Gangster Empress:Gangster Evo...

By _MpreSSA

80.7K 2.6K 420

Claira Chemistry Aysia. Fighting is her hobby. Punching is her sport. Death is her game. Dangerous is her mid... More

Gangster Empress
Chapter 1: GE;GE√ The beginning of her Journey
Chapter 2: GE; GE√ Welcome Back
Chapter 3: GE;GE√ Punch of the Empress
Chapter 4: GE;GE√ Emperor
Chapter 5: GE;GE√ Science Vanderoso
Chapter 6: GE;GE√ Andreaustitute (Black Superior)
Chapter 7: GE;GE√ Will I? (BLACK SUPERIOR)
Chapter 8: GE;GE√ TROUBLE!!
Chapter 9: GE;GE√ Yellow
Chapter 10: GE;GE√ Dark Underground (Prank)
Chapter 11: GE;GE√ Encounter
Chapter 12: GE;GE√ Not Coming
ATTENTION!
Chapter 13: GE;GE√ Divisions
Chapter 14:GE;GE√Side By Side
Chapter 15: GE;GE√ ALAS
Chapter 16: GE;GE√ Pest
Chapter 17: GE;GE√ FINE!
Chapter 18: GE;GE√ Empress Challenge (THE PREPARATION I)
Chapter 19: GE;GE√ Empress Challenge (THE PREPARATION II)
Chapter 20: GE;GE√ Empress Challenge I (BEAUTY CATEGORY)
Chapter 22: GE;GE√ Empress Challenge III (SKILL CATEGORY I)
Chapter 23: GE;GE√ Empress Challenge IV (SKILL CATEGORY II)
Chapter 24: GE;GE√ Empress Challenge V REPLICA (SKILL CATEGORY III)
Chapter 25: GE;GE√ Empress Challenge VI (SKILL CATEGORY IV)
Chapter 26: GE;GE√ Hail to The Empress!
Chapter 27: GE;GE√ Headquarters
Chapter 28: GE;GE√ THE TRUTHS
Chapter 29: GE;GE√ Mendell Empire
Chapter 30: GE;GE√ There is No Hunter
Chapter 31: GE;GE√ Find Cousin
Chapter 32: GE;GE√ Peter Piper
URGENT!!

Chapter 21: GE;GE√ Empress Challenge II (BRAIN CATEGORY)

1.5K 72 31
By _MpreSSA

Chapter 21: GE;GE√ Empress Challenge II (BRAIN CATEGORY)

CLAIRA'S POV

"PLEASE STEP forward Ms..."

Shit! Shit! Shit! I promised to burn this school alive!

"Ms. Chemistry Francisco!" They said in unison. I take a deep breath and walk through the designated position.
I even saw how Andrea and Sheila give me a death glare. Hindi ko nalang pinansin.

Nagpalakpakan ang mga tao. Expected na raw nila yun. Tch. Dapat lang no! I took a glance at Science and smirked at him. Ginantihan rin niya ako ng ngisi kaya agad ko siyang iniripan. Hindi sinasadyang napatingin ako kay Math. Ngiting-ngiti ito sa'kin at nag-thumps up pa ng makitang nakatingin ako sa kanya. Kunot noo ko lang itong tinanguan.

Weird.

"So that's it! For the first Category! Thank you ladies for joining, and congratulations for the passers!"

"Alright! Guys, let's all have a short break. And by that, the second category will start. The staff will going to prepare for the Second Category." Umingay ulit ang lahat. Bumaba ang dalawang emcee sa stage. Nagpalinga-linga naman ako.

Ano nang gagawin?

Shit, nasan na ba kasi si Amarie at Garet?! Nakita kong nag-sialisan na ang mga kasama ko na nakapasa. Umalis na lang rin ako, alangan namang manatili pa ako doon na nakatayo kahit tapos na? Muntanga lang.

Pumunta ako malapit sa lower box at maraming estudyante ang nandodoon. Buong galak nila akong kinakawayan kaya asiwa akong tumatango-tango lang. Wew.

