Sol at Luna (A Solar Eclipse...

By MakuHinode

9.7K 2.4K 200

Si Luna Mercado ay isang simpleng babaeng mahilig sa kape, magbasa ng mga libro at mag-alaga ng pusa. Nagbago... More

Prologue
CHAPTER 1: FULL MOON
CHAPTER 2: STORY TELLING
CHAPTER 3: LUNA MERCADO
CHAPTER 4: SOL TRINIDAD
CHAPTER 5: HARVEY TRINIDAD
CHAPTER 6: LOST
CHAPTER 7: SOLAR ECLIPSE
CHAPTER 8: GROUPMATES
CHAPTER 9: LATE NIGHT TALKS
CHAPTER 10: SURPRISED
CHAPTER 11: ESCAPED
CHAPTER 12: SHINE
CHAPTER 13: BEATEN
CHAPTER 14: CRUSHED
CHAPTER 15: MIA MERCADO
CHAPTER 16: LORRAINE TRINIDAD
CHAPTER 17: GRANDPARENTS
CHAPTER 18: HANGOVER
CHAPTER 19 : CAMP
CHAPTER 20: WORRIED
CHAPTER 21: SERENADE
CHAPTER 22: FIREFLIES
CHAPTER 23: SHOVE
CHAPTER 24: SIGH
CHAPTER 25: FINGERS CROSSED
CHAPTER 26: SHOPPING SPREE
CHAPTER 27: SUNDATE
CHAPTER 28: COFFEE BOYS
CHAPTER 29: DINNER
CHAPTER 30: STRUM
CHAPTER 31: SWEET DREAMS
CHAPTER 32: NIGHTMARE
CHAPTER 33: NECKLACE
CHAPTER 34: READY
CHAPTER 35: MELODY
CHAPTER 36: DUET
CHAPTER 37: STAR GAZING
CHAPTER 38: HOMECOMING
CHAPTER 39: AIRPORT
CHAPTER 41: ROADTRIP
CHAPTER 42: IRRITATED
CHAPTER 43: WARM
CHAPTER 44: SWEAT
CHAPTER 45: BUTTERFLIES
CHAPTER 46: ADRENALINE
CHAPTER 47: PEACE OFFERING
CHAPTER 48: STREET FOODS
CHAPTER 49: CONVENIENT STORE
CHAPTER 50: HEARTBROKEN
CHAPTER 51: TRESPASSING
CHAPTER 52: BROWNIES
CHAPTER 53: BEACH
CHAPTER 54: SANITY
CHAPTER 55: VIVID
CHAPTER 56: FAMILY DINNER
CHAPTER 57: DISTANCE
CHAPTER 58: BLACKOUT
CHAPTER 59: WARM UP
CHAPTER 60: LA VIE EN ROSE
CHAPTER 61: PRAYER
CHAPTER 62: HUG
CHAPTER 63: SHORT HAIR
CHAPTER 64: HOPE
CHAPTER 65: LAST ECLIPSE
PUBLISHED!

CHAPTER 40: HODOPHILE

49 9 0
By MakuHinode

LUNA

Sabay kaming nagskincare ni Amethyst ngayon bago matulog. Dito na muna matutulog si Amethyst sa kwarto ko tutal malaki naman ang kama ko. Inaayos ko ang higaan namin ng may kumatok sa pintuan.

Binuksan ni Amethyst ang pintuan at bumungad samin ang itsura ni tita Jade. May suot-suot siyang apron at dala-dala niya ang isang tray na puno ng brownies. "Ma! Nagdadiet ako!" reklamo ni Amethyst nang makita nta ang dala-dalang brownies ng nanay niya.

"Anong diet? Bawal ang magdiet sa pamamahay na ito!" Tumingin si tita Jade sa akin. "Diba Luna?"

Tumayo ako at kumuha ng mga brownies. "Tikman n'yo, masarap 'yan." Kumuha na din si Amethyst, natakam siguro ang loka. "Gusto n'yo ba ng gatas? Ipagtitimpla ko kayo."

"Ay sige po tita! Masarap po 'yan," tugon ko. Inilapag ni tita Jade sa mesa ko ang tray ng brownies.

"Alam mo Luna, masasayang ang diet ko," bulong niya sa'kin. "Bakit ka ba nag didiet? Si Jazz nga ayaw mo pumayat," tugon ko sa kaniya. "Gusto ko lang naman pumayat ng konti."

