✔Sold to Medusa

Av NoxVociferans

57.1K 5.2K 481

Anong gagawin mo kapag nalaman mong ibinenta ka ng sarili mong bestfriend? Matagal nang alam ni Rein Aristell... Mer

PROLOGUS
UNUM
DUO
TRES
QUATTOUR
QUINQUE
SEX
SEPTEM
OCTO
NOVEM
DECIM
UNDECIM
DUODECIM
TREDECIM
QUATTOURDECIM
QUINDECIM
SEDECIM
SEPTEMDECIM
DUODEVIGINTI
UNDEVIGINTI
VIGINTI
VIGINTI UNUM
VIGINTI DUO
VIGINTI TRES
VIGINTI QUATTOUR
VIGINTI QUINQUE
VIGINTI SEX
VIGINTI SEPTEM
DUODETRIGINTA
UNDETRIGINTA
TRIGINTA
TRIGINTA UNUM
TRIGINTA DUO
TRIGINTA TRES
TRIGINTA QUATTOUR
TRIGINTA QUINQUE
TRIGINTA SEX
TRIGINTA SEPTEM
DUODEQUADRAGINTA
UNDEQUADRAGINTA
QUADRAGINTA
QUADRAGINTA UNUM
QUADRAGINTA DUO
QUADRAGINTA TRES
QUADRAGINTA QUATTOUR
QUADRAGINTA QUINQUE
QUADRAGINTA SEX
QUADRAGINTA SEPTEM
DUODEQUINQUAGINTA
UNDEQUINQUAGINTA
QUINQUAGINTA
QUINQUAGINTA UNUM
QUINQUAGINTA DUO
QUINQUAGINTA TRES
QUINQUAGINTA QUATTOUR
QUINQUAGINTA QUINQUE
QUINQUAGINTA SEX
QUINQUAGINTA SEPTEM
DUODESEXAGINTA
UNDESEXAGINTA
SEXAGINTA
SEXAGINTA UNUM
SEXAGINTA TRES
EPILOGUS

SEXAGINTA DUO

587 70 4
Av NoxVociferans

"N-No.. p-please, ayoko.."

"Too late, Medusa. Wala nang makakapagligtas sa'yo."

Sa isang iglap, bumalik na naman ang lahat ng sakit na dala ng alaalang matagal na niyang pilit itinatago sa kanyang isipan. Now, as she stared into Ares' sinister eyes, all those bad memories resurfaced along with the pain and trauma. Tila ba nanikip ang dibdib ng Medusa nang makuha na niya ang kumpirmasyong hinihintay niya.

"I-Ikaw..."

Ares smirked and touched her cheek. Hindi makakilos si Medusa. Nanginginig na sa pinaghalong takot at galit ang kanyang katawan.

"I knew Athena always favored you. Dahil ilang ulit niyang tinatanggihan ang alok kong kasal, I decided to taint her beloved priestess instead. Kasama na sa plano ko ang pagmukhaing si Poseidon ang may gawa nito. That night, I used a spell to shape-shift myself into his form, temporarily use his powers, and followed you and your mortal boyfriend.. you know what happened next, right? Hindi na nga pala kita napasalamatan. Naligayahan ako ng gabing iyon, halimaw."

Medusa felt disgusted.

Habang tumatagal, lalo na siyang kinakapos ng hininga. Sinubukan niyang pakalmahin ang sarili. Damn. Hindi siya pwedeng magpadala sa kanyang mga emosyon. Hindi ngayon..

"A-At ano naman ang napala mo?

Don't kil him. Don't kill him..

"Poseidon and I were always enemies. Plus, I wanted his trident. Being the god of war, I decided to hit two birds with one stone---gagahasain kita para turuan ng leksyon si Athena at pagmumukhain kong si Poseidon ang may gawa nito para sa kanya ka maghihinganti. Of course, you played your part of the plan very well. Thank you for killing him for me."

