Until We Meet Again

By Janztrich

513K 18.9K 12.7K

Akaizha and Gwen | "we can never be friends" More

UWMA - AGNC book 2
I
II
III
IV
V
VI
VII
VIII
IX
X
XI
XII
XIII
XIV
XV
XVI
XVIII
XIX
XX
XXI
XXII
XXIII
XXIV
Nobela ni Author
XXV
XXVI

XVII

11.7K 538 461
By Janztrich

In love, one always starts by deceiving oneself...and ends by deceiving others. That is what the world calls a romance.

~Oscar Wilde



Chapter 17: Maybe we're not









"Tapos?" Interesadong tanong ni bakla habang nagk'kwento ako tungkol sa kapatid ni Akaizha.








"Naalala mo noong sa airport tayo, besh?" Tawag ko kay Skylie na nasa harapan namin. Kasalukuyan kaming naglilibot at nagbibilad sa tirik na araw dito sa Baclaran para maghanap ng kung anong anek-anek ng dalawa kong kaibigan sa program nila. At dahil bored ako at wala naman akong bibilhin sa lugar na 'to, dinaldal ko nalang sila. "Tinawag niya rin akong stupid lost girl nun! Jusko po, promise kung wala lang dun si Akaizha baka binalibag ko na yun sa ere."







"Mapagpatol ka talaga sa bata, no? At kapatid pa ni Akaizha ah. Pa'no nalang kapag nagkatuluyan kayo niyan? Magiging kapatid mo na rin yun," sabi ni Roberto. Napalingon naman si Skylie at natawa sa sinabi ni bakla. Umirap lang ako. "Kaibiganin mo. Mag-apply kang yaya niya."







Mas lalo namang natawa si Skylie.







"Bwesit kayo! Stress na nga ako sa school, gusto niyo pang dagdagan. Ayaw ko na ngang makita yung batang yun eh."






Mahigit dalawang linggo na rin ang lumipas matapos ang encounter namin ng batang yun. Minsan kapag napipilit ako ni Akaizha or umaaligid ang Karl Jones na may gusto sa kanya, hinahatid ko siya sa kanila. Nasa Texas pa rin ang batang yun hanggang ngayon, umalis sila kinabukasan ng pagkikita namin kung hindi...ewan ko nalang kung magagawa ko pang pumunta sa kanila.







"Ano nalang iisipin ni Akaizha kapag nalaman niyang ayaw mo sa kapatid niya? Ang cute cute nga nung batang yun eh," komento pa ni Skylie.







"Kayo kaya yung tawaging stupid lost girl baka masakal niyo rin yun!"







"Bata pa rin yun, teh. Mygosh, sira beauty ko sayo, ang isip bata mo!" Inirapan ko lang ulit si Roberto. "Ang cute cute nun tapos aawayin mo lang? Tubuan ka naman ng hiya dyan."






"Saan yung cute sa batang yun, besh? Walang cute na salbaheng bata. At saka nakita niyo na ba yung batang yun ha?"







"Oo naman. Nameet namin siya sa hospital nung dinala namin si Akaizha dun nung gabing nadatnan namin——!" Natigilan siya at natigilan din ako. Huminto kami sa isang tindahan na unang pinasukan ni Skylie. He zipped his mouth like he said nothing.






"Wait, kayo yung nagdala sa kanya sa ospital nung hindi siya pumasok ng ilang araw?" Tumingin siya kay Skylie at tumango lang ang huli. "Bakit...hindi niyo sinabi sa'kin?"







"Exotic po yan, mam," singit ng tindira bago pa makasagot ang isa sa kanila. Napatingin ako sa tinutukoy niya at sa iba pang nasa paligid na nakadisplay sa tindahang 'to.







Potek, ba't puro palaka nandito?







"B-bibili kayo ng palaka?" Nauutal na tanong ko. Sabay na nagpeace sign ang mga ito sa'kin. Napapalatak naman ako.







Kaya pala ayaw nilang sabihin sa'kin kanina kung anong sadya nila rito sa Baclaran dahil alam nilang hindi ko sila sasamahan kapag ipinaalam nilang palaka o kung ano na namang hayop ang bibilhin nila. Ba't ba hindi ko yun naisipin nung sabihin nilang para sa activity nila 'to?







Nautakan na naman ako ng mga hinayupak!







"Meron po ba kayong patay nito?" Tanong ni Roberto habang nakaturo sa matabang palaka na kumukukak pa.







