Melting Ice Princess 3

Av jaysanj

1.5M 61.4K 28.4K

Si Zap at Kriza ay hindi mapaghiwalay nung bata pa lang pero habang lumalaki ay hindi matanggap ni Kriza na m... Mer

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Epilogue
Special Chapter: Welcome back Zaparta
Special Chapter: Reyes Battle
Special Chapter: Tyrant Torres
Special Chapter: Eloiza Martinez
Special Chapter: Unexpected Couple
Special Chapter: Cat vs Dog
Special Chapter: Queen Part 1
Special Chapter: Queen Part 2

Chapter 72

16K 644 211
Av jaysanj



Third Person's POV

Hindi maipinta ang mukha ni Avey habang inililibot ang paningin sa mga taong nasa gym. Sa pagkakaalam nya, practice lang itong magaganap ngayon pero bakit ang daming tao?

"Okay, sabihin ninyo sakin kung bakit nandito kayong lahat." tanong ni Avey sa kanila.

"Ano pa ba? para suportahan sila!" sagot ni Samantha.

"Sa pagkakaalam ko ay practice pa lang ito." sabi ni Avey. Lahat ng miyembro ng apat na team ay nasa gym para suportahan at panoorin ang miyembro ng Dream Team, ang team na lalaban sa Leon Sparks. Literal na dream team ang team na ito dahil sa pitong miyembro.

"Yan ang gusto ko sa inyo!" masayang sabi ni Sylvia. 

"Wala lang sila magawa kaya sila nandito." sabi ni Blysse.

"Kahit nandito ang girlfriend mo?" patanong na sabi ni Asta.

Tatlong miyembro mula sa Meteorite. Sinabi ni Sunny sa buong team ng Meteorite na may practice ngayon ang Dream Team kaya naman nandito sila para panoorin mag-practice ang teammates nila.

"Ayokong nandito sila." nakabusangot na sabi ni Eloi.

Si Eloi mula sa Shakers. Wala itong pinagsabi sa practice ngayon kaya nagulat ito nung mas nauna pang dumating ang mga ka-miyembro nya sa Shakers kaysa sa kanya. Hindi na ito nagulat kung paano nila nalaman.

"Bakit nandito rin ang mga seniors?" bulong na tanong ni Kriza habang nakatingin sa mga dati nyang seniors na kumakaway sa kanya.

Si Kriza mula sa Dragon Empire. Gustong isali ni Avey si Blythe o si Marceline pero umayaw ang dalawa o kahit ang ibang Dragon Empire. Nahahalata nyang pinagkakaisa sya ng buong team dahil sa mga kasama nya.

"Masaya ka siguro dahil nandito rin si Rigel para suportahan ka." ngising tukso ni Kennie kay Dite.

"Pinilit ko lang yan." honest na sagot ni Dite. Tinignan ni Kennie na hindi makapaniwala sa ginawa ni Dite. Napailing na lang sya kinalaunan.

Dalawang miyembro mula sa Miracle. Nae-excite sila na makasama ni Dite ang anim na magagaling na manlalaro kaya nandito sila para panoorin ito kahit na practice game pa lang. Gusto nila makita ang galing ni Dite kasama ang anim.

"Hayaan mo na sila. Curious at excited lang ang mga yan sa pito. Maganda na rin ito pag-practice-san ng pito." sabi ni Kill na lumapit kay Avey.

"Not bad. Okay, since nandito na rin naman kayo ay kailangan namin ng tulong ninyo sa practice game." nakangiting sabi ni Avey.

"Magvo-volunteer ako!" napatingin silang lahat kay Julia.

"Joella, Abi, Marceline, Janine at Sora." sabi ni Avey. Natawa naman yung iba nung hindi kasali si Julia sa binanggit ni Avey.

"Bakit ako kasali?" nagtatakang tanong ni Sora. Katabi nito si Zaparta

"Baka kasi hindi sila matalo." sabi ni Avey.

"Wow huh coach Avey!" komento ni Marceline. Napangisi naman si Avey sa kanya.

"Grabe ka samin, Tita ah." sabi naman ni Abi.

"Alam ninyong lahat kapag pinagsama-sama ang pitong ito, wala kayong laban kaya nga tinawag na Dream Team itong team na 'to." sabi ni Avey.

"May dream team rin kaya kami." nakangusong sabi ni Julia. Ayaw magpatalo nito.

"Tsaka natin ilalaban ang dream team ninyo sa pitong ito." sabi ni Avey at tumingin sa pito. "Magsisimula na tayong mag-practice. Practice game agad tayo para makita natin kung nagsy-sync ba kayong pito. Mag-warm up na kayo kasama yung lima."

Sa sinabi ni Avey ay kumilos ang twelve na maglalaro. Tinulungan sila ng iba sa pag-warm up. Nakatingin si Avey sa mga bata habang nag-iisip ito ng strategy. Pero nababahala sya sa teamwork ng pito. Siguradong hindi magkakasundo ang pito.

