Serendipitous Love [Escuadra...

By MizAnonymous04

1.7K 334 8

[On-Going ] A bitchy conyo girl, enough to describe Lei Angelique T. Gibas, oh and also a troublemaker. Not u... More

Characters
SL: Prologue.
SL 1: C.K.B.
SL 2: Oo!
SL 3: Pustahan
SL 4: Sayang
SL 5: Blackmail
SL 6: Choices
SL 7: Trouble
SL 8: Sleepover
SL 9: Talk
SL 10: Reconcile
SL 11: Infinity
SL 12: Silver Anniversary
SL 13: Pinky Promise
SL 14: Eavesdrop
SL 15: Tamiyah
SL 16: Devilish Act
SL 17: Argument
SL 18: Birthday Party
SL 19: Jude
SL 20: Reconcile 2.0
SL 21: Belief
SL 22: Balikat
SL 23: When in Baguio
SL 24: Galit
SL 25: Numb
SL 27: Disturbance
SL 28: Christmas Surprise
SL 29: Run Away

SL 26: Missing

15 0 0
By MizAnonymous04

[Disclaimer: This chapter is so long. If you can't read it, then don't. But it's also be worth it. Peace out :*]

Lei's P.O.V.

"Wahh! Ang ganda!" rinig kong sambit ni MJ nang makadating kami dito sa may Burnham Park.

Nagstop over na ang bus namin kanina sa may McDonalds para magtake out ng breakfast namin.

Ang ibang mga bus ay sa ibang fastfood chains bumili ng breakfast. Dalawang bus lang ang doon sa may McDo nagstop over.

Anyway, tama naman din si MJ doon sa sinasabi niya. Ang ganda nga rito, ang presko pa. Even though, medyo madami ang tao. Hindi naman ganoon kasiksikan.

Buti na lang at hindi kami weekend nagpunta. Panigurado kasing siksikan dito kung nagkataon.

Kasama ko ngayon ang barkada ko. Sina Kendrick, Carlos at DJ ay magkakasama na nangunguna na sa paglalakad at nagtatawanan pa.

"Galit pa rin kaya 'yun sa'kin?" tanong ko sa sarili ko.

Aba, akalain mo ba naman.. hindi ba naman ako kausapin habang nasa may bus kami? 'Langhiyang 'yan.

"Hoy, Gelay." napalingon ako kay Dein na nagsalita bigla sa tabihan ko.

"Anong problema mo?"

"Sumunod lang daw tayo kina Carlos, doon na rin daw tayo magbreakfast kasama sila." At bakit niya naman ito sinasabi sa'kin, ha?

Tinignan ko ito ng may halong kuryosidad.

"Tsk, baka kasi dahil sa pagkalutang mo d'yan, maligaw ka pa. Sinasabihan lang kita, 'oy. Baka mamaya bigyan mo ng malisya."

"Duh? Wala naman akong sinasabi. Masyado kang napapaghalataan, eh." sabay irap ko pa.

--

Nakarating na kami sa place na pagkakainan namin. Bale mga nakahilerang chairs and tables lang siya. Nakakapanibago nga ang mga kaibigan ko, eh. Ang tatahimik habang naglalakad.

Busy kasi sa pagpipicture ang mga luka.

"Hey, let's eat na!" sigaw ni Riel na nakaupo na doon sa isang bench.

Naglakad na kami papunta sa kinaroroonan nina Riel at agad nangunot ang aking kilay nang makita si Tamiyah na palapit sa tabihang upuan ni Kendrick na bakante pa.

Wala na akong sinayang na oras at tumakbo na doon sa dapat na uupuan ni Tamiyah para agawan siya.

Don't worry, upuan lang ang kaya kong agawin, hindi katulad ng iba d'yan. Charot!

Lahat yata ng mga kaibigan ko ay napatingin sa akin at natahimik sa aking ginawa.

"Uhh, diyan ako uupo.. Angelique." nakataas ang kanang kilay na sambit ni Tamiyah.

"Ako ang nauna. So definitely, ako ang uupo. You can sit there, oh. It's vacant pa. Happy eating," paliwanag ko rito na nagpasimangot sa kanyang mukha.

Naglakad na ito papunta doon sa tabihang inuupuan ni Ellie na nakanguso lang ang bibig.

"Ba't mo ginawa 'yun?" tanong kaagad ni Kendrick nang makaupo ako sa tabihan nito.

