Gangster Empress:Gangster Evo...

By _MpreSSA

81.1K 2.6K 423

Claira Chemistry Aysia. Fighting is her hobby. Punching is her sport. Death is her game. Dangerous is her mid... More

Gangster Empress
Chapter 1: GE;GE√ The beginning of her Journey
Chapter 2: GE; GE√ Welcome Back
Chapter 3: GE;GE√ Punch of the Empress
Chapter 4: GE;GE√ Emperor
Chapter 5: GE;GE√ Science Vanderoso
Chapter 6: GE;GE√ Andreaustitute (Black Superior)
Chapter 7: GE;GE√ Will I? (BLACK SUPERIOR)
Chapter 8: GE;GE√ TROUBLE!!
Chapter 9: GE;GE√ Yellow
Chapter 10: GE;GE√ Dark Underground (Prank)
Chapter 11: GE;GE√ Encounter
Chapter 12: GE;GE√ Not Coming
ATTENTION!
Chapter 13: GE;GE√ Divisions
Chapter 14:GE;GE√Side By Side
Chapter 15: GE;GE√ ALAS
Chapter 16: GE;GE√ Pest
Chapter 17: GE;GE√ FINE!
Chapter 18: GE;GE√ Empress Challenge (THE PREPARATION I)
Chapter 20: GE;GE√ Empress Challenge I (BEAUTY CATEGORY)
Chapter 21: GE;GE√ Empress Challenge II (BRAIN CATEGORY)
Chapter 22: GE;GE√ Empress Challenge III (SKILL CATEGORY I)
Chapter 23: GE;GE√ Empress Challenge IV (SKILL CATEGORY II)
Chapter 24: GE;GE√ Empress Challenge V REPLICA (SKILL CATEGORY III)
Chapter 25: GE;GE√ Empress Challenge VI (SKILL CATEGORY IV)
Chapter 26: GE;GE√ Hail to The Empress!
Chapter 27: GE;GE√ Headquarters
Chapter 28: GE;GE√ THE TRUTHS
Chapter 29: GE;GE√ Mendell Empire
Chapter 30: GE;GE√ There is No Hunter
Chapter 31: GE;GE√ Find Cousin
Chapter 32: GE;GE√ Peter Piper
URGENT!!

Chapter 19: GE;GE√ Empress Challenge (THE PREPARATION II)

1.6K 63 19
By _MpreSSA

Chapter 19: GE;GE√ Empress Challenge (THE PREPARATION II)

CLAIRA'S POV

GARET and I exchanged numbers. Napagpasyahan ng dalawa na tulungan ako sa preparasyon. It was a sunny saturday morning and I'm off to somewhere.

Actually, I won't mind winning or losing on that said challenge. But then again, my pride is more important. Pano na lang kung hind ibalik sa'kin ng kurimaw na yun ang kwintas ko kapag hindi ako nanalo? And who says that I wont win? Tss. As I've said before, I won't accept a lose. And I'm not capable of losing.

Pumipili na ako ng susuotin kong sapatos ng mahagip nang paningin ko ang tsinelas na Spartans. Nagtagal ang titig ko run. I can't help but to wonder. Saan na kaya siya ngayon? Muli kong naalala ang daan sa bahay niya. Muntik pa akong maligaw habang papauwi dahil hindi sakop ng blueprint ko ang lugar niya.

Naipilig ko ang ulo ko. At ano nanan ngayon sa'kin? Tss. I shook my head and decided to wear a white nike shoe. Pababa na ako ng hagdan nang biglang mag-ring ang cellphone ko.

* Humpty Dumpty...

Humpty Dumpty...

Humpty Dumpty....

Sat on the wall...

Humpty Dumpty...

Had a great fall *——

"Hello?" Agad na sagot ko. Kumuha ako ng fresh milk sa ref at marahang ininom yun.

"Yow! Chemistry men!" Agad na pambungad niya sa'kin. "Sabi nung maarte ay sa mall nalang daw tayo magkita-kita para mas madali. Sa isang coffee shop doon! I-sesend ko nalang sayo ang location." Mahabang aniya. Lumabas na ako ng apartment bitbit ang susi ng big bike ko noong unang beses na bumili ako sa mall ng mga school supplies.

Ipit ko sa gilid nang bewang ang helmet ko. "K." Walang gana kong saad bago ibinaba na ang tawag. Pagsampa ko sa motor ay nag-vibrate agad ang cellphone ko, text galing kay Garet.