Bumuntong hininga ito. Nagawa nyang mainis sa Leon Sparks sa panlalait nito sa kanila at hindi nya hahayaan na gawin nila 'yon lalo na mali sila. Magagaling ang mga bata. Alam nyang mas magaling ang mga bata kaysa sa Leon Sparks. Masyado lang silang madumi kung maglaro.

Natapos na mag-warm up ang mga bata at lumapit sila kay Avey habang yung iba ay puwesto sa gilid para manood

"Sora, ikaw na bahala sa apat. Kung gusto mong ipa-sub, pwede mong gawin. Please, gawin mo lahat para i-counter ang pitong ito." sabi ni Avey at tumango si Sora.

"Gusto mo ata kaming matalo, Tita Avey eh." sabi Sylvia. Ngumiti sa kanya si Avey pero hindi nila ito nagustuhan lahat.

"Yes dahil may parusa kayo kapag natalo kayo." nakangiting sabi ni Avey. Ang ngiting pahihirapan sila. "Sa team ninyo, pumili kayo ng team captain ninyo." sabi nya pa.

Sabay sabay naman sila tumuro kay Dite. Napakunot ang noo ni Dite dahil sa ginawa ng anim sa kanya.

"Ikaw ang tumanggap ng hamon eh." sabi ni Sylvia.

"Sa pagkakaalam ko, napilitan lang ako." sagot ni Dite.

"Ikaw ang nag-trigger sa kanila na magkaroon ng official game." sabi naman ni Asta.

"Ang boring naman kasi." sabi ni Dite. Hindi sila makapaniwala kay Dite. Nanonood pa lang sila sa laban nila nung nakaraan pero inis na inis na sila sa Leon Sparks.

"Ikaw na ang team captain, Dite." sabi ni Kill. Hindi masyadong halata sa mukha ni Dite ang hindi paggusto sa desisyon ni Kill.

"Magsisimula na tayo, magdesisyon na kayo kung sino ang maglalaro." sabi ni Avey. Tumingin sya sa mga batang nanonood. "Kailangan ko na magre-referee. Julia at Samantha!"

"Tapos referee ako, ganyanan tayo ah." pag-aangal ni Julia pero tumayo para rin para mag-referee.

"Sinong gustong maglaro sa inyo?" tanong ni Dite sa anim.

"Lahat kami." sagot ni Eloi.

"Oh sige, laro na kayo." sagot rin ni Dite. Tinignan nilang lahat si Dite na walang emosyon. Tila hindi maganda ang desisyon nila na si Dite ang captain nila.

"Mamaya na lang ako." sabi ni Asta.

"Ako rin." sabi ni Blysse.

Nakatingin si Dite sa anim nyang kamiyembro bago napabuntong hininga. Alam nyang hindi sya hahayaan na magpahinga o ipa-sub.

Pumasok ang sampung maglalaro sa court. Si Sora at Kriza ang magkaharap para sa jump ball. Isa si Kill ang magre-referee bukod sa dalawa. Tumingin si Kill sa dalawa bago iligay sa bibig ang pito. Humanda ang mga manlalaro pwera kay Dite na nakatayo ng maayos. Nakatingin sa kanya si Joella.

"Joella, makukuha ni Kriza ang bola. Mauna ka na sa side ninyo." sabi ni Dite.

"Bakit mo sinasabi yan sakin?" tanong ni Joella. Nilingon sya ni Dite.

"Kaya kong mag-adjust sa mga kasamahan ko pero sila, hindi. Kailangan ninyo kami lamangan para magseryoso ang mga yan." sabi ni Dite.

"Alam mong hindi kayo magkakasundo." sabi ni Joella bago tumakbo sa court side nila.

"Dite, si Joella!" sigaw ni Sylvia.

Pumito si Kill kaya hindi na ito pinansin pa ni Sylvia. Hinagis ni Kill ang bola sa ere at ilang saglit lang ay tumalon ang dalawa. Katulad ng inaasahan ni Dite, nakuha nga ni Kriza ang bola at naipasa kay Kennie. Mabilis na tumakbo ito sa court side nila Sora. Mabuti na lang ay nandon si Joella kaya napigilan nya ito sa pagpuntos.

Nagulat si Kennie nung makuha ni Marceline ang bola kaya tumakbo sila sa pabalik sa kabilang side. Hinarap ni Dite si Marceline.

"Lalampasuhin kita rito." nakangising sabi ni Marceline.

"Kung ganon, ibigay mo ang bola kay Sora." sabi ni Dite. Napakunot naman ang noo ni Marceline. "Gawin mo na." naguguluhan man ay sinunod nya ito pero bago nya maipasa ang bola kay Sora ay nagulat ito na open si Sora kaya naman nakapuntos sila. Napatingin si Marceline kay Dite at muli itong nagulat dahil nakataas ang dalawang kamay ni Dite na nagsasabing time out.