"Bahala ka d'yan, kakain na lang ako."

---

Bumalik si tita Jade na may dala-dalang tatlong baso ng gatas. Suot niya ang kanyang night gown at nakalugay ang kaniyang mahabang buhok. Hindi halata sa itsura niya na mukha siyang 45 years old. Umupo kaming tatlo sa lapag at kumain. "Ikaw Luna kumusta kana?"

"Ayos lang naman po ako tita, malungkot lang po ako minsan dahil palaging nasa work si dad," tugon ko sa kaniya.

Umiling-iling siya. "Naku si Jorden talaga, binata palang siya, napaka workaholic na niya. Sige pagsasabihan ko ang daddy mo."

Ininom ko ang tinimpla niyang gatas.
"Naku tita 'wag na po, tuwing day off niya po, nagbobonding naman po kaming dalawa."

"Ikaw ma, kumusta kayo nina dad sa Japan?" tanong ni Amethyst. "Ayos lang naman kami, gusto nga ng dad mo na kabalik ko sa Japan, isama na daw kita."

"Ma, I already talk to dad about that."

"Should I go outside muna? Baka po kasi nakakaabala po ako sa inyong dalawa," tugon ko sa kanila. Akmang tatayo na ako nang hinawakan ako ni tita Jade sa wrist ko.

"Kahit 'wag na Luna," sabi ni tita. "May nabalitaan nga pala ako pamangkin, sino ba ang Sol na 'yan? Pwede ko ba siya makita o makilala man lang?" tanong niya muli sa'kin.

Tumingin ako kay Amethyst at umiwas siya ng tingin sa'kin. Amethyst talaga! Kinuha ko sa phone ko at ipinakita ang isang litrato ni Sol. "Bakit may ganyang picture ka ni Sol sa phone mo?" tanong ni Amethyst.

"Ha? Wala! Ang pangit niya kasi diyan, at para mapagtripan ko siya," depensa ko sa kaniya.

Kinuha ni tita Jade ang phone ko at pinakatitigan ang itsura ni Sol. "He looks familiar." Nakakunot ang noo niya. habang tinitigan ang litrato ni Sol. "Boyfriend mo?"

Nabulunan ako sa tanong ni tita habang umiinom ako ng gatas. "Soon palang po ma," singit ni Amethyst. Tumawa si tita. "I guess hindi ito alam ng daddy mo?"

"Ang alin po tita?"

"Na boyfriend mo na siya..."

"Tita hindi ko naman po siya boyfriend!"

"Eh ano? Jowa mo lang ganon?"

Natawa ako sa kapilyohan ni tita kahit may katandaan na siya, parang teenager pa rin siya kung umasta. Parang si Amethyst ang nanay sa kanilang dalawa. "Hindi po tita. I just like him, that's all," mahinang sagot ko.

"Umamin din!" sigaw ni Amethyst. "Hoy like ko lang siya! It doesn't mean I already love him!" depensa ko agad sa kaniya. "Weh? Ako pa talaga Luna? Lolokohin mo pa talaga ako?" tanong ni Amethyst habang nakapameywang.

Napabuntong-hininga na lamang ako dahil alam kong wala na din ako magagawa pa. At kung may pagsasabihan man ako ng sikreto, sina tita Jade at Amethyst ang mga ito.

"Oh ikaw anak bakit ka nag didiet?" tanong ni tita. "Tita meron na po manliligaw 'yan," tugon ko sa kaniya. "Ahh so you're keeping secrets from your mom now?"

"Ma hindi naman po sa ganon!" lumingon sa'kin si Amethyst. "Luna kasi bakit mo ako nilalaglag!" Natawa ako sa kaniya dahil namumula ang mga pisngi niya. "Ano pangalan niya?"

"Jazz po."

"Kayo na?"

"Hindi pa po ma, nanliligaw palang po."

"Ayos lang ang ganiyan anak, basta huwag papabayaan ang studies at pakilala dapat kay mommy ha?" Tumango naman si Amethyst at pinakita ang litrato ni Jazz. "Cute siya at medyo chubby." sabi ni tita.

Tita, tuloy po ba tayo sa pagpunta natin sa Baguio bukas?" tanong ko sa kaniya. "Oo naman! Kung tayo lang tatlo, hindi ba parang sad 'yon? Why won't we invite Sol and Jazz?" Biglang kumontra si Amethyst. "Ma kahit 'wag na natin isama si Jazz!"