Namayani ang katahimikan sa buong templo. Para bang ramdam nila ang tensyong namumuo sa paligid. Para bang nakikiramay sila sa trahedyang nangyari kay Medusa. Sa gilid ng kanyang mga mata, nakita niyang sumiklab ang galit sa mga mata ni Rein. "LAYUAN MO LADY MEDUSA!"

Ilang sandali pa, tinatawag siya nito..

Pero wala siyang naririnig.

Medusa tuned out the sound of his voice and every other noise around her.

Huminga siya nang malalim at pinilit kontrolin ang halimaw sa loob niya. It taunted her to kill him, turn him into stone, or stab the trident to his chest. 'No.. I-I am not like him. Hindi ako isang halimaw.' She balled her hands into fists. Breathe in, breathe out. Soon she managed to smirk at Ares. Nabigla ang diyos ng digmaan nang makita ang pilya niyang ngiti.

"You don't need to thank me, you sick bastard..."

"And why is that?"

"Because Poseidon isn't dead."

Nanlaki ang mga mata ni Ares. Bago pa man siya nito saktan, tinuklaw ng mga ahas ni Medusa ang mga mata ng diyos. He cursed and stumbled back, just in time when Zeus stood up and threw a thunderbolt at Orpheus' instrument.

Nasira ang lyre.

Huminto ang musika.

The gods and goddesses stood up and regained their strength. Ilang sandali pa, nagpakurap-kurap si Orpheus na para bang kagagaling lang niya mula sa matagal na pagkakahimbing.

"You can come out now," Mahinang sabi ni Medusa.

Nagulat ang lahat nang biglang bumaha sa templo. Hindi nila alam kung saan ito nagmumula. Maya-maya pa, gumalaw ang tubig. Soon the water took the form of the god of the sea himself, Poseidon. Matalim ang kanyang mga mata nang ilahad niya ang kanyang kamay. Agad na bumalik sa kanya ang kanyang trident at itinutok ito sa direksyon ng isang naguguluhang Ares. He was still crying blood.

"P-Paano nangyari 'to...?"

Medusa walked towards him. Sa kabila ng katotohanang baha sa templo, maririnig pa rin ang pagtunog ng kanyang high heels sa sahig. She glared at him with so much hatred but kept her emotions at bay. As much as she wants to slaughter him, alam ni Medusa na hindi ito ang oras para magpadala sa galit.

"Noong nagkita kami ni Poseidon, kamuntikan ko na siyang napatay. Pero bago ko pa man 'yon nagawa, pinigilan nila ako ni Athena at inamin ang katotohanan. Matagal na daw nilang pinaghihinalaang ikaw ang gumahasa sa'kin noon, pero dahil wala silang ebidensiya, they couldn't find a way to prove it. That's why I surrendered myself, Ares. Sinadya kong sumuko rito dahil gusto kong makumpirma ang sinabi nina Poseidon at malaman ang totoo.."

Medusa remembered that night. Kamuntikan na niyang sinaksak si Poseidon gamit ang trident nito. She was blinded by her anger, but what he told her made her pause.

"I wouldn't do that if I were you. Especially since I'm not the god who took advantage of you.." seryoso nitong sabi nang hindi man lang natinag sa trident nitong nakatutok sa kanyang leeg.

Pagak na natawa si Medusa. Her monster was taking control of her again. Malamang sinasabi niya lang ito para makaligtas sa galit niya. She hissed at him, "Liar!"

"Makinig ka sa'kin, hindi ako ang gumawa 'non! It was Ares!"

"WALA AKONG ORAS MAKINIG SA MGA KASINUNGALINGAN MO!"

Nang subukan niyang saksakin si Poseidon, agad na nakailag ang diyos. Sa kabila nito, nadaplisan ng trident ang kanyang braso. His blood stained her cheek as Medusa ran towards him again. Handa na niyang tapusin ang buhay ng demonyong ito kahit pa alam niyang posible niya itong pagsisihan sa huli. Killing a god had consequencces and Medusa knew that she'll probably get executed.

But right now, she doesn't care.