Pagkabasa ko sa lokasyon ay agad kong isinuot ang helmet at naghanda na paalis. Ewan ko ba at kung bakit pinag-aaksayahan ko ng oras ang bagay na ito. Pero bahala na nga! Wala naman akong ginagawa kaya mas mabuting may pagkaabalahan nalang ako.

Ipinark ko sa parking lot ang motor ko. Iba naman ang mall na'to sa mall na pinuntahan ko noon. Nasa itaas ng mall ang parking lot. Sa parang roof top nito. Nakakatakot nga baka bigla nalang mabutas tong bobong ng mall at magbagsakan ang mga sasakyan. Hays! Ang nonsense ng iniisip ko.

I walk around to find the coffee shop Garet was talking about. Nang makita ay agad akong namangha sa lugar. Halos glass wall na ang lahat ng dingding dito. Nakikita ko ang nasa loob at sobrang gaan ng ambiance. Pagpasok ko ay agad nanuot sa ilong ko ang aroma ng kape. Wooden at caramel ang kulay sa loob. Hindi rin masakit sa mata ang ilaw at sakto lang ang laki nito.

Agad kong nilibot ang paningin ko sa pag-aakalang nandito na ang dalawa. Tss. Pero kahit saang direksyon ko tingnan ay walang totomboy-tomboy at mangga ang nasa paligid.

Naiirita akong naghanap ng mauupuan sa sulok at dulo ng coffee shop pero nasa gilid ko naman ang glass wall.

Padabog akong umupo at malakas na suminghap. Tsss. Kinsi minutos. Sa loob ng kinsi minutos at wala pa rin ang dalawang yun ay aalis na ako.

May lumapit na lalaking waiter sa akin at buong gilagid niya akong nginitian. Walang reaksyon ko lang siyang tiningnan at hindi ibinalik ang ngiti niya kaya asiwa na lang itong nakatingin sa'kin. Tss.

"Good morning ma'am! May I take your order, please?" Asiwa pa ring tanong niya. I took a glance at his nameplate and it says Jack. Hindi nakatingin na nagsalita ako. Naglulumikot ang paningin ko at baka biglang sumulpot yung dalawa.

"Cappuccino."simpleng saad ko. Agad kong ibinaling and tingin ko sa menu na nasa lamesa na, "and a slice of chocolate cake." Malamig kong saad.

Tumango naman ito ng ilang ulit at inulit pa ang order ko, " your order will be serve at ten minutes. Please wait ma'am." Malumanay na saad niya at tinanguan ko lang habang hindi pa rin ito tinitingnan. Nasa kanang gilid ang ulo ko paharap sa glass wall. Nakikita ko ang mga taong naglalakad dito.

Klarong-klaro ko ang mga taong paparoo't parito. Nang biglang mahagip ng paningin ang isang lalaking matangkad. Naka-black na hoodie at may itim na face mask, at papasok ito sa coffee shop kung nasaan ako. Nakaharap kasi ang pwesto ko sa pinto.

Inalis ko ang tingin sa kanya at tiningnan ang counter kung nandoon na ba ang order ko pero wala pang isang segundo ay agad ring napabalik ang tingin ko sa kanya!

Gulat at nanlalaki ang mata ko habang sinusundan ng tingin ang lalaking naglalakad na papalapit sa counter!

Shit! Shit! Siya yun diba?!

Ang hulma ng katawan niya lalong-lalo na ang buhok niya na parang ginaya ang kay Rukawa ay tandang-tanda ko! Putek! Siya talaga yun eh! Yung baklang nangaladkad sakin!

Agad akong napaayos ng upo at dali-daling kinuha ang menu na nasa lamesa at itinakip sa mukha ko. Bahagya akong sumilip at nakitang nakatalikod na ito sa akin. Todo titig rin ang babaeng kumukuha ng order niya. Halatang namamangha sa mata pa lang niya.

Bakit ba kasi ang hilig niya mag-mask? Kahit nandito sa public place at open area ay hindi niya ipinapakita ang mukha niya?! Ganun ba siya kapangit?

But I bet not, ang ganda kaya ng mata at kilay niya!

Aish! Bahala na nga! Ano ngayon kung makita niya ako? Wala naman akong utang na loob sa kanya ah?!