"Busy po siya eh!" Ang katotohanan bakit ayaw isama ni Amethyst si Jazz dahil wagas kung mag tanong si tita Jade. "Edi si Sol nalang, para makilatis ko siya."

"Ayos lang ba sa'yo, Luna?"

"Opo naman, pero sa inyo po ang desisyon, hindi po ba nakakahiya po sa inyo yon?"

"Naku! 'wag mo na isipin 'yon! Ang gusto ko mag enjoy ang unica hija ni Jorden." Napangiti ako sa sinabi ni tita. "Why don't you call him?"

SOL

Napatigil ako sa paghuhugas ng plato dahil tumunog ang phone ko. Pinunasan ko ang mga kamay ko at nakita ko ang pangalan ni Luna sa screen ng cellphone ko.

YOUR LOVE IS CALLING...

Nanlaki ang mga mata ko na si Luna nga ang tumatawag sa'kin. Oras na ah? Ano kaya kailangan niya sa'kin? O baka naman ako mismo ang kailangan niya. Tumikhim muna ako bago ko sagutin ang tawag niya.

"Hello Sol?"

"Oh Luna napatawag ka?" Hindi ko alam paano ko pigilin ang kiligin dahil ngayon lang ako tinawagan ni Luna.

"May gagawin ka bukas?" Grabe! Abot hangga tenga ang ngiti ko, dahil tinig anghel itong si Luna. Huminga muna ako ng malalim bago sumagot sa kaniya.

"Wala naman, bakit?" Siguro makikipagdate sa'kin ang babaeng 'to! Sabi ko na eh crush niya ako!

"Mag Baguio daw tayo, kasama natin si Amethyst at ang mommy niya."

"Hindi ba nakakahiya 'yon?" Ang totoo nito wala naman akong hiya. Bigla nag-iba ang boses ng kausap ko.

"Hello Sol?"

"Sino po ito?"

"Tita ako ni Luna, gusto mo ba sumama sa Baguio tomorrow? Madaling araw tayo aalis, susunduin ka namin bukas sa inyo. Tapos babalik agad tayo sa Lunes."

"Ayos lang po ba tita? Hindi po ba nakakahiya sa inyo 'yon?"

"Naku! Hindi naman Sol, kaya sumama kana."

"Wala po akong pera tita."

"Sagot ko na."

"Talaga po?"

"Oo naman! Send mo nalang ang address mo kay Luna, patayin ko na ang tawag ha?"

"Sige po maraming salamat po!"

Pinatay na ang tawag at pinuntahan ko si Elijah na mahimbing ang pagkakatulog. "Kuya." Tawag ko sa kaniya. "Ano?" Iritadong sagot niya.

"Niyaya akong sumama ng tita ni Luna sa Baguio, pwede ako sumama?" Tanong ko sa kaniya.

"Bakit ka nagpapaaam sa'kin? Ako ba ang tatay mo?" tanong nito at tinakpan niya ang mukha niya sa unan. Ang sungit naman neto tsk. "Hihingi lang sana ako ng pera." sagot ko sa kaniya.

Biglang bumangon si Elijah at kumuha ng tatlong libo sa kaniyang wallet.  " 'Yan ang natitirang pera natin sa banda, palitan mo nalang." Kinuha ko iyon.

"Salamat talaga!"

"Kailan ang balik n'yo?"

"Sa Lunes." Humiga na muli si Elijah. "Dalhan mo nalang kami ng pasalubong. Tsaka sabihin ko nalang kay mama."

--

Katapos ko maglinis sa kusina, pinatay ko na ang lahat ng mga ilaw at nilock ko na ang gate at ang pintuan namin.

Nag-impake na ako ng aking mga damit at mga kailangan kong dalhin para bukas.

Tumabi ako kina Elijah at natulog na. Pagkagising ko ng madaling araw, naghilamos na ako at nag-almusal.

Pagkalipas ng kalahating oras, may isang kotse na tumigil sa harapan ng gate namin. Nang bumukas ang pintuan nito ay bumungad sa'kin ang itsura ni Luna.

Continue Reading

You'll Also Like

48.7K 1.8K 52
" Ang galing galing lang ng tadhana no? yung pagtatagpuin kayo ng taong di mo kilala, yung nakakaaway mo, yung kagalit mo, at yung lagi kang iniinis...
28.7M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...
30.8K 1.5K 34
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...