Jusmiyo!






Napangiwi naman ako sa pandidiri. Hindi ko na kayang tumingin pa kaya lumabas na lamang ako para doon sila hintayin. Hindi ko kayang tignan ang mga nandun sa loob. Ayaw ko talaga sa madudulas na hayop like snake kaya pasensiya na. Iniisip ko palang ang mga yun, kinikilabutan na ako.








"Kung alam ko lang na palaka bibilhin niyo sana hindi nalang ako——yuck! Ilayo mo yan!!!" Hiyaw ko nang biglang ilapit ni Roberto ang supot na may lamang patay na palaka. Nagtakip pa ako ng ilong at bibig, akala ko kasi'y nangangamoy.







"Ang arte mo! Hindi mabaho 'to! At saka mahal 'to besh kahit patay na 'to. Alam mo ba this one came from Indonesia?"







"Wala akong paki!" Bara ko kay bakla.








"It has no lungs, it breathes through its skin. Amazing, isn't it? That's why you should've love frogs," maarteng patuloy niya habang maarte rin nitong hawak ang plactic na lalagyan.








"Gago ka ba? Aminin mo nandidiri ka rin!" Angil ko.








"Yeah, konti," maarteng sabi nito. "Pero hindi ko aaminiiiin," sabay gesture ng kanyang daliri saying 'no'.







"You just did," irap ko.







Naisipan muna naming dumaan ng Church bago umuwi since nandito na rin lang kami. Luckily, hindi matao ngayon. Sabi kasi ni Skylie, madalas maraming tao ang nagdadasal dito. Hindi kami makarelate ni Rob dahil hindi naman kami palasimba at malamang hindi marunong magdasal si bakla, unlike me, kahit papaano connected pa rin kay God. Yes naman, anong akala niyo sa'kin, demonyo?








"Wait lang, beshies!" Pinigilan kami ni Skylie. "Watch out," tumingala siya at napatingala rin kami.








"Bakit?" Naguguluhang tanong namin ni Rob.







"Yung sungay niyo, sumasandal na. Yuko kayo para makapasok kayo," inosenteng sabi nito na animo'y concern talaga.






"Tangi——!" Tinakpan ni Roberto ang bibig ko bago ko pa maituloy. Bad mouth, bad mouth.






"Yes, sir! Plus 200 meters sungay for Gwen Chloe," tugon pa ni Skylie na nauna nang pumasok.







"Tanging ina mo, yung movie ni Ai-Ai. Hindi niyo alam yun?" Umiling-iling ako. Napailing lang din sila. "Favorite ni mommy yun," bulong ko pa.







Nagsindi rin kami ng kandila nang makalabas sa Church at syempre nagpicture taking. Puno na naman ng pagmumukha namin ang digital camera ni Monteclaro na dala ni Skylie. Hiniram niya talaga para lang makapagphotoshoot kami rito. Magrereklamo na naman ang jowa niya sa pinaggagawa namin sa camera niya hahaha.






Nakakapagod naman 'to. Mali talagang sumama ako sa kanila.







BILIS MO KASING MAUTO SA LIBRE, GWEN CHLOE!!!








"Yung kaninang sinasabi niyo na kayo yung naghatid kay Akaizha sa ospital?" Panimula ko sa dalawa habang naghihintay kami ng order namin. Dito kami dinala sa Jollibee ng gutom namin dahil ito lang naman ang pinakamalapit na kainan na namataan namin. At akala siguro ng dalawang 'to nakalimutan ko na ang tanong na iniiwasan nilang sagutin kanina. "Ba't di niyo sinabi sa'kin? May alibi pa kayong bumalik siya ng Texas," nakasimangot na sabi ko.







Uminom muna ng tubig si Skylie bago nagkibit-balikat sa'kin, "Bakit namin sasabihin sayo?"







"Oo nga, bakla. Nagtanong ka ba?" Segunda ni Rob.







"Kelangan ko pa bang magtanong para sabihin niyo? Si Akaizha yun eh," kalmadong sabi ko pero sa loob ko'y naiinis ako. "Alam naman nating..." nahinto ako. I look down at nangapa ng isusunod doon. Marahan akong bumuntong-hininga, "Hindi ko ba deserve malaman?" Mahinang tanong ko, pinaglalaruan ang kutsara't tinidor.