She's already been hurt. Isa pa, wala na rin namang saysay ang mga plano niya. Patay na si Linae at hindi na niya matatanggal ang kanyang sumpa.

"Medusa."

That voice stopped her.

A voice she hasn't heard for several centuries now.

Hinanap niya ang boses. Medusa was regaining control over her own body again when she spotted a shadow of Athena approaching them. Sa pananatili niya sa templo ng diyosa, alam niyang nagpapadala lamang ito ng anino tuwing abala siya sa pag-aasikaso sa mga disipolo niya sa templo. Still, her presence made her feel ashamed for her actions. The goddess of wisdom had always warned her of her temper.

"Athena.. a-anong ibig sabihin nito?"

Athena's shadow spoke, "Totoo ang sinabi ni Poseidon. Noong gabing 'yon, masama na ang kutob ko sa mga nangyayari. When I talked to Poseidon, he denied even being near our shores that night. Nagkaroon kami ng hinalang si Ares ang may pakana nito dahil matagal-tagal na rin niya kaming hinihimok sumali sa kanyang rebelyon. That's the reason why we never punished Poseidon for that crime, Medusa.. because we weren't even sure that he was behind it. I'm sorry."

"Wala kaming matibay na pruwebang si Ares nga ang may gawa 'non, kaya't hindi pa namin malapitan si Zeus para parusahan ang kanyang anak." Poseidon said while nursing his injury.

Wala siyang tiwala kay Poseidon. Pero alam ni Medusa na hindi nagsisinungaling si Athena. The goddess of wisdom can keep a secret, but she doesn't twist her words.

For the second time that evening, Medusa felt betrayed.

"K-Kung si Ares nga ang bumaboy sa'kin.. bakit ngayon mo lang 'to sinabi? Athena, I've been trying so hard.. n-napapagod na ako. Gusto ko nang tanggalin mo ang sumpang ito."

"We were waiting for the perfect opportunity to strike Ares down, Medusa.. para mapagbayaran niya ang ginawa niya sa'yo. Ngayong nalalapit na ang araw na susubukan niyang agawin ang trono ni Zeus, we decided to act and reach out to you. But I need you to compose yourself and don't let your emotions take over your judgment again. Maaasahan ba namin ang tulong mo?"

Napayuko si Medusa. Nanginginig ang mga kamay niya sa galit. Ayaw man niyang balikan ang kanyang masalimuot na nakaraan, she knew that a part of her wanted to confirm this information. Para na lang sa ikatatahimik ng kaluluwa niya.

"Fine. But what about my curse? Linae is dead."

"Patience, Medusa. You'll be surprised."

Hindi na niya kinulit pa ang diyosa. Sa lahat ng Olympian gods, si Athena ang pinakamisteryoso. Mula noon, hindi nito sinasabi ang mga nalalaman niya at palaging may rason ang kanyang mga ginagawa.

So, that night, since Ares was expecting she'd kill Poseidon, they made it look that way.

Nagtago muna ang diyos ng karagatan sa kalapit na lawa at sinadya nilang iwan ang duguang trident sa sementeryo para mahanap ito nina Ares.

Medusa was pulled out of her memory lane when Zeus cleared his throat. Mukhang nabawi na nito ang nawala niyang lakas kanina. That snake bite helped him regain consciouness. Natahimik naman ang lahat ng mga diyos at diyosa. Tuluyan na nilang ginapos ang mga traydor gamit ang ginintuang mga kadena. Ares was being held by Anteros and Poseidon. Mahina pang natawa ang kakambal ni Eros at tinadyakan si Ares.

Well, atleast got his revenge.

Huminga nang mamalim si Medusa. Gustong-gusto na niyang patayin ang lalaking sumira sa buhay niya...

But she had already learned her lesson.

She won't allow herself to become the monster she always tried to run away from.

Soon, the god of the sky took his rightful throne and addressed them.

"The temple will be transported back to Mt. Olympus in a few hours. The gods who supported Ares will follow him into the deepest pits of the Underworld. Si Hades na ang bahala sa inyo," nang dumako kina Medusa ang mga mata ng hari, huminga ito nang malalim. "And for Medusa..."