Gaga! Ginamot niya sugat mo! Pinakain ka pa! At ang mas malala, ninakawan mo pa ng tsinelas!

Grabe naman 'tong konsensya ko sa nakaw na part! Akala naman niya gusto ko ang tsinelas nun! E ang laki laki naman sa'kin. Atsaka isa pa, ang sabi ko sa note ay paniguradong hindi ko na ito makikita, shet! Pinangunahan ko kasi!

Napalunok ako ng tumalikod na siya sa counter at umupo sa lamesang kahilera ng table ko. Dalawang lamesa lang ang pagitan namin! Nakaharap sa akin ang pwesto niya at nakaharap naman ako sa kanya! Buti na lang ay may dalawang babae na umupo sa isa pang table sa harapan niya. Buti na lang at may harang na samin.

Malakas akong napabuga ng hangin. Natigilan ako. Bakit ba sobrang affected ako? Tss. E ano ngayon kung makita niya ako diba?! Tch. Hayss ewan!

Ibinaba ko na rin ang menu na pinantabon ko sa mukha ko. Nang tiningnan ko siya ulit ay nakayuko na ito at may kung anong kinakalikot sa cellphone niya. Naka mask pa rin at walang pakialam sa paligid kahit na halos lahat ng babae dito ay napapatingin sa kanya. Partida, naka mask pa yan ah at agaw pansin na.

Pa'no siya iinom nang kape na inorder niya kung may harang sa mukha niya? Diko maiwasang mapangisi, sigurado akong makikita ko na ang mukha niya!

Wala naman talagang akong pakialam. Curious lang ako kumbaga. Mas lalo akong napaayos ng upo ng dumating na ang order ko. Inilapag ni Jack sa lamesa lahat yun at marahang nagpasalamat. Tiningnan ko na siya at tipid na nginitian. Nakita ko naman kung paano mas lumaki ang ngiting gilagid niya. Tss..

I slowly sip my cappuccino a bit and wander my eyes again at the glass wall.

"Oh my so!" Muntik ko nang mabuga ang iniinom ko nang may biglang nilalang na nagkulay mangga ang lumitaw bigla. Pambihira, aatakehin na talaga ako sa puso nito.

I wiped my side lips using the tissue and glared at them. Nag-peace sign lang si Amarie samantalang binatukan naman siya ni Garet.

"Sheeshh! Ouch ha!"

Ang lalakas ng bunganga ng mga ito! Nag-aaway pa habang nag-aagawan kung sino ang tatabi sa'kin. Tss.. at sa huli, wala nang nagawa si Garet ng maupo na sa tabi ko ang mangga.

"Putek talaga ang babaeng 'to!" Sabay turo niya kay Amarie." Sensya ka na 'dre kung natagalan kami! Pano ba naman! 'Tong maarteng 'to ang tagal maligo! Nagpasundo pa! Tch!" Parang nakukunsumisyon pang aniya. Sabay hila ng chocolate ko. Naiinis kong sinundan yun ng tingin pero huli na ang lahat dahil nilamon na niya! Kingina!

"Hehe. Akin na lang a?" Sabi niya habang nakatingin sa'kin. Tumaas ang sulok ng labi ko habang naiiling na lang.

"So matakaw talaga!" Bulong naman ng katabi ko bago maligayang humarap sakin. Pinagdikit niya pa ang dalawa niyang kamay at pinapungay ang mata. Kakaiba ang tingin niya sa'kin. Napailing ako.

May pakiramdam akong magiging human experiment ako nito ah!

"So, anong unang gagawin natin?" Tanong ko nalang. Tapos na si Garet sa pagpapak niya ng chocolate cake ko at pinagdidiskitahan na naman ang cappuccino ko! Tsaahh!

"First nating gagawin is... let's eat muna!" Masayang palakpak niya. Nakisang-ayon rin ang isang baboy. Aba perstaym to ah! Atsaka siya naglabas ng parang isang notepad. "Ito ang itinerary natin!" Sabay pakita sa'min nung hawak niya.

"Grabe! Parang magbabakasyon lang tayo a! May ganyan-ganyan ka pang nalalaman! Hoy! Paalala ko lang saging, last minute preparation na'to, sa lunes na ang challenge!" Sarkastikong saad niya sabay katok pa sa mesa.

Maarte namang hinawi ni Amarie ang buhok niya, "I know kaya! Kaya nga para walang time na masayang, gumawa ako ne'to! I mean so..." laban niya rin sa isa.

