango ako, alam ko na ang gagawin. "Kailangan natin ng magandang introduction para maimpressed agad ang judges."

Tumango-tango kami. Isang dahilan kung bakit ako ang sinali dito sa debate dahil alam nilang magaling ako sa pangungumbinsi, at ipinaglalaban ang alam kong tama.

Kaso kailangan ko munang ayusin ang paghinga ko, hindi pwedeng ngayon pa ako atakihin ng asthma.

"Good morning everyone," bati ng Masters of Ceremony pagkatapos ng National Anthem. "We are all here to held the annual Ethics Debate for the year 2020. We are pleased to see all of you joining the competition, it may or may not required on your course."

Natawa ako at ang ibang estudyante dahil required nga namang magkaroon ng representative ang bawat block na may course na Ethics. Napakafeeling major kasi.

"We already assigned your opponents and the topics are all chosen randomly. We want you guys to please show sportmanship in this activity as this is an academic debate. Please refrain from using bad words and profanity. We all wish a knowlegeable and healthy arguments with you. Thank you and good luck!"

Nagsimula ang debate at hindi kami ang naunang grupo. Nagsisimula na akong kabahan dahil masyadong magagaling ang mga representatives, halatang kayang-kayang buhatin ang debate.

Nilalamig na rin ako dahil sa dami ng aircon na nakabukas sa auditorium, idagdag pa ang papalapit na pagtawag sa grupo namin. Kailangan kong kumalma, hindi pwedeng matalo sa laban na 'to.

"Congratulations group 13 from College of Humanities, Arts and Social Sciences - Bachelor of Arts in Communication!" announce ng emcee sa grupo namin.

Nagpalakpakan ang lahat at saka kami tumayo.

Nagngitian kami ng mga kagrupo ko at naghigh-five sa isa't-isa, ramdam ko rin ang lamig ng mga kamay nila pero kitang-kita ang tuwa sa mga mukha.

Pasok kami sa finals. Huling apat na grupo ang matitira. Pangatlong argument na ito ng grupo namin kaya mas nasasanay na ako sa pakikipagdebate sa harap ng maraming tao na nanunuod.

"Congratulations group 3 from College of Engineering and Technology, department of Mechanical Engineering!"

Naghiyawan ang mga lalaki sa kaliwang banda namin kaya tiningnan ko sila. Masyadong malakas ang hiyaw ng mga ito para sa tatlong lalaki. Halatang tuwang-tuwa.

Napakinggan ko naman ang mga rebuttals nila at magaling nga naman, halatang nagbasa at nagsearch tungkol sa topic kahit minor lang nila ito.

"That's enough!" Sigaw nang isang judge ng uminit ang usapan namin dahil sa magkataliwas na opinyon.

Yung taga CET, masyadong mayabang ang pagkakasabi niya at hindi naging maayos ang argumento kaya pinatulan ko.

Uminit at tumaas ang mga boses namin at hindi sumunod sa rules kaya nagdesisyong itigil ang debate.

"Ano 'yun Gilliana? Bakit mo pinatulan?" galit na sabi sa akin ni Melody nang makababa kami ng stage para bumalik sa upuan.

"Tangina no'n eh, ang pangit ng rebuttal tsaka siya nagsimulang hindi sumunod sa rules!" inis kong sagot sa kaniya. Kitang-kita ko ang pagtaas-baba ng dibdib ko dahil sa hirap sa paghinga.

Abortion ang usapan. Kami ang pro at sila ang against. Ipinaglalaban ko na katawan ng babae iyon at walang karapatan ang ibang tao na magdesisyon kung sang-ayon ang isang babae sa abortion sa simula ng kaniyang pagbubuntis. Reproductive choice empowers every woman by giving them control over their own body. My body, my choice right?

Ipinapaliwanag ko na hindi pa no'n buhay ang fetus dahil sa ina ito kumukuha ng lahat ng pangangailangan para mabuhay kaya hindi iyon maituturing na pagpatay. Abortion is the termination of a pregnancy, not a baby.