Wala akong nakuhang sagot sa kanila kaya nag-angat ako ng tingin para tignan sila. Nakatingin lang sila sa'kin na para bang hindi alam kung tama bang sagutin ang tanong ko o hindi.







"Nevermind," sabi ko nalang.








"Kapag sinabi namin sayo marahil gagamitan mo na naman kami ng famous line mo na 'anong pake ko?'. Naalala mo nung sinabi namin sayong babalik ng Pilipinas si Akaizha, yan din sinabi mo. Nung oras na sinabi ko sayong kinakamusta ka niya sa'kin kasi iniiwasan mo siya, yan din sinabi mo. Tapos nung sinabi naming napapansin namin siyang malungkot, yan din sinabi mo," malumanay na sagot ni Skylie. "Alam mo ba kung hindi kami dumaan sa building niyo, hindi namin siya madadatnang walang malay at basang-basa ng ulan doon sa tapat mismo ng department niyo. Inaapoy siya ng lagnat nun at kung alam mo lang ang kaba namin ni Roberto," nag-impit ang kanyang boses. Hindi niya naitago ang pilit na pagkontrol sa sariling tinig. Naiiyak ito.







Hindi ako nakasagot. Nanatili lang akong nakatingin sa kanya at palihim na napalunok. Kinakain ako ng guilt sa hindi malamang dahilan, maybe because I was also there that time when it happened. I was there pero iniwan ko siya, nauna akong umalis. It sucks. It hurts as hell na sana ay nandun ako, sana ako ang kasama niya. Sana ako ang nag-alaga sa kanya.







"M-muntik pa nga kaming di umabot," her voice cracked at nag-iwas ng tingin.







Nanaig ang katahimikan sa pagitan naming tatlo. Wala nang nagsalita pa hanggang sa dumating ang order namin. Feeling ko naging awkward ang atmosphere, at ito ang kauna-unahang beses na nangyari ito sa amin. Tahimik lang kaming kumain hanggang sa matapos.







"Besh," bulong at siko sa'kin ni Rob habang naglalakad kami pabalik sa lugar kung saan namin iniwan ang dala naming sasakyan. "Ginalit mo naman si mama."







"Galit siya?" Malungkot na tanong ko habang nakatingin sa likod ng nasa harapan naming si Skylie. Hindi na ako nito pinansin magmula pa doon sa Jollibee.







"Joke, syempre hindi yan galit. Nadala lang ng emosyon niya kanina. Muntik pa ngang umiyak di ba?" Bulong niya ulit.







Kinuha ko ang phone ko and I dialed her number. Ayaw ko ng ganito. Si Skylie ang pinakaayaw kong nakakatampuhan dahil sensitive ito at nakakatakot din magalit. Ganon siguro talaga kapag mababait? Madalas ko man silang asarin ni Rob, hindi naman sila napipikon para humantong sa away. Hindi man halata pero mahaba ang pasensya namin sa isa't-isa.







Nasa likuran niya lang ako pero sinagot niya pa rin ang tawag ko kaya napangiti ako.







"Sorry na, besh," pabebe na sabi ko.








Huminto siya sa paglalakad at hinarap kami nang nakasimangot, "Parang tanga, hmp!" She hung up. "Bilisan niyo nga dyan," kunwari'y naiinis na sabi nito pero nangingiti saka tumalikod at nagpatuloy sa paglalakad.







Nagkatinginan kami ni Rob at natawa. Sabay kaming kumanta ng, "We love you! We love you!"









LUMIPAS pa ang mga araw at mas naging busy ako sa kaliwa't-kanang event na pakulo ng paaralan namin at isabay mo pa ang responsibilidad ko as an ambassador. Halos hindi na nga kami nagkikita ng mga kaibigan at mga kaklase ko dahil lagi akong wala sa school dahil sa mga meetings. Kapag nasa school naman ako'y, maghapon akong nasa office para asikasuhin ang mga dapat paghandaan sa malaking event next week. Last month pa ang paghahandang 'to at mas nagiging abala kami dahil pitong araw nalang ang bibilangin bago ang University Week.







"We have 250 booths in the upcoming University week and those are from the different departments including us. Gusto ko sana lahat tayo magp'participate sa mga activities na gagawin lalo na yung sportfest. Anyway, may mga players na rin naman tayo dun," bumaling ako sa notes ko kung may nakalimutan pa ba ako. Paulit-ulit na naming pinagmeetingan 'to, imposibleng magkandaletse-letse pa. "Uniform, banners, balloons...perfect, all set." Ngumiti ako sa mga co-officers ko. "See you next week and let's have fun! Thank you for coming today, guys. Ingat sa pag-uwi."