"Anong ginagawa ni Dite? Ang aga pa para mag-time out." tanong na sabi ni Veloce.

Mas nagtaka sila nung lumapit si Dite kay Sora at lumayo pa ang dalawa.

"Anong meron?" tanong ni Abi.

Tumagal pa ng ilang segundo ang usapan ng dalawa kaya lalo silang nagtataka pero hinayaan lang nila ito dahil mukhang seryoso ang usapan ng dalawa.

"Paano mo nalaman ang lahat ng yan?" tanong ni Sora kay Dite.

"Isang taon ko rin sila pinanood kaya natural na malalaman ko ang kahinaan nila. Gusto kong matalo ninyo kami para mas seryosohin nila ito. At tsaka, gusto ko sila makalaban, yung tipong matatalo nila ako. Walang thrill kung masyado akong magaling." sabi ni Dite.

"Hindi ka naman mayabang dyan?" tanong ni Sora at napairap sya rito. Tinignan lang ito ni Dite. "Ano pang sasabihin mo? lagpas na ang oras natin."

"Inisin ninyo sila." sabi ni Dite. Napakunot ang noo ni Dite. "Cold man silang tignan pero madali silang mapikon. Kailangan ninyo sila inisin para hindi na sila ganong masyadong mainis sa Leon Sparks." tuloy ni Dite.

Nilingon ni Sora ang mga ka-teammates ni Dite. Nakita nyang nakatingin sa kanilang lahat. Muling ibinalik ni Sora ang tingin kay Dite.

"Titignan namin kung mapipikon nga nila ang mga yan." sabi ni Sora.

Natapos na ang pag-uusap ng dalawa pero kinausap muna ni Sora ang apat nyang kakampi kung ano ang sinabi ni Dite sa kanya. Nagulat naman sila na alam ni Dite ang mga kahinaan ng kakampi nya.

"Ngayon, alam ko nang delikadong tao si Dite. Hindi ko aakalain na malalaman nya ang kahinaan ni Kriza." sabi ni Marceline.

"Malalaman natin kung totoo ba ang sinasabi ni Dite. Hindi pa rin ako makapaniwala." sabi ni Janine.

"Subukan natin sila." sabi ni Abi.

Tumango silang lahat at nagsabi na magsisimula ulit silang maglaro. May pagtataka sa mukhang ang mga manonood lalo na ang apat na kakampi ni Dite. Kaharap nila ang teammates nila sa kani-kanilang team.

"Anong meron?" takang tanong ni Kriza kay Marceline.

"Malalaman mo rin." nakangising sabi ni Marceline. Napakunot ang noo ni Kriza.

Tumakbo si Kennie habang nakasunod sa kanya si Joella. Tumigil si Kennie at ganon rin si Joella. Umastang ititira ni Kennie ang bola at itinaas ng dalawang kamay ni Joella. Mabilis na yumuko si Kennie at bumalak na lusutan si Joella sa kanan nito pero mabilis rin naibaba ni Joella ang kaliwang kamay nya para harangan si Kennie. Bahagyang nagulat si Kennie at lumayo. Muli itong nag-dribble.

"Ang bilis ng reflection ni Joella." komento ni Veloce.

"Masyado mo naman pinupuri ang crush mo." panunukso ni Brook.

"Shut up." may ilan-ilan na natawa sa turan ni Veloce.

Nakapuntos ang team ni Dite. Ipinasok ni Sora ang bola at ipinasa kay Marceline. Humarap sa kanya si Dite. Pinagmasdan nya ito ng mabuti. Napansin nyang balak kunin ni Dite ang bola kaya agad nya itong itinago sa likuran nya.

"Marceline!" sigaw ni Abi. Ipinasa ni Marceline ang bola kay Abi. Humarap naman sa kanya si Kriza. "Hey cousin, mukhang kayang kaya kang talunin ni Dite."

Napakunot ang noo ni Kriza. "As if."

"Oh talaga." humakbang si Abi at nakita nyang kaliwang paa ang inatras nya. "Got 'ya!" tumalon si Abi at sinubukan naman ni Kriza na habulin ang bola pero huli na dahil naitira na ni Abi ang bola sa ring.

Nakuha ni Sora ang bola mula kay Sylvia. Ipinasa ni Sora ang bola kay Abi at muling hinarangan sya ni Kriza. Sinusubukan ni Abi na makahanap ng butas para lagpasan si Kriza pero mahigpit ang bantay ni Kriza kaya hindi ito makalusot agad. Humakbang sa kanan nya si Abi at naiatras naman ni Kriza ang kaliwang paa nya. Ibinalik ni Abi ang kanang paa nya at tumalon. Sinubukan ni Kriza habulin ang bola pero hindi nya ito na-block.