Ba't ba ang init ng dugo nila sa isat-isa? There's really something...

"Tss. E bakit may pasalon-salon pa?!"

"E malamang! Kasali na yan para sa beauty category! Pwede ba tomboy?! Huwag ka nang kumontra! If I know wala sa vocabulary ng isang tomboy na katulad mo ang salitang pagpapaganda! So shut up!" Sabay pilantik pa nito sa kamay na parang nagpapatahimik. "E ikaw? May naisip ka na ba para sa Skill Category na ituturo mo?" Ani Amarie habang naka-cross arms pa. Nakataas ang kilay at nanghahamon ang tingin.

Kumpyansa namang ngumisi ang isa, "ako pa?!" Nagmamayabang ang tono nito. Tss. Hindi na ba talaga matahimik ang dalawang to?! Nakakarindi na e!

Bangayan pa rin sila ng bangayan na para bang may seryoso talaga silang pinaglalaban. Wala sa sariling napatingin ako sa gilid ko. Sa may glass wall kung saan kitang- kita ko ang mga taong naglalakad.

Napaangat ako ng tingin at kasabay nun ang pagtama ng paningin naming dalawa. Parang bumagal ang takbo ng paligid at parang wala na akong naririnig. Isang segundo. Isang segundo lang yun pero parang nabasa ko ang ipinaparating ng tingin niya!

I gritted my teeth and clenched my fist. Kanina niya pa alam na nandito ako! He knew me! He fucking recognized me!

I shake my head. Kung ganon, bakit hindi niya ako nilapitan? Bakit?! Arrg, as if I want to rin noh! Bahala siya sa buhay niya! Pero nilayasan ko lang siya nung gabing yun!

E ano ngayon?! Aish! That gay is really making me sick! Ang akala ko ba kakalimutan ko na siya? He's nothing! And I don't know why I can't shove him away in my mind! Shit!

Bahagya lang na lumingon ang ulo niya sa gawi ko habang nakababa ang paningin niya at saktong tumama sa mga mata ko. Hindi ko na siya nagawang lingunin pa o sundan ng tingin. Nanatiling nakatulala pa rin ako.

And shit! Hindi ko nakita ang mukha niya!

Ilang ulit akong lumunok. My train of thoughts got interrupted when Amarie tap my shoulder. Thank goodness I wake up in his trance. Lumingon ako sa kanya at nakakunot na ang noo niya sa'kin. Inilingan ko nalang siya at sinenyasan.

Nakanguso naman itong tumango -tango. "Okay Chemistry so-so! As I was saying, hindi ka na kakain because kailangan mo i-maintain ang figure mo! Oh my so! Tama na ito! Let's go sago na!" Energetic niyang saad.

Sabay silang tumayo ni Garet at pumunta na sa counter. Napasingkit ang mata ko ng mapansing halos lahat pala ng mga customer ay tumatayo at sariling sikap na umoorder sa counter. Naisip kong ako lang pala ang nilapitan ng isang tauhan dito at kinuhanan mismo ng order. Oh well, I think I'm special.

Tama. Special child!

Oh shut the fuck up brain!

ILANG TANG'NANG boutique na rin ang pinaglilipat-lipatan namin pero hindi nakokuntento si Amarie. Kanina pa nga nagrereklamo si Garet pero tinatarayan lang siya ng huli.

Pati ako ay nabubugnot na rin. My patience is not that long. I'm starting to get annoyed too. Malakas akong humugot ng hininga.

Nasa hamba na kami ng pintuan ng biglang pumalakpak si Amarie at nakangiting tumingin sa'min. "This is it na so-so! I promise from the deepest bottom of my heart na last na talaga ito! He-he." Nakapanatang makabayan gesture pa siya.

"O siya-siya! Pasok na." Walang gana kong saad. Bumuntot nalang samin si Garet at wala na ring nagawa. Pagpasok namin ay sinalubong kami ng mga staff. Kinausap naman ito ni Amarie at sinabing ilabas lahaaat ng long gowns nila. Tss. Ano nga bang meron sa unang Category?

Sinenyasan kami ni Amarie na umupo muna sa isang sofa doon na may sobrang laki na salamin sa harap. Pabagsak akong naupo at nag-cross arms. Pumwesto si Amarie sa harapan namin at namewang.