"Galit ka pa rin ba sa akin, huh? Sorry na. Bakit ka ba nagalit?" imbis na sagutin ang tanong nito ay nagtanong naman ako ng panibago.

Kanina pa ito bumabagabag sa dibdib ko, sa totoo lang. Aba, ikaw ba naman ang hindi pansinin ng madaldal sa'yo! Ikaw kaya ang hindi manibago!

Nakatingin ito sa akin kanina pero agad iniiwas ang tingin nang tumitig ako pabalik dito.

"Sino ba naman kasing may sabi na galit ako sa'yo? Tsk." Wait.. anong ibig niyang sabihin!?

"Hindi ka pala galit, eh, ba't hindi ka namamansin kanina!?" napalakas ng kaunti ang sinasabi ko kaya naman ang mga kaibigan kong nagsisi-kainan na ay napatinging muli sa akin at ang ilang ay napailing pa.

Masyado ba akong maingay?

"Masama bang tumahimik? Napagod lang bibig ko kakadaldal, teka nga.. kumain ka nga muna. Dami mong satsat, eh." tangi nitong nasabi tsaka binuksan ang lalagyan ng itinake out kong pagkain.

One piece chicken legs lang s'ya w/ rice and gravy. Tapos, iced tea and fries, 'yun lang naman.

"Kumain ka na," bago binuksan ang lalagyan ng gravy.

"Thank you!" nangingiti kong sagot dito na ikinakibit lang ng balikat nito.

--

Sinulit namin ang bawat oras naming dito sa may Burnham Park sa pagsakay doon sa swan boat tsaka kumain ng Strawberry Taho pagkababa namin sa bangka.

Si Kendrick sana ang kasama ko sa pamamangka doon sa swan boat kaso noong yayayain ko na siya ay nakita kong kakasakay lang nila noon ni Tamiyah, kaya naman si Dein na lang ang isinama ko.

Mapilit pa nga noong una, baka daw itulak ko siya sa lawa, eh, hindi daw siya marunong lumangoy, paranoid ang gago.

Nang matapos na kami sa pag-kain ng taho ay sina ulagang Ysha naman ay yinaya ako sa pagbabike.

Nananadya ba sila o ano?

"Tara na! Parang ewan 'tong si Gelay, napaka-KJ." sambit ni Ysha na atat na atat ng magrent ng bike.

"Pota, hindi nga ako marunong magbike, 'di ba!?" Eh, kung marunong ba naman ako? Edi hindi na ako magpapapilit dito!

"Ay, oo nga pala. Pero, baka gusto mong turuan ka na--"

"Ayaw ko nga! Kulit ng lahi mo din, 'noh?" umismid na lang ito at tsaka yinaya si Riel na tumanggi lang din.

Bahala ka diyan sa buhay mo.

--

"Aish! Aalis na ba talaga tayo dito? Potek, hindi ko pa nalilibot ang buong park, eh!" pagdadabog pa ni MJ habang papunta na kami sa bus namin.

"Oh, sige ganito. Kung gusto mo magpaiwan ka na lang, tapos kapag pauwi na kami, dadaanan na lang namin ikaw d'yan. Oh, payag ka ba?" napangisi ako kay Dein na namilosopo na naman.

Ayun, si MJ masama na naman ang timpla, haha!

"Ano ang next nating destination?" tanong ko kay Andrei na katabi ko.

"Wait, let me see muna." kinuha nito ang kanyang cellphone mula sa bulsa tsaka binuksan ito para makita ang schedule.

As usual, si LJ ang lockscreen ng pota.

"The Mansion ang next, bakla." Ano naman ang gagawin namin doon?

Nakasampa na kami ng bus at papunta na sana ako sa aking upuan nang makita ko si Tamiyah na katabi si.. Kendrick!?

What the fvck?

"Uhh, what are you doing there?" inosente kong tanong dito.

Nasa may tabi na ng bintana si Kendrick na inuupuan ko kanina at si Tamiyah naman ang nasa may inuupuan ni Kendrick kanina.

"Dito na ako pinaupo ni Ken, eh." Seryoso ba siya?

Jeez, keep calm Gelay. Humanap ka na lang ng bakante pang upuan. Doon ka na--

"Gelay, here ka na, oh. Doon na ako sa inalisan ni Tamiyah, para katabi mo si Riel." tumayo na si Andrei at nagpunta doon sa may likuran nina Ysha kung saan nakaupo kanina si Tamiyah.