"Bakit ganon? Nagagawang i-blocked ni Kriza ang tres ni Veloce, bakit kay Abi hindi?" tanong ni Sunny.

"Kaya nga eh. Ang babang tumalon ni Kriza ngayon. Injured ba sya?" tanong ni Nicole.

"Sa tingin ko ay inaabangan ni Abi na mawalan ng balanse si Kriza. I mean, sa kaliwang paa nya binibigay ang puwersa. Halos lahat naman tayo mahina ang kaliwang paa at kamay kaya kinukuha ni Abi ang pagkakataon na mawalan ng balance ang kanang paa nya para kaliwang paa ang gagamitin." komento naman ni Faith. Nakatingin ang ilan sa kanya.

"Halatang may gusto ka pa rin kay Kriza dahil napansin mo na kaliwang paa ang gamit nya." panunukso ni Lesley.

"As if sya hindi." inirapan ni Faith si Lesley.

Natapos ang laro na ikinagulat ng lahat dahil natalo ang team ni Dite. Halos nasa sampu rin ang lamang nila Sora sa team nila Dite. Kahit hindi gaano maglaro si Dite, alam nilang kayang manalo nila Kriza.

"Tita Avey." lumapit si Sora kay Avey pagkatapos ng laro. Nakatingin si Avey sa mga bata at nilingon si Sora. "Sa tingin ko kailangan mong tanungin si Dite sa team na 'to."

"Idea ni Dite ang laro ninyo kanina, hindi ba?" tanong ni Avey.

"Hindi lang 'yon. Alam nya rin ang kahinaan ng anim." sagot ni Sora tapos tumingin kay Dite na umiinom ng tubig sa may gilid. Tila naramdaman ni Dite na nakatingin sa kanya sila Sora at Avey kaya nilingon nya ito. Umiwas rin ito agad.

"Thanks, Sora. Mukhang may iba akong ipapagawa kay Dite pansamantala." sabi ni Avey at tinapik ang balikat ni Sora. "Sunod ka sakin."

Lumapit ang dalawa sa mga bata na nasa bench habang nagpapahinga. Nasa likuran nila na nakaupo sa bleachers ang mga kaibigan.

"Nakapagdesisyon na ako na hindi muna sasali si Dite sa practice game hangga't hindi kayo nananalo sa mga kaibigan nyo." sabi Avey.

"Natalo lang kami ng isang beses, Tita Avey." sabi ni Asta.

"Parang sinasabi ninyo na hindi kami mananalo sa iba." sunod na sabi ni Sylvia.

"Hindi talaga." sagot ni Sora. "Alam na namin ang kahinaan ninyo at hangga't hindi ninyo 'yon inaayos, matatalo kayo."

"Ano naman ang gagawin ni Dite?" tanong ni Eloi. "Paano kami magkakaroon ng teamwork kung hindi sya sasali." dagdag nya.

"Bakit? patatagalin nyo ba ang pagkatalo ninyo?" nakangising tanong ni Avey na ikatigil naman nilang anim para mapaisip. "Anyway, Dite. Gusto kong review-hin mo ang laro ng Leon Sparks. Samahan mo na rin sya, Sora para may idea na kayo kung paano sila talunin."

"Alright." sagot ni Sora habang nakatango lang si Dite.

"Okay, magsisimula na tayo sa mismong practice. Sinong gustong sumali sa inyo?" tanong ni Avey sa mga batang nasa bleachers.

"Ako!" masayang tumayo si Lulu. Sunod-sunod na rin ang gustong sumali sa practice ni Avey hanggang sa lahat sila ay sumali pwera kay Zap.

Lumapit naman si Avey kay Kill na nakatayo sa may gilid habang nakahalukipkip ang mga kamay. Hinintay ni Avey na matapos sa pagpalit ng damit ang ibang mga bata.

"Mukhang kailangan ko talagang pag-isipan ang gagawin kay Dite." sabi ni Avey kay Kill. Tinignan sya saglit ni Kill tapos ibinalik rin sa mga bata ang tingin. "Baka naman pwede mo akong bigyang ng tips kung paano ko patutumbahin yang bata mo?"

"You'll have to work it out for yourself." ngising sabi ni Kill. Napanguso naman si Avey.



Rigel's POV

"Malaki ang pangangatawan ni Gel kaya nakakapwesto ito agad para mag-rebound. Base sa mga laro nila, lahat ng rebound ay nakukuha nya. Kung kakalabanin sya, lakas ang kailangan." pag-eexplain ko sa isang miyembro ng Leon Sparks. Tinignan ko si Sora na seryosong pinapanood ang mga highlight ng Leon Sparks. Ayaw nyang tinatawag syang Ate kahit na ilang taon ang agwat namin.