"Okay Chemistry so-so! A little bit orientation muna bago ka mag-fit ng mga gowns," She looks serious saying it so I ready my ears. Looking at Amarie right now, minus her yellow accessories, she looks like a teacher. "As we've said yesterday," sabay turo niya sa katabi ko na nakayuko lang at nagbabasa ng magazine. " Three ang Category ng Challenge ngayong lunes."

"Una," nagpalakad lakad siya sa harapan. "Ang Beauty Category, hindi mo kailangan mag-effort dahil maganda ka naman, ang gagawin mo lang dun ay tatayo, magpapacute." Nakangiting aniya. Napanganga naman ako. The hell?! Ganun lang? Sabi ko na eh. Kalokohan lang lahat ng ito.

Bago pa ako makapagsalita ay naunahan na ako ni Amarie. "Hep! Hep! Bago ka mag-react Chemistry so-so, sasabihin ko lang sayo na ang School Empress ay dapat naman talagang maganda, saan ka makakakita ng Emperatris na pangit diba?!"

Nga naman.


"Pangalawa,"sabay peace sign niya. "Sa Brain Category naman, hindi namin sure kung anong klaseng laro ang mangyayari doon, bawat taon na magpapalit ng Empress ay iba-iba ang challenge pagdating dito sa Brain Category. And of course, kaya may ganitong challenge, is because, an Empress is not all about the looks, it should also had the brain. Intelligence is more important than physical appearance. It is one of the greatest assets. You'll be more attractive." Then she wink.

Tumango-tango nalang ako. Tama naman. "At pangatlo," she raises her three fingers," The Skill Category, basically, that tomboy will going to be your coach. You need to know how to fight e. Hindi rin namin sure kung anong klaseng laban na naman ngayon. Pero nagbabago talaga siya kada year. I mean so..."

I tsked. Basically too, I don't need a goddamn coach. Oo nga pala, hindi nila alam kung sino talaga ako. Pero nagdadalawang isip pa rin ako. Hindi ako pwedeng makipag-away dito sa pilipinas. Lalong-lalo na sa school. Natatago nga ako diba? Makikilala nila ako kapag nakita nila kung anong istilo ko sa pakikipaglaban. Hindi ko kilala kung sino sino ba o anong klaseng mga tao ang nasa school na yun. Mas mabuti nang mag-ingat.

But something caught my attention. Ang sabi ni Amarie ay kada year daw nagpapalit ng Empress. Kung ganun, sino ang Empress Last year? At noon pa?

Magtatanong na sana ako ng dumating na yung mga inutosan ni Amarie ng magdala ng mga long gown. Ilang oras pa ang ginugol namin doon bago siya nakapili. Nakailang palit na rin ako at naiirita na talaga ako. Lalo pa at nag-aaway ang dalawa sa kung anong susuotin ko.

Hours pass by and thank God we're already done. Ang daming kapritso niya sa katawan. Muntik na nga akong magsuot ng yellow gown. Bwisit! Ang dami niya pang ni reject na sapatos, kwintas, hikaw at iba pang accessories sa napili niyang dress.

Kaya heto ako ngayon, nakasalampak na ako sa couch dito sa apartment ko. I had a rough day today, kaya ayoko sa shopping-shopping na 'yan. Nakakapagod. Nakakadrain ng energy. Kingina.

Umakyat na ako sa kwarto pagkatapos kong magpahinga saglit. Naligo na ako at sumalampak sa higaan. I deep a sigh. Hindi ako makapaniwalang mag-eeffort ako sa kalokohang 'to. Hays! Ang akala ko ay normal na buhay ang mangyayari sa'kin dito sa pilipinas. Not that I'm expecting that I'm going to have a normal life here, because I have a hunter to run for, but atleast, I need to buy some time. To have time for myself and to contemplate what's going on.

Alam kong may mali. Meron talaga. At si Lolo. Kailangan ko siyang makausap. Nang hindi nalalaman nila Mommy.

Ang sa school pa pala. Kahit anong mangyari, kailangan kong makuha ang kwintas na yun. Ngayon pa nga lang na wala ito sa poder ko ay pakiramdam ko'y may masamang mangyayari.

Ang kwintas na yun, ay importante pa sa buhay ko.

Hindi naman ako pwedeng magwala at pilitin si Science na ibalik yun sa'kin dahil baka manghinala siya sa kung anong meron dun. Mas mabuting walang nakakaalam. Mas payapa at ligtas ang lahat. 