"Ayos lang sa'yo? Baka mamaya magtampo ka sakin, bak--"

"Ano ako, kid? It's okay, you can sit there." umupo na lang ako gaya ng sinabi nito.

Katabi ko ngayon si Riel na nagkibit balikat lang sa akin tsaka bumuntong hininga.

Nang magsimula ng umandar ang bus ay lumingon naman ako sa likuran ko. Agad kong nahagilap si Tamiyah na nakasandal na naman ang ulo sa balikat ni Kendrick at si Kendrick na nakatingin lang sa labas ng bintana habang nakahalumbaba.

Tsk, first come first serve kasi 'yun. Nakakayamot.

--

Wala kaming masyadong ginawa sa may The Mansion, naglibot lang kami doon at nagsabi lang ulit ng mga facts and trivias 'yung tour guide namin.

Hindi daw kasi pwedeng pumasok doon sa may mansion, summer palace daw pala ito ng Presidente ng Pilipinas.

Wow, magpresidente na nga lang kaya ako imbis na doctor?

'Langhiya, Gelay. Ano naman ang ipapatupad mo, ha? Mas lalo mo lang paguguluhin ang bansa kapag naging presidente ka. Tss.

Noong naglilibot lang kami sa The Mansion ay sa amin na ulit sumama si Kendrick. Napansin ko rin na lagi itong tumatabi sa akin tuwing lumalapit si Tamiyah sa kanya.

Ang weird niya lang.

"Yay! Tree Top Adventure, here we come!" excited na sigaw ni Ysha.

"Hoy! Sakay tayo sa mga rides doon! Potek, nagsearch ako noong isang araw about doon sa mga rides doon! Mga zipline!" napa-'o' ang bibig ko nang marinig 'yung sinabi ni Ysha.

Mukhang exciting 'toh!

--

"Kuya, hindi ba talaga ako mamamatay dito?"

"Miss, wala pa po ni isang tao ang nadisgrasya dahil sa rides na 'toh."

Naninigurado lang naman kasi ako!

Ang mga ulaga ko naman kasing kaibigan, ako ba daw ang paunahin doon sa tree drop adventure! Punyeta, 'day! 60-feet ang taas nito, 'oy! Baka pagkatalon ko dito, tumakas na ang kaluluwa sa katawan ko!

Nagsign of the cross muna ako bago tumingin sa ibaba.. 'langhiya! Ang taas!

"Go, Gelay! Kayang kaya mo 'yan! Hindi ka naman d'yan mamamatay, eh!" itinaas ko kaagad ang aking middle finger dahil sa sinasabi ng mga ito.

Nagtawanan naman kaagad sina ulaga.

Nandoon sila sa may isang bench kasama 'yung iba kong mga kaklase habang pinanonood ako.

Bumuntong hininga naman muna ako bago tumingin kay kuya na nasa tabihan ko.

"Miss, ayos na po ba?" tanong nito sa akin.

Tumango naman ako dito. Inayos nito ang postura ko at ngayon ay kinakabahan na talaga ako.

Ang postura ko ay parang si Superman na lilipad ngayon. Nakadapa ako ngayon dito sa may ha--

"PUTA!" sigaw ko nang bigla na lang mabilis akong bumagsak patungo sa ibaba.

Nang makarating ako sa ibaba ay narinig ko ang pagtatawanan ng aking mga kaibigan.

"Ayos lang po ba kayo, Ma'am?" tanong noong kuya na nandito sa baba para alalayan ako.

"O-Opo, Kuya, hehe."

Sumakay pa sina Riel, Andrei at Ysha sa may Superman ride. Irit nga ng irit si Riel. Ang sakit sa tainga, 'langhiya.

Hindi na ako sumakay doon dahil baka mas lalong humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko.

I'm not into these kind of rides naman kasi, eh. Nakakaexcite lang pero kapag nandoon ka na, it's so nakakakaba pala. Wew.

Napagdesisyunan naming magbabarkada na maglakad na lang doon sa may Trekking and Skywalk nang matapos sina Riel sa pagsakay doon sa Superman ride.

"Guys! Picture tayo, pang-IG!" giit ni Ellie na may hawak ngayon na DSLR na camera. Aba't saan naman niya ito nahagilap ngayon?

Magkakasama kaming sampu ngayon dito. Hindi sumama si Tamiyah sa amin ngayon dahil niyaya siya noong isa niyang kaibigan na maglakad-lakad.