"Sa kanilang pito, mukhang si Kriza lang ang may kayang tapat si Gel. Malaki sya pero mataas tumalon si Kriza." komento nya. "Pero hindi pa rin tayo sure."

"Mapapahamak lang si Kriza sa kanya." sabay kami napatingin ni Sora sa likuran namin. Nakita namin si Ate Zap.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Sora. Nandito kami ngayon sa bahay nila Tita Zoe. Bago pa kami makapag-search ng laro ng Leon Sparks, nakakuha na si Tita Zoe. Mabilis kumilos si Tita Zoe pagdating sa pagkuha ng mga laro ng ibang team.

"Naisip ko lang tumulong sa pag-research since hindi ko naman sila matutulungan sa paglalaro dahil sa sugat ko." sabi ni Ate Zap at naupo sa tabi ko. "At bakit natutulog ang isang yan?" tungkoy nya kay Dite na nasa tabi ko na natutulog.

"Bakit ko papanoorin yan kung alam nating hindi sila seryoso sa mga video na yan?" medyo na gulat kami nung magsalita sya. Akala namin ay tulog na tulog sya. Dumilat sya at tumingin samin. "Walang matinong impormasyon tayo makukuha sa pinaggagawa nila."

"Para lang silang Meteorite dati. Kung hindi natin sila lalamangan, hindi sila magseseryoso kaya kailangan natin alamin kung paano sila pagseseryosohin." sabi ko sa kanya. Tinignan nya ako ng matagal bago pumikit. 

Mariin kong ipinikit ang mga mata ko para pigilan na sapakin sya. Kahit anong gawin ng taong ito, nakakapang-init ng ulo.

"May kilala ako na pwedeng tumulong kay Kriza para pag-practice-san ang lakas at laki ng katawa." dumilat ako at tumingin kay Ate Zap.

"Sino naman?" tanong ni Sora.

"Si Tita Maki. Sasabihan ko si Tita Kill na kailangan natin ng tulong ni Tita Maki." sagot ni Ate Zap.

"Lahat sila ay problema pero mas malaking problema ang captain nila. Kung iniisip ninyo na ang nakasagutan ni Dite noon ay ang captain nila, hindi, vice captain lang sya. Ang captain nila ay si Liza. Dalawang beses lang sya naglaro at sa laban ng Queer at final game lang." sabi ko at pinakita ang video ni Liza.

"Pero bakit number four ang suot ni Olive last time?" tanong ni Ate Zap.

"Katulad ng sinabi ni Dite, hindi official game yung laro nung nakaraan kaya kahit anong number, pwede nilang gamitin. Tsaka wala si Liza nung araw na 'yon. May interview ito sa isang show." sagot ni Sora. "Alam nya kasing kaya na nila Olive tapusin ang laro na hindi sya maglalaro." sabi ni Sora. May nahi-hint akong inis sa boses nya. "Sya ang pinakadelikado." dagdag nya pa.

Pinanood namin ang isang clips kung saan mabilis na nagdri-dribble si Liza. Kaharap nya ang pinakamagaling na player sa WNBA pero nagawa nya itong lagpasan ng ilang beses. Nagawa nya rin lagpasan ang apat na miyembro ng kalaban na hindi pinapasa ang bola.

Tumingin ako sa dalawa dahil nanahimik ang mga ito. Seryosong nanonood ang dalawa. Inulit-ulit pa nila ito at pinanood ng maayos. Mabuti pa ang dalawang ito na hindi makakalaro sa official game ay seryosong pinapanood ang highlights pero itong captain ng Dream Team ay pa-chill chill lang.

"Hindi man ganong kabilis pero makakatulong ang Big Three sa team." muli kaming napatingin sa likuran. Si Tita Zoe naman ngayon.

"Big Three?" tanong ni Sora.

"Hindi nyo ba kilala ang Big Three rookies ng Dragon Empire?" nakangiting tanong ni Tita Zoe.

"Sila Tita Alexa, Mama Japan at Tita Steph." sagot ni Ate Zap.

"Makakatulong ang tatlong 'yon sa team lalo na si Steph kung bilis sa pag-dribble ang pag-uusapan. Isama na natin si Ate Kill." sabi ni Tita Zoe.

"Narinig ko ata pangalan ko dyan." tumingin ako sa likuran ni Tita Zoe. Nakita ko si Tita Alexa at Tita Steph.

"Sina-suggest ko lang sa kanila na makakatulong kayo nila Japan pag-practice-san ng mga bata." sagot ni Tita Zoe.

"Mukhang hindi ninyo talaga kayang manalo sa Leon Sparks at humihingi kayo ng tulong sa mga matatanda." nakangising sabi ni Tita Steph. Mapaklang tumawa naman si Ate Zap.

"Mukhang hindi lang talaga salita ang mga 'to eh." sagot ni Ate Zap.

