The Keeper

By ScarsAreBlind

42.2K 614 86

[Formerly Torn Between Two Icons] A princess who chose not to be named in order to preserve her life, got her... More

PROLOGUE
CHAPTER 1 - We Meet Again
CHAPTER 2 - Girlfriend???
CHAPTER 3 - Hello and Farewell
CHAPTER 4 - Babe ...
CHAPTER 5 - Takbo!
CHAPTER 6 - It's Her Fault
CHAPTER 8 - Andrew Chua
CHAPTER 9 - Target Captured
CHAPTER 10 - Instant Housewife
CHAPTER 11- First Date?
CHAPTER 12 - Getting Along
CHAPTER 13- Who is he?
Chapter 14 - Will you, Corina dear?
CHAPTER 15 - Accident Prone Ka Ba?
CHAPTER 16 - Meet the new Prof
CHAPTER 17 - Hungry? Grab a Snicker!
CHAPTER 18 - Rumors

CHAPTER 7 - Devil?

1.1K 35 4
By ScarsAreBlind


MIGS (See Photo)

Nang magising ako, nakahiga na ako sa isang hindi pamilyar na kwarto. Nasa ospital ata ako. Pagtingin ko sa paligid, nakita ko si kuya na nakaupo sa sofa habang nakasandig ang buong likod at tila natutulog. Sa tabi niya, si Marianne na nakasandig din sa sofa at kaunti nalang ay papaling na ang ulo sa balikat ni kuya. Napapalatak nalang ako.

Uupo na sana ako, pero noong gamitin ko ang kamay ko bilang suporta sa katawan ko ay di ko maiwasang hindi mapaungol sa sakit. Napabalikwas naman sila kuya at Marianne nang marinig yung sigaw ko.

"Okay ka lang??" tanong ni kuya.

"Wag ka muna bumangon!" sabi naman ni Marianne.

"Anung --" ang dami kong gustong itanong. hindi ko lang alam kung anong uunahin. "S-Si dad??" bigla ko nalang natanong.

Nagkatinginan sila tapos tumingin sakin.

"Galit ba siya?" tanong ko ulit kay kuya.

"Magpahinga ka muna Migs." sabat naman ni Marianne.

"Sagutin niyo muna tanong ko! Asan si dad? galit ba sya sakin? Ano nangyari sa concert? Ano? Sagutin nyo ko!!" hindi ko namalayang nasigaw na pala ako.

Maya-maya may pumasok na mga nurse tapos kasunod yung duktor pati si mom. Tinignan lang nila ako. Si mom ngumiti, pero kita ko yung lungkot sa mata nya. Bakit?

Napatingin ako sa kamay kong may benda. Inihanda ko na ang sarili ko para sa worst-case scenario.

That sneaky little devil. It's all her fault. Just you wait.

"Mr. Marasigan, I'm afraid, you can't use your left hand for the meantime. We're still doing some test for further evaluation para malaman natin kung ano ba talaga yung cause ng pain and what will be the effect sa left wrist mo. In the meantime we need to put a cast on your left hand to lessen further damage. You need to take care of your hand Mr. Marasigan or say goodbye to your guitar." I sighed. As long as I can recover. But then again, just thinking of the fact that I can't use my hand for some time made me feel irritated.

"Damn!" Wala sa loob na sigaw ko.

"My son, don't shout! Hindi pa naman natin alam kung malala ba yang injury mo eh. wag ka masyado ma depress." Nakangiti parin sabi sakin ni mom.

"Alright." Walang ganang sagot ko.

"Just follow the doctor's order, okay?" Nakangiting pahayag ni mom habang marahan pang tinapik tapik ang balikat ko.

"Okay." nginitian ko din si mom.

"Pero bro, ano ba talaga nangyari sa kamay mo?" tanong ng magaling kong kapatid na napaka lapit kay Marianne. Tinitigan ko muna siya ng masama bago nagpalatak.

"Aish, kasalan to nung little devil na yun eh." That little devil. Just you wait, I'll have my revenge after I got discharged.

"Devil?? Sinong devil??" tanong ulit ni kuya.

"Basta!! Aish. makapag pahinga na nga!" iritang sagot ko. Tapos nagtaklob na ko ng kumot at natulog.

After 3 days nakalabas na din ako ng hospital, may cast yung kamay ko, pero yung result ng tests ay sa sususnod na araw ko pa makukuha.

Si kuya ang nag sundo sa akin sa ospital kasama si Marianne at Rico. Sa condo na ako nag pahatid dahil bukod sa mas malapit iyon sa ospital ay ayoko rin munang umuwi sa bahay dahil hindi ko pa kayang harapin si dad.

"Bro, iwan ko na dito mga gamit mo ah. Nga pala may nakita akong wallet sa ospital sayo ata yun, nilagay ko dyan sa bulsa nung jacket mo." Tinanguan ko lang siya bilang tugon. Hindi ko talaga mapigilang hindi maasar pag nakikita ko si Marianne na nakadikit lagi kay kuya.

Hindi na rin naman nagtagal sa condo sila kuya at Marianne, ilang minuto lang ay nagpaalam na din silang umalis habang nag paiwan naman si Rico.

Aayusin ko na sana mga gamit ko ng makita ko yung jacket, naalala ko yung wallet. Kinuha ko iyon at naupo ulit sa kama.

Ang dami niyang ID, may mga government IDs tapos may napansin akong isang ID, school ID ata yun. Natawa ako nang makita ang picture sa ID pero agad na naagaw ng pangalan ng school ang atensyon ko. Isang familiar na school. Narinig ko na tong school na to eh. Tama! Eto yung school na pinasukan ni Marianne nung grade school siya.

Tinignan ko ulit yung picture, sigurado akong iyong babaeng iyon ang nasa picture. Hindi ko namalayang naka ngisi na pala ako. Ang cute kasi niya nung bata. Ang pula ng pisngi niya, tapos parang ang saya saya ng expression niya dito. Ibang iba sa mga expressions nya sa pictures sa ibang ID nya.

Tinignan ko ulit iyong kabuuan nung ID para kasing may mali. Nung tinignan ko yung pangalan, bakit iba? Sa lahat ng ID niya ANA MIRANDA ang nakalagay pero dito sa ID na to, iba yung name na nakalagay. ANA CORINA M. CHUA.

Nakakapag taka namang sa mga government IDs niya wala siyang middle name? Nakaka intriga naman tong babaeng to.

Hinalungkat ko pa yung wallet niya at natigilan ako nang may nakita ata akong hindi ko dapat makita.

Nakatitig lang ako dun sa picture. Parang family picture eh. Medyo bata pa siya dito tapos may kasama siyang dalawang lalaki. Isang medyo may edad, I bet this is her father and the other one is I guess her brother. She looked so happy in this picture. Tinitigan ko ulit yung dalawang lalaki, familiar kasi.

I went out of the room to look for Rico and found him lying on the sofa, happily watching anime on TV.

Nilapitan ko si Rico at pinakita sa kanya yung picture.

"Rics, do you know this guy?" sabay turo dun sa elder guy sa picture.

Tinignan lang ako ni Rico sabay kinuha yung picture at tinitigan. Maya maya pa ay binalik na din siya sa akin iyong picture.

"Bakit mo tinatanong?" alam ko nag tataka sya. Ako din naman.

"Tsk. Basta. Kilala mo ba?" tanong ko ulit, hirap kasi mag explain eh.

"Yung matandang lalaki si Mr. Chua, Mr. Anton Chua, owner ng AA Group of Companies. Madami silang businesses all over the continent pero nandito pa din sa bansa yung headquarters nila. Halos lahat ata ng hotels dito sa Pearl Country may share sila. Yun ang alam ko. Madalas ko din kasi yan makita sa mga gatherings nila mommy. Tapos yung isang lalaki si Andrew Chua, alam ko well-known artist, painter, and a youth ambassador yan. Madalas ko din kasi siya makita sa mga art magazines eh. Tapos yung babae ... hmm ... di ko alam eh. Di ko siya kilala." Mahabang paliwanag ni Rico.

"Hindi ba to anak ni Mr. Chua?" imposible naman kasing kasama sya sa picture tapos di siya member ng family diba?

"Anak? Sira ka ba? Walang anak na babae si Mr. Chua, kung meron, eh di sana laman na din siya ng mga magazines 'no." Walang ganang sagot sa akin ni Rico habang ibinalik na sa TV ang paningin.

"Sigurado ka?" Muling tanong ko.

"Oo nga. Baka girlfriend lang yan nung Andrew. Tignan mo, hindi naman nalalayo iyong edad nila eh, tapos ang ganda pa, girlfriend lang yan. Tsk. Eh bakit mo nga pala natanong yan? Tsaka san galing yang picture?" Nag tatakang tanong ni Rico. Sasabihin ko ba? Sabagay bestfriend ko naman to.

"Nakuha ko tong picture dun sa wallet nung babaeng may sungay na lumipad mula sa bakod. Hehehe" natawa naman ako sa description ko dun sa devil na yun.

"Siya yan? Yung babae na sinabi mong dahilan niyan?" sabay turo sa kamay ko na may cast pa din hangang ngayon.

"Oo pare. Siya yan"

"Migs, pa'no naging devil to? Eh tignan mo nga mukha siyang anghel na nalaglag sa langit!!" grabehan lang sa description, with matching action pa yung kamay niya.

"Anghel? Eto? Eh mas mukha pa nga akong anghel dito eh. Ang sama kaya ng ugali nyan! Pag tapos akong bagsakan at baliin yung kamay ko, bigla nalang akong nilayasan!" paliwanag ko. Mukha naman talaga akong anghel no! ang bait ko kaya.

"Haha, oh eh di kaw na anghel. Eh anong balak mo diyan? Sabi mo gaganti ka? Tama gumanti ka! Hahah Gawain ng anghel yan." Aba at nang aasar pa to.

"Talagang gaganti ako. Hahaha." Napahalakhak nalang ako nang maisip ang mga pwedeng gawin sa babaeng iyon.

"Mukha ngang anghel, kung tumawa naman mala demonyo! Bumalik ka na nga sa kwarto mo. Laki mong istorbo eh, Nakita nang nanonood ng Hamatora yung gwapo." Taboy niya sa akin habang umiiling iling pa na binalik ang tingin sa TV. Aba, kaninong bahay ba to? Tsk. Hinayaan ko nalang siya at naglakad na pabalik sa kwarto habang iniisip pa din ang mga pwede kong gawin sa devil na babaeng iyon.

Ang dami ko na talaga naiisip na ganti sa sneaky little devil girl na yun. Humanda ka ANA MIRANDA, ANA CORINA CHUA oh kung sino ka pa talaga. 

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...