Veracity

By LadyHarmonia

10.4K 4.1K 1K

(Unedited) Tumingin ako sa paligid. Dito sa madilim na lugar na 'to, nag iisa ako. Pamilya ko ang mas importa... More

Reminder
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Wakas

Kabanata 10

343 157 30
By LadyHarmonia


Hindi ko kinakausap si Rio simula nung isang araw. Kahit na pinuntahan n'ya ako kahapon rito sa bahay ay hindi ko s'ya hinaharap, wala pa rin sa'king isipan na makipag ayos sa kanya.

"Ate, may pinag awayan ba kayo ni kuya Rio" wika nito. Nandito kaming dalawa ni Ashley ngayon sa may hardin at nag dradrawing ng kung ano-ano.

"Wala naman bakit?" Pag sisinungaling ko sa kanya.

"Kahapon kasi napansin ko na ang tagal n'ya nag hintay sa sala natin tapos hindi mo naman s'ya pinuntahan. Ngayon naman text ng text sa'kin kinukulit ako na kausapin ka raw pero tinanong ko yung dahilan sabi n'ya sayo ko raw tanungin"

"Hayaan mo s'ya" wika ko. Pinag masdan ko ang aking gawa. Hindi naman nag kakalayo sa totoong itsura ng aming bahay. Hindi ko maiwasan na mangulila ngayon dahil ilang araw na din ang lumilipas simula nung napadpad ako rito.


Sinilip ko ang ginuguhit ni Ashley. Isa lamang 'to simpleng bulaklak at katulad ito ng mga bulaklak rito sa aming hardin. Kung pag babasehan ang ganda ng likha ni Ashley kamukhang kamukha nito ito at sobrang makatotohanan.

"Bakit hindi mo s'ya kinakausap?" Tanong ulit ni Ashley. Umupo ako ng maayos at nag buntong hininga.

"Naiinis lang ako sa kanya dahil pag iwan sa'kin do'n sa may gilid ng swimming pool" wika ko.

"Tapos? Ano nanyare?"

"Wala. Nabastos ako nung isa sa lalaki roon" tumigil me bahagya at humiga sa mga dahon rito "Ang gara din kasi n'ya. Parang kakaiba yung mga kilos n'ya 'di tulad nila Steve. Syempre babae rin ako, naguguluhan paminsan minsan"

"Bakit? Nag bibigay ba s'ya ng motibo?" Wika ni Ashley. Bigla ako napaisip, baka sa'kin lang may isyu ang lahat at para kay Rio ay wala lang iyon. Baka tingin lang n'ya saakin ay kaibigan lang pero ako nag bibigay ng mga kahulugan sa kanyang mga kinilos.

"May gusto ka ba sa kanya, ate?" Tanong muli ni Ashley. Tinignan ko s'ya ngunit abala pa rin s'ya sa kanyang iginuguhit.

"Hindi ko alam pero ayoko na mag kagusto sa kanya" wika ko.

"Bakit mo naman pinangungunahan yung sarili mo? Tsaka sa tagal ko nakilala si Kuya Rio alam ko na mabuti s'yang tao" pag tatanggol n'ya kay Rio. Tumingin ako sa kalangitan at itinaas ko ang aking kamay. Umakto ako na nahahawakan ko ang mga ulap sa kalangitan. Ano kaya sa piling kung mahahawakan ko ang mga ulap?

"Kung sakali mahulog ang aking loob sisiguraduhin ko na pipigilan ko ito dahil kung hindi alam ko sa bandang huli ay ako lang rin ang mahihirapan" wika ko.

Hindi na muli nag tanong pa si Ashley at ako naman ay pumikit na at dinama ang sariwang hangin. Sana ay hindi mahulog ang aking loob kay Rio dahil baka hindi ko ito mapigilan at pati ang mga plano na aking hinanda ay masira lamang dahil sa pag mamahal.




"Ate gising na. Pasok na tayo sa loob mukhang uulan" wika ni Ashley kaya napadilat ako. Hindi ko akalain na nakaiglip na pala ako rito sa hardin. Tinignan ko ang kalangitan at totoo nga mukhang may nagbabadyang parating na ulan.

Tinulungan ko si Ashley na linis ang aming mga gamit upang makapasok kami kaagad sa loob dahil baka biglang bumuhos ang ulan.

Pag pasok sa loob ay dumeretso na kaagad ako sa aking kwarto at dinisplay ang aking gawa sa pader ng aking kwarto. Maganda na rin kung lagi ko ito nakikita tuwing pag mulat ng aking mata sa umaga. Para kahit papaano makaramdam ako ng lakas ng loob upang gawin ang aking misyon.