Agad namang sumang-ayon ang mga ito. Kinulbit ni Ellie ang isang lalaki at pinakiusapan kung pwede ba kaming makunan ng litrato. Sumang-ayon naman kaagad ito.

Lumapit si Ellie sa gawi namin at lumuhod. Bale sila MJ, Ellie, Ysha, Carlos at Andrei ang nakaluhod. Tapos nakasquat ng kaunti si Riel at Dein dahil nasa may gilid sila. Nakatayo lang ako ng tuwid at napansin ko na katabi ko si Kendrick sa kaliwa at si DJ sa kanan.

"1,2,3!" bilang ng lalaki at walang anu-ano'y sinukbit ko ang dalawa kong braso kay Kendrick at kay DJ kaya napayuko sila ng kaunti.

"Isa pa, wacky naman!" sigaw ni Ellie sa amin.

Nakaakbay pa rin ako sa dalawa at hindi naman sila umaangal. Nilabas ko lang ang dila ko at nagduling-dulingan.

Nang matapos na kaming picture-an ay tinagtag ko na ang pagkakaakbay ko sa dalawa bago humingi ng paumanhin.

Tumango lang si DJ tapos si Kendrick naman ay lumapit sa akin bago ako inakbayan.

"Ayos ka lang?" tanong ko rito nang makita na namumula na naman ang tainga nito.

"Oo," tipid nitong sagot akin bago bahagyang ngumiti.

"Sigurado ka d'yan, ha." tangi ko na lang naisagot bago may naisip na gawin.

Lumapit kay Ellie, kaya naman natagtag ang pagkakaakbay ni Kendrick sa akin.

"Oh, ano?" untag nito nang makalapit ako dito. Pinipindot lang nito ang camera at tinitignan ang mga nakuhang litrato.

"Papicture kami ni Kendrick, dali!" napatingin ito sa akin tsaka nagkibit balikat.

Bumalik ako sa kinaroroonan ni Kendrick na nakatingin lamang sa'kin habang palapit ako.

Hinawakan ko ang kamay nito at marahang inilagay sa aking balikat. Pagkatapos noon ay ganoon din ang aking ginawa at umakbay din sa balikat nito kaya muli na naman ay napayuko ito.

"Ngingiti ka, ha. Patay ka sa'kin 'pag hindi ka ngumiti." pangbabanta ko pa dito na ikinangisi nito.

"1,2,3!"

--

"Ano ang mas mapula? Ito o ito?" tanong ni Dein habang hawak ang dalawang strawberry sa kanyang magkabilang kamay.

Nandito na kami ngayon sa strawberry farm dito sa Baguio which is 'yung La Trinidad Strawberry Farm.

May bayad dapat ito na P100.00 kung mangunguha ka ng mga strawberries, pero kasama na daw 'yun sa binayadan namin sa fee ng fieldtrip.

Nakapaglunch na din kami kanina, sa bus nga lang kami naglunch. Nagstop over ulit kami kanina sa isang fastfood chain pero syempre hindi na McDo.

Ay umay na.

Medyo tirik pa din ang araw ngayon pero hindi iyon alintana dahil sa klima dito sa Baguio. Ang lamig pa rin kasi, eh!

Kung siguro nasa Cavite kami ngayon at   ganitong oras nasa may labas kami, paniguradong tagaktak na ang pawis namin sa mga oras na ito.

"'Oy, Gelay! Sabi ko alin ang mas mapula? Nakikinig ka ba, ha?" ulit ni Dein sa tinatanong niya kanina pa.

"'Yung nasa kanan, mas mapula. Akin na nga 'yang hawak mo sa kaliwa. Kainin ko na lang." Alam kong hindi pa ito nahuhugasan. Nakakaakit sa paningin, eh.

Eat now, worry later. Ganyan dapat, oh.

Sa mga lumipas na oras ay nagpicture, kumuha ng strawberries, bumili ng mga strawberries na nakapack para pangpasalubong.

Hindi ko na nga napansin na malapit na pa lang matapos ang oras namin dito sa may strawberry farm, eh. Teka.. ano nga ba ang sunod naming destination?

Kinuha ko ang cellphone ko sa aking bulsa para tingnan kung saan ang aming next destination.

Oh.. our last destination na pala. Diplomat Hotel, wew.

"Guys! It's already time na! Let's get back to the bus! Last destinationa na us." pagbibigay alam ng tour guide namin. Ang sad naman. Ang bilis ng oras.