Isa pa, kailangan kong magtagal sa Mendell High. Hindi ako pwedeng makilala, at gusto ko pang malaman kung anong meron sa school na yun.

At ang maskara ko na natagpuan daw ng Higher Councils. Alam kong nag-iimbestiga na sila at tinutugis na ako. I smirked. Oh well, karma na nila yun. Nabawi na naman nila ang mga simbolo nila e. Ang mga alaga nilang hayop. At si Aquarius na ang bahala sa kanila pansamantala. Pina-block ko na lahat ng sources na meron sila na magpapatunton sa'kin. Anong akala nila sa'kin, bobo? But I know sooner or later, they'll found me.

Aish. And daming gumugulo sa isip ko.

Sa pagmumuni-muni ko ay biglang pumasok sa isip ko si Alas. I cringed. It's weird to say or even think his name. Parang ang banal e. Nakakaasiwa.

Napatihaya ako at tumitig nalang sa kisame. His stares actually gives me chills. Blanko pero alam mong may tinatago. He's also weird. Hindi nagpapakita ng mukha.

And earlier, his eyes screams recognition. Alam niyang nandun ako pagpasok pa lang niya at pinagmamasdan siya. Pero hindi niya ako pinansin o tinapunan man lang ng tingin.

Hindi kaya gusto niyang ako ang unang lumapit sa kanya?

Hindi ko maiwasang mapatawa sa naisip ko. Tss. Asa siya!

Napakunot ang noo ko ng biglang mag-vibrate ang cellphone ko. Pagtingin ko ay text galing kay Garet. Nakapaloob dito na magkikita kami bukas sa Gym na sinend niya. Gusto ko mang tanggihan ang alok niyang tulong ukol sa ikatlong kategorya ay huwag na lang. Tama nga ang sinabi niya, dapat ay sumabay lang ako sa agos, at kapag nakakita ako ng pagkakataong umahon, ay gagawin ko. Tsaka ko sila papanuoding malunod.

To: Garet (20:43)

K.

Tamad kong reply. Naghahanda na akong matulog ng bigla na namang mag-vibrate ang cellphone ko. Inis ko itong kinuha at mumurahin na sana si Garet nang makitang unknown number ito.

From: 63+*****

Win. Or say goodbye to your necklace. This is Science. Save my number. :)

Gusto kong kuramusin ang mukha niya at burahin siya sa mundo. Bwisit na yun! Kainis! Kainis! Pano niya nakuha ang number ko?! Tsaka talagang mananalo ako noh! Hindi ko siya ni replyan at lalong hindi ko sinave ang number niya. At mas nakakapang-init ng ulo ang smiley emoticon sa huli! Sarap gawing sad!

Inis kong pinikit ang mga mata ko at inalis lahat ng mga bumabagabag sa'kin. Pinilit kong matulog at buti naman gumana.

PAGPASOK ko sa gym na sinasabi ni Garet ay agad ko siyang nakita. Pinapasok rin ako agad ng hindi nagbibigay nang bayad o card.

"Men! Wazzup!" Agad niyang bungad sakin. Pinasadahan ko siya ng tingin at hindi ko maitatanging may katawan siyang maipagmamayabang. Naka-gray jogging pants siya at fitted na black sando. She eye me also from head to toe and the grin on her face grew wider. "Sexy natin ah!" Puri niya.

I also looked myself at the whole body mirror on the side. I am wearing a black leggings and a black sports bra. Naka-ponytail rin ang buhok ko habang nakasablay sa kaliwang braso ko ang bag na dala-dala ko para pamalit mamaya.

I rolled my eyes on her at dumiretso sa isang upuan sa gilid. Nilagay ko ang bag ko doon at lumapit ulit sa kanya. "Anong unang gagawin?"

"Treadmill muna." Isinenyas niya ang direksyon. Tumango ako at walang imik na sinunod siya. Lumipas ang oras at nagpapaka-coach talaga siya sakin. Kailangan daw gumaan ng katawan ko para madaling dalhin sa pakikipaglaban. She is good. Halatang sanay na sanay siya sa mga ganito. She made me do routines and such.

I feel glad by the way. Medyo matagal na rin akong hindi nakakapag-exercise kaya naman todo ako kung pagpawisan ngayon.

I was cooling down on the side while waiting to Garet for her next instructions. Lahat ng sinasabi niya ay hindi ko kinokontra para walang duda.