"Kung ganon, bakit tila walang pakialam itong panganay ko?" tanong ni Tita Alexa. Lahat kami ay tumingin kay Dite na mukhang nakatulog na talaga dahil nakatagilid na ang ulo at nakabuka pa ng kaonti ang bibig. Itong taong 'to.

"Siguro, sa kanilang pito, si Dite ang hindi mapipikon sa Leon Sparks. Sya pa ang mang-aasar." natatawang sabi ni Tita Zoe. Mukhang ganon na nga talaga ang mangyayari.

Sa pangatlong araw ng practice ng Dream Team ay na natapos na namin ang pag-summary ng data ng Leon Sparks kaya pumunta na kami sa gym. Kasama na rin namin ang hiningan namin ng tulong para tulungan ang pito sa pag-practice. Kinausap na muna namin sila kung ano ang kailangan nilang gawin sa tuturuan nila.

"Dite, sabihin mo samin ang nakuha mong data." tawag ni Tita Avey. Nakaupo kami sa sahig ng gym. Nandito pa rin ang mga kaibigan namin sa apat na team.

"Wait, si Rigel na lang magsasabi dahil si Rigel talaga ang gumawa ng trabaho." pagpipigil ni Sora. Napatingin naman tuloy sakin ang lahat.

"Grabe ka, Dite! Pinagtrabaho mo yung nililigawan mo!" sabi ni Samantha at sinang-ayunan naman ng iba. Napairap ako dahil totoo ang sinasabi nila.

"Girls, tahimik!" sigaw ni Tita Avey kaya naman natahimik silang lahat. "Rigel." tawag nya na may ngiti.

Tumayo ako at tumungo sa harapan dala ang notebook ko na may mga laman ng impormasyon ng Leon Sparks. Tinulungan naman ako ni Tita Kill na i-distribute ang printed papers sa pito. Sinimulan ko na sabihin ang impormasyon ng Leon Sparks at tahimik naman nakikinig ang lahat. Nagtatanong ang pito pero madalas na magtanong ay yung hindi maglalaro. Pati sila curious sa Leon Sparks.

"Kaya naman, humingi ako ng tulong kanila Tita Maki, Tita Sam, Tita Irene at ang Big Three para i-counter ang galing ng Leon Sparks." sabi ko.

"Gusto yang pag-iintroduce mo sa Big Three, namiss ko yan." natatawang sabi ni Tita Ella. Namula ako sa hiya dahil sa pagsabi ng Big Three. Ang ganda lang kasing banggitin.

"Ii-one on one nila kayo ngayong araw tapos bukas ay titignan natin kung nag-improve kayo." dagdag ko.

"Hindi na naman kasali si Dite?" tanong ni Ate Kriza.

"Kasali, si Tita Kill ang magtuturo sa kanya since nagsisimula na sila." sagot ko. "Yun lang po." sabay tingin ko kay Tita Avey. Sa totoo lang, may gusto pa akong gawin sa team na 'to pero wala akong karapatan gawin 'yon.

"Mukhang may idea ka pa. Sabihin mo lang." nakangiting sabi ni Tita Avey. Nagulat naman ako dahil nabasa nya ako. "Go lang. Nasabihan na ako ni Kill kung paano ka mag-manage ng team. Iniisip ko nga na maging manager ka ng team na 'to eh." mas lalong ikinagulat ko ang gusto nyang mangyari.

"Go! Rigel!" nakangiting pagche-cheer ni Sylvia.

Umubo ako at nagpasalamat kay Tita Avey. "Sa totoo lang po, sa natitirang tatlong araw ay nakagawa na ako na gagawin nila kung okay lang sa inyo." sabi ko.

"Sige lang." nakangiting sabi nya. Ngumiti ako at tumingin sa pito.

"Nasabi ko na ang gagawin ngayon araw. Bukas ay bago kayo maglaro kanila Tita Kill, may training routine muna kayong gagawin at gagawin ninyo rin pagkatapos ng laro. Sa fifth day, magswi-switch ang magtuturo sa inyo at may training routine rin tapos bago matapos ang araw, maglalaro kayo laban sa Meteorite. In sixth day, training routine muna tapos ang Dragon Empire naman ang kakalabanin ninyo. Pagkatapos ay tuloy ang practice kanila Tita Kill. Bago matapos ang araw ay ang Miracle naman ang makakalaban nyo. At sa last day, makakalaban ninyo ang Shakers tapos training routine at hanggang matapos naman ang araw ay makakalaban ninyo sila Tita Kill. Kung okay lang po sa inyo na matatagalan ang laro ninyo sa kanila." tanong ko kanila Tita Kill.

"Sure." pagpapayag ni Tita Steph at ganon na rin ang lima.