"Gelay, tara na. Papaiwan ka ba dito?" umirap na lang ako sa sinabi ni Dein bago sumunod dito.

Habang naglalakad kami patungo sa bus namin ay sa paglinga ng aking mata sa kung saan-saan ay nakita ko si Andrei na kasama 'yung kababata ko na nakipag-away noon sa may cafeteria.

Kita ko na nakangiwi lang si Andrei sa sinasabi ng kababata ko. Minsan naman ay natawa ito at umiirap.

Hmm, how about LJ, Andrei? Wala na ba siyang puwang sa puso mo? Tsk! Charot!

Nang makarating kami sa may gilid ng bus ay nakita ko ang mga iba ko pang kaibigan sa isang kumpulan. Anong meron, ha?

Tumakbo ako papalapit dito paea makisagap ng balita. Syempre, may lahi din akong chismosa, 'noh.

"Anong meron?" kaagad kong tanong kay Ysha na nakaismid lang.

"Hindi ka pa nakakabunot?" Ha?

"Bunot ng ano?" imbis na sagutin ako ay itinuro nito ang tour guide namin na nagpapabunot sa isang box. Puta, may raffle ba?

Lumapit naman ako dito para magtanong.

"Ser, ano pong meron?" tanong ko sa tour guide na ngumiti muna bago sumagot sa aking tanong.

"Kailangan mong bumunot dito sa mahiwagang kahon! Kung sinong pangalan ang mabubunot mo, 'yun ang makakasama mo kapag nasa loob na kayo ng last destination natin. Oh, bunot na!" inilahad nito ang kahon sa harapan ko at sino ba naman ako para tumanggi, hindi ba?

Ipinasok ko ang kamay ko sa butas ng kahon tsaka bumunot ng isang papel na nakatupi.

Wala na akong inaksaya pang oras at binuksan na kaagad ito.

Nangunot kaagad ang aking kilay sa pangalan na aking nakita. Kinusot ko naman ang aking mata dahil hindi ako makapaniwala kung sino ang nabunot ko.

'Langhiya! Of all the people in this place? Why her!?

"Sino nabunot mo?" napamulagat ako nang lumapit si Tamiyah sa akin para magtanong. Wow, bago 'toh, ah?

"You," tipid kong sagot.

"Oh, what a coincidence. Me too!" sambit nito tsaka nangingiting hinaplos ang balikat ko.

Gago ka ba? I mean.. halatang-halata na plastik ang ngiti nito kaya ganoon na lang rin ang ginawa ko.

Ayaw ko na ng gulo. Mamaya pati mga kaluluwa doon sa Diplomat Hotel mabulabog kapag nagrambulan kami do'n, 'langhiya.

"Pumasok na kayo, guys! Pupunta na tayo sa last destination natin!" sigaw ng tour guide namin na ikinaangal at ikinaungot ng mga iba kong kaklase.

Oh, sige maiwan kayo dito, mga tanga kayo. Aangal pa kayo, ha.

Nakasimangot ang mukha kong pumasok na sa loob ng bus. Putek na 'yan, akala ko pa naman maganda ang araw ko ngayon.

Nang makapasok ako sa bus ay umupo na kaagad ako sa tabihan ni Riel.

"Oh, ba't nandiyan ka?" I slowly looked at her with disbelief. Ha! Tinataboy ba ako ng isang 'toh?

"Oh, girl, no! Baka mamaya masamain mo. I'm just asking lang naman. Vacant na ulit kasi ang seat katabi ni Kendrick." umirap na lang ako at tumayo.

Tumalikod na ako at nakita ko ngang bakante na ulit ang upuan sa tabihan ni Kendrick. Napagawi naman ang tingin ko dito.

Ngumiti lang ito tsaka pinat ang kaninang inuupuan ko noong katabi siya.

Lumipat na kaagad ako sa tabi nito nang hindi nagsasalita. Ang bait kasi naman talaga sa akin ni tadhana. Nakakayamot.

"Masama na naman ang timpla mo diyan. Okay ka lang ba?" tanong ni Kendrick. Tumango lang ako dito bago naglabas ng buntong hininga.

I just want this fieldtrip to freaking end, for Pete's sake.

--

Nakakapagtaka lang, ha? Bakit hindi na lang kami pinagsama-samang magbabarkada? I mean, really? Kailangan pang bunutan? Ano 'yun? Monito at Monita? Leche.