"Kyaaaaaahhhhhh! Idol!"

"Ganda mo sis!"

"Ay bongga! Ang cool!"

"Sana all!"

"Ano skincare mo, teh?!"

"Langya, huwag nga kayong manulak!"

"Ano'ng nauna, itlog o manok?!"

"Sinong umutot?!"

Napangiwi ako sa sari-saring komento nila. Awkward lang akong tumutugon at ang iba ay di ko na pinansin. Bwisit! Kailan pa kami naging close ng mga to?

Nakatayo lang ako doon at palinga-linga. Hindi ko pinahalatang nagpapanic na ako sa loob-loob ko dahil hindi ko mahagilap ni isa man sa dalawa. Tangina!

"Dude!" Mabilis kong hinanap ang boses na yun. Nang makita ay agad akong lumapit sa kanya. Nakahinga ako ng maluwag.

Ngiting-ngiti siya sa'kin ng sinalubong ako. Walang emosyon ko naman siyang tinitigan pabalik though natuwa talaga ako dahil nakita ko siya. Putek! Para akong nawawalang bata kanina.

"Ganda natin ah!" Sabay whistle niya pa. Tss. Sabay kaming naglalakad palabas ng gym. Sa labas kasi ng gymnasium dito sa Mendell High ay sasalubong sayo ang sobrang laking ground para sa mga outdoor sports. Kaso ngayon, puro mga kotse ang nandidito, kaliwa't kanan.

"Saan tayo?" Tanong ko. Lumingon siya saglit sakin bago nagpamulsa.

"Dun sa maarte." Nakangiwing aniya. Di na ako nagtanong at nakita kong palapit kami ng palapit sa isang puting Artist Van. Binuksan yun ni Garet at nakita ko ang sobrang laking ngiti ni Amarie sa'kin. Mangiyak-ngiyak siyang bumaba ng sasakyan at lumapit sa'kin. Nakabuka naman ang dalawang kamay niya at handa na akong yakapin.

Nang tuluyan niya ako mayakap ay paulit-ulit niyang sinasabi na 'Im so proud of you!' tss. ka-OAhan talaga nito.

"Hoy, baliw! Ang arte mo na naman! Bilisan niyo at malapit na magtapos ang break!" Bagot na saad ni Garet. Napailing nalang ako ng samaan siya ng tingin ni Amarie. Hays. Magsisimula na naman. Kaya bago pa sila magsimulang magbangayan ay agad na akong umawat.

"Anong nang susunod kong gagawin?" Pagkukuha ko ng atensyon kay Amarie. Agad namang bumaling ang tingin nito sa'kin. Pumalakpak ito!

"Right! Pasok na sa Van Chemistry so-so! Dahil magbibihis ka pa!" Energetic niyang saad. Kumunot naman ang noo ko.

"What? Why?" I ask confused. Not that I want this gown to wear all night long, nagtataka lang talaga ako. Period.

"E kasi po... alangang nakadress ka habang sumasabak sa ikalawang kategorya! Tsaka para hindi ka na magbihis mamaya para sa huling Category." Sabat ni Garet. Lumingon ako kay Amarie at tumango-tango lang ito.

Napapabuntong hininga naman ako at sumampa na sa sasakyan. Sumunod naman sa'kin si Amarie at tinulungan akong magbihis. May dala pala siyang damit para sa'kin nang hindi ko man lang alam para sa susunod na Category. Si Garet ay nandun lang sa labas at nagbabantay.

"Ang galing galing mo kanina Chemistry so-so!" Amarie exclaimed while helping me to dress. I rolled my eyes.

"E nasan ka ba kasi kanina? Hinanap kita a." Tila bagot kong saad. Umiwas naman siya ng tingin at naging balisa. Ngumiti siya ng malawak sakin.

"I-i was there kaya! Di mo lang napansin kasi ang daming nagsha-shout ng name mo sa crowd! I was like—go besty! Wooohooh! You hot! Siguro di mo na heard kasi ang daming voices!" Exaggerated at with action niya pang kwento. Tumango-tango nalang ako.