"Not bad, Rigel. Kaya naman pala gumaling ang Miracle dahil sayo." nakangiting puri ni Tita Avey. Nahiya naman ako. "Okay, we will do that pero sa training routine ay may idadagdag akong thrill." ngumiti si Tita Avey sa pito. Napansin ko naman na bahagyang nagitlang ang ilan sa kanila. "Isasama ko kayo." tukoy nya sa apat na team. Sabay-sabay naman silang nagsireklamuhan pero dahil nandito ang mga coach nila ay wala silang magagawa kundi sumali sa training routine ng pito.

"Simula na natin 'to! Irene, ikaw na bahala sa anak mo ah? bonding muna kayo." pang-aasar ni Tita Sam.

Pumili na ang mga matatanda sa tuturuan nila. Si Tita Maki kay Ate Kriza. Tita Japan kay Blysse. Tita Irene kay Eloi. Tita Alexa kay Kennie. Tita Sam kay Asta at Tita Steph kay Sylvia at Tita Kill kay Dite. Ang apat na coach at ibang kaibigan nila ang nag-practice sa apat na team.

"Rigel." tumingin ako kay Tita Avey. "Thank you dahil tinulungan mo ang team na 'to." nakangiting sabi nito.

"Wala po 'yon. Ayoko rin naman mapahiya at matalo ang team na 'to kaya hangga't kaya ko, tutulungan ko sila." nakangiting sagot ko.

"Parang gusto na kitang kunin para maging manager ng Dragon Empire." natatawang biro nya. "Anyway, salamat pa rin. Nakakagulat na ikaw ang gumawa na dapat ay trabaho ni Dite."

"Hindi nga rin ako makapaniwala na ako na ang gagawa ng lahat. Sinabihan ako ni Dite na tulungan sya sa research pero wala syang ginawa kundi matulog. Kami lang tuloy nila Sora at Ate Zap ang nag-brainstorming." sagot ko.

"Sa tingin ko ay hindi nya lang pinapakita ang pagkainteresado nya sa laro. Hindi natin alam, mag-isa na nyang hinahanap ang kahinaan ng Leon Sparks." sabi nya. Hindi na nakakapagtataka 'yon lalo na nung nalaman namin na alam ni Dite ang kahinaan ng anim, siguro hindi lang ng anim ang alam nya.

Dumating na ang araw na makakalaban na nila Dite ang Leon Sparks. Sobrang dami ng tao sa arena kung saan ginaganap ang Cup Tournament. Sponsor namin ang may ari ng Cup dahil kahit sila ay naiinis sa Leon Sparks. Nagwa-warm up ngayon ang Dream Team habang standby muna ang Leon Sparks. Tinignan ko sila at maangas nilang tinitignan ang Dream Team. Pinagtatawanan rin nila ito. Hindi pa nag-uumpisa ang laro pero nagsisimula na silang mang-inis.

Napakunot ang noo ko dahil lima sa kanila ay tumayo at pumasok sa loob ng court. Kumuha pa sila ng bola na ginagamit ng Dream Team at nagsimula silang mag-warm up sa kabilang side. Napatigil tuloy yung pito dahil sa ginawa ng lima. May isang minuto pa ang Dream Team sa warm up tapos umepal ang limang ito.

"Girls! hayaan nyo na. Balik na kayo rito!" sigaw ni Tita Avey.

Nakikita ko ang hindi paggusto sa mukha ng ilan sa kanila. Umiinit na agad ang ulo ng mga 'to na hindi pa nagsisimula ang laro. Ginantihan naman nila Blysse ang lima. Iniwan nila ang mga bola sa sahig. Napailing ako sa ginawa nila. Napakunot ang noo ko dahil hindi umalis si Dite. Bumalik na yung anim pero ito ay nagla-lay up sya mag-isa.

"Kinakabahan ako sa taong ito." sabi ni Asta.

"Naghahanap talaga ng gulo itong si Dite." sabi ni Kennie.

"Nauna ang Leon Sparks." kalmadong sabi ni Ate Kriza at naupo sa bench. "Hindi magpapatalo sa kanila si Dite."

Nakakasakit talaga ng ulo itong si Dite.

Napansin ko na tumayo na ang ibang Leon Sparks at naiwan ang captain nilang si Liza. Pumasok na rin sila ng court at nilapitan si Dite na hindi tumitigil. Naririnig namin silang inaasar si Dite na umalis na ng court dahil matatalo rin sila. Hindi sila pinansin ni Dite. Tuloy lang sya sa pag-free throw.

Pumunta sa harap ni Dite ang isa sa kanila nung saktong ititira ni Dite ang bola at bigla naman tumalon ito para harangan ang tira ni Dite pero hindi naman tinuloy ni Dite. Napatingin sya sa amin na may pagpipigil ng tawa.

"Bwahahahaha!!" napatingin kami kay Sylvia. Nakaturo pa sya sa taong nasa harapan ni Dite.