Nang nakalabas kami kanina sa bus ay nalaman kong si Kendrick at Carlos ang magkasama.

Si Dein at Andrei, Ysha at Jessica. Si Fheona at si Riel, Ivan at DJ, MJ at Ralph. At si Ellie naman tsaka si Courtney.

And of course! Ako at si Tamiyah, for goddamn sake. Tuwang-tuwa nga ang mga luka noong nalaman na si Tamiyah ang naging kapartner ko. Hanep na 'yan.

Bale ngayon ay nandito na kami sa loob ng Diplomat Hotel. Ewan ko ba pero pagkapasok ko pa lang dito, iba na 'yung nafefeel ko.

Mas malamig 'yung hangin kesa noong nandoon kami sa labas. Si Tamiyah ngayon ang may hawak ng isang pirasong papel kung saan ang mga daan dito sa may loob.

Tahimik lang kaming naglalakad. Minsan tumitigil kami para picture-an 'yung mga gusto naming kunan ng litrato.

Pero hindi ako nagpapicture kay Tamiyah kahit isa man lang. Ni kahit siya, hindi. Ayaw yata na magkaroon siya ng utang na loob sa'kin. Neither do I, 'noh.

Agad kong naaninag ang fountain na lagi kong nakikita tuwing nanonood ako ng T.V. Nagtaasan naman ang aking mga balahibo nang maalala 'yung video noong babae dito na may nahagilap na madre sa likuran niya. Pota, KMJS pa 'yon, 'oy.

"Hey, 2nd floor?" napalingon ako kay Tamiyah na bigla na lang nagsalita.

"Uh, pupunta tayo do'n?" umismid lang ito sa akin bago nanguna paglalakad patungo sa 2nd floor. 'Langhiya, isnobera ang puta?

Bago tumungo sa 2nd floor ay napalingon ako sa kanan ko at nakita si Rhea na may kasamang isang babae. She didn't notice me naman staring at her.

"Angelique.. are you just going to stand there, huh?" bumalik kaagad ako sa huwisyo ko nang marinig ang boses ni Tamiyah na paakyat sa may 2nd floor.

"Hindi ka ba marunong maghintay? Tsk." bulong ko na sa tingin ko'y hindi naman niya narinig.

Umakyat na din ako paakyat sa may 2nd floor kasunod nito.

Nang nakaakyat na kami ay nakita ko galing sa labas na medyo dumidilim na tapos mga 5:40 na yata ng hapon.

Naglibot-libot lang din kami dito sa may 2nd floor. Idinungaw ko naman ang aking ulo para tignan ang 1st floor. Nakita ko ang fountain dito at agad akong napangiti nang makita sina Kendrick, Carlos, si Fheona at si Riel dito.

"Yow!" sumigaw ako na ikinatingin ng mga ito sa kinaroroonan ko.

Kaagad kumaway si Riel sa akin nang makita ako. Si Kendrick, Carlos at Fheona naman ay ngumiti lang. Sinabi pa ng mga ito na bumaba daw ako.

Tsk, ayokong iwanan ang isang ito. Magmukmok pa 'toh sa isang tabi at ako na naman sisihin, eh.

"You done?" tanong ni Tamiyah sa akin. Umirap naman lang ako dito tsaka nanguna sa paglalakad.

Ang daming mga rooms dito pero wala namang laman. Jeez, pero actually ang creepy ng bawat rooms, sa totoo lang.

Ni hindi ko nga alam kung ano ang bawat history ng mga rooms na iyon.

Wala din naman kaming masyadong nakita sa may 2nd floor, sayang naman. Charot lang.

"Tara, 3rd floor na." pangyayaya ko dito tsaka nanguna na patungo sa 3rd floor.

Dito na 'yung pinakarooftop. Dito rin makikita 'yung cross and also some empty rooms again.

Nang makarating kami dito ay nanguna na ako sa paglalakad patungo doon sa kung nasaan nakatayo 'yung cross sa pinakatuktok.

Ang presko ng hangin dito, actually naggogoosebumps nga din ako. I don't know if it's because the weather or something else. Wew. It literally creeps the hell out of me.

Kakaunti ang mga students na nandito sa rooftop. Wala naman akong nakitang kakilala ko. Well, may namumukhaan lang but you know what I mean?

"Why do you keep on bugging Kendrick, huh?" nawala ang aking ngiti at napalitan ito ng pagkakakunot ng aking kilay tsaka lumingon sa nagsalitang iyon.