"Thank you, pres!"







"Ingat din po pag-uwi, pres!"







"Bye, pres!"







Pabagsak akong umupo nang makaalis sila. Sandali akong nagpahinga at nagligpit na rin ng gamit. Dumaan ako ng locker ko para iwan ang mga hindi naman kailangan pang iuwi. I glanced on my wrist watch. Mas nakaramdam ako ng pagod nang mapansing alas otso na ng gabi.







"Ang sipag mo naman Gwen Chloe," bulong ko sa sarili habang nahihirapang buksan ang locker dahil sa mga dala ko.







"Ayaw ko nang maging officer!" Daing ko. Ilalagay ko na sana ang mga bitbit ko sa loob ng locker nang may mapansin akong hindi kalakihang tupperware sa loob. May sticky notes ito sa ibabaw na tinanggal ko at binasa.








'Hi, baby boo. Hindi na tayo nagkikita dahil sa internship ko :( Namimiss na kita. Hindi ka rin nagrereply ng madalas sa messages ko tapos di mo pa sinasagot calls ko. Pasalamat ka love kita. See next month! Muah! *kisses and hugs from ur bb*

I told mommy to make Pasta for you. Hope you like it.

~babyboo






Napangiti ako. "Nakakainis."







I guess, I miss you too. Ilang araw na kitang hindi nakikita. Wala nang nangungulit sa'kin.








Her department has an outside of the campus internship program na ginaganap sa malalaking companies dito sa bansa. Selected students lang mula sa department nila ang kabilang and luckily, isa siya roon. Their internship program is kinda weird dahil hindi ka pwedeng pumasok ng school hangga't hindi mo natatapos ang isang buwan. Oo, nakakamiss din na walang nangungulit sa'kin. Huling pagkikita namin noong pumunta siya sa bahay at medyo nagkasagutan na naman kami dahil dumating din si Kiara nang hindi namin inaasahan. Nag'guilty na naman ako at wala akong magawa dahil naguguluhan pa ako, at sa kabila ng mga hindi ko naman sinasadyang mga nasabi ng matabil kong bibig...ito pa rin siya, ako pa rin ang iniisip niya. Isang sorry ko lang, okay na ulit kami.






I don't want to take her for granted pero bakit parang ganon na rin ang ginagawa ko? Ang sama ko. I don't deserve her.







Flashback






"Kayo na ba?" Usisa ni mommy habang kumakain kami. Si Akaizha ang tinatanong niya kaya pasimple akong napatingin kay Kiara na napatingin din sa'kin bago ngumiti ng tipid.







"Ma!" Saway ko.







"Bakit? Nagtatanong lang naman ako."








"Not yet, tita." Nahihiyang sagot ni Akaizha.







"We're just friends, ma." Sabi ko nalang. Ramdam kong napatingin sa'kin si Akaizha kaya medyo nawala rin ako sa focus.







"Then, who's your girfriend?" Napunta ang tingin niya kay Kiara. Epal ka mama!







"Hindi pa po kami, tita."







"Let's just eat. Stop asking stupid questions, ma."






Nakakahiya, pucha!








"That's not stupid, iha. Watch your words."






"Sorry pero...dad, oh!" Paghingi ko ng tulong sa taong wala namang paki.







Natawa lang si daddy. Hindi na rin nagsalita pa si mommy. Matapos naming kumain ay agad na nagpaalam si Akaizha para umuwi dahil bukas na ang start nito sa internship niya at kelangan na niyang makapagpahinga. Nag-alok akong ihatid siya sa labas hanggang sa sasakyan niya.







"Ingat ka sa pag-uwi," putol ko sa katahimikan naming dalawa. Kanina pa kasi kami nakatayo rito sa tapat ng sasakyan niya. "Hindi ka pa ba...uuwi?" Nag-aalangang tanong ko.






"We're just friends?" Tila wala sa sariling tanong niya. "One."






"Akaizha, maaga ka pa bukas." Sa halip ay sagot ko. Kung saan-saan na naman mapupunta itong usapan namin.






"You invited her?"







"No, hindi ko alam na pupunta siya. Umuwi kana, pagabi na."







"Pinapauwi mo ako kasi she's waiting inside? Dito ba siya matutulog?" Itinatago nito ang inis sa tono.