Mukhang napahiya yung babae at bigla na lang kinuwelyuhan si Dite. Napatigil sa pagtawa si Sylvia at naging seryoso ang lahat. Wala ng emosyon na pinapakita si Dite. Pinigilan ni Olive ang babae sa kung ano man ang balak nya kay Dite. Si Olive na ang humarap kay Dite. Hindi namin narinig ang sinabi nya kay Dite dahil mahina ito. Tinapik ni Olive ang bola sa kamay ni Dite at itinira ang bola sa ring. Ngumisi ito bago umalis para pumunta sa kabilang side. Inaangasan nya si Dite. As if naman na papatulan sya ni Dite.

Nanlaki ang mga mata ko dahil pumulot ng bola sa Dite at ibinato ang bola. Nung una akala ko kay Olive nya ibabato pero mataas ang bato nya at pumasok ang bola sa kabilang ring. Halatang nagulat ang Leon Sparks sa ginawa ni Dite at nilingon ito. Hindi lang sila ang nagulat, lahat kaming nandito sa arena.

"Ang boring ninyong kalaban. Hindi ako maglalaro hangga't hindi naglalaro ang duwag ninyong captain." sabi ni Dite.

"Dite!" saway ko rito. Sabihan nya ba naman duwag ang captain nila?

"What did you say?!" inis na sabi ni Olive. Right, nainis na sya ang mga ito.

"Nasa pilipinas ka, naiintindihan mo o hindi. Magtatagalog ako rito." sagot ni Dite. Napalingon si Dite sa gawi ni Liza kaya ganon rin ang ginawa ko. Nagulat ako ng bahagya dahil palakad si Liza patungo kay Dite.

"Pambihira ka talaga, Dite." rinig ko pang sabi ni Sylvia bago nila pinuntahan si Dite para bigyan ng back-up.

Naghahanap talaga ng gulo ang taong ito.

Inilahad ni Liza ang kamay nya sa harapan ni Dite para makipagkamay. Tinignan lang ito ni Dite. Lalo nyang iniinis ang Leon Sparks. Tumingin si Dite kay Sylvia tapos kinuha ang kanang kamay nito para gamiting makipagkamay kay Liza. Napa-face palm ako sa ginawa nya.

"What the hell, Dite?!" sigaw ni Sylvia. Magkahawak pa rin silang dalawa ni Liza. Biglang napatingin si Sylvia kay Liza. "Hey, you know, you're holding my hand tightly." nakangiting sabi ni Sylvia. Napatingin naman ako sa magkahawak nilang kamay. Hindi nagpatalo si Sylvia kay Liza at hinigpitan rin ang pagkahawak sa kamay ni Liza.

"I don't like your friend. It's getting on my nerves." nakangiti pero halatang peke lang na sabi ni Liza. Nakikipagtalo pa rin sya sa paghigpitan ng pagkahawak ng kamay Sylvia.

Bigla namang tumawa si Sylvia. Nagbitaw na silang dalawa ni Liza.

"Bilib na talaga ako sayo, Dite. Nagawa mong pikunin itong captain nila." natatawang sabi ni Sylvia. May balak sanang sumugod sa kanya pero pinigilan iyon ni Liza. "Anyway, highway, mapikon ay talo. So ngayon pa lang, talo na kayo." nakangising sabi ni Sylvia.

Naglakad na sila Sylvia pabalik sa bench. Hila-hila nila si Dite dahil baka ayaw magpaawat nito. Nagtuloy na rin sa pag-warm up ang Leon Sparks. Tila na-trigger nila Sylvia ang Leon Sparks dahil ganadong-ganado kung mag-warm up ito. Kumakalagpag ang board sa tuwing nagdu-dunk si Gel. Ramdam nilang seryoso na ngayon ang Leon Sparks.

"Dite." may balalang sabi ni Tita Avey tapos biglang ngumiti. "Good job." at naka-thumb ups pa ito. Hindi naman kami makapaniwala na sinuportahan pa ni Tita Avey si Dite sa pagpatalo sa captain ng Leon Sparks.

Napailing na lang ako sa kanila.



----------------------------------------


Fortsett å les

You'll Also Like

34K 1.2K 28
❝Why is everyone in love with me!?❞ Kim Seungmin is a guy who just longs for some love. So one night, he sneaks into his school's chemistry lab to cr...
40.6M 1.1M 42
When Arianna marries billionaire Zach Price to save her family, she doesn't expect to fall in love with a man who'd always consider her a second choi...
89.1K 1.8K 14
Colby Adams. Sounds like a boy name but its actually a girls. Colby lives with her mom, Marian, and little sister, S.J. Colby pretty much keeps to h...
1.9M 59.6K 59
It's no secret that everybody has secrets. Everyone lies to protect something that they don't want revealed to the rest of the world. But granted, s...