Okay.

"Yaaah! You're so magaling talaga kanina! And I was like—oh my so! You freaking girl! May sine-secret talent ka pala ah!" Sabay dutdot sa tagiliran ko pero inismiran ko lang siya. Wala kaya akong kiliti diyan. Asa.

She pouted and repeat what she did but I didn't even budge a little. She giggled. "You're really cool!" Hindi ko siya pinansin.

Nang matapos ay agad rin akong bumaba sa sasakyan. Grabe! Kahit bukas ang aircon nang sasakyan ay pinagpawisan pa rin ako.

Humarap ako kay Garet, and she surveyed my outfit from head to toe then smirk. "Naks! Bagay na bagay! Gangster lang ang datingan!" She exclaimed but I snorted.

If they only knew.

I'm wearing a black tube cover up with a black leather jacket. Amarie also let me wear a faded blue maong ripped jeans. As in my pants were totally ripped! Klarong-klaro ang legs ko. Tsaka black na ankle boots naman sa paa. Ang buhok at make up ko ay pinanatili lang niya. And I must admit, I like Amarie's taste of gothic fashion.

"Oh my so! Me pa ba?! I'm good kaya when it comes on fashion! Palibhasa, ang tomboy na kagaya mo, outdated! Eww.." pang-aasar nito. Tss. Heto na naman sila.

"Aba hoy! Ako pa talaga ang outdated ah? Eh kung bugbugin kita?" Pananakot ni Garet kay Amarie. Nanlalaki naman ang mata ng huli at umuusok ang ilong na nakatingin kay tomboy.

"Y-you! Eeeii! You're so basagulera talaga! Meanie!" Sabay cross arms niya.

"Guys," I interrupted. Sabay naman silang tumingin sa'kin kaya agad ko silang sinamaan ng tingin.

"A-anyway dude, five minutes na lang pala para sa susunod. K-kaya tara na." Nauutal na saad ni Garet habang malamig ko lang silang tiningnan.

Tumango-tango naman si Amarie at sumang-ayon, "R-right! K-kaya let's go so-so!" Parang kinakabahang aniya pa. Tss. Yan, makuha kayo sa tingin.

Nagsimula na kaming humakbang ulit papasok sa gym. Ingay ulit ng mga estudyante ang sumalubong sa'min. Pagkakita nila sa'kin ay agad nilang inilabas ang kanya-kanyang camera at pinicturan ako. Hindi ko na lang pinansin.

Namataan ko pa sina Andrea at Sheila na bihis na bihis na rin at masama na namang nakatingin sa'kin. Tss. Ang nga taong umaaligid kasi sa kanilang dalawa at pinapasikatan nila ay napunta lahat ng atensyon sa'kin. Hah! Manigas kayong dalawa ngayon.

Pagtingin ko sa ibang kasamahan ko ay nakabihis na rin sila. Kinulbit ako ni Amarie kaya agad ko siyang nilingon. Kumunot ang noo ko nang ipakita niya ang hawak na cellphone sakin. Agad ring nakiusyuso si Garet.

There. I saw my face all over the school's page. Umabot ng hundred thousand ang likes at may iba pang taga-school ang nakapansin dahil maraming nag-shashare na ibat-ibang accounts. Tss. This is bad.

Recently post lang rin ang pagdating ko na nakuhanan ng litrato habang nasa gilid ko si Amarie na maarteng naglalakad at kahit candid photo lang yun ay photogenic pa rin ang mangga habang nasa kabilang gilid ko naman si Garet at nakapamulsang naglalakad at ngingisi-ngisi pa. Samantalang nasa gitna naman ako at seryosong nakatingin ng diretso.

"Kyaaahhhh! I like this photo. Gawin kotong cover ng fb ko! Wait at ise-save ko lang and then ika-crop ko para tayong dalawa lang Chemistry so-so!" Pang-aasar na naman niya kay Garet pero hindi siya pinansin nito.

"OKAY! WHAT'S UP PEOPLE of Mendell High?!" Yumanig na naman ang buong gymnasium sa nakakabinging sigawan ng lahat. I took a glance at my wristwatch na pinasuot sa'kin ni Amarie and it says nine in the evening.