"I am not. 'Yan ba ang napapansin mo sa tuwing kasama ko siya? Or.." naiinggit ka lang?

"Or?" tanong nito.

"Nevermind," napaismid na lang ako imbis na sagutin siya. Ayoko na ng gulo ulit. Tsk.

"Hindi mo man lang ba nahahalata na sa tuwing nakakasama ka niya, it's like.. you bother him so much. Hindi ka man lang ba nahihiya?"

"This is bullshit, Tamiyah. Isipin mo na lahat ng gusto mong isipin. Sa tingin mo, kung sagabal lang ako at pabigat sa kanya, bakit niya pa ako kinaibigan, hindi ba? Bakit pa siya nakipagbati sa'kin noong time na nagkaaway kami. Why, Tamiyah?" seryoso kong puna dito na ikinangisi nito.

"Maybe nakokonsensya lang siya. Naniwala ka naman masyado sa mga sinasabi niya." hindi na ako nakapagtimpi at umalis na lang doon sa may rooftop.

Naramdaman ko na nakasunod lang siya sa akin. Fvck! I just remember that I'm so bad at directions!

Tumalikod ako para harapin si Tamiyah na ngayo'y nakataas lang ang isang kilay sa'kin.

Magsasalita na sana ako nang biglang tumunog ang cellphone nito.

"Gotta take this call. Wait there. Huwag kang aalis." umalis naman ito para sagutin ang tawag sa cellphone niya.

Ang mga estudyante na kanina'y nasa rooftop ay unti-unti nang nagsisibabaan. Malapit ng matapos ang oras. It's already 5:50 P.M.

Teka nga, bakit nga ba hindi ko nakasalubong man lang ang mga kaibigan ko? Jeez, ang sama talaga ng araw na 'toh.

Kukuhanin ko na sana ang cellphone ko nang may marinig akong na bigla na lamang sumitsit.

Napatingin ako sa kinaroroonan ng boses na iyon at kaagad napalunok at napakurap-kurap pa.

W-Wala lang siguro? Pusang gala naman, oh. Ito ang ayoko dito, eh.

Hindi pa rin natigil ang pagsitsit hanggang sa ngayon. Unti-unti ng umuusbong ang kaba at takot sa dibdib ko.

Gelay, now's not the time to be afraid for fvcking Pete's sake!

You need to be goddamn strong! But tangina, how!? Takot ako sa dilim, punyeta!

Nangangatog ang kamay na kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko para buksan ang flashlight.

"Bullshit!" sigaw ko nang makita na bigla na lang nagpower-off ito. Tangina, bakit naman ngayon pa, oh!?

Hindi pa rin natigil ang pagsitsit na naririnig ko at sa ngayon ay nararamdaman ko na ang takot at kaba na mas lalong umuusbong sa dibdib ko.

Puta, nasaan na ba si Tamiyah!?

Mabilis na naglakad ako patungo doon sa pinuntahan ni Tamiyah kanina para sagutin ang tawag. Pagkadating ko doon ay halos manginig na yata ang buo kong sistema nang madatnan kong..

Ni kahit isang tao.. wala akong nakita. Purong dilim at lamig lang ang aking naramdaman.

"This is so fvcked up, damn!" nagsisimula ng mamuo ang luha sa aking mga mata dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman sa mga oras na ito.

Naririnig ko na ang pagsitsit na papalapit sa kinaroroonan ko.

Putangina naman, hindi ito ang inaasahan ko dito, eh!

Nagpapanic na nakita ko ang isang room na nadaanan namin kanina. Nagtatakbo na ako patungo doon at hindi na inalintana ang cellphone kong bumagsak sa sobrang kaba.

Hindi ko na ito kinuha pa at nagtago na lang sa isang room dito.

Napaluhod ako at nanginginig na tinakpan ang magkabilang tainga para pigilan ang mga sitsit na naririnig.

"Tama na! A-Awa niyo na!" tumutulo na ang mga luha kong kanina ko pang pinipigilan dahil sa takot na nadarama.

May naririnig akong mga pagtawa sa hindi kalayuan.

H-Hindi ako aalis dito. Maliligaw lang ako panigurado.

Kung maiiwanan man ako dito.. bahala na.

Niyakap ko na lang ang aking mga tuhod kasabay ng pagtulo ng mga luha sa aking mata.

Nasaan na ba kayo?