Reim, Markus, Caprissa, Desmond, Adonis, and even Morgana held their breaths.

Samantala, nakayuko naman si Medusa, handang tanggapin ang anumang kaparusahang ipapataw sa kanya. Hindi man siya nito paparusahan dahil sa "pagpatay" niya kay Poseidon, she will probably be thrown into jail for all the crimes she committed before. In fact, she wouldn't be surprised if they executed her.

Kaya nagulat na lang ang lahat nang magsalita ulit si Zeus, "...I apologize for what my son had done to you. Sa kabila nito, pinili mo pa ring tumulong para maibalik sa ayos ang lahat. As a token of my gratittude, you will not be punished for your past crimes. You will no longer be a wanted criminal in Olympus, Medusa."

Napaangat ng ulo si Medusa. Hindi makapaniwala sa kanyang narinig. Nang makita niyang seryoso si Zeus na humihingi ng tawad sa nangyari sa kanya, Medusa did the unexpected---she humbly bowed.

Hindi na siya itinuturing na isang kriminal, at sapat na 'yon para sa kanya. Plus, Ares will finally be punished for all the twisted things he did.

It was enough.

"So, Lady Medusa, you lied to me about you killing Poseidon?"

Agad na ngumiti si Medusa nang tumabi sa kanya si Rein. Hindi na siya nagreklamo pa nang hawakan nito ang kanyang kamay.

"I had to, Aristello. Para mas kapani-paniwala. Isa pa, nagsinungaling ka rin naman tungkol kay Linae. That makes us even." Mahinang natawa si Medusa.

Pero agad ring siyang huminto nang mapansing napuno muli ng tensyon ang paligid. Bakit ba ganoon ang mga ekspresyon nila? Nag-iwas ng tingin si Rein at huminga nang malalim. Maging si Markus ay nailang. They're both acting weird. Para bang may gusto silang sabihin sa kanya...

"Anong problema?" Napataas na lang siya ng kilay at humalukipkip.

Ilang sandali pa, humakbang papalapit sa kanya si Caprissa. The twelve-year-old girl smiled apologetically at her. Bago pa man niya ito usisain, natigilan si Medusa nang mapansin ang kulay kahel na nitong mga mata. The same color of her cat fur whenever sunlight struck her feline form.

In that instance, she understood.

"I-Ikaw si...Linae?"

"I'm sorry, Lady Medusa."

"B-But you're already dead! I-I saw your grave. Ano bang kalokohan 'to?!"

Naguguluhan na si Medusa sa mga nangyayari ngayon. Agad siyang humakbang palalayo kay Caprissa. Gustuhin man niyang isipin na isang malaking gimik lang ito, o nagsisinungaling sa kanya ang bata, a part of her can feel the truth in this.

Caprissa is Linae.

Huminga siya nang malalim at hinanap ang anino ni Athena, pero tuluyan na itong naglaho. Malapit nang mag-umaga sa Eastwood at alam niyang ilang sandali na lang, babalik na siya sa pagiging pusa.

"Paano nangyari ito? Ano ba talaga ang nangyayari rito?! N-Napapagod na ako. Damn it, I am so sick and tired. Gusto ko na lang alisin ang sumpa na ito..." She hugged herself. She felt so damn vulnerable again. "G-Gusto ko nang tapusin ito, Linae..bakit ba pinipigilan mo akong bumalik sa templo? N-Napapagod na ako."

Ngumiti nang malungkot ang bata at ipinikit ang kanyang mga mata.

Binalutan sila ng isang kakaibang mahika habang nakamasid lang ang iba sa kanila. Medusa felt that familiar feeling again. Suddenly, there was a dull pain in her bones---but the light slowly washed it away, cleansing her soul. May ibinulong na mga salita si Caprissa hanggang sa para bang gumaan ang kanyang pakiramdam.

Nawala na ang sumpa.