"Alright! Welcome Back to the Empress Challenge and now we proceed to the challenge 2 which we call the 'Brain Category'!"

"That's right, Bianca! As you can see, there's a medium white board there in the center and it is covered with a black blanket, do you have any idea what's the next challenge, guys?" Tanong niya sa crowd. Sari-saring komento ulit ang nanaig.

Pagtingin ko sa gitna ay may halos 45 na white boards nga. One meter distance ito sa isat-isa. Sa mga manunuod naman na pahirapan ang makita ang nasa gitna ay may camera man na paikot-ikot at naipapalabas ang mga kuha sa malaking screen sa itaas.

Nagulat ako nang biglang lumabas ang mukha ko roon na nakatingala at kasunod naman noon ang mukha ni Science! Nabingi ako sa lakas ng hiyawan ng mga manunuod.

Ipinakita ang mukha naming dalawa through split screen. Mas lalo namang nabaliw ang mga tao at kung pwede lang mamatay sa sama ng tingin na natatanggap ko sa mga kasamahan ko, malamang ay nakabulagta na ako ngayon. Tch.

Halatang nakita rin nila ang nakita ko. Tss, alangang ako lang ang may mata dito? Umiling ako at hindi na sinubukang tumingin kay Science dahil alam kung ngingisian lang ako ng isip batang yun.

Kingina.

May lumapit sa aming organizer ata at sinabing pumunta na sa kanya-kanyang white boards namin. Pinauna ko sila dahil alam kong ako naman ang huli.

Ano kayang laman ng white boards? Brain Category daw e, so malamang tungkol sa pagkain? Lol, last ko na talaga yun.

I was distracted with my thoughts when someone tap my shoulder. Paglingon ko ay si Amarie pala. "Aim for the Crown." Bulong niya sa'kin. I deep a sigh. Yeah... that's right!

Aim for the Crown, Claira! For your necklace.

Bulong ko sa sarili at agad nang pumunta sa white board na natitira.

THIRD PERSON'S POV

"NOW! EVERYONE IS SET and they are already in their designated positions. Ladies, we'll start right away so be ready. When we say take off..."

"It means to take off the blanket that covering up the next challenge. Do you understand?" Pagpapatuloy ng isa pang emcee.

The candidates nodded determinedly even if there's a little nervousness that's rising in them. Chemistry didn't show any emotion and just stare at the blanket.

ON THE OTHER hand, Amarie and Garet are both tensed because they didn't taught Chemistry about this second challenge. How can they teach Chemistry about this, that even them—don't know what's going to be the second Challenge?

Unconsciously, they held hands in nervousness.

EVERYONE became silent and didn't even dare to make a single sound. They were all waiting for the signal to take off the blanket and know what's the next challenge.

Everyone is anticipating that it's going to be hard just like before.

Nag-aantay nang tamang panahon sina Bianca at Karen para simulan. Nang makita na ang signal na hinihintay ay unang nagsalita si Karen.

"Now..." nagkatinginan ang dalawang emcee tsaka sabay na nagsalita,

"...take off!"

MARAHAS NA tinanggal ni Chemistry ang telang itim na nakabalot sa white board. Agad bumungad sa kanyang paningin ang isang mahabang math equation.

Tangina!

Pagmumura ng lahat ng candidates sa kanilang isipan. Pati si Andrea at Sheila ay nagkatinginan at parehong namula. Paano sasagutan ang ganitong klaseng kahirap na equation? Tangina talaga!

Umikot-ikot ang camera at isa-isang ipinakita ang reaksyon ng mga kandidata. Tanging si Chemistry lang ang hindi kinakitaan ng pagkabahala dahil wala naman talaga itong reaction.

"That Mathematical Equation is made by a great mathematician named Calisto Beethoven since 1983. According to the survey, one out of ten are the only people who answer it correctly. It is Lara Hunkman who studied at Harvard University in 2001 and even listed in the Guinness Book of Records as the first person who answered it correctly." Pagbibigay alam ng emcee. Agad nanlumo ang lahat, as expected, sobrang hirap talaga nang Second Category palagi.