Kendrick.. nasaan ka na ba?

--

Riel's P.O.V.

"Putek! Ang saya, promise!" natutuwang giit ni MJ habang naglalakad na kami papunta sa bus.

"Kaya nga, sana maulit muli 'noh? Teka.. sa lahat ba ng napuntahan natin ngayon, anong destination natin ang pinakanagustuhan niyo?" What nga ba?

"Ako sa Strawberry Farm! Ang babait ng mga tao tapos ang cute pa ng mga strawberries! Grabe!" MJ answered.

"Mine's Burnham Park. Nagustuhan ko 'yung swan boat, eh." giit naman ni Ellie.

"Paniguradong pinakanagustuhan ni Riel diyan noong nasa hotel pa lang tayo, noong nakita niya 'yung-- Aray!"

"Ulaga kang timawa ka," sabay irap ko pa dito kay Dein na nagsalita.

Nagkuwentuhan lang sila ng nagkuwentuhan. Ang ibang buses ay nakaalis na.

Wait a minute.. bakit parang may kulang?

Bumaling ako palikod para bilangin kung kumpleto ba kaming lahat.

Six? Nasaan 'yung four?

"Hoy, Riel. Aba, hindi lang naman ikaw ang dadaan." hindi ko na pinansin si Dein at bumaba muli sa bus.

"Nakita niyo ba 'yung apat?" napagawi ang tingin sa akin ng mga kaibigan ko at tsaka itinuro ang bintana na agad kong tinignan.

Nagmamadali akong pumasok sa loob ng bus at nakita kong sila Kendrick at 'yung dalawa pa niyang kaibigan ay nandoon.

What the fvck is this?

"Where the hell is Gelay?" Sino ang last niyang kasama? Fvck.. Tamiyah!

Kaagad akong naglakad papuntang unahan at nadatnan si Tamiyah na nakikipag-usap sa kanyang kaibigan.

"Ikaw ang huling kasama ni Gelay, nasaan siya?" Tanong ko dito na ikinatingin nito sa akin.

"What? Bakit sa'kin mo itatanong, eh, ako nga 'yung iniwan niya do'n sa loob ng hotel?" What the heck?

"Natatanga ka ba, Tamiyah? Kung iniwan ka sana si Gelay, edi sana nandito na siya kanina pa lang. Wala siya dito, okay? So.." hindi ko na naituloy ang pagsasalita ko at dali-daling tumakbo papunta sa labas ng bus.

Ngunit bago ako makalabas ng bus ay biglang may pumigil sa akin. Fvck!

"Bitiwan niyo ako!" sigaw ko nang kaagad akong pigilan ng tour guide na nakatayo lang.

Nakita ko naman ang aking mga barkada na agad nagsipuntahan sa akin, para pigilan din ako.

"Puta! Huwag niyo akong pigilan, ano ba!" Kailangan ako ni Gelay! For Fvck's sake!

"Riel, sinasapian ka ba?" Puta, what?! Sinasapian? Gago ba siya?!

"Hindi ako sinasapian! Kailangan kong bumalik doon! Si Gelay.." nangunot kaagad ang kilay ng mga kasama ko nang mabanggit ko ang pangalan ni Gelay.

"Punyeta, nasaan si Gelay?" Kaagad tanong ni Dein nang mapagtantong wala rin ni isa man lang na bakas ni Gelay dito sa loob ng bus.

"Si Gelay? Anong nangyari kay Gelay?" napairap ako nang biglang lumapit si Kendrick.

"Tangina naman Kendrick, oh! Ikaw 'yung katabi! Hindi mo man lang ba napansin na kahit anino ni Gelay dito, wala! And for your information, takot si Gelay sa dilim, natatakot siya na baka may makita siya o mari--" Hindi na ako pinakinggan pa ni Kendrick at kaagad nagtatakbo patungo sa loob muli ng hotel.

Sumunod kaagad ako dito kasama ang mga kaibigan ko.

Wala ito sa mga plano namin! Hindi ganito, puta!

Gelay.. just wait for us..

Hold on, please..

---

[Revised]

~♡[MizAnonymous04]♡~

Continue Reading

You'll Also Like

32.1K 1.6K 34
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
174M 3.7M 76
Sa Kingdom High kung saan magkakaaway ang mga lalaki at babae, posible bang may mabuong relasyon at pagkakaibigan? (Completed. Published under Pop Fi...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
54.6K 899 41
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished: