Sol at Luna (A Solar Eclipse...

By MakuHinode

9.7K 2.4K 200

Si Luna Mercado ay isang simpleng babaeng mahilig sa kape, magbasa ng mga libro at mag-alaga ng pusa. Nagbago... More

Prologue
CHAPTER 1: FULL MOON
CHAPTER 2: STORY TELLING
CHAPTER 3: LUNA MERCADO
CHAPTER 4: SOL TRINIDAD
CHAPTER 5: HARVEY TRINIDAD
CHAPTER 6: LOST
CHAPTER 7: SOLAR ECLIPSE
CHAPTER 8: GROUPMATES
CHAPTER 9: LATE NIGHT TALKS
CHAPTER 10: SURPRISED
CHAPTER 11: ESCAPED
CHAPTER 12: SHINE
CHAPTER 13: BEATEN
CHAPTER 14: CRUSHED
CHAPTER 15: MIA MERCADO
CHAPTER 16: LORRAINE TRINIDAD
CHAPTER 17: GRANDPARENTS
CHAPTER 18: HANGOVER
CHAPTER 19 : CAMP
CHAPTER 20: WORRIED
CHAPTER 21: SERENADE
CHAPTER 22: FIREFLIES
CHAPTER 23: SHOVE
CHAPTER 24: SIGH
CHAPTER 25: FINGERS CROSSED
CHAPTER 26: SHOPPING SPREE
CHAPTER 27: SUNDATE
CHAPTER 28: COFFEE BOYS
CHAPTER 29: DINNER
CHAPTER 30: STRUM
CHAPTER 31: SWEET DREAMS
CHAPTER 32: NIGHTMARE
CHAPTER 33: NECKLACE
CHAPTER 34: READY
CHAPTER 35: MELODY
CHAPTER 36: DUET
CHAPTER 37: STAR GAZING
CHAPTER 38: HOMECOMING
CHAPTER 39: AIRPORT
CHAPTER 40: HODOPHILE
CHAPTER 41: ROADTRIP
CHAPTER 42: IRRITATED
CHAPTER 44: SWEAT
CHAPTER 45: BUTTERFLIES
CHAPTER 46: ADRENALINE
CHAPTER 47: PEACE OFFERING
CHAPTER 48: STREET FOODS
CHAPTER 49: CONVENIENT STORE
CHAPTER 50: HEARTBROKEN
CHAPTER 51: TRESPASSING
CHAPTER 52: BROWNIES
CHAPTER 53: BEACH
CHAPTER 54: SANITY
CHAPTER 55: VIVID
CHAPTER 56: FAMILY DINNER
CHAPTER 57: DISTANCE
CHAPTER 58: BLACKOUT
CHAPTER 59: WARM UP
CHAPTER 60: LA VIE EN ROSE
CHAPTER 61: PRAYER
CHAPTER 62: HUG
CHAPTER 63: SHORT HAIR
CHAPTER 64: HOPE
CHAPTER 65: LAST ECLIPSE
PUBLISHED!

CHAPTER 43: WARM

66 10 0
By MakuHinode

LUNA

Napatigil ako ng tumunog ang cellphone ko. Nang makita ko ang pangalan ni tita Jade sa screen ng phone ko, sinagot ko ito.

"My goodness! I was so worried about you two! Nasaan kayong dalawa?"

"Nagutom lang po kami tita, kumakain lang po kami ng taho. Nasa harap po kami ng park."

"Akala ko pa man nagtanan na kayong dalawa ni Sol, 'wag n'yo gagawin yon ha? Mga bata pa kayo. Osya malapit na kami d'yan."

Pinatay na ni tita Jade ang tawag at tumingin si Sol sa'kin.

"Si tita Jade 'yon, hinahanap tayo."

---

Nakita na namin sina tita Jade at Amethyst. Bumalik na kaming apat sa kotse at pumunta sa isang Filipino food na restaurant. Umupo na kaming tatlo at si tita Jade na ang umorder.

Isang open restaurant ito at tanaw na tanaw mo sa ibaba ang mga magagandang bulubundukin. Tinatangay ng malamig na hangin ang maiksi kong buhok.

Sinuot ko ang isang makapal na sweater nang nakita kong nakangisi si Sol sa harapan ko. "Oh bakit? Anong problema mo?" tanong ko sa kaniya.

"Ikaw ba naman magbihis, sa harapan ko pa!" sigaw niya sa'kin. Binato ko sa mukha niya ang bag ko. Tumalikod ako at niyakap ko ang sarili ko. "Hoy joke lang!" sabi niya at hindi ko siya pinansin.

"Luna, 'wag kang malikot d'yan baka mahulog ka sa bangin," nag-aalalang tugon niya sa'kin.

Mas gugustuhin ko ng mahulog ako sa bangin at bumagsak sa lupa, kaysa mahulog ako sa isang lalaking katulad ni Sol Trinidad. "Tumayo ka d'yan, palit tayo ng upuan." Hinila niya ako para makatayo at lumipat si Sol sa upuan ko.

Isang magandang tanawin ngayon ang nasa harapan ko, ang magagandang mga bundok, kulay asul na kalangita.

Habang pinagmamasdan ko ang tanawin nahuli ko si Sol sa aking peripheral vision na nakangisi siya sakin.

Tuwing ngumingiti siya parang nawawala ang kaniyang mga mata dahil may pagkasingkit ito.

"Picturan mo nga ako! Pang profile ko lang," sabi niya at iniabot sa'kin ang kaniyang cellphone. Kinuha ko ito at itunutok sa kaniya. "Smile!"

"I love you," bulong niya sa'kin at ibinato ko sa kaniya ang cellphone. "Ang harot mo!" sigaw ko sa kaniya.

"Hoy Luna, 'wag ka nga magsisigaw d'yan. Hindi lang tayo ang nandito sa restaurant no," naiiritang bulong niya sa'kin.

Napansin ko simula nang pumunta kami sa Baguio ay naging masungit si Amethyst. Bumalik na si tita Jade at dumating na din ang mga pagkain na dala-dala ng isang gwapong waiter. 

Nginitian ko ito at kita ko sa gilid ng mata ko ang pagkainis ni Sol. Inayos ko na ang upo ko at sinamaan ko ng tingin si Sol at itinaas ang kaniyang dalawang mga kamay sa ere.

"Behave ba ang mga alaga ko?" tanong ni tita Jade habang naupo na. Inilapag na sa mesa namin ang isang malaking bowl ng sinigang na hipon, bulalo at sisig.

Yehey! Sisig my favorite! Bago kami kumain, sabi ni Sol na mag dasal na muna kami. "Ang bait naman ng binatang ito," sabi ni tita Jade. Ipinikit namin ang aming mga mata at nagdasal.

"Lord maraming salamat po dahil ligtas po kaming nakapunta sa Baguio ngayon at Lord maraming salamat po sa aming pagkain. At I-bless Ninyo rin po Panginoon ang aming pamilya, In Jesus Name, Amen!"

Hinahangaan ko rin ang mga coffee boys dahil kahit mga simpleng bagay lang, alam nilang pahalagahan ang mga ito at pasalamatan sa Diyos.

Kumuha na ako ng plato at sinimulan ko ng balatan ang mga hipon. "Oh anak bakit hindi kapa kumakain?" tanong ni tita Jade kay Amethyst.

"Wala po akong gana mom eh," tugon niya. Inilagay ni tita Jade ang kaniyang palad sa noo ni Amethyst. "Medyo maiinit ka anak, masama ba pakiramdam mo?"

"Medyo masakit po ang ulo ko." sabi ni Amethyst. "Oh sige katapos natin kumain, balik muna tayo sa bahay at magpahinga kana muna." tugon ni tita Jade.

Kaya pala kanina pa wala sa mood ang babaitang to, masama ang pakiramdam. Sinimulan ko nang kumain at nahihirapan si Sol na alisin ang balat ng hipon. "Akin na nga iyan," sabi ko sa kaniya at tinignan ako.

"Naku Sol, paano ka makakapag-asawa n'yan. Hindi ka pala marunong mag balat ng hipon," pang-aasar ni tita Jade. Napakamot na lamang sa batok si Sol. Wala ka pala eh!

"Madalang lang po sa madalang po kami nakakain ng hipon..." sambit niya. "Ahhhh," tanging iyon lamang ang nasagot ni tita. "Ay sandali lang mga anak, may nakakalimutan tayo." Natigilan kaming lahat sa kaniya.

"Hindi pa pala tayo nag groufie," sabi niya. Natawa kaming pareho ni Sol. Si tita Jade kasi mahilig siya sa modeling, kaya sobrang confident niya sa harapan ng isang camera.

Ang kaniyang napangasawa ay isang professional photographer. Sana si tito Asahi na lamang ang maging photographer ko kung ikakasal man ako.

Kung wala man ako mapapangasawa eh 'di magiging madre na lamang ako. Iniabot ko na kay Sol ang binalatan kong hipon at halos ibuhos na niya lahat ang sabaw ng sinigang sa kaniyang plato.

"Smileeee!" sabi ni tita. Ngumiti kaming lahat at nag flash ang kaniyang phone.

---

Katapos naming kumain, bumalik na kami sa bahay at kasama ko ngayon sa loob ng kwarto si Amethyst at natutulog siya. Kumatok si tita Jade at pumasok ito.

"Luna, ayos lang bang iwan ko muna kayong dalawa? Mamamalengke lang kami dalawa ni Sol. Alam mo namang birthday ni Amethyst bukas hindi ba?" Nanlaki ang mga mata ko at kaarawan na bukas ni Amethyst.

Kaya pala nagyaya si tita Jade na pumunta kami ng Baguio para dito mag celebrate. "Anong papabili mo Luna?" Kumuha ako ng pera sa wallet ko at iniabot kay tita.

"Mahilig po ngayon si Amethyst sa mga pabango. Gustong-gusto niya po yung Victoria's Secret." sabi ko.