Nakakadugo ng utak! Halos malagutan ng hininga ang lahat ng tao pati ang mga manunuod, ano pa kaya ang mga taong sasagot sa equation na iyon!

Tangina talaga!

Nagkatinginan muli ang dalawang emcee, "we will give you a maximum time of twenty minutes to answer it and if the time's up, everybody will put down your white boards marker. Are we clear?"

Napapalunok na tumango ang ilan at ang iba ay hindi na makagalaw.

Namomroblema naman si Andrea dahil ayaw niyang mapahiya pero wala siyang magawa dahil wala naman siyang alam sa math! Bobo siya dito! Putek talaga! Kahit si Sheila na honor student ay biglang nag-freeze ang takbo ng utak.

Nagngingitngit sa galit si Andrea nang mahagip ng paningin niya si Chemistry. Napangisi siya.

Ha! Paniguradong nahihirapan na rin ang isang to. Tingnan natin kung sino ang mapapahiya.

Isip ni Andrea at agad hinanda ang sarili para sumagot. Bahala na daw si Batman!

"Ready ladies, hold your markers." Pagbibigay imporma ulit ng mga emcee at kahit nanginginig ang mga candidates ay wala silang nagawa kundi kunin ang marker. Hindi na rin magawang makapag-ingay ng mga manunuod.

SERYOSO AT walang imikan naman ang sa pwesto nina Science. Seryoso itong nakatingin lang kay Chemistry na hanggang ngayon ay kalmado lang.

Anong gagawin mo?

Tanong niya sa sarili. Naghahanda na silang magkakaibigan na mamangha ulit sa gagawin ng dalaga ngunit sa anong paraan? Paano?

Kabado naman na napapakagat sa kuko si Math, di niya maiwasang mag-alala para sa dalaga, hindi sa wala siyang tiwala sa kakayahan nito, ngunit parang ganun na nga. Hindi pa naman niya kasi nakikita ito kung anong klase itong tao sa loob ng classroom. Matalino ba? O, medyo ano?

Samantalang kalmado lang si Kyle at walang emosyon. Ganun din si Cairo at nag-oobserba lang sa paligid. Si Louis naman ay ngingisi-ngisi at nag-aabang lang. Lalo pa't busog na busog ang mata niya sa mga magagandang babae na nasa harapan niya.

Ngunit hindi maitatangging kabado rin sila dahil wala din silang alam sa mga mangyayari, pati na rin sa challenge na ito.

"ON OUR marks, 1!"pagsisimula ni Karen.

"2!"

"3! The timer starts, go!"

Malalakas ang loob na binuksan nila ang takip ng marker. Sinimulan nilang analisahin ang equation. Napasigaw ang ilan ng simulan na nang iba na magsagot. May nag-trial and error. Gumawa ng sariling formula. Sinubukan ang Ibat ibang properties of equation na may pagkakahawig sa equation na hinaharap, inapply ang rules of mathematics at kung ano ano pa.

Agad tumutok sa kanila ang camera at nabuhayan ng loob ang mga manunuod.

Nag-pakitang gilas rin si Andrea at may pataas-taas pa ng mata na mukhang nag-iisip kuno sabay sulat sa white board niya at bura rin nito.

Si Sheila ay tuluyang nagising at simulan na ring sumagot. Mahaba na ang nagagawa niyang sagot na pinagdugtong-dugtong niya. Sa sobrang haba ay niliitan nalang niya ang sulat para magkasya.

Nang makita nang ilan ang ginawa niya ay ginaya siya ng mga ito. Hinabaan rin nila ang sagot at baka sakaling tsumamba.

May the odds be with them. Ika nga.

Ngunit sa muling pag-ikot ng camera. Tumama ito kay Chemistry. Nakita nila si Chemistry na nanatiling nakatayo. Kanina pa niya pinagmamasdan ang equation at sa mata ng ilan, ay parang naghihintay ito ng milagro na kusang may mag-aappear na sagot.

Ang kaninang paghanga ng ilan sa kanya ay tuluyang nawala. Natatawa ang mga ito dahil wala man lang siyang sagot. Mukhang walang alam. Siya lang ang natatanging nakatayo roon at hindi gumagalaw. Hindi kagaya ng mga kasama niya na ang hahaba na nang mga nagagawang sagot.

Umugong ang tawanan at bulungan ng ilan. Kinukutya siya at kinukuhanan ng litrato sabay post sa kanilang page na may captioned na 'pulos ganda lang gurl? Nasan utak mo?'

"Booo...."

"Wala pala ito e!"

"Utak munggo ang kingina!"

"Hays, sayang ang face! Wala palang brain! Hahahaha!"

"Hahahahah!"

At ibat ibang klase pang komento. Ngunit parang bingi pa rin itong nakatayo doon at walang reaksyon. Sampong minuto na ang nakakalipas at hindi pa rin siya kumikilos.

Nagngingitngit naman sa galit sina Amarie at Garet dahil sa mga naririnig. Nagkaisa silang ipagtanggol ang kaibigan!

Mga putek kasi ang mga ito! Akala mo may mga alam rin! Kala mo ang tatalino!

"You! You! You! Shut the fuck up! Look who's talking! Bakit alam niyo rin ang answer?! I mean so..." paninigaw ni Amarie sabay pagtuturo pa sa mga ito. Hindi niya mapigilang magalit dahil kung magsalita ang mga ito ay parang may mga alam. Eh mga bobo rin lang naman! Nandidiri niyang tinuro ang mga ito.

Nagsisigaw siya doon at hindi naman siya inaawat ni Garet dahil naasar rin ito sa naririnig tungkol kay Chemistry. Sinasamaan niya ng tingin ang mga katabi niyang nang-iinsulto sa kaibigan. Puro mura na rin ang narinig niya kay Amarie na hindi pangkaraniwang ginagawa ng saging.

Tangina na talaga nito!

Walang emosyon at pakialam naman si Chemistry. Napapabuntong hininga lang ito. Iniwasan niyang tumingin sa mga tao at tinitigan lang ang white board niya. Nagulat siya ng kulbitin siya ng katabi.

Paglingon niya ay nakita niya ang cute na babae na may bilugang mukha. Ngumuso ito sa kanya kaya tinaasan niya ito ng kilay. "Magsulat ka nalang ng kung ano-ano diyan Ms. Chemistry. Malay mo tsumamba! Sige na, subukan mo lang. Alam kong mahirap, pero kaya yan! Habaan mo nalang ang sagot mo, malay mo may points yun." Pagbibigay tip niya kay Chemistry pero tinitigan lang siya nito.

Nagtawanan ang ilang manunuod na nakarinig at sinang-ayunan ang babae sa sinabi nito. Malakas naman na napabuntong hininga ang dalaga. Hindi niya maintindihan kung bakit ganun ang sinasabi ng mga ito sa kanya.

Inosente siyang tumingin sa camera na nakatutok sa kanya at sabay buntong hininga ulit. Ibinalik niya ang takip ng marker na binuksan niya kanina at inilagay ito sa lalagyanan.

Muling umugong ang tawanan dahil doon.

NGITING-NGITI SI Sheila dahil sigurado siyang may patutunguhan ang mga isinusulat niya. Tiningnan niya ang katabing si Andrea at nakitang panay bura ito. Konti lang ang naisulat nito sa white board. Ngumisi siya.

Tss. She's so bobo talaga!

Lumingon rin siya sa gawi ni Chemistry at matagumpay na ngumisi ng makitang walang laman ang white board nito at nakatanga lang.

Hmm. Bobo rin pala!

"AND NOW! The time's up everybody! Put down your marker. Karen..." tawag pansin niya sa kasama niyang emcee.

"Alright! All is done! And before we proceed, we would like to question you first ladies and to let you explain your answers. Let's go, Bianca!" Bumaba silang dalawa at sinimulang tanongin ang unang kandidata.