Mga ilang sandali ay buhos na ang malakas ng ulan. Sumilip ako sa aking bintana at nasilayan ang bawat patak ng ulan. Ang mga puno na parang sumasayaw dahil na rin sa lakas ng hangin dulot nito.

Sa ganitong panahon masarap ang mapag isa at maisip ng kung ano-anong bagay. Tanda ko noong bata ako ay mahilig ako maligo sa ulan, minsan lagi ako napagalitan ng aking ina dahil umuuwi ako palaging basa.

May kumatok sa aking pinto at pag bukas ang mukha ni Ashley ang sumalubong "Ate. Pinag dala kita ng kape" lumapit ako sa kanya at kinuha ang kanyang dala. Pumasok s'ya sa aking kwarto at humiga sa kama.

"Nakakalungkot kapag ganitong panahon" wika n'ya.

Umupo lamang ako sa aking upuan at uminom ng kape.

"Ano kaya maganda gawin ate?" Tanong n'ya saakin ngunit nag kibit balikat lamang ako.

"Papuntahin mo kaya si Kuya Rio dito? ate" Mungkahi nito.

"Hindi pwede tsaka masama ang panahon baka mapano pa s'ya kung pupunta s'ya rito"

"Kanina pa kaya n'ya ko kinukulit. Hindi ka rin naman daw n'ya matawagan"

"Hayaan mo s'ya. Mag basa ka na nga lang roon" tinayo ko s'ya sa kanyang pag kakahiga at tinulak palabas ng aking kwarto.

"Ang daya mo" sigaw n'ya mula sa labas. Hindi ko na s'ya pinansin at tumingin na lang muli sa labas. Maganda siguro na ayusin ko muna ang aking plano. Ilang araw na rin ang aking nasayang dahil na din sa barkada siguro ito na rin ang oras upang pag isipan ko ang susunod ko magiging hakbang.


Kinuha ko ang aking kape at pumasok sa walk-in closet. Naayos ko na rin 'to kahapon, naibalik ko na rin sa dati pati na rin ang diagram na aking ginawa.

Sa walo na nasulat sa talaan anim ang aking nakikilala. Dalawa na lamang ang kulang. Siguro ito na rin ang tamang panahon upang gawin ko naman ang pangalawang hakbang. Alamin ang katangian ni Sophia, kung pag babasehan masyado lamang ito mababaw at baka hindi rin 'to makatulong sa aking misyon ngunit kung malalaman ko ito ay mas mapapadali ang magiging takbo sa pang apat ko na hakba dahil dito pwede ko malaman kung meron ba naiinis sa kung anong meron kay Sophia at sa iba pang bagay.

May panibagong tao ako ilalagay sa aking diagram dahil nakaraan nalaman ko na ang paborito kulay ni Steve ay Red. Kinuha ko ang bimpo na aking nakuha noong pumunta ako sa paaralan, posibleng kay Steve ito. Ngunit wala pa rin ako sapat na inbedensya upang pag bintangan na sa kanya ito.

Kaya ko nalaman na paborito ni Steve ang kulay na iyon dahil sa nanyare nakaraan araw.

"Ang ganda naman ng kulay ng damit mo" wika ni Steve. Napatingin ako sa suot ni Ander na t-shirt, kulay pula ito at may disensyo na tigre sa gitna.

"Gusto mo ba?" Tanong ni Steve.

"Syempre naman, parang 'di mo naman alam na mahilig ako sa kulay pula haha" tumawa si Steve at hinubad naman ni Ander ang kanyang damit para ibigay kay Steve. Kitang kita ang naglalakihan balikat Ander ngayon dahil wala na s'yang saplot na ipang itaas.

Doon ko lamang napagtanto na baka kay Steve ang bimpo na iyon ngunit baka nag kataon lamang ang lahat.


Masyadong komplikado ng lahat dahil ang dami pumapasok sa aking isipan na puro lamang 'baka' at walang kasiguraduhan ang lahat. Ang mga nakalagay sa aking diagram ay hindi rin sigurado kung tama ba na mailagay ko sila d'yan at baka nag kakamali lamang ako.

Ang sakit pala sa utak kapag may misyon ka at limitado lamang ang iyong panahon. Ipinag mamalaki ko na simula ngayon ang mga nag tratrabaho bilang inspektor at detektibo dahil sa kanilang kahusayan sa pag sagot o pag alam ng mga krimen na naganap. Hindi biro ang kanilang trabaho tulad ng mga pulis.