"Luna kahit 'wag na. Ako nalang bibili tapos ikaw nalang mag bigay sa kaniya bukas. 'Wag mo na gastusin ang mga ipon mo." Bago umalis si tita at isinara ang pinto, niyakap niya ako at hinalikan sa pisngi.

---

SOL

Kasama ko ngayon ang tita-in-law ko na si Tita Jade sa SM Supermarket, sobrang daming mga sangkap ang mga binili niyang pangluto para bukas dahil balita ko birthday ni Amethyst bukas.

"Sol ano gusto mong bilhin? Lagay mo nalang sa push cart iho ako na ang magbabayad." Sabi ni tita Jade habang iniinspekyon ang isang frozen meat.

"'Wag na po tita, nakakahiya naman po sa inyo." Tugon ko. Nagtungo kami ngayon sa vegetable section habang tinutulak ko ang cart.

"Ano po sa tingin n'yo ang gustong regalo ni Amethyst, tita?" Napatigil si tita Jade.

"I think what she want's the best, is yung magkaroon siya ng mga tunay at mga mababait na kaibigan," sabi niya habang inilagay sa cart ang mga pinili niyang lettuce. "Kumusta naman kayo ni Luna o kaya ni Amethyst?"

"Ngayon ko palang po nakilala ang dalawa. Bagong lipat lang po ako sa school nila. Pero alam n'yo po sobrang bait po ng dalawa sa'kin. At mabilis ko po silang naging close at naging kaibigan."

Humarap sa'kin si tita Jade at napatigil ako sa pagtutulak sa cart. "Totoo bang gusto mo si Luna?" tanong niya. Matagal bago ako nakasagot dahil nakadama ako ng kaba sa aking dibdib. "O-opo n-naman." tugon ko.

"Hindi naman sa hindi ako pabor sa inyong dalawa, pero alam mo naman siguro iho na sobrang strict ng papa niya tungkol sa ganiyang mga bagay no?"

Tumango ako. "Opo."

"Bakit naman po sobrang strict ng dad po ni Luna sa mga gano'ng bagay?"

"Hindi ko man alam kung ano ang rason niya, pero ang alam ko, mayroon siya ng malalim na dahilan. At si Luna na lamang ang natitirang pamilya para sa kaniya." Tumango na lamang ako habang tinutulak ang cart. "One day kapag naging dad kana, you will understand iho." dugtong pa ni tita Jade.

Katapos naming bumili ng grocery at mga gamit pang birthday party, bumalik na kami ni tita Jade sa transient house namin.

Pagkababa ko ng sasakyan, tinulungan ko na siyang magbuhat ng mga groceries namin. Syempre dapat tayong pa good shot ah. Para maging pabor sila sa'kin.

Katapos naming umakyat sa napakahabang hagdan, nagsisimula nang sumakit ang mga tuhod at likuran ko.

"Ayos ka lang iho?" tanong ni tita Jade sa'kin. "Oo naman po! Nangalay lang po ako." sagot ko. Binuksan na ni tita Jade ang pintuan at napakatahimik ngayon sa loob ng bahay.

Tumakas ba ang dalawang mga 'yon? Ibinababa ko na sa mesa ang mga pinamili namin at sinundan ko si tita Jade patungo sa kwarto ni Amethyst. Kumatok ito at walang sumasagot.

Dahan-dahan niya pinihit ang doorknob at bumungad sa'min ang itsura ni Amethyst na mahimbing ang tulog at towel sa kaniyang noo.

Habang si Luna naman ay natutulog sa isang maliit na sofa at nakabalot ng makapal na kumot.

"Sol, buhatin mo si Luna, dalhin mo siya sa kwarto niya." Agad akong lumapit sa kaniya at pinagmasdan ang kaniyang maamong mukha. Mukha lamang siyang maamo tuwing natutulog ito o kumakain.

Lagi kasing nakasimangot at nakakunot ang mukha nitong panget na to sa harapan ko.

Dahan-dahan ko siyang binuhat para hindi siya magising at dinala sa kaniyang kwarto at maingat ko siyang ibinaba sa kaniyang kama.

Akmang lalabas na ako ng kwarto nang bigla itong umungol. Bumalik ako at kita kong pinagpapawisan ang noo niya. Dahan-dahan ko siya tinapik at nagising ito. "Luna, ayos ka lang?" tanong ko sa kaniya.

Bigla itong bumangon at agad akong niyakap na ikinagulat ko. "I just had a bad dream..." Bakas sa kaniyang tono ang pag-aalala at kumalas na siya sa pagkakayakap sa'kin.

"Tungkol saan?"

"Sayo..."

Continue Reading

You'll Also Like

76.8K 3.2K 31
Sigurado kayang nahuli na talaga ang kalaban? Pa'no nalang kung ang pinagkakatiwalaan nila ay kalaban pala. Panibagong problema? Kayanin kaya nila? ...
1.9M 94.9K 36
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...
2.8M 53.8K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
276K 790 15
Ito po yung mga tula na ito ay ginawa kapag ako ay nabobored ,,.. sana magustuhan nyo....... ang mga tula na ito ay tungkol sa pag-ibig sa kaibigan a...