And if he is concern about the fetus, according to a lot of researches of Obstetricians and Gynecologist, there is no scientific information that supports the statement that a fetus experiences pain.

Eh sinagot ako ng "Life begins at conception, it is considered as human being and has the right to live. Whether you termed 'abortion' as termination the pregnancy, you can't just erase the fact that you terminated someone's life. You took its right to live. Bakit ka mag-aanak kung papatayin mo?"

Nagalit talaga ako dahil una, sumabat siya kahit hindi pa nila oras para magrebutt. Pangalawa, di niya ba narinig na wala pa ngang buhay yung fetus dahil dependent pa 'yon sa carrier niya? Personhood starts after a fetus becomes viable. Pangatlo, paano ang mga babaeng hindi gusto ang magkaanak ngunit may nabuo? Paano ang mga rape-victims?

Napikon ako, papatalo ba ako? Babae ako, mas alam ko kung paano ipaglaban ang topic kaysa sa kanya.

And in relation to the rising numbers of death in the Philippines caused by abortion? That shit only happens because our government and the church condemns abortion. If only we provide a better facility, accessible to legal and professionally-performed abortion, it will really reduced maternal injury and death caused by unsafe and illegal abortions.

Afterall, woman's body is part of her right of privacy.

"The second place is, group 3 from Bachelor of Science in Mechanical Engineer!" sigaw ng emcee at nagsitayuan ang kabilang grupo.

Hindi na gaanong maingay dahil halos umalis na ang mga grupong hindi nakapasok sa finals.

Gusto kong umirap dahil sa pagkabitter nila dahil sa nangyari.

Ramdam rin ang tensyon sa loob ng auditorium dahil kaming dalawang grupo ang naglaban sa first and second place.

Malamig na nga sa loob ng audi, malamig pa ang ambiance.

"Congratulations group 13 from Bachelor of Arts in Communication for winning the first place!"

Tumayo kami ng mga kagrupo ko at umakyat sa stage, walang nagsasalita at hindi nag-iimikan dahil sa nangyari kanina. Inabot sa amin ang certificate of participation, pati na rin ang 3 thousand pesos na cash prize. Pagkatapos ng picture taking ay nagsimula na kaming kunin ang gamit namin sa iniwang upuan.

"Napaka-bias palibhasa galing CHASS yung mga judges. Eh ang bobobo naman ng sagot!"

Halos pumintig ang tenga ko ng marinig ko 'yon mula sa kabilang grupo.

Tiningnan ko si Melody at Harry dahil baka narinig rin nila. Umiling lang si Harry bilang pagbabanta sa akin na wag ko nang patulan. Samantalang si Melody ay nagpipigil rin ngunit kitang-kita sa mukha ang galit.

Aba, tangina pala neto eh!

Kung sila mananahimik, ako hindi.

Palabas na sila ng JAA nang habulin ko, pagsasabihan ko lang naman dahil hindi maganda ang tabas ng dila ng gagong ito.

"Hoy, ikaw." Turo ko sa lalaking narinig kong nagsabi no'n, yung lalaking bastos. Pinilit kong maging normal ang tono ng boses ngunit nakatakas ata ang iritasyon.

Huminto siya sa paglalakad kaya naman naglakad na ako, sinusubukang pigilan ng mga kagrupo ko.

"Anong sabi mo? Bobo?" Naniningkit kong tanong habang naglalakad palapit sa kanya, medyo tumataas ang boses.

Tumigil lang ako nang magkaroon ng sapat na distansya sa aming dalawa, magkaharap na kami at nagpapakita ng hindi pag-urong sa usapan. Parang kanina lang habang nagdedebate.

Doon ko lang napansin na matangkad pala siya at nagmumukha akong bata kapag kausap ko siya.

Pero hindi ako natatakot sa tangkad niya.