"Panahon na po para bumalik ka sa templo ni Lady Athena, Lady Medusa. Siya lang ang makakapagbigay ng mga sagot sa lahat ng mga katanungan mo."

Medusa stared at her in disbelief. Her mind couldn't grasp what's actually happening now. 'Athena's temple..'

Ilang daan taon ba niya pinaghandaan ang araw na ito?

Magmula noon, nabuhay si Medusa para maisakatuparan ang kanyang mga plano. She endured all those lonely years to reach this moment. To finally go back to where it all started. Simple lang ang kanyang plano, pero kahit kailan, hindi ito naging madali para sa kanya. Lalo na ngayon..

Sinulyapan niya si Rein Aristello. Seryoso lang siyang nakatitig sa kanya. "Go. Hihintayin namin ang pagbabalik mo, Lady Medusa. I won't leave this spot until you come back."

Malungkot siyang ngumiti. 'Kung alam mo lang sana...' she took one last glance at the others... Markus, Adonis, Desmond, Pamela, until her eyes found Morgana's. Katulad ng inaasahan niya, nakasimangot ito. Hindi niya gusto ang ideya ng pagbabalik niya sa templo, pero wala na rin itong ginawa para pigilan siya. Maging sina Eros at Anteros, nakatingin na rin sa kanya. Huminga nang malalim si Medusa at sa wakas, itinuon kay Caprissa/Linae ang kanyang atensyon.

"Take me to Athena's temple."

Caprissa nodded and started to open the portal. She began to chant ancient words and closed her eyes to concentrate on the spell. Bahagyang umihip ang malamig na hangin na nakapagpalutang ng kanyang buhok. Her pigtails and pink ribbons flew like butterflies caught in the wind.

'I'm sorry I have to leave you again, Rein.'

Medusa wanted to stay. She wanted nothing but to be wrapped in his arms and kiss him.

But she needs to do this.

Dahil lingid sa kaalaman ng iba, noong gabing nawala niya ang lahat at isinumpa siya ni Athena, may nawalang parte ng kanyang pagkatao. Medusa knew that she lost something more valuable than her virginity that night and it haunted her eversince. Matagal na niyang gustong buuin ang kanyang sarili. At para magawa 'yon, kailangan niyang hanapin ang nawala niyang parte sa templo ni Athena.

She simply needs to find a piece of herself in the place where she lost it.

Medusa vaguely remembered.. Before she left the temple, a very long and lonely time ago, the goddess of wisdom told her that it will be alright.

Medusa will put her faith in Athena's words, one last time.

Soon, the space in front of her warped. Sumilay mula roon ang matamlay na liwanag na nagmumula sa mga kandila ng templo. The smell of papyrus scrolls and sandalwood reached her nose. The scent was all too familiar.

Nang lingunin niya si Caprissa, napansin ni Medusa na unti-unti namumutla ang bata. Pero sa kabila nito, nakangiti pa rin ito sa kanya.

"C-Capri---"

"The goddess is waiting for you, Lady Medusa. Please, 'wag ka na pong mag-alala sa'kin. Sapat na po ang pahirap na ibinigay ko sa'yo noon.." Caprissa/Linae started crying again. "You deserve to be happy, Lady Medusa.. everything will be alright."

She smiled, admist tears streaming down her now sunken face.

Huminga nang malalim si Medusa at muling hinarap ang lagusan.

Without sparing them another glance, Medusa walked towards the portal.

The sound of her high heels soon faded.

---

Fortsett å les

You'll Also Like

4.2M 91.2K 41
Heaven and hell have conditions for you to enter. They won't base it on how you have live your life. They'll give you the privilege to choose. ...
24.1K 2.7K 62
The GG Diaries #2 "Ako si Bambu, ang bampirang bungal. Nakakilala ng isang nilalang, sa itaas ng punong yakal. Pinatulog niya ako't hindi nagtagal ay...
136M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
574K 17K 86
Kayla is not your ordinary girl. Why? Because she really isn't. May kakayahan siyang hindi naiinitindihan ng ibang tao. She has a third eye. Hindi n...