"Ano?" I scoffed. "Bakit ka ba ganyan mag-isip? Hindi siya matutulog dito. Uuwi na rin siya mamaya." Naiinis nang sabi ko. "You're acting like a jealous girlfriend," dagdag ko.







"Because I am jealous!"






"But, you're not my girlfriend," hindi ko napag-isipan ang sagot na yun at bigla ko na lamang nasabi. Huli na. Nagulat siya sa narinig. "I didn't—— I'm sorry."






"Two in just one night?" Tila kinakausap nito ang sarili.






"Huh?"







"W-wala. O-okay lang sabi ko. As if it wasn't true. I'll go ahead. G-goodnight, boo," mahina niyang sabi at mabilis na sumakay ng kanyang sasakyan.








Natulala na lamang ako hanggang sa wala na sa paningin ko ang kanyang sasakyan. Nasabunutan ko ang sarili.






Ang tanga-tanga mo na naman!







Napapikit ako. Akaizha...






End of flashback






Binuksan ko ng bahagya ang tupperware na may lamang pasta habang nakatayo ako rito sa may kalsada at nag-aabang ng taxi. Napangiti ako nang makita ang laman, nagutom ako bigla.






Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Akaizha para magpasalamat. Mabilis niya namang sinagot ang tawag, like pagkaring palang.






"Baby boo!" Bati niya.







"I got your pasta," natatawang sabi ko. "Thank you. Bakit may paganito?"







"I miss you gift ko sayo kasi miss na kita," she said childishly.






"Hindi na rin naman kailangan e. Namiss din naman kita," nakangiting sabi ko. Hindi agad siya nakasagot na mas nakapagpangiti sa'kin. "I appreciate, Ms. Chan. Thank you."







"Miss Chan, huh? I'll be Perez sooner or later, you know?" Pilya niyang sabi.






"Really?" Nakangising pagsakay ko.







"Yes. So...you miss me too?"






"Mm," I nodded as if nakikita niya.






"Can I send you home, then? Gabi na kasi e. Baka kasi mapano ka dyan."






"What do you mean?" Napatingin naman ako sa paligid. She said that na parang nasa paligid lang siya at nakatingin sa'kin. "Where are you?"







Sa halip na sagutin...ibinaba niya ang tawag. Luh? Pero segundo lang ang pagitan nang bigla na lamang umilaw ang sasakyang nakaparada dito lang din sa may gate ng school. Bumusina ang kung sino mang nasa loob bago bumakas ang pinto at iniluwa ang babaeng ilang araw ko nang hindi nakikita, the same girl who hung up the phone a minute ago.







"Baboo!" Excited siyang lumapit sa'kin at patalon pa akong niyakap na muntik ko nang ikatumba. Clingy talaga haha.







"Namiss mo ko?" Tanong ko at niyakap siya pabalik. This time alam kong namiss ko nga siya.






"Opo," and nodded repeatedly, cutely.







"Wala ka bang pasok bukas? Dapat nagpapahinga kana ngayon e," sabi ko pa habang mahigpit pa rin ang yakap niya.








"Ikaw pahinga ko, baboo. Feeling ko lagi akong pagod these past few days kasi hindi naman kita nakikita dun. I don't like it there. Kung hindi lang para sa future natin, hindi ko tinanggap yung program."







Natawa ako. "Future mo," pagtatama ko.







"Future natin!" Pag-uulit niya.







"Opo, sige na." I surrendered and caresses her hair. "Uwi na tayo."







________




"Makakapunta ka ba sa University week?" Tanong ko.







"We don't know yet. Ang sabi makakapunta kami pero isang araw lang and I'm not sure if what day," nakalabi niyang sagot.






"I'll see you, then. Kahit anong araw pa yan."







Pinalubo niya ang pisngi bago siya tumawa at nag-iwas ng tingin. Napangiti ako nang makita kung gaano katamis ang ngiti nito.







I know I want you, I still do. It's just that...I can't still trust my feelings. Not yet, but I'm almost there. Please hang on a little longer for me.







"The Karl Jones guy, the one who likes me, he's bugging me," sabi niya mayamaya, animo'y nagsusumbong.








"What did he do?"








"I don't even know where did he get my number but, he kept texting me so I blocked him. And now he started showing up while I'm at work. He's so annoying!" Naaalibadbaran na kwento nito.