Hindi naman siya kagwapuhan pero masasabi nga na may itsura siya. Kapansin-pansin rin ang malapad niyang panga at kapal ng kilay nito. Samahan pa ng medyo mahaba niyang buhok.

"Bakit? Natamaan ka?" mapang-asar na sagot nito habang nakataas ang isang kilay, samahan pa ng nagtawanang kagrupo niya.

Mas lalo akong nag-init dahil sa bastos na pananalita niya. Gwapo nga naman pero walang modo, talaga namang hindi gumawa ng perfect si Lord. Laging may kulang, at sa kanya ay kulang ng good manners at right conduct.

Hindi ko maisip na siya ang kinuhang representative sa block nila kung ganito siya kagago sumagot!

"Excuse me? Hindi ako natatamaan, pero I clearly heard that you mentioned our college. Bakit? Sa tingin mo porke't nasa Engineering ka na ay matalino ka?" sunod-sunod na sabi ko sa kanya.

Nagsimula na naman ang mabilis na tibok ng puso ko, ramdam na ramdam na kahit anong oras ay maari na akong atakihin.

Labanan pala 'to ng college, edi sige! Sobrang yabang, napakagago naman.

"Oo, kasi mahihirap subjects namin at naipapasa ko. Kaya alam kong matalino ako," mayabang na sabi niya, nangingiti pa sa pang-aasar dahil siguro alam na pikon ako.

Tumingin pa siya sa mga kagrupo niya, tila nanghihingi ng pagsang-ayon sa sinabi niya.

Tang. Ina.

Napakawalang kwenta ng rebutt, ba't nga ba sila nanalo?

Ngumiti ako ng plastic sa kanya. I crossed my arms in front of me and stepped one forward trying not so hard to punch his face.

Punyeta, nakakabwisit na pagmumukha yan.

"Kawawa naman pala yang utak mong sobrang liit dahil sa basehan mo ng katalinuhan. Kahit gaano ka pa kagaling sa calculus, hinding-hindi ka magkakaroon ng manners at character development dahil sa toxic mong pag-iisip," mahinahon kong sabi sa kaniya, pinipigilan na idildil sa mukha niya kung gaano siya kawalang hiya.

Kitang-kita ko ang pagbabago ng ekspresyon niya mula sa pang-aasar patungo sa pagkainis. His lips are now pressed in a thin line.

Jackpot!

"Miss ... kung natatamaan ka, sana hindi ka na lang nagalit at nanahimik ka na lang. Ang hirap sa'yo, react ka ng react kahit di naman para sa'yo," seryosong sabi niya bago nagsimulang ayusin ang tindig, halatang tinatapos na ang usapan.

"Oh? Kung hindi para sa akin, para kanino?"

"Para pa rin sayo, kasi bobo ka kasi sa CHASS ka lang nakapasa. Nonboard course ang communication diba? You probably failed the math part sa PLMAT," natatawa niyang sabi ngunit may tunog ng iritasyon bago nagsimulang maglakad muli palabas ng Auditorium.

Putangina.

Bahagya akong natigilan dahil sa sinabi niya kaya naman ay tuluyan siyang nakalayo sa akin.

Ano? Bobo ako sa math kaya ako nasa CHASS? Ampota, anong mindset yan?

Pinipigilan ko ang mabilis na paghinga, pilit kinakalma ang sarili. I closed my eyes and took a deep breath.

Inhale. Exhale.

"Gill, tigilan mo na 'yun!" narinig kong sabi ni Melody ngunit umiling ako.

Dali-dali kong binuksan ang pinto ng Auditorium at saka tumakbo bumaba. Nakita kong naglalakad na sa catwalk papuntang GE ang mga lalaking 'yon kaya agad akong naglakad ng papunta sa direksyon nila at harangan ang nilalakaran nila.

Naabutan kong nagtatawanan pa ang tatlo kaya mas lalo akong nagalit. Nag-iinit ang tainga ko sa sobrang inis. Napahinto lamang nang makita ako sa harapan nila.