I gulp the water in my mouth when I saw Garet walking in my direction already. I place my water bottle beside me and stand up to approach her.

Nakangiti siyang tumingin sa'kin, "Last na rin itong gagawin natin. I'm not sure if you can fight, but to your performance earlier, I can say that I don't have anything to worry about. Kahit routines palang yun."

Naglakad siya sa kabilang bahagi ng gym at nakita kong pumasok siya sa isang boxing ring. Kumuha siya ng pares ng kulay asul na boxing gloves at nilahad sa'kin. Kinuha ko naman yun at sinuot.

I entered the ring and faced her. Sinuot niya rin yung malapad na bagay, kung saan tumatama yung mga suntok. Pumosisyon siya pero nakatayo lang ako.

Ngumisi siya sa'kin at sumenyas na parang pinapalapit niya ako. "Try to punch." Aniya. Ginawa ko nga ang sinabi niya. I raised my right hand dahil doon ako mas may malakas na pwersang nailalabas at mabilis na nag-jab. Bahagya siyang napaatras habang may nanlalaking mata sakin. Tumuwid ulit ako ng tayo.

"P-punch again. D-do a combo." Aniya at seryoso nang tumingin sa'kin. Pumosisyon ulit ako at gaya ng sinabi niya, magkasunod kong sinuntok ang mga kamay niya at sinalo niya naman iyon. Kaliwa tapos kanan at akmang mag-uupper cut ako ay malikasi niya naman iyong sinalo ulit.

Ngumisi ako sa kanya. My feet started to do the boxing technique. Pa lukso-lukso ako at palipat-lipat ng pwesto. Napamaang naman siya sa'kin at gulat na gulat. Tuluyan nang nawala ang ngisi niya. Lumayo ako ng konti sa kanya at nag-pakitang gilas ng shadow boxing.  I can hear a swooshing sound whenever I punch in the air.

"Y-you do boxing?" Nakangangang tanong niya sa'kin. Bagsak ang balikat. Tumango naman ako at tumigil saglit. "Ba't di mo sinabi sa'kin?"

"Di ka naman nagtanong." Balewalang ani ko tsaka nagkibit balikat. Napakurap naman siya ng dalawang beses.

UNENDING screams was overheard here in the gymnasium. Kahit saan ako tumingin ay ang excited na mga mukha ng mga estudyante ang nakikita ko. Pagtingin ko sa kabilang dulo ay mayroon pang banda ang tumutugtog.

May sariling upuan rin ang Black Superiors sa harap. Nasa gitna nila ang Emperor. I straightly looked at him in the eye and he did the same. Binigyan ko siya ng makahulugang tingin.

Watch and learn, dumbass! I'm going to be your Empress tonight.

Nakita kong itinaas niya ang kanyang kamay. May bagay na kumislap doon at alam kong ang kwintas ko ito. Napabuntong hininga akong nag-iwas ng tingin dahil naiirita na ako sa laki ng ngisi ng bwisit!

Napatingin ako sa mga tao.

Kung kanina lang ay tahimik sila nung lumabas ako, ngayon ay hindi na sila magkamayaw sa pagsigaw. Ako ang pinakahuling tinawag kanina dahil ako rin ang pinakahuling pumayag na sumali dito.

I'm standing here in my place with full of elegance. With my feisty and don't mess with me look. I can say that all students here are looking at me with awe. I roam my eyes around, and blink several times because of the flashes of cameras.

Ang sabi ni Amarie ay may tatlong judges daw para sa tatlong category na nasa audience nakaupo. Magkakahiwalay ang mga upuan ng mga ito at nakikihalo sa mga manunuod. Walang nakakaalam kung sino-sino sila.

I smirked. So this is it, huh? I'm really in. I'm really here. It's now or never.

This is the Start of the Challenge. And watch me win, birdbrains!










****

A/N: 051520

Continue Reading

You'll Also Like

395K 14.3K 43
!Adult/Possessive and Asshole!
713K 24.4K 25
"မောင် မဆိုးစမ်းနဲ့ကွယ်" "ကျုပ်ကိုမချုပ်ခြယ်နဲ့"
118K 1.3K 26
mikhaiah
123K 3.8K 77
Long before time had a name, the first spinjitzu master created Ninjago, using four elemental weapons, but when he passed a dark presence sought out...