Nakaramdam naman ako ng inis. "Hinahatid ka ba niya sa work at sinusundo?"







"No, I have my own car baby and I won't let him, anyway."






Buti naman.






Tumango-tango ako at nakasimangot na ako. "Nagdadala ba siya ng food sayo?"







"Yes and flowers. He said he's not hitting on me but, he's doing such things. Naiinis lang ako kasi lagi ko siyang nakikita sa tuwing uuwi ako,"







Hindi ako nagsalita at tumingin na lamang sa labas ng bintana. Naiinis ako. Sobrang naiinis. Bwesit na mayabang na yun. Paano kagaguhan na naging campus crush yun kung hindi ko naman siya crush or hindi naman crush ng lahat? Ang pangit niya!







"Hindi ko naman tinatanggap yung mga pagkain na bigay niya sa'kin. Mga workmates ko kumakain," sabi niya pa nang mapansing natahimik ako.







Hindi na ako sumagot pa hanggang sa makarating kami sa bahay. Pinili kong manahimik dahil aminin ko man o hindi, nagseselos ako.






Isang sasakyan at isang taong nakasandal rito ang bumungad sa amin pagdating sa bahay nang bumaba kami ng sasakyan. Kumunot ang noo ko nang makita si Kiara at ganon din siya nang makita kaming magkasama ng pinsan niya.






Napalunok ako nang mawala ang ngiti niya sa labi. She coldly stared at me, "Nakalimutan mo sa bahay 'tong powerbank mo the other night. Nakalimutan ko lang ibalik agad." Mabilis siyang lumapit at ibinigay sa'kin.







"Kiara..." mahinang tawag ko.








Huminto siya. "Let's talk some other time, wife. I don't want to argue with you."









Napayuko ako at hinayaan na lamang siyang umalis. Hindi ko na nasundan ng tingin ang sasakyan niya nang maalalang kasama ko nga pala si Akaizha. Napatingin ako sakanyang kasalukuyan nang nakatitig sa'kin. Tila sinisisid nito ang mga mata at maging ang kaluluwa ko sa lalim ng mga tingin niya. Nakipagsukatan ako ng titig sa kanya. May gusto itong sabihin sa mga naluluha nitong mga mata.








Again, and again, same pain written in her eyes. Same pain from me. Ako na naman ang dahilan. Hindi na ako nagsawang saktan siya, hindi na ako nadala.










"Three," she whispered something I didn't hear.








"Alam mo sabi ko sa sarili ko, Gwen. I will never give up on you kasi gusto kong patunayan na bumalik talaga ako para sayo. Gusto kong ipilit yung sa'tin. Pero sabi mo nga, ang dami nang nagbago. So..." Parang sinusuntok ng paulit-ulit ang puso ko nang makita ang pagdaloy ng luha sa mga mata nito at marinig ang mga katagang yun. Nakaramdam ako ng takot. Alam kong kelangan ko nang mangamba. "I set 5 things or signs na magpapatunay na hindi na ako. Ang dami na nga pero I reset it, nagset ako ng official 5." Pinunasan niya ang luha sa magkabilang mata gamit ang palad. "Guess what, dalawa nalang."







Binuksan niya ang pinto ng kanyang sasakyan. Ngumiti siya ng pilit at mapait. "Dalawa nalang, hihinto na ako. Bibitiwan at pakakawalan na ulit kita...pero this time...I'll make sure I won't regret it."







"I'll make sure you'll be happier."







Naluha ako nang tuluyang lumisan ang sasakyan niya sa harapan ko. Kinapa ko ang zipper ng bag ko at ang nakakabit na ring doon.






Please hang on a little longer, you silly.







To be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

2.9M 58.3K 50
Frances Montejar was determined to win back her childhood ex-boyfriend, Miguel "Migs" Fuentabella. But when Migs came back from the US, Frances felt...
385K 14.4K 58
**COMPLETED** Hindi naman gusto ni Diana ng kahit na anong kompetisyon. Lalo na kung si Nephra Allen ang makakabangga nito. Pero bakit sa lahat ng ba...
109K 5.2K 93
When boredom struck, Aila found herself messaging the popular Facebook page. Meanwhile, an admin decided to open it and to send replies to her series...
539K 18.5K 56
Compiled and reposted: May 19, 2017 Date ended: June 14, 2017 ** Book I and II of Juliet and Cinderella May dalawang tanong sa kwentong ito na hindi...