Huminga muna ako ng malalim, pinipigilan ang mabilis na paghinga dahil ramdam ko na ang onti-onting pamamanhid ng mga muscles ko.

"Alam mo, sana ipinutok ka na lang ng tatay mo sa kumot dahil napakaliit ng utak mo. Napakabastos mo rin 'no? Kahit nga nasa debate tayo at healthy dapat ang usapan, sisingit ka lang at magsasalita ng walang karespe-respeto," nakita ko ang pagkagulat ng mga kasama niya samantalang siya ay nakangiti pa rin, naasar ngunit hindi nagpapatalo.

Nakita ko rin ang paglapit ng mga kaibigan ko, hindi alam kung pipigilan ako o hahayaan.

Hindi rin naman nila ako mapipigilan. Kaya nga ako nilaban sa debate dahil hindi ako nagpapatalo sa kahit anong usapan basta alam kong may ipinaglalaban ako.

At isa pa, deserve ng hayop na 'to malaman kung gaano siya kagago.

I took another deep breath and tried to control my anger, but I guess it reached the maximum point and it cannot be tamed.

"Tsaka," patuloy ko. "Talaga bang math ang basehan mo ng talino? Tsk, kawawa ka naman pala? Kung alam mo ang lahat ng theorems at rules ng math, isama mo pa ang memorization mo sa rules ng Calculus pero wala ka pa ring manners, I feel pity for you, sir? Hinding-hindi malalagpasan ng talino mo ang kasamaan ng ugali mo."

Nararamdaman ko na ang paninikip ng dibdib ko dahil sa galit at pagpipigil ng luha, isama pa ang hirap kong paghinga at ang pamamanhid, pero may kailangan pa akong sabihin sa kanya.

"At least ang math matututunan namin, eh yang ugali mo? Tingin mo magbabago ka pa? Sa edad mong yan, tingin mo magtitino ka pa? Hindi ka pa patay pero yung pangalan mo nasa listahan na ni kamatayan dahil masahol yang ugali mo."

Agad akong tumalikod at naglakad palayo kahit hindi ko na masyadong maramdaman ang mga binti ko. Saka naman tumulo ang luha ko sa kanang mata dahil sa sobrang galit, pero hinding-hindi ko ipapakita na mahina ako sa kahit kanino.

Lalo na sa napakayabang na 'yon. Sana lang ay hindi ko na siya makasalubong sa pamantasan. First year pa lang at ilang taon pa, sana ay wala nang kahit ano pang activity na magpapalapit sa aming dalawa dahil baka di ko mapigilan at masapak ko na talaga siya.

Mabilis ang pagtaas-baba ng dibdib ko, hinahabol ko na rin ang paghinga. Para akong walang makuhang hangin kaya tumingala ako, pilit na kinakalma ang sarili. Ramdam ko ang lamig ng hangin at ang pamamanhid ng mga labi ko.

Nagmamadali akong naglakad papasok ng clinic at agad naman sinalubong ng nurse-on-duty.

"Anong nangyari sayo? Namumutla ka na!" Nag-aalalang tanong nito sa akin bago ako alalayan na maihiga sa isang bed.

Lumapit rin ang isang male nurse sa akin para alalayan ako sa mga gamit ko.

"A-asthma," halos pabulong kong sabi bago nawalan ng malay.

Continue Reading

You'll Also Like

2.7K 83 7
book titles, list of characters, family tree, birthdays, etc.
146K 11.2K 169
Si Austin Louis Vermilion, ang main character na ipinanganak na maganda,sexy, matalino-pero syempre charot lang yun! Walang ganun sa story na 'to! OK...
1.1M 20.8K 30
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
42.9K 1.6K 39
[UNEDITED] She's Elsa Vovough. She isn't your usual naive nerd girl who is afraid to move around in a crowded environment while clutching her books a...