Inayos ko muli ang diagram na aking ginawa bago ako lumabas ng aking walk-in closet. Napag desisyunan ko na tignan ang mga social acc ni Sophia. Sana ay hindi ito naka-private dahil kung oo ay mahihirapan ako.


Una ko tinignan ang facebook acc n'ya ngunit hindi ko ito makita. Tinignan ko rin ang account ni Rio at nag babakasali makita ko ngunit 'di ko mahaligap. Siguro ay naka-private s'ya o kaya wala s'yang facebook account kaso imposible iyon dahil halos lahat ng tao ngayon ay meron non.

Pangalawa tinignan ko ang Instagram n'ya. Mabuti na lamang ay madali ko lang ito nakita dahil naka-follow ito sa account ni Rio.  Tinignan ko ang mga litrato na naroroon, madalas ay puro mga kuha n'ya at mga lugar na kanyang napupuntahan, halatang mahilig si Sophia pumunta sa mga magagandang lugar.

Napukaw ang aking atensyon sa larawan nila ni Rio. Nakaupo sila sa isang sopa habang nakaakbay sa kanya si Rio. Ang lawak ng ngiti roon ni Rio, halatang ang saya-saya n'ya. Kitang kita mo kung gaano silang ka-close dalawa. Bigla na lamang ako nakaramdam ng lungkot ngunit hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil na rin nasaksihan ko kung paano nawasak si Rio nung nalaman n'ya wala na si Sophia.

Tumingin pa ako ng mga iilang litrato at nakita ko rin ang mga larawan na kasama n'ya ang barkada. Nasa isa silang isla at kompleto sila sa larawan na ito, kasama pati sila Ander at Denise ngunit meron pa isang lalaki at katabi rin ni Sophia. Pinag masdan ko ito ng mabuti pero hindi ko pa s'ya nakikita kahit kelan.

Tinignan ko pa ang iba pang larawan dahil parang may kakaiba doon sa lalaki na kasama rin nila Rio. Bakit sa loob ng sampong araw ay hindi'man nila naipakilala saakin 'yon?

May nakita pa akong ibang larawan ni Sophia na kasama rin ang lalaki na iyon at kadalasan sila lamang dalawa. Hindi ko napansin 'to nung una marahil ay napukaw ang aking atensyon sa kanila dalawa ni Rio. Sino kaya ito? Ang anong meron sa kanila ni Sophia?

Malakas ang aking kutob na may kakaiba talaga doon sa lalaki na iyon ngunit hindi ko alam kung sino ba s'ya.


Sa huli tinignan ko ang twitter account ni Sophia, laking pasasalamat ko dahil hindi ito naka-private. Hindi s'ya masyadong nag twe-tweet puro lamang retweet ang kanyang ginagawa at puro poems lamang ang naririto.

Tumitingin pa ako hanggang sa umabot ako sa isang tweet. Tula ito ngunit hindi naman ito ganon kahaba.


Sa dinaraming bituin sa kalangitan
Napukaw ang aking atensyon sa iyo.
Kakaiba ang taglay mong kagandahan
Sa bawat kislap ay kasiyahan ang dulot mo.


Napangiti ako sa tula na ginawa ni Sophia. Simple ito ngunit makabuluhan. Kung pag babasehan ay isa itong malayang tula at tungkol sa isang tao na mahalaga para kay Sophia.

Hindi na muli ako tumingin ng iba pang tweet ni Sophia. Sapat na siguro 'yon. Kailangan ko lang malaman ngayon ay kung sino yung lalaki na kasama nila Rio nung pumunta sila sa Isla at bakit noong inilibing si Sophia ay wala s'ya.



Continue Reading

You'll Also Like

2.1M 26.7K 66
He is a certified gigolo. He is a woman's man. Hulog raw siya ng langit para sa mga kababaihan. But he fell in love, at ang masakit pa di niya ito pw...
407K 1.1K 200
Isang seksing artista at napakagandang si Ysla Paraiso ang nagbakasyon sakay ng isang cruise ship, ngunit nagbago ang lahat nang mapadpad sila sa isa...
179K 2.1K 65
"Harrisons will never get the girl." As Vea Villas picks up the pieces of her shattered life after losing her mother, she finds comfort in the arms o...
1.4M 44K 44
Rich and rebellious, Euphemia Villasenor only wishes for her father's attention and love. But when things get out of hand and she's finally pushed to...