Confident naman itong sumagot. Nag-tuloy tuloy ang pagtatanong hanggang sa makarating sila kay Andrea na sobrang lawak ng ngisi.

"Ms. Andrea Janson!"

"Yes?"

"Can you explain your answer to us and how did you get that?" Nainsulto ito sa pagtawag ng emcee na 'that' sa sagot na pinaghirapan niya. Inirapan niya ito at hindi pinansin. Tumingin siya sa camera na nakatutok sa kanya at buong ngiti na nagsalita.

"Oh yes, hi guys! A-ahm. My answer is equal to zero or one!" Confident niyang sagot. Yun lang talaga ang sagot na nailagay niya sa kanyang white board. Gumamit pa siyang ng or dahil hindi siya sigurado sa zero na sagot niya kaya nilagay niya rin ang  one!

Oh yes! Ang brainy niya!

Nagkatinginan ang dalawang emcee at ngumiti sa kanya. "Thank you Ms. Janson."

Lumipat ang dalawang emcee sa katabi ni Andrea na si Sheila. Buong galak sila nitong nginitian. Gaya ng tanong sa lahat, tinanong rin ito sa kanya. Sa haba ng sagot niya ay ganun rin kahaba ang pag-eexplain niya.

Tangina!

Dumugo ang ilong ng ilan at namangha sa kanya. Sigurado na daw ang mga ito na makakapasok siya sa Category 3!

Lumipas pa ang ilang pagtatanong hanggang sa huli. Kay Chemistry na sila papunta. At eto ang eksplenasyon na pinakahinihintay ng lahat!

NATAPOS ANG buong bente minuto na nakatayo lang si Chemistry. Ngingisi-ngisi ang ilan sa mga kasamahan niya at panay tingin sa kanya na puno ng insulto. Di na lang niya pinansin ang mga ito.

Naglalakad papalapit ang mga emcee sa kanya habang nakangiti ng makahulugan. Pinagitnaan siya ng mga ito.

Unang nagsalita si Bianca.

"Ms. Chemistry Francisco. Unlike to the other candidates here, we have a different question for you."

"That's right! As you can see, you didn't move in your position or even write anything on your board."

Umikot ang camera at tumutok sa white board niya at tumutok ulit sa kanilang tatlo.

"Our question is, why didn't you answer the equation?" Ang tanong na tanong rin ng karamihan.

Tumahimik ang lahat. Nag-aantay nang sasabihin ng dalaga. Nag-zoom in sa mukha nito ang camera na walang kaemo-emosyon.

Nagsalita ito na sa malamig na boses sabay kibit-balikat, "how can I answer the equation, if the equation itself was wrong?"

Their jaw literally dropped.

****

A/N: ayoko na tuloy maglagay ng portrayer... ang ud ay baka next weekend ulit:)

Don't forget to click the star below and comment your thoughts guys!

Disclaimer: yung sinasabi kong mathematician na si Calisto Beethoven at ang unang taong nakasagot nang equation niya na si Lara Hunkman ay pure fiction! Walang katotohanan. Gawa-gawa ko lang! Kwentong barbero! Okay?!

Continue Reading

You'll Also Like

27.3K 3.8K 38
˚✧ Protagonist˚✧ Gemini Kleverron "ជេមមីណាយ ឃ្លេវវើរ៉នន៍" ♡ Fourth Sydenzverd "ហ្វូត សាយឌេនវើត" /////// •Hate to love💅🏻?????
153K 6.7K 30
!Adult/Possessive and Asshole!
71.2K 5.9K 141
Admin ဆီက ခွင့်ပြုချက်မရသေးပါဘူး free တင်တဲ့ အတိုင်း တင်ပေးပါ့မယ် admin တွေ လာပြောရင် ဖျက်ပေးပါမယ်။ Start date -21•4•2024(Sunday) End date-
2.3M 72.1K 100
Previously called Older Brothers Part 1 Completed (Alternate version) part 2 Ongoing "T-trust me?" "Always." It was